28
Kabanata 28:
Nabunyag na ang Lihim
"Hindi. Isinama lang ako dito ni Jak—este ng kaibigan ko, hehe." palusot ng binata.
"Ah. Ganon ba, maraming salamat pa rin ah? Kasi kung 'di dahil sa'yo baka kung ano ng nangyari sa akin." Taos pusong pasasalamat na ani Rose.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito mag-isa? Nasaan si Carlito? Bakit ka niya hinahayaang mag-isa rito sa tabing dagat? Anong oras na, hindi niya ba naisip na baka may mangyari sa iyong masama?" Pagtukoy naman ng lalaki sa kasintahan nito.
"Ah kasi Janry, si Carlito kasi. . ." Biglang bumalik sa alaala ni Rose ang mga nangyari kanina kaya walang sabi-sabing tumulo na naman ang kanyang mga luha na kanina ay huminto na.
"Oh, Rose. . . okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ulit ni Janry.
"Janry. Si Carlito kasi, nakita ko siyang may ibang babae at ang masakit pa roon, kilala ko pa. Kaklase namin." panimulang kuwento ng dalaga kay Janry.
"Ha, kilala mo 'yung babae?" kunot-noong tanong ng binatang ngayo'y nasa tabi ni Rose Ann.
"Oo, si Jakilyn 'yun." Nakatungong tugon ng dalaga.
"Ay, sandali. Natanong mo ba kay Carlito kung anong mayroon sa kanila?" paniniguradong tanong ni Janry na bahagya pang tumingin sa gawi ni Rose.
"Hindi pero batay sa nakita ko, masaya sila. Kanina, tinanong ko si Carlo kung kaano-ano niya 'yung babae at ang sabi naman niya'y pinsan daw siya ng pinsan niya kaya hinayaan ko pero–"
"Pero ano?"
"Nagulat ako noong bigla siyang hinalikan ni Jakilyn sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Ang sakit, sobrang sakit."
"Kaya ako tumakbo, malay ko bang sinundan ako ng mamang iyon. Akala ko kasi si Carlo 'yung sumunod sa akin hindi pala. Umasa pa naman ako." dagdag kuwento pa ni Rose saka siya ulit umiyak.
Tumahimik lang ang binatang ngayon ay nalulungkot sa narinig na istorya mula sa taong gusto nito.
"Ito ang unang beses na napasaya ako ng isang tao. Sobrang saya pero ito rin ang unang beses na sobrang nasaktan din ako ng taong nagpasaya sa akin. Ang bilis bawiin 'no."
"Hush, tahan na..." pagpapalubag-loob na saad ni Janry kay Rose. Hinawi niya pa ang likuran nito kaya napatahan na rin niya ang dalaga.
At no'ng nakaramdam ng pagod si Rose ay ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ni Janry at ito ang saktong eksenang nakita ni Carlito. Kaya biglang tumaas ang dugo nito papunta sa ulo niya, waring sasabog anumang oras ang kabuuan ng kaniyang mukha. Mabibigat ang mga yapak na pinuntahan niya ang dalawa.
"Rose, maiba ako. Gusto ko lang nalaman kung bakit mo pinili si Carlito? Anong dahilan kung bakit sa aming lahat na nanliligaw sayo ay siya ang pinili mo."
"Dahil gusto ko siya, kasi kilala niya ako at kilala ko rin siya at nitong mga nakaraang araw, napamahal na rin talaga ako sa kanya."
"Alam mo Rose, magkaiba ang gusto, sa mahal. Hindi kayo magtatagal kung wala kayong pagmamahal at pagtitiwala sa isa't isa." Makabuluhang wika ni Janry dahilan upang magsalubong ang dalawang kilay ni Rose.
"Ha, paano mo nasabi?" takang tanong pa ng dilag.
"Dahil napansin ko na maliit na bagay lang 'to, itong problema niyo. Kung may tiwala kayo sa isa't isa hindi kayo magkakaganito. Dapat kasi pinag-uusapan ng maayos ang mga ganitong problema." dagdag payo pa nito. Sandaling natahimik ang paligid nila.
"Tama ka naman, maraming salamat sa payo. Malalim pero madaling intindihin."
"Mukhang hugotero tayo, ah? Napansin ko lang sa mga salitaan mo." Bahagyang natawa si Rose sa kanyang tinuran.
"Nako, wala. Sadyang marami lang talaga akong alam." Nakangiting saad ni Janry na tumawa na lang din.
Nasa kalagitnaan na sila ng tawanan nila nang biglang nakatanggap ng malutong na kamao si Janry. Nabangasan ang mukha nito dahilan upang mapahandusay siya sa buhangin ng dagat. May dugong lumabas mula sa naputok nitong labi dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Carlito. Napatayo agad si Rose ay dali-daling hinawakan ang nobyo.
"Ano ba, Carlo!" awat ni Rose sa nanggagalaiting si Carlito.
Hinayaan lang ni Janry na gawin ito sa kanya ni Carlito sapagkat hindi naman nito alam ang totoong nangyari. Hindi na rin siya sumuntok pabalik nang paulanan siya ng kamao ni Carlo sa mukha nito.
"Huwag kang humarang, An! Ipapatikim ko lang sa lalaking iyan kung ano ang dapat sa kanya!" Inis niyang anas saka sumuntok muli. Nagalit dahil dito si Rose.
"Ano ba! Sinabi ng tama na!" sigaw nito saka tinulak palayo si Carlo.
Tinulungan ng dalagang makatayo si Janry. Pinunasan lang ni Janry ang dugo na napala niya kay Carlito.
"Ah ganoon, sa kanya ka na? Ganoon na lang ba kadali iyon ha?! Iniwan mo ko ro'n saka pumunta sa lalaking 'to?!" panduduro pang sigaw ni Carlito kay Janry.
"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin iyan kay Rose. Wala kang alam dito Carlito." singit ni Janry sa dapat usapan nila ng kasintahan niya.
"Ha?! Ako pa ang walang alam? Ano ito, Rose? Gaguhan? Ganiyan ka ba talaga kalandi, ha?!" Nag-iigting ang mga pangang baling ni Carlo kay Rose.
Nang marinig ni Rose ang masakit na salita galing kay Carlito ay agad niya itong sinampal. Masama niya pa itong tinitigan.
"Sa paano mo nasasabi iyan, Carlo? Alam mong hindi ako ganiyan." pigil luhang usal ni Rose Ann sa lalaking pinili niya.
Napaiwas siya ng tingin sa nobyo niya dahil pakiramdam niya'y maiiyak siya anumang oras.
"Tandaan mo itong araw na 'to, ito 'yung araw na pinasaya mo ko ng sobra pero sinaktan mo rin ng sobra-sobra pa. Akala ko ikaw na eh pero ganito ka pala." Nangingiyak na wika ng dalaga.
Biglang nakaramdam ng sakit si Carlito sa sinabing ito ng dalaga.
"Hayaan mo kasi akong magpaliwanag–"
"Tumigil ka na. Hindi ko na kayang makita ka. . . nasaktan mo na ko, oh." pilit pinatatag ang sarili na usal pa ni Rose habang ito'y umiiyak sa harapan ng dalawang binatilyo.
Parehong lumuluha na ngayon ang dalawang magkasintahan samantalang si Janry, nakatitig lang kay Rose at hindi nito maiwasang hindi masaktan sa kasalukuyang nakikita niya sa dalawa, mas lalo na sa taong mahal niya na pinaraya niya sa iba.
"Rose, pakiusap hindi ko kakayanin ito." paawa ni Carlito ngunit bigo siyang patigilin ang dalaga. Umalis ito at iniwan siya.
Humarap ang duguang si Janry kay Carlito. Seryoso ang mga tingin na ibinigay nito sa kaniya at saka siya nagsalita kay Carlito.
"Isang pagkakamali mo lang maaari nang mabago ang lahat. Tandaan mo 'yan, Carlito."
Mariing aniya bago tuluyang lumisan. Naiwan ang luhaang si Carlito sa tabi ng dagat. Nagsisi sa kaniyang nasabi at nagawa sa kaniyang kasintahan.
Pagkatapos ng ilang oras na pagmumukmok sa dagat ay nagpasya na ring umuwi si Carlito at habang nasa daan siya pauwi ay may nakita siyang bilihan ng alak.
Nais nitong bumili kaya pumasok siya sa loob no'n. Simpleng bar lang ito na may kaingayan dahil sa malakas nitong tugtog at dami ng taong nagkukuwentuhan sa paligid.
Dumeretso sa counter ang binata, humingi ng isang basong alak at no'ng nasarapan ay inulit-ulit niya pa hanggang sa malasing na siya ng tuluyan.
Nakita siya ni Jakilyn doon kaya napalaki ang mga ngiti nito't lumapit pa sa binata saka siya tumabi ng upo.
"Ano ba iyan, nakakailan ka na ba?" bungad ng babae na kinuha pa ang iinumin na sanang alak ni Carlito.
"R-Rose, ikaw ba 'yan?" takang tanong ni Carlito saka tinitigan ang babae.
Hindi niya maaninag ang totoong katauhan nito bagkus si Rose lang ang nakikita niya.
"Oo, Carlo." Biglang panggagaya ni Jakilyn sa boses ni Rose. Kaya napaluhod si Carlito sa babae na akala niyang si Rose na siyang ikinagulat naman ni Jakilyn.
"Rose, patawarin mo ko. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Si Jackie talaga ang maygawa no'n. Sana hayaan mo kong ipaliwanag ito sa'yo." Nakatungong sabi ng binata habang hawak nito ang kaniyang mga kamay.
"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag eh." usal ng dalaga. Pinatayo niya si Carlito at niyakap.
"Kalimutan na lang natin ang nangyari." dagdag pa nito saka ngumiti sa binata.
Sa isip ng lalaki nakangiti sa kanya si Rose, walang anu-ano'y hinalikan niya ito dahilan para sunggaban din siya ng babae.
Ilang minuto pa'y lumabas sila ng bar. Hinila ni Jakilyn pauwi ng resort si Carlito. Doo'y inakit pa muli ng dalaga ang binatang gusto niya. Pagkapasok nila sa kuwarto'y hinalikan niyang muli ito ngunit pinigilan siya ng lalaki.
"A-ano ba A-An, hindi ba sabi ko sa iyo ni-rerespeto kita." mahinang sambit ng binata.
Nakaramdam ng pagkainis at irita ang babae dahil sa sinabing ito ng binata subalit mas pinili pa rin ni Jakilyn na gawin ito kahit ayaw ni Carlito.
Wala na rin namang nagawa ang binata. Lasing siya at hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya, nilang dalawa. Si Jakilyn ang unang naghubad sa damit ni Carlito at ganoon din ang ginawa niya sa sarili niya. Tinulak niya ang lalaki sa kama saka pumatong at doo'y may nangyari sa kanilang kababalaghan.
Kinaumagahan.
Buong gabing hindi nagpakita si Carlito kay Rose. Kahit na may away sila ay nag-aalala pa rin ito sa kasintahan niya. Hinanap niya ito pagkagising pa lang niya.
Ngunit imbis na si Carlito na ang mahanap niya ay si Janry.
"Oh, hindi ba siya nagpakita sa'yo?" bungad tanong nito ng makita ang mukha ni Rose.
Batid ng binata kung ano ang dahilan ng nag-aalalalang mukha ng dalaga.
"Oo. Gusto ko nga sanang humingi ng tawad dahil sa ginawa ko sa kanya kahapon. Tama ka naman kasi eh. Dapat nag-uusap muna kami." Nakayukong ani Rose Ann.
Hinawi ni Janry ang buhok nito na siyang dahilan kung bakit napatingala ang dalaga at mapatingin sa kanya.
Ngumiti lang ang lalaki at sinabing, "Tama 'yan. Huwag kang mag-alala, makikita mo rin naman siya." Napangiti na lang din si Rose sa sinabi nito.
Naglibot-libot pa si Rose sa mga kuwarto sa loob ng resort building. Humihiling na sana'y makita na niya ito dahil linggo ngayon at kailangan na nilang umalis.
Napahinto si Rose nang may mapansin siyang isang kuwarto na may siwang, sumilip siya rito at hindi niya inasahan na nandoon ang kasintahan.
Lumapit siya sa pinto saka nagtangkang buksan ito. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang masilayan niyang may katabi itong ibang babae.
Si Jakilyn na naman? Ano bang mayroon sa dalawa 'to?!
Namilog ang parehong mata ni Rose nang makita ang pagbangon ni Carlito na walang haplos. Ni walang kahit anong damit na pantapal nito.
Nasaksihan niyang umupo ito sa kama at nanliliit ang mga matang tumingin sa katabi nitong akala niyang si Rose.
Nang mabaling ang tingin niya sa pinto ay nagulat ito dahil may kapareho si Rose?! Tinitigan niya pa ang babaeng nasa pintuan nila at saka tumingin sa katabi niya.
Si Jackie? Isang itong pagkakamali -aniya sa sarili.
Dali-daling kinuha ni Carlito ang tuwalya na nakapatong lang sa katabi nilang lamesa saka ito ibinalot sa ibabang parte nitong katawan.
Lumapit siya kay Rose pero lumayo sa kanya ang dalaga. Tumingin na parang nandidiri ito.
"Huwag mo na akong lalapitan pa, Carlito." Seryosong banta nito saka patakbong pumunta sa kuwarto nito.
Kinuha na niya ang kanyang mga gamit na inayos na niya bago pa man niya hanapin si Carlo at doo'y hinanap niya kaagad si Janry na siyang natagpuan niya naman agad.
Hindi na nagtanong ang lalaki kung ano ang dahilan kung bakit ito sumabay sa kanya umuwi. Hinayaan niya lang na umiyak ito sa sasakyan niya.
Pagkatapos magbihis si Carlito ay iniwan na niya si Jakilyn na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog.
Inis itong umalis sa kuwarto nito at nagtungo na rin siya sa kuwartong inupahan nila ni Rose pero wala na ang mga gamit doon ni Rose. Umuwi na rin siya.
***
Pagkauwi ni Carlito mula sa pinanggalingan nilang dalawa ni Rose ay agad siyang tumungo sa kuwarto niya.
Sa kanilang mansyon muna siya pumunta, nagbabakasakaling mahanap niya si Rose pero wala ito roon.
Ilang minuto pa'y may nakita siyang isang pamilyar na sulat nasa ibabaw lang ito ng lamesa niyang ginagamit niya sa kanyang pag-aaral, study table.
"Oh Carlo!" Napalingon ang isang binata sa taong tumawag sa ngalan niya.
"Oh? Bakit po?" bungan niyang tanong sa babaeng lumipat sa binata.
"Hay, salamat sa maykapal dahil nakita na rin kita sa wakas." Kumunot ang noo ni Carlito sa sinabi sa kaniya ng ale.
"Bakit ho ba?"
"Ah—"
Magsasalita sana muli ang matandang babae nang biglang sumulpot si Stacie, pinsan ni Carlito.
Mahaba na may pagkakulot ang buhok nito, maganda at medyo matangkad pero mas matangkad si Carlito rito. Balingkinitan din ang katawan ng babaeng ito at kasalukuyang umiinom ng juice.
"Sino siya?" taas kilay nitong tanong sa matandang babaeng kausap ng binata. Tiningnan niya rin ito mula sa ulo hanggang paa.
Nagtaka rito ang matandang babae at minabuting huwag na lang ito pansinin. Nagtataka ito kung bakit ganoon ito kung makatingin sa kanya. Sa pakiwari pa niya'y parang hinuhusgahan siya nito.
"Who are you?" Mataray na tanong ni Stacie.
Hindi na lamang nito pinansin ang babae dahil baka kung ano pa ang magawa niya rito, agad niyang inabot ang lihim na liham sa binata.
"Hindi ko na kayang sabihin sa'yo dahil parang nakaistorbo yata ako sa ginagawa inyo kaya sumulat na lamang ako at ito..." Inilabas niya rin ang isa pang sulat.
"Ito ay sulat mula sa iyong ama. Sige aalis na ako." paalam nito bago tuluyang umalis.
"Hey!" Pahabol pang saad ni Stacie subalit nakalayo na ang ale sa kanila.
"Ni hindi man lang siya nagpakilala. Tsh. Bakit gano'n 'yun?" waring iritableng tanong ni Stacie kay Carlito. Lumapit at inilagay ang kamay nito sa braso ng lalaki.
Hindi na lang pinansin ni Carlito ang babaeng kasama at itinuon na lang din ang kanyang paningin sa mga sulat na ibinigay ng isang 'di kilalang babae subalit para sa kaniya'y pamilyar ito. Hindi niya lang maalala kung sino. Doon niya napansing dalawa ang sulat na ibinigay sa kanya.
Isang lihim na sulat na galing sa isang pamilyar kilalang babae at isang liham naman mula sa kanyang pinakamamahal na ama.
Teka, si Manang Erlynda—
Huli na napagtanto ng binata ang pangalan ng babaeng nagbigay sa kaniya ng sulat.
-----
Bakit nitong sinabi na lihim na sulat? Wala ng sikreto pamilya namin ah? -tanong ni Carlito sa sarili.
Ngayon na lang ulit niya ito nakita kaya naman binasa na niya ito.
Ngunit noong bubuksan na niya sana ang sulat ay saktong may narinig itong pamilyar na boses na nagmula sa tabi ng kuwarto niya. Sumilip siya rito at nagulat siya nang makita si Stacie na may kausap sa telepono.
Nagtago ito malapit sa pinto ng kuwarto ng dalaga. Hindi naman siya napansin ng pinsan niyang babae.
["Hello? Cie! Alam mo ba? Akala ko talaga mahihirapan ako sa binabalak ko sa kanila. Ang dali lang pala nilang paghiwalayin, hahaha!"] ani Jakilyn mula sa kabilang linya. Naka-loud speaker kasi ito kaya narinig din ito ng binata.
"Oh? Eh ano na ang ganap ngayon?" tanong ni Stacie kay Jakilyn, nakikibalita.
["Ewan ko pero alam kong mahihirapan na si Carlito na lambingin si Rose ngayon."] Seryosong sambit ni Jakilyn bago ito tumawa.
"Ah. . . Edi nasa iyo rin pala ang huling halakhak." Natatawang komento ni Stacie sa kaibigan nitong babae.
["Yes, hahahaha! Mabuti na lang dahil gumana ang plano ko. Ay! Naikuwento ko na ba 'yung nangyari sa amin kagabi? Grabe."]
["May nangyari samin ni Carlito! Finally hahaha!"]
"Omo, talaga? Sira ka! Paano mo nagawa 'yon? Ang galing ah."
["Strategies, Cie. Utak lang."]
"Oh, oo nga pala. It's nice to hear that from you, Jackie. I'm happy because you're happy sis! Ay wait lang." Biglang pinutol ni Stacie sa usapan nila ni Jackie.
Naantala ang pag-uusap ng dalawang magkaibigan nang biglang may marinig na kung ano si Stacie sa mula pintuan niya.
Narinig itong lahat ni Carlito, kaya matalim niyang tinitigan ang pinsan niya.
Napaatras si Stacie nang makita ang binata sa tapat ng pinto nito. Akala kasi ng dalaga'y mamaya pa ang uwi niya, nilang dalawa ni Rose. Halata sa itsura nito ang galit at sama ng loob sa narinig na usapan.
Walang pasabing pumasok sa loob ng kuwarto si Carlito. Napatagilid ang parehong mata ni Stacie dahil sa ginawang ito ng lalaki saka sinarado ang pinto ng kuwarto niya.
"Plinano niyong dalawa 'to?!" pigil inis na tanong ng binata.
Narinig ito ni Jackie na nasa kabilang linya pa rin.
"Bakit Stacie?" dismayadong tanong muli ni Carlito na hindi pa rin makapaniwalang magagawa ito ng pinsan niya.
"Simpleng lang ang sagot, Carlo. I don't like her."
"She's so poor and she don't have anything that you have in your life now."
"So?"
"I just don't like the whole personality of her! If I know she also doesn't know how to speak in english like, duh?!" Pagtataray ni Stacie, dahil dito'y mas nainis ang binata.
"At si Jackie Lynne ang gusto mo?"
"Exactly! She's the one for you."
"At sa tingin mo ba'y susunod ako sa iyo?! Nasasabi mo iyan kasi magkaibigan kayo! Ano bang alam niyo? Tsk."
"Jackie, bakit mo nagawa ito?" baling ng lalaki sa naka-loud speak ng smartphone ni Stacie.
["Matagal ko ng balak na paghiwalayin kayo at hindi ko naman inaasahan na ang dali lang pala, hahaha."] preskong tugon nito.
"Hindi kita mapapatawad Jackie. Sa ginawa mo ngayon, nawalan na ako ng tiwala sa'yo." galit nitong wika at inis humarap sa pinsan nito.
"Isa ka rin pa lang tutol sa aming dalawa. Hinding hindi ko kayo mapapatawad mas lalo na kapag 'di ko naibabalik sa'kin si Rose." anas nito saka umastang aalis.
"At saan ka naman pupunta?" Naka-cross arms na tanong ni Stacie.
"Eh 'di sa girlfriend ko." madiing saad ni Carlito.
"Sige, puntahan mo siya. Tingnan lang natin." makahulugang ani Stacie dahilan para madagdagan ang inis ng binata sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top