5


Kabanata 5:
Baby Girl


Pagkadating ni Janry sa kanilang bahay ay nakasalubong siya ng isang nakakarinding tinig mula sa kanyang nakababatang kapatid.

"Kuyaaaaaaa!" Malakas pa nitong bati sa binata.

"Ano ba 'yan, Jemmy! Ang ingay mo naririnig na kita hangggang sa kabilang baryo!" Pigil ang inis na sigaw niya pa rito habang papasok sa salas nila.

"Hehehe," Nakangising tumawa ang bata at mas gumitgit pa sa tabi ng binata.

"Pasensya na po, Kuya!" dagdag pa niya saka ito naglabas ng dalawang daliri. Yung daliring nagporma ng 'peace sign'.

"Namiss lang po talaga kita! Si Mama kasi ih, ayaw pa niyang umuwi rito eh hayan tuloy miss na miss ko ng asarin Kuya ko!" Nakangusong kuwento nito bago niyakap ng mahigpit ang kuya niyang ilang buwan din niyang hindi nakita. Yumakap nalang din ang Kuya Janry niya pabalik.

Pagkatapos ng mahigpit na yakap ng magkapatid ay naglakad na silang dalawa patungong sala habang nakaakbay si Janry sa nakababatang kapatid nito na si Jemmy. Nang matunton nila ang sala ay sabay silang umupo sa parihabang kulay kape nilang sofa.

"Hays, ako rin naman eh. Aminado ako na namimiss ko rin ang ingay dito sa bahay." Nakangiting komento ni Kuya Janry sa kaniyang kapatid.

"Ay! Namiss mo rin pala ako eh." Boses batang tugon ng kapatid niya tsaka humarap sa kaniyang kuya.

"Oo naman. Wala ng marumi, wala ng nagkakalat ng kung ano ano rito at higit sa lahat, walang nag-iingay pagdarating ko sa bahay." aniya na tumingin pa sa nakababatang kapatid.

"Tsh. Namiss mo nga, puro lait naman inabot ko. Uwi na nga po tayo Mama sa Maynila!" waring nagtatampong wika ni Jemmy dahilan para tawanan siya ng kuya niya. Umiwas siya ng tingin at nagsimulang magtaray.

"Ito naman, hindi na mabiro. Halika nga rito sa tabi ni Kuya," Pigil ang tawang utos ni Janry sa kapatid saka siya tumabi rito subalit no'ng lumapit na siya sa tabi nito'y bigla siyang nilayuan. Lumapit pang muli si Janry sa kapatid ngunit patuloy pa rin ang paglayo nito sa kanya.

"Oh? Bakit? Minsan na nga lang kayo rito sa bahay ko, ganiyan ka pa sa akin." ganti rin ni Janry sa kapatid gamit ang nagtatampo pa nitong boses.

"Eh kasi po Kuya... nakakainis ka! Minsan na nga lang tayo magkausap puro lait pa rin natatanggap ko sayo, apakamo hmp." reklamo ng kapatid nito bago sumimangot ang mukha.

"Ashi... Sorry na baby girl ko. Hindi ko na po mauulit. I love you, baby ko." Seryoso munit nakangiting pambawi naman ni Janry sa kapatid nitong si Jemmy.

"Alam mo Kuya, ang lakas mo po talaga. O sige na po pinatatawad na kita. Sorry Accepted! I love you too!" Abot-tenga ang ngiti ng bata saka ito humalik sa pisngi ng kuya niya. Ngumiti sa kanya si Janry tsaka ito tumayo.

"Oh, saan ka po pupunta?" takang tanong ng kapatid nito.

"Sa Kusina po, titingnan ko kung anong ginagawa roon ni Mama." paliwanag ng binata saka niya hinawi ang buong buhok ng kapatid, kaya naman inis na napatingin ito sa kanya.

"Kuya naman eh! Huwag naman po yung buhok ko." iritableng usal ni Jemmy kay Janry tiyaka nito inayos ang buhok na ginulo ng kanyang kuya.

"Tsh. Akala mo talaga napakaganda ng buhok mo hahaha! At isa pa, hindi ko naman ginulo iyan. Hinawi ko lang kaya." Mapang-asar na depensa ni Janry na sinadya na namang guluhin ang inaayos na buhok ni Jemmy.

"Kuya!" Inis na sigaw muli ng kanyang nakababatang kapatid.

Tumawa lang si Janry habang patungo ito sa kusina kung nasaan ang kanilang ina. Pagkapasok pa lang niya sa rito'y inintriga na kaagad siya ng kanilang nanay.

"Oy! Ano ba kayong dalawa, hanggang ngayon pa rin sigawan pa rin kayo ng sigawan." saway pa nito habang ito ay nagluluto ng paborito nilang pagkain na sinigang na baboy.

"Si Jemmy po talaga iyon Mama," waring nagsusumbong na saad ni Janry tsaka ito lumapit sa ina.

"Hay nako, ikaw matanda eh." sermon naman nito sa binata.

"Oo na, Ma. Hayaan mo bonding lang namin 'to," palusot ni Janry sa kaniyang ina na bahagya pang tumawa at tumahimik saglit.

"Oo nga po pala. Bakit ngayon niyo lang po naisipan na dumalaw dito sa bahay?" takang tanong ng binata dahil sa biglaang pagpunta nilang mag-ina sa kanyang tahanan.

"Hayan oh. Yung kapatid mo nagpumilit sakin na bumalik dito para raw masamahan ka namin dito kasi palagi ka nalang daw mag-isa. Miss ka na rin daw niya." Simpleng sagot ng ina nito habang naghahalo ng kanyang niluluto.

"Oh eh, paano na ho yung trabaho niyo ro'n sa Maynila?"

"Anak, hinay ka lang. Hindi ako nawalan ng trabaho. May day off ako ngayon kaya may libreng oras ako para pumunta rito. Gusto ko rin kasing bisitahin ka, kumustahin ka, kung anong kalagayan mo."

"Hays, okay lang naman ako Ma pero salamat na rin po kasi dumalaw kayo rito." Malambing na ani Janry saka niyakap ang ina nito mula sa likod.

"Oh siya. Hihintayin nalang nating kumulo ito, para makakain na tayong tatlo."

"Namiss na rin po kita Mama, sa totoo lang." Malungkot na saad pa nito habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ng kanyang ina.

"Bakit ba kasi ayaw mong pumuntang Maynila? Para naman sama sama na tayo roon." suhestiyon ng ina ni Janry na siyang tinututulan parati ng binata.

"Ito na naman po tayo, Ma." Kumalas siya mula sa pagkakayakap nito.

"Sorry na, hindi ko na ipipilit dahil ayaw mo nga. Osiya, patapos na ako rito. Tawagin mo na kapatid mo ro'n para makakain na tayo ng sabay." Malumanay na utos ng ina nito saka humigop ng sabaw. Tinikman nito kung tama ba ang timpla ng kaniyang niluto.

Kumuha na ng mga pinggan at kutsara si Janry at tinawag na si Jemmy.

"Jemmy, kakain na!" pasigaw na tawag ni Janry sa kapatid.

"Opo, nandyan na po Kuya." tugon naman sa kanya nito saka binitawan ang telepono na kanina niya pa nilalaro.

At habang kumakain ay tuloy pa rin ang kuwentuhan ng magkapamilya ngunit sa kabila nito'y may biglang kumatok sa pintuan ng kanilang tahanan dahilan para maantala sila pare-pareho...





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top