3
Kabanata 3:
Ang Pagbabalik
Nang magtanto ni Rose kung sino itong tao na naging sanhi ng ingay dahil sa pangbabato nito sa kanilang bintana ay bigla itong sumaya.
Natuwa ito dahil kay Carlito, isa sa mga lihim na nanliligaw kay Rose.
"Oh, Carlo!" tawag ng dalaga sa binatang nasa bakuran nila.
"Rose Ann," Nakatingalang bati ni Carlito saka ito ngumiti.
"Kay tagal na rin ah, sandali lang ah? Hintayin mo ako riyan sa baba." Nakangiting aniya kay Carlo mula sa taas ng kanilang tahanan.
Mabilis na inayos ni Rose Ann ang lamesa sa kanilang kusina upang makababa na siya para mahagkan muli ang dating kababatang kaibigan.
Pareho silang ngumiti at nagbigay ng mahigpit na yakap sa isa't isa.
"Nakakamiss ka Rose," Nakangusong komento ni Carlito na palihim pang ngumiti sa dalaga.
Unang kumalas mula sa pagkakayakap nilang dalawa si Rose.
"Halika at pumasok ka muna," yaya ng dilag sa kaibigan. Pinatuloy ng dalaga ang kaibigan sa loob ng kanilang tahanan at habang naglalakad ang dalawa papasok ng bahay ay inalok ni Rose ng maiinom si Carlo.
"Nais mo bang bigyan kita ng panawid uhaw?" Natawa si Carlo sa pagkakasabi ng kaibigan.
"Oh, bakit ka natawa?" baling ni Rose sa biglang pagtawa ng binata sa kaniyang tinuran.
"Ah wala, wala." Pigil-ngiting tugon na lamang nito.
"Oh siya, sandali lang at ikukuha kita ng maiinom." wika ng dalaga subalit no'ng tumayo siya ay bigla siyang hinawakan sa kamay ni Carlo dahil para matigil siya saglit.
"Bakit?" takang tanong ni Rose kay Carlito na sumilay pa sa nakahawak nitong kamay. Ilang segundo pa'y tumayo rin ang binata at muling yumakap ng mahigpit sa kaibigan na siyang hindi naman inaasahan ng dalaga.
Sa isip ni Rose Ann, hindi ito ang unang beses na may gumawa nito sa kanya. May naalala siyang tao na unang nakagawa nito. Nakalimutan na niya ang ngalan nito dahil sa ilang araw na nilang hindi pagkikita.
Hindi kasi palatandain sa pangalan si Rose. Makakalimutin siya mas lalo na kapag hindi niya gano'ng kakilala ang isang tao at dahil dito'y saglit siyang nawala sa sarili niya.
"Rose Ann," ani ng lalaking yumakap sa kanya.
"Rose?" muli niya itong tinawag.
"Rose Ann?" at sa huling pagkakataon ay nakasagot na si Rose.
"Ah, oh bakit?" Wala sa sariling tanong nito.
"Ah wala," Tipid na ngumiti si Carlo at kumalas na sa pagkakayakap nito. Sa isip niya'y siguro nabigla lang si Rose sa biglaang pagyakap nito sa kanya kaya hindi ito nakasagot kaagad.
Kaya no'ng matauhan ang dalaga ay nagpunta na ito sa kusina upang makakuha na ng maiinom nila ng kababata niyang lalaki.
Sa kabilang banda, naupo nalang si Carlo at hinintay si Rose sa upuan ng sala nila.
"Kamusta ka na pala?" Panimulang tanong ni Rose kay Carlo nang makabalik ito galing sa kusina. Inilagay ng babae ang isang basong tubig sa lamesa katapat ng lalaki. Umupo na siya sa upuan na katapat nito.
"Ah ito, maayos naman na. Mabuti nalang dahil nakahanap na si Mama ng trabaho at kaya ngayon lang ako nakadalaw sa'yo ay dahil naging abala kami sa paglipat namin ng bahay sa Maynila." kuwento ng binata bilang sagot sa naitanong ng dalaga sa kanya. Tumango-tango lang si Rose habang nagsasalita ito. Uminom muna ng tubig si Carlo bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.
"Oh eh ikaw? Kamusta ka na?" Pangungusmusta naman ni Carlito.
"Ito mabuti pa rin. Maayos pa rin naman kami ni Itay." tugon ni Rose.
"Ah, mabuti naman kung ganoon."
"Sandali nga, kung sa Maynila ka na nakatira eh bakit nag-abala ka pang pumunta rito?" takang tanong pa ng dilag.
"Hmm..." Sa itsura lalaki mukha itong nag-iisip pero ang totoo ay hindi na niya kailangan pang pag-isipan pa. Ngumiti ito at tumititig kay Rose.
"Wala na akong ibang bagay pa na sinadya rito. Kung hindi ikaw lamang, Rose." Seryosong wika pa nito.
Sandaling napatahimik ang babae. Aminadong naninibago si Rose Ann sa inaasal ng kaibigan niya. Alam niya kung ano ang nais nitong ipahiwatig base sa sinabi nito subalit inaalis niya ang ilang posibilidad kung bakit ganito ang kaibigan niya. Umiwas ng tingin ang dalaga sa katapat niyang binata.
'Hindi niya ako pwedeng magustuhan sapagkat ayaw kong masira ang pagkakaibigan na mayroon kaming dalawa.' aniya pa sa kaniyang sarili.
SANDALING KATAHIMIKAN
Nagkatinginan sila at parehas na tumawa sapagkat napansin nila na parang napakapormal nila sa isa't isa. Naninibago sila pareho. Dahil siguro'y matagal tagal na rin simula no'ng huli silang nagkita at nagkausap bilang magkaibigan.
Tumigil sa pagtawa si Rose. Tumayo siya at pumunta sa aparador kung saan nakatago ang ilan nilang mga alaala. Sinundan ni Carlito ng tingin si Rose habang papunta ito sa aparador. Kinuha niya sa ilalim ng kanyang damitan ang isang maliit na kulay kapeng kahon.
Muli itong lumapit sa upuan kung saan nakaupo ang binata.
Ngumiti ito sa binata saka binuksan ang kahon. Pinakita niya kay Carlito ang litrato nilang dalawa. Sa litrato, pareho silang nakasuot ng uniporme.
"Naalala mo pa 'to?" tanong ng dalaga habang nakangiti. Tinanaw pa niya ang mukha ng binata upang makita ang reaksyon nito.
"Oo naman, iyan yata ang unang litrato na mayroon tayong dalawa." Direktang tumingin si Carlito kay Rose kaya napaiwas agad ang dalaga. Ngumiti ito at saka tumingin sa litrato.
"Grabe 'no? Ang laki na ng pinagbago natin." komentong sabi ng babae habang nakatingin sa litrato.
"Oo nga." sang-ayon ni Carlo sa isinambit ni Rose Ann.
Ngunit sa kabila ng kanilang kuwentuhan ay pareho silang naantala dahil sa biglang pag-iingay ng pintuan nila Rose Ann. Nakatatlong beses itong kumatok dahilan para matigil sila sa usapan nila.
Pinagbuksan ito ng dalaga at nagulat dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli na naman nilang nakita ang isa't isa.
"Kamusta binibini?" bungad na bati pa ng taong ito.
Sino naman kaya itong bagong dating?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top