23
Kabanata 23:
Ang Pagpili: The Chosen One
***
Sa loob ng kanilang silid-aralan.
"Rose, sabay tayong umuwi." yaya ni Jakilyn kay Rose na kasalukuyang nag-aayos ng gamit, naghahanda na ito dahil uwian na nila.
Lumapit si Jakilyn sa upuan kung saan umuupo si Rose Ann. Lumapit rin si Angge kay An An at nakiisyuso rin sa usapan ng dalawa.
"Ha?! Saan ka ba nakatira?" kunot-noong tanong ni Rose kay Jakilyn saka ito tumingin sa kaibigan na lagi niyang kasabay umuwi.
"Angge, sabay daw tayo sa kanya umuwi." paalam pa nito sa kaibigan niyang si Angge.
Taka namang tumingin si Angge kay Jakilyn saka ito tinanong, "Sasabay ka sa amin, Jakilyn?"
Tumango lang si Jakilyn bilang sagot sa tanong ng kamag-aral. "Ahm, oo. Sasabay sana ako sa inyo kung pwede."
"Ah, ayos lang naman kung pareho tayo ng daan pauwi. Saan ka ba nakatira?" tanong muli ni Angel.
"Ah basta, malapit lang dito." hindi makatingin sa matang tugon ni Jakilyn kay Angge.
"Sige, tara?" anyaya pa ni Angge kay Jakilyn.
Hinawakan ni Angel sa magkabilang braso ang dalawang babaeng kasabay umuwi na sina Rose at Jakilyn. Hinila niya ito palabas ng kanilang silid-aralan.
"Maraming salamat." Kunwaring pasasalamat na ani Jakilyn.
Gusto niya lang talagang malaman kung saan nakatira itong si Rose kaya niya gustong sumabay sa kanila umuwi.
At iyon nga, lumabas na silang tatlo upang makauwi na sila.
"Sumasakay kami ng dyip kapag umuuwi eh, ikaw? Kailangan mo pa bang sumakay ng jeep kung malapit lang dito bahay mo?" tanong ni Angge kay Jakilyn.
"Hmm, hindi naman. May kotse naman kami eh." preskong tugon nito.
"Ah, mayaman ka nga pala dahil taga-Maynila ka." komento ni Angel sa sinabi sa kanya ni Jakilyn.
"Hindi ah," tanggi ng dalaga.
"Hindi naman lahat ng taga-Maynila, mayaman eh." dagdag paliwanag pa ng babae na sinang-ayunan na lang pareho nina Rose at Angel.
Naantala lang ang pag-uusap nilang tatlo nang biglang huminto sa paglalakad si Rose.
"Oh, bakit ka huminto An?" tanong ni Angel sa kaibigan saka tumingin sa direksyon kung saan napako ang tingin ng dalaga.
Subalit gaya ni Rose, si Angel ay napatulala na rin. Sandaling nagsalubong ang dalawang kilay ni Jakilyn dahil sa mga mukha ng kasama niya. Taka niyang pinagmasdan ang dalawa saka nagpasyang tumingin din sa puwesto kung saan napako ang tingin ng dalawa niyang kasama.
Napaawang ang bibig nito nang makita niya kung bakit napahinto ang dalawa.
"Omg," wala sa sariling usal pa nito.
Dali-dali niyang binitbit ang dalawang babae palabas ng gate ng eskuwelahan nila sapagkat naroon ang mga taong hindi nila inaasahan, mas lalo na si Rose Ann.
Ngumiti ng pagkalaki-laki si Jakilyn nang makita nito ang isang pamilyar na lalaki.
***
Sa labasan na tapat ng gate ng paaralan kung saan nag-aaral si Rose Ann.
"Ang gwa-gwapo, inday!" Malakas na hiyaw ng isang hindi kilalang babae na kasalukuyang nakatitig sa mga nakahilerang binatilyo sa harapan ng kanilang paaralan.
"Ang pogi nilang lahat!" sigaw pa ng isa pa nilang kasama.
"Hala! Bakit kaya nandito sila sa eskuwelahan natin, ano?" takang tanong naman ng isang nakasalaming dilag sa mga kasamahan nitong mga babae na kasalukuyan ding nakatingin sa mga lalaki.
"Ako kasi yung hihintay nila hahaha!" Pabirong usal pa ng babae sa nakasalamin na dilag na mukhang kaibigan nito.
"Hala. Grabe nakahilera pa talaga sila, tingnan mo oh!" bulong na saad pa ng isa pang binabae.
"Oo nga eh." sang-ayon naman ng kausap nito.
"Gusto ko yung nandoon sa may kotse ang gwapo ng dating niya, inday!"
"Hay naku Dai, mas gwapo yung nandoon sa bisikleta napakasimple lang pero lakas ng dating."
"Hoy... mas maangas kaya yung nasa motorsiklo, tingnan mo oh. Hala teh! Ngumiti siya! Ang gwapo, woy!" Pigil ang kilig na tili pa ng isang estudyanteng babae na katabi no'ng binabae.
"Yung lalaki na katabi nung taxi ang mas gwapo sa lahat, ano palag?! Tingnan niyo oh, mukhang sa paaralan din natin siya nag-aaral."
"Eh ang tanong, bakit sila nandyan?"
"Hayon lang."
"Malay namin."
"Ewan."
"Ayon lang... Baka nandito yung nililigawan nila?"
"Hala! Ang suwerte naman kung sino yung nagugustuhan nila! Sayang hindi ako." Kunwaring malungkot na komento ulit ng binabaeng kasama nila.
"Anong sayang? Hindi ka naman kagandahan, malamang maganda yung mga tipo nila, nako." Pang-aasar naman ng isa pang babae na parang kaibigan din nito. Sabay silang nagsitawanan lahat.
"Ang sama mo sakin ah! Minsan naiisip ko hindi ko kaibigan, hmp." Pagtataray ng lalaking may pusong babae.
"Nagsasabi lang naman kami ng totoo," tugon pa ng nakasalamin na babae saka ito ngumiti.
"Tanggapin na lang natin, beh." gatong pa ng isa at muli ay naghagikgikan sila sa tawa.
Sa kanilang banda, si Rose Ann naman ay tulala pa rin at hindi makapaniwala sa nakikita nito. Nandito ang kanyang mga manliligaw. Nasa harapan sila ngayon ng kanilang eskuwelahan at kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.
Sa isang magarang pulang kotse makikita ang isang nakasalaming itim na lalaki. Ito ay si Carlito De Dios Jr. Siya ang kababata ng dalaga na madalas nitong tawagin na Carlo.
Kasunod nito ang isang grab taxi na siyang kinuha kanina ni Roms, Romeo Delos Reyes na siyang nagtapat kay Rose noong nakaraan. Lalaking gusto ni Angel na ang gusto nama'y kaibigan nito.
Pagkatapos ay isang motorsiklo naman na pagmamay-ari ni Kiko ang makikita sa tabi ng taxi na pinaradahan ni Romeo. Nakajaket itong itim na sumandal pa sa kanyang motor, ito si Francisco Dela Cruz. Nagtilian ang mga babae noong nakita nilang ngumiti ito sa gawi nila.
At sa hulihan naman ay isang simpleng bisikleta. Makikita itong nakaparada katabi ng isa sa mga punong nakatanim doon sa tapat ng paaralan ni Rose Ann. Doon tinali ni Janry De Guzman ang bike nito upang hindi mawala. Direkta lang siyang nakatingin ngayon sa dalagang gusto niya.
Sabay-sabay lumapit ang apat na lalaki sa kinaroroonan ni Rose Ann.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Jakilyn sapagkat kabilang sa apat na lalaking lumapit kay Rose, si Carlito na matagal na niyang inaangkin na sa kaniya raw.
Dahil doo'y nakaramdam ng selos si Jakilyn. Bahagya siyang lumayo kay Rose dahil baka hindi siya makapagpigil na sambutan ito. Nagtungo ito sa may mga puno.
"Rose." Sabay-sabay na sabi ng apat kaya napatingin sila sa isa't isa saka pinapakiramdaman kung sino ba ang dapat maunang magsalita.
"Sabay ka na sa akin umuwi, hatid na kita sa inyo." Si Roms na 'yung naglakas-loob na magsalita subalit wala pang sagot si Rose ay bigla namang umentrada si Kiko.
"Hindi Rose, sa akin kayo sumabay ni Angel." seryosong singit ni Kiko na tumitig pa kay Roms. Hindi rin naman nagpatinag sa titig na iyon si Romeo.
"Aba't, bakit siya sa iyo sasabay?" palabang tanong ni Roms kay Kiko.
"Hindi sasabay sa inyo 'yung kababata ko dahil... sa akin siya sasabay. " biglang sabat ni Carlo sa dalawang lalaki.
"Hindi ba, Rose Ann?" dagdag pa nito, sabay kindat kay Rose.
Mas lalong napatulala si Rose dahil sa ginawang ito ng dating kaibigan at wala sa sariling ngumiti.
Kaya mas lalong umigti ang selos na nararamdaman ni Jakilyn. Hindi man lang napansin ng lalaki ang kanyang presensya, si Rose lang talaga ang nakita niya at pinansin niya.
"At paano ka naman nakakasiguro, aber?" mapang-asar na tanong ni Kiko kay Carlito.
"Sigurado ako at para hindi na kayo mapahiya, umalis na kayo." payo ni Carlito sa mga kasamahan niyang ngayon ay nasa paligid niya.
"Yabang," kontra ni Kiko sa sinasabi ng binatang si Carlo.
Nakaramdam ng pangliliit si Romeo sapagkat batid nito na hindi siya 'yung gusto ni Rose subalit hindi niya pinahalata sa mga lalaking manliligaw ni Rose Ann na nanliliit siya.
Tumingin sa kanya si Angel at hindi nito naitago ang totoong nararamdaman niya. Batid ng dalaga na nanliliit at nasasaktan ang binatang gusto niya ngunit wala siyang magawa dahil napako ito sa kinaroroonan niya ngayon.
"Bakit kayo ganiyan sa harapan ng isang babae, huwag kayong magtalo. Dapat hinahayaan niyong si Rose 'yung magdesisyon." Mahinahong saad ni Janry sa nagtatalo ng mga kapuwa manliligaw.
"Oo nga, Rose. Kanino ka ba sasabay umuwi?" tanong ni Kiko sa dalaga. Napalunok naman si Rose.
"Sinong pinipili mo sa aming apat, Rose?" Seryosong tanong ni Janry dahilan para manahimik ang apat na lalaki.
Ito na, ito na ang oras na malalaman na ng apat na binata kung sino talaga sa kanila ang gusto niya at syempre kinakabahan sila, hindi lang nila pinapahalata.
Yumuko si Rose at huminga nang malalim. Dahan-dahan ay tumingin siya ng direkta sa bawat isa. Napalunok naman ang mga lalaki sa tinginang iyon ng dalaga saka siya nagsalita.
"Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng panahon na pwede niyo ako tanungin tungkol sa ganitong bagay eh ngayong araw pa talaga at sabay-sabay pa kayo. Hindi ako handa sa mga ganito pero panahon na rin siguro upang malaman niyo na rin ito."
Pinilit ni Rose na palakasin ang kanyang loob bago niya muling tingnan ang mga lalaking kasalukuyan ay nag-aabang ng kaniyang kasagutan. Tinitigan niya ang mga ito kaya mas lalong kinabahan ang mga manliligaw niya.
Suminghap muna ng hangin si Rose saka nag-isip
Nakakaramdam ng panghihina si Rose dahil hindi niya alam kung paano sasabihin ng walang bahid ng sakit ang mga salitang gusto niyang bitawan. Ngunit tinapik lang siya ni Angge sa kanyang balikat at saka hinamas ang likuran nito.
"Sundin mo lang kung anong laman ng puso mo. Tatanggapin nila iyan kahit masakit." payo ni Angel na nagpangiti kay Rose dahilan upang yakapin nito ang kaibigan niya.
"Ngayon pa lang humihingi na ako ng kapatawaran sa inyong apat. Alam ko na kahit anong sabihin ko o desisyon na sasabihin ko ngayon ay may masasaktan pa rin kayo. Kaya... patawad."
"Hindi mo kailangang humingi ng patawad Rose." ani Kiko. Kaya napatingin sa kanya si Rose Ann at Angge. Ngumiti ito ngunit may bahid ng kalungkutan.
"Ang pinipili ko ay si Carlito sa kanya ako sasabay ngayon. Si Carlo ang siyang nakakakilala sa tunay na ako. Kilala na niya ako mula pa no'ng pagkabata at siya rin ang gusto ng aking ama para sa'kin."
"Pasensya na dahil nasaktan ko kayo. Patawad, hindi ko sinasadya at sana ay maging magkakaibigan tayong lahat." wika ni Rose sa kanilang lahat.
Nagpalakpakan naman ang tatlo saka pare-parehong ngumiti. Si Romeo naman ay bagsak ang mga balikat na umalis sa lugar na iyon. Sinundan naman siya ni Angel dahil nag-aalala ito sa kanya.
Samantala, unang nilapitan ni Kiko si Carlito. Tinapik niya ito sa balikat bago nagsalita, "Ikaw pala iyon. Sana huwag mong saktan si Rose." Nakangiti munit seryosong usal nito saka pumunta kay Rose.
Niyakap niya ang dalaga sabay sabing, "Siya pala 'yung taong natitipuhan mo. Grabe, kahit na alam kong talo ako ay nagpatuloy pa rin ako." komento pa nito sa dalaga.
"Sorry, Kiko."
Unang kumalas sa pagyakap si Kiko. "Ayos lang kahit hindi mo ko pinili, ang mahalaga'y pinili mo 'yung taong nagpapasaya sa iyo." dagdag pa ng binata.
"Salamat Kiko." Nakatingalang saad ng dalaga saka ngumiti kaya naman hindi napigilan ni Kiko na humalik sa noo ni Rose Ann.
Sa kanilang banda, si Janry naman ay wala sa sariling pumunta sa puno kung sana niya ipinarada ang kaniyang bisikleta. Habang papunta siya roon ay napansin nito ang isang 'di kilalang babae na kinausap naman niya.
"Miss ikaw? Gusto mo bang sumabay sa'kin?" yaya nito sa babae na hindi malaman ang mukha, kung mataray ba ito o galit, naiinis, nagtitimpi o nagseselos.
"No! I don't know you so why would I take a ride with you, huh. I want Carlito, only him." seryosong tugon sa kanya ng babae.
"Ano bang mayron sa Carlitong iyan at gustong gusto niyo siya, ha?" pigil inis na tanong ni Janry sa dalagang kausap nito. Saka nagpulot ng maliit na bato at initapon sa kalsada.
"Lahat ng mayroon siya, wala ka." pangdidiin pa ng babae.
"Oo nga, 'no. Napasakanya nga 'yung taong unang minahal ko eh." Isang pekeng tawa ang inilabas ni Janry.
"Tsk. Sumusuko ka na agad?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Ah? Para saan pa kung lalaban ako." Nakatungong sabi ni Janry sa babae.
"Oo nga naman, basta ako. Hindi ako papayag na maging talunan ako. My name is Jackie Lynne De Allegro, can I have yours?" Nakangising pakilala ni Jakilyn sa binatang ngayon ay nakahawak na sa bike niya.
"Janry. Sige na alis na ko." Paalam pa nito sa babaeng may ngalan na Jackie Lynne. Sumakay na ito sa bike niya at nagtungo na sa kanyang bahay.
----
Samantala,
Hindi naman mapantayan ng kahit na anong bagay ang sayang naghahari sa loob ng puso ni Carlito. Masayang masaya ito sapagkat siya ang pinili ni Rose.
"Alam Rose? Hindi mo talaga pagsisisihan ang pagpili mo sa akin. Salamat talaga." aniya habang nagmamaneho. Hinawakan pa nito ang kamay ni Rose saka hinalikan.
Ngumiti si Rose kay Carlito at ganoon din ito sa kanya. Ibinaling naman ni Rose ang paningin nito sa bintana ng kotse ni Carlito. Tumingin ito doon na para bang nakatingin sa kawalan.
Sapagkat ang kasalukuyang gumugulo sa kanyang isipan ay yaong mga nasaktan nitong tao. Hindi kaya ng konsensya niya na may nasaktan siya subalit wala naman tayong magagawa riyan. Dahil hindi naman sa lahat ng oras ay puro saya lang ang kaya mong iparamdam sa kanila. Dahil darating ka talaga sa puntong may masasaktan ka, sadya man ito o hindi.
Ang mahalaga ay nalaman nila ang katotohanan kaysa naman sa naging masaya nga sila pero nagsinungaling ka naman wala rin. Pareho lang kayong masasaktan kung ganoon nga 'yung mangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top