30
Kabanata 30:
Ang Paglunas
Dumating na din ang Araw ng Pagtatapos o mas tinatawag nilang, Moving Up Ceremony Day o ang MUCD.
Moving Up Day. Keep going completers! April 4, 2012.
Masaya ang mga kamag-aral ni Rose, ganoon din naman siya. Halos lahat naman magiging masaya kung makakatanggap ng diploma.
Puro congrats o congratulations ang maririnig sa loob ng auditorium kung saan naganap ang moving up nila.
Nung natapos na ay niyaya ni Kiko si Rose sa bahay nila. Nagpaalam naman ang dalaga sa ama nito at pumayag naman at nangakong uuwi pagkatapos.
Nagsikainan lang ang apat doon. Sina Rose, Angge, Roms, at Kiko. Pagkatapos no'n ay nagkuwentuhan pa sila sa kung paano nagsimula ang istorya ng dalawa.
Napag-alaman ni Rose na sa isang inuman pala nagkakilala sila Romeo at Kiko at doon din napagtanto ni Francisco na maaring maging magkasintahan sina Roms at Angge. Pinayuhan niya lang pareho ito at doo'y nagkaaminan sila.
***
Sa kabilang banda,
Dumako muna tayo kay Carlito na kasalukuyan namang nagbabasa ng sulat. Ngayon niya lang nabasa nang maayos ang sulat na ibinigay sa kanya ni Aling Erlynda.
Ito ang nakasaad sa sulat.
Mahal kong Carlito,
Nais ko lang na ipaalam sa'yo na kapag nakapagtapos ka na ay kailangan mo ng patakbuhin ang kompanya. Isinulat ko ito upang malaman mo.
Hindi ko kasi masabi sa iyo nang personal dahil nga busy ako. Nasa US pa rin ako, anak at gusto kong sumunod na rin sa akin dito si Carlisle upang dito na kami makapagbakasyon pareho.
Oo nga pala, isa pang balita. Nais ko ring ipaalam sa'yong na may mga kapatid ka, kayong dalawa ni CJ. Hindi niyo man sila kadugo pero sana'y mahalin mo rin sila na parang tunay mo na ring kapatid. Ganoon kasi ang ipinaramdam sa kanila ni Carlisle.
Ang pangalan ng mga ito ay sina Romeo at Mariko Delos Reyes. Sila ang dalawang batang inampon ng mama Carlisle mo sa Glormolo Orphanage. Inaasahan ko na sa pagbabalik ko, riyan sa bansa natin ay nandyan na sila sa bahay. Patawad kung ngayon ko lang nasabi ito. Hinahangad ko ang iyong pag-iintindi, anak.
Hanggang dito na lang.
Ang Iyong Ama,
Don Carlton.
"Ito na ang lihim?" bulalas ni Carlo sa sarili.
"Ibig sabihin inilihim nila sa akin ang pag-ampon ni Mama? Dahil sa alam nilang ayaw ko sa mga ampon?" Saglit nakaramdam ng lungkot at pagkadismaya si Carlo dahil sa naisip.
Noong una itong mabasa ni Carlito ay nalito siya pero no'ng napagtanto nito na kailangan niyang intindihin ang ama kaya kahit ayaw niya ay pumayag ito.
Hinanap pa nga niya sila Romeo at Mariko saka niya pinatira sa kanilang mansyon. Nalaman din ni Carlito na isa pala si Romeo sa mga nanligaw kay Rose pero masaya na ito sa kasalukuyang relasyon na mayroon siya sa kapatid ni Francisco na si Angel.
Kasalukuyang nag-uusap ang bagong magkapatid sa kuwarto ni Romeo na ipinaayos pa ni Carlito sa ilang kasambahay nila.
"Ah eh, bakit mo kami pinatuloy dito kung ayaw mo pala sa mga ampon?" Nanliliit ang mga matang tanong ni Romeo.
"Kasi ito 'yung kagustuhan ni Daddy na nais rin naman si Mama."
"Ay sandali. Matanong nga kita, bakit ayaw mo pala sa mga ampon?"
"Hindi naman sa ayaw." Hindi nagsalita si Romeo, hinintay niyang dugtungan ng binatang kausap niya ang kuwento nito.
"Natatakot lang ako na may kaagaw ako at isa pa, may naging karanasan kasi ako noong bata pa ako. Inaapi kasi ako no'ng isa sa mga bata na naging kaaway ko eh noong nalaman kong ampon pala siya ay doon ko siya inasar para lang gantihan ko siya pero kasi kahit na ampon siya—"
"Todo naman ang mga magulang niya kung ipagtanggol siya kaya ayon. Nakaramdam ako ng inggit." salaysay ni Carlito na pinakinggang mabuti ni Romeo.
"Ah ganoon?" Takang tanong pa ng kausap nito. Tumango lang si Carlito bilang tugon sa kanya.
"Tingin mo nasa ilang taon ka na no'n?"
"Mga nasa edad 8 'ata." Hindi siguradong sagot ni Carlo.
"Eh ilang taon ka na ba?" usisa naman ni Roms.
"17 na ako." tugon ng kausap nito.
"Ah kung gano'n ikaw ang mas matanda sa'kin? Kuya na ba ang dapat kong itawag sa iyo ha? Kuya Carlo? 16 pa lang ako eh." May bahid ng pang-aasar na saad ni Romeo sa bagong kapatid nito.
"Huwag na, ginagawa mo naman akong matanda niyan." depensa ni Carlito. Natawa silang pareho ro'n.
Naantala ang pag-uusap ng dalawa nang biglang pumasok sa kuwarto ni Mariko. Isang batang babae na nasa edad 10, tunay na kapatid ng binatang si Romeo.
"Ahm... Nakakaistorbo po ba ako?" Magalang na tanong pa nito.
"Nako. Huwag kang mahihiya sa akin, Mari. Pwede mo akong tawagin na kuya. Total ang turing niyo naman kay mama ay parang nanay niyo na rin eh pwede na."
"Kuya Carlo na lang itawag mo sa'kin. Oh yan Romeo dapat si Mari lang ang tatawag ng Kuya sa akin, ha?" Natawa ang dalawa dahil sa sinabing ito ni Carlito.
"Oo na." sambit na lamang ni Romeo saka tumango.
"Halika Mari, gusto ng yakap ni Kuya Carlo." palambing na sabi pa nito sa bata.
Kaya ngumiti ito sa kanya at dali-daling niyakap ang binata. Natuwa naman si Carlito sa ginawang ito ni Mariko.
Masunuring bata, hahaha!
-----
Sa kabilang banda,
Tayo'y magtungo naman sa bahay ni Mang Ernesto. Pumunta roon si Janry dahil nais niya sanang batiin ang dalaga.
Subalit ama lang nito ang nagpakita sa kanya. Noong nagpaalam si Janry na aalis na siya ay bigla siyang niyaya ni Mang Ernesto na pumasok sa tahanan nito. Nagtaka dito ang binata munit sumunod din sa loob ng bahay nila Rose.
Kinausap ni Mang Ernesto ni Janry. Humingi ito ng tawad dahil noong una silang nagkita ay napagbalingan nito ng kanyang init ng ulo.
Nagpakumbaba naman ang binata sa tatay ng dalaga. Pinatawad niya ito saka humiling na kung pwede sana na mapasakaniya si Rose Ann.
"At ano namang gagawin mo para mapalapit sa'yo ang anak ko?" takang tanong ni Ernesto sa binata.
"Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para malunasan ko ang sakit na mayroon siya, ngayon."
"At sa oras na handa na niya muling buksan ang puso niya'y doon ko na siya iingatan at kailangan ko po muna ng basbas niyo upang magawa ko po iyon."
Ilan minutong tumahimik si Ernesto sa narinig na salita muna sa lalaki. Hindi nagtagal sinabi na rin nito ang kaniyang pasya.
"Sige, pumapayag ako. Wala namang masama kung magtitiwala ulit ako sa lalaki. Akala ko kasi hindi ito magagawa ni Carlito sa anak ko subalit nagkamali ako. Sana kaya mong hilumin ang sugat niya."
"Salamat po, makakaasa ho kayo." Nakangiting wika ng binata.
"Salamat iho." pasasalamat ni Mang Ernesto bago tinapik ang balikat ng lalaki.
Pagkatapos ng pag-uusap na ito ng dalawa'y tinupad nga ni Janry ang sinabi niya sa tatay ng dalaga.
Inalagaan niya ang dalaga. Inalalayan sa pag-aaral. Pagkatapos kasi ng moving up ni Rose ay lumipat ito ng eskuwelahan na siyang papasukan nito hanggang kolehiyo.
Sinundan lang siya ni Janry. Kaya ang kinalabasan ay nagkasama sila sa iisang paaralan. Mas nagkaroon ang dalawa ng oras upang mas makilala ang isa't isa at sabay bumuo ng magaganda't masayang alaala.
Hindi rin napansin ni Rose na unti-unti na ring gumagaling ang sugat na initanim sa kaniya ng una niyang naging pag-ibig. Napalitan ng saya ang lahat ng sakit na kanyang narasanan sa unang taong minahal niya.
"Matanong ko lang Janry, bakit noong una tayong nagkita binibini ang tawag mo sa'kin?" kunot-noong tanong ni Rose habang nakapatong ang ulo nito sa balikat ng isang lalaki.
"Eh kasi, hindi pa kita kilala noon saka may nakapagsabi kasi sa'kin na kapag makata ka raw, mas madaling makakuha ng oo mula sa isang babae na gusto mo. Eh malay ko bang mali iyon. Makukuha rin pala kita kahit na hindi ako makata." pigil tawang paliwanag ni Janry.
"Ah gano'n?" Taas kilay na komento ng dalaga.
"Oh, bakit? Hindi mo pa ba ako gusto ha?" Nasa malambing na tono ang pagkakatanong na ito ni Janry.
"Hmmm..." waring napaisip si Rose ngunit bago pa man ito magsalita ay kiniliti na siya ni Janry.
"Ah, hindi mo pa ba ako gusto ha? Ha?" aniya saka muling nangiliti sa dilag. Hindi naman makapagsalita nang maayos si Rose dahil sa tawa nito.
"Ano ba! Tigilan mo nga! Nakikiliti nga ako!" Natatawang pagpigil nito.
Hindi naman siya agad tinigilan ni Janry. Mas natuwa pa nga ito kaya tinuloy niya pa rin ang pangingiliti sa dalaga subalit natigil sila noong pareho na silang nasa damuhan, nakahinga.
Ngumiti lang ang binata sa ngayong nakapatong na si Rose saka niya ito hinalikan sa noo. Napangiti rito ang dalaga. Nakaramdam siya ng kilig dahil sa ginawang ito ng binata.
Tumayo na sila pareho. Inalalayan pa ni Janry si Rose na makaup sa upuan. Umakbay pa ang lalaki sa dalaga habang papunta sila sa kanilang klase.
Subalit dumaan ang mga araw ay kinailangan na ring umalis ni Janry dahil sa kurso nito.
Nagkaroon kasi siya ng magandang oportunitad na makapunta sa ibang bansa at mahasa nito ang kaniyang pinag-aralan at dahil gustong suportahan ni Rose ang kaibigan ay hinayaan niya ito.
Ngunit bago pa man makaalis si Janry ay ipinagtapat na niya muna ang kanyang nararamdaman kay Rose at sa halos tatlong taong paghihintay ni Janry ay nakamit na rin niya ang matamis na oo ni Rose.
Sa sobrang saya nito'y niyakap niyang mahigpit ang dalaga saka hinalikan ang noo nito. Ito naman ang dahilan kung bakit namula ang dalaga.
At syempre pagkatapos ng saya, doon naman magkakaroon ng lungkot. Kailangan ng umalis ni Janry.
Hinatid ni Rose ang binata sa paliparan. Kahit na batid nilang malulungkot sila pareho ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Tinago ni Rose ang lungkot na bumalot sa kaniya noong araw na iyon.
Ngumiti siya sa binata ang kaso nga lang ay malungkot ang mga ngiting iyon. Ganoon din naman ang ibinigay sa kanya ng binata bago niya talikuran ang kanyang kasintahan.
Umalis siya, noong ika-15 ng agosto. Isinulat ito ni Rose sa kanyang libro na siyang ginawa niyang Diary.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top