18


Kabanata 18:
Ang kanyang Pagsuko






Kasalukuyang nag-aabang si Kiko sa labas ng eskuwelahan ni Angge balak kasi nitong sunduin ang kapatid, maaga siyang nagtungo roon dahil maaga siyang natapos sa kanyang trabaho.

At habang siya ay naghihintay ro'n ay nakita nito ang saktong paglabas ni Rose sa paaralan nila kaya naman ang binatang si Kiko ay wala sa sariling napangiti.

"Hay, bakit ba ganito pa rin epekto ng babaeng 'to sa akin." bulong pa nito sa kanyang sarili.

Lalapitan na sana niya ang dalaga ang kaso nga lang ay may nauna sa kanya. Dalawang lalaki ang biglang lumabas sa isang kulay itim na kotse. Nakatakip ang mga mukha nito't pasimpleng umaligid sa puwesto ng dalaga. Nakita pa ng binata ang marahas na paghatak ng dalawang 'di lalaki sa babae saka dali-daling isinakay sa isang van.

Dahil sa pag-aalala'y mabilis ding sumakay si Kiko sa kanyang motorsiklo saka hinabol ang van na siyang pinagsakyan ng dalawang lalaki kay Rose.

Magkahalong kaba, takot at niyerbiyos ang kasalukuyang naghahari sa puso ni Rose sa loob ng sasakyan habang si Kiko naman na siyang sumunod sa kanila'y parang sasabog na dahil sa sobrang pag-aalala na ngayon ay nangibabaw na sa damdamin ng binata.

Sa isang liblib at tagong lugar huminto ang kotse, isang hindi pamilyar na lugar na madalang naman kung puntahan ng mga tao. Kasabay ng paghinto nito ang paghinto rin ni Kiko sa kanyang motor na malayo sa kinaroroonan ng kotse.

"Ano nakuha niyo na? Siguraduhin niyo lang na siya 'yan dahil ito na lang ang huli niyong pagkakataon." banta ng isang matipunong lalaki na para bang lider ng isang gang dahil sa kasuotan nito.

Nakasuot ito ng kulay itim na jacket at puting shirt, na siyang kapares pa ng isang itim na pants at sapatos. Naka-shades ang lalaki na animo'y tuktok sa araw kahit na hindi naman maaraw.

"Opo, Sir Patrick. Sigurado na kami sa pagkakataong ito at sigurado kaming ikatutuwa ni Boss ang regalong dala namin ngayon." nakangising sambit ng lalaki na isa sa dalawang lalaki na humawak kay Rose kanina.

Samantala, walang habas na hinila ng dalawang lalaki ang magkabilang kamay ni Rose Ann saka nila ito pinilit na ipasok sa loob ng isang abandunadong gusali, para itong isang lumang garahe kung titingnan mo siya sa labas at loob. Pinilit ni Rose na manlaban ngunit wala siyang magawa dahil pawang malalakas ang mga lalaking humawak sa kanya kaya napilitan siyang sumunod kahit ayaw niya.

Sa kabilang banda, lihim namang nakapasok sa loob ng gusaling iyon si Kiko. Nakapasok siya nang hindi namalayan ni isa sa mga nagbabantay doon. Minanmanan niyang mabuti ang mga taong naroon bago at habang papasok siya sa loob.

"Boss Bart!" pasigaw na tawag ng isang naka-shades na lalaki na siyang lumapit pa sa isang matangkad na maputing lalaki, na ngayo'y nakasuot ng simple munit mapormang damit na animo'y isa itong pinuno.

Boss Bart? Sinong Bart!?
Kunot-noong tanong ni Kiko sa isipan niya.

"Dala na nila ang matagal mo ng pinapahanap sa kanila." dagdag pa nito.

"Oh? Mabuti naman kung ganoon. Dahil 'di ko na kakayanin pa kung magkamali na naman sila sa pagkakataong ito, nakakasawa rin ang mga taong laging palpak." pigil inis na usal ng lalaking tinatawag nilang Boss Bart na sa palagay ni Kiko isang mastermind.

Sa pakiwari ng binata'y mga tauhan ni Boss Bart kuno ang lahat ng mga taong nasa loob ng lumang gusali na iyon at kasama na rito ang dalawang lalaking dumukot kay Rose.

Pinaupo nila si Rose sa isang silya saka itinali gamit ang lubid. Pilit kumalas si Rose sa pagkatali nito sa silya ngunit wala itong magawa dahil sa tindi ang pagkakatali sa kanya.

Huminga muna ng malalim si Rose bago siya nagsalita, "Ano bang kailangan niyo sa'kin ha!?" sigaw nito sa mga lalaking nakapalibot sa kanya.

Pinipilit niyang takpan ang takot na kasalukuyang bumabalot sa kanya. Hindi siya pwedeng matakot, mas maipapaalam niya lang sa mga ito na mahina siya at hindi pwedeng mangyari iyon. Lumapit naman sa harapan niya ang taong tinatawag nilang Boss Bart.

"Tsk, hindi mo na ba ako nakikilala Rose?" waring malungkot na tanong pa ng lalaki sa dalaga.

"Hindi, sino ka ba? Bakit, kailangan ba kilala kita?!" pasigaw na tugon ni Rose sa kanya.

"Iyan ang hirap sa iyo eh, kinakalimutan mo agad 'yung mga taong naging parte ng buhay mo." Nakangisi munit may bahid ng dismaya ang tono ni Bart saka matamang tinitigan si Rose Ann.

"Hindi ko naman sila makakalimutan agad, kung naging mahalaga silang parte ng buhay ko. Ikaw ba, naging mahalagang parte ka ba ng buhay ko ha?" madidiing mga salita ang ibinato ni Rose sa harap ng lalaki na ngayo'y halatang halata na ang galit at inis sa pamumukha nito.

"Aba't sumasagot ka na sa'kin." At doon sinampal ng lalaki ang babaeng kinidnap nila.

Kaya literal na napaawang ang labi ni Rose na naging dahilan upang mapaluha ang dalaga sa hapdi at sakit ng sampal mula sa lalaki.

At dahil sa nasaksihan din ito ni Kiko, todo pigil siya ng galit. Inipon niya ang mga iyon sa kaniyang kamao, napakuyom ito't matalim na tumitig sa lalaking nagsampal sa dalagang gusto niya. Naghahanap pa siya ng tiyempo kaya hindi siya kaagad makaganti para sa ginawa ng lalaki kay Rose.

Nakita no'ng lalaking may pangalan na Boss Bart ang pagtulo ng mga luha ng babae kaya napatawa ito ng malakas.

Isang nakakatakot na tawang pang-kontrabida ang ipinakawala ni Bart saka ito muling nagsalita ngunit bago iyon ay dumura pa ang lalaki sa sahig na siyang katabi lang ng silya ni Rose, kamuntikan pa nga niyang masalo ang dura ng lalaki mabuti nalang nakailag ang dalaga kaya sa likuran ito napunta.

"Iyan! 'Yan ang gagawin ko sa iyo kung sasagot ka pa ulit sa akin ng pabalang! Bastos kang babae ka, bakit ba ako nahulog sa'yo noon tsk."

"Pinagsasabi mo? Hindi kita kilala." blangkong saad ni Rose nang hindi tumitingin sa lalaki.

"Tumahimik ka!" Agad nagbago ang timpla ng mukha ni Bart pagkatapos niyang sumigaw.

"Sige. Hayaan mong palawakin ko muna ang isang kuwento na sa ating dalawa ako nalang yata ang nakakaalala. Masaklap man pero ayos lang." ngumiti ang lalaki, ngiting may ibang pakahulugan para sa dalaga.

"Ako si Bartolome Del Monte at ipinadala kita rito dahil gusto kitang makita. Alam mo bang gustong gusto pa rin kita?" dadag nito kasabay ng malaswa nitong tingin sa babae saka ito humawak sa kamay ng dalaga na siyang nakatali rin gamit naman ang isang packing tape.

"Wala akong pakialam at huwag mo akong hahawakan!" sigaw ni Rose Ann na daglian pang itinago ang kanyang kamay sa likuran niya.

"Alam mo naman kung bakit kita nagustuhan hindi ba? At dahil dito iyon." mahinang usal ng lalaki saka hinawakan ang dibdib ni Rose na siyang ikinagulat ng dalaga saka ito dahan dahang lumapit sa leeg ng babae na siyang hinalikan pa nito.

"Bitawan mo ko! Huwag mong gawin 'to, tumigil ka!" Nangingiyak na sambit ng dalaga, mas pinili niyang maging tapang kahit na sa loob-loob nito'y takot na takot na siya.

"Ewan ko ba kung bakit nagpakatorpe ako sa'yo noon eh kahit pala gamitin ko ito makukuha rin pala kita."

Nakaramdam ng magkahalong takot, kaba at pandidiri si Rose dahil sa sinabing ito ni Bart.

"Napakabastos mong hayop ka! Wala akong kilalang kagaya mo at huwag mo akong hahawakan dahil marumi ka! Layuan mo ko!" pagtatakwil nito saka dumura sa mukha ni Bart.

"Ah marumi pala ah!" pikon na sigaw ng lalaki. Marahas niyang hinalikan si Rose subalit tinakpan ng dalaga ang kanyang mga labi dahilan para mas manggigil pa ang lalaki sa kanya saka kinagat niya ang labi ni Bart kaya napatigil ito at sinamaan ng tingin ang babaeng dinudungisan niya.

"Ano ba!" matinis na sigaw muli ni Rose.

"Nakakailan ka ng babae ka!" ani Bart at muling sinampal ang babae.

"Ano Boss, patahimikin na ba natin?" Biglang entrada ni Patrick na siyang naka-shades pa rin hanggang ngayon. Tumango si Bart bilang sagot sa tanong nito.

"Masarap ka pa naman kaso hindi ka madaling tikman." Nasabi na lamang ni Bart saka umalis at nagpuntang banyo.

Kaya naman, si Patrick ay kumuha ng isang malaking tape na pwedeng idikit sa labi ng babae upang manahimik ito at iyon na nga, siya na rin mismo ang nag-tape sa bibig ni Rose.

Nakapag-isip naman si Kiko ng mas magandang paraan upang mailigtas niya si Rose. Palihim ulit siyang lumabas sa lumang garahe nang hindi siya napapansin ng mga tagabantay saka ito mabilis na nagpunta sa kanyang motor at doon tumawag ng mga back-up. Mga Pulis.

At noong maayos na ang plano ni Kiko at ng mga pulis ay saka naman ito nagpahuli sa mga lalaking nasa loob ng lumang garahe kung nasaan ang dalaga.

Una niyang pinabagsak ang dalawang taga-bantay ngunit habang papunta siya sa kinaroroonan ni Rose ay may humarang muna sa kanya.

"Oh, sino ka naman?" Kunwaring nagulat na tanong ni Bart sa lalaking naka-jacket at may maangas ang dating.

"Hindi ko kailangang magpakilala sa iyo, pakawalan mo si Rose." Maangas nitong utos sa lalaking nakaharang sa kanya ngayon.

"Aba! Tsk. Anong akala mo, kaya mo ko?! Patrick. Alam niyo naman kung anong parusa ng mga taong kumakalaban sa'kin hindi ba? Alam niyo na ang gagawin niyo dito." Nakangisi pang tawag ni Bart sa kanyang mga tauhan.

"Turuan niyo ng leksyon." Mariing utos pa ni Patrick na siyang sinunod ng mga lalaki.

Sunod-sunod ang pagsugod ng mga lalaki kay Kiko at hindi naman niya ito inatrasan. Noong una, nakakatama siya ng mga suntok sa mga naunang lalaking sumugod sa kanya ngunit nasikmuraan siya ng isang lalaki na may suot na bakal sa kamay kaya nagkaroon siya ng dugo na lumabas mula sa kanyang bibig.

"Francisco!" pilit na sigaw na ani Rose kahit na nakapandikit ang mga bibig nito. Sinusubukan niya pa ring kumalas sa tali ng kanyang kinauupuan.

Sinasabi pa niya sa kanyang isipan na, tama na Kiko, hindi ko kayang makita na may mapapahamak na tao nang dahil lang sa akin...

Nangingiyak na si Rose habang pinagmamasdan ang duguan ng si Francisco, Kiko.

Dahil sa nasikmuraan ito panandaliang nakaramdam ng pagkahilo si Francisco. Kasabay nito ang biglang pagsuntok na naman sa kanya kaya napatumba siya sa sahig.

Kasalukuyan na siya pinagtatadyakan ng mga tauhan ni Bart. Napang-hihinaan na ng loob si Kiko, iniisip na niyang sumuko.

Ilang sandali pa'y bigla bumalik sa alaala niya ang pagkakasampal ni Bart kay Rose, ang pagbastos nito sa kanya pati ang paghalik nito sa dalagang nililigawan na niya.

Kaya muling nanggigil si Kiko na makipagbugbugan. Nag-iinit ito kaya napataob niya ang anim na animal na pawang mga tauhan ni Bart. Tumalim ang mga tingin nito nang makita niya si Bart samantalang si Bart ay nakangisi lang na para bang hindi siya natatakot kay Francisco.

"Bakit sa kanya ka nakatingin? Atat ka naman yatang makalaban ang Boss namin hindi porket natalo mo ang anim na mga kumag na iyan." taas kilay namang wika ni Patrick saka tiningnan ng masama ang mga tauhan nito. Siya naman ngayon ang makakalaban ni Kiko.

Pasuntok na sana si Patrick kay Kiko nang biglang may narinig silang sirena na hudyat na may mga parak.

"Napapaligiran namin kayo kaya hindi na kayo makakatakas pa at kung ako sa inyo sumuko na lang kayo ng maayos sa amin para wala ng gulo." sigaw ng isa sa mga pulis na siyang nasa labas ngayon ng lumang garahe.

Sa pagkakataong ito nawala ang mga ngisi sa mukha ni Bart saka tumingin kay Patrick. Tumingin naman ito ng para bang nagsasabi ng tara-na-ayaw-ko-pang-makulong.

Si Kiko naman ngayon ang ngumisi at ngumiti ng pagkalaki-laki. "Ano tatakas kayo? Nasa paligid lang sila wala na kayong matatakbuhan." banta pa ng binata sa mga ito.

Pumasok ang mga pulis sa garahe at doo'y nahuli nila ang isa pa lang wanted sa batas na si Bart at ang alagad nitong si Patrick. Matagal na pala silang hinahanap ng batas dahil sa pagbebenta at paggamit nila sa ipinagbabawal na gamot, ang droga.

Pagkahuli sa mga ito'y kaagad pinuntahan ni Kiko si Rose saka niya kinalas ang pagkakatali ng dalaga sa silya. Nagulat naman siya dahil sa biglang pagyakap ng babae sa kanya.

"Salamat, maraming salamat." bulong pa nito sa kanyang tainga.

Napangiti si Kiko saka niyakap pabalik ang dalaga. Sabay silang kumalas nang makita nilang hawak na ng mga pulis ang mga taong dumukot kay Rose.

"Nagmahal lang naman ako kaya ako nagkaganito," nakatungong paliwanag pa ni Bart sa mga pulis.

At dahil sa alibay na sinabi ni Bart ay nabaling dito ang tingin ni Kiko. Lumapit siya't tumingin ng matalim.

"Nagmahal? Paano ka nagmahal sa ganitong paraan? Kung totoong mahal mo ang isang tao, hindi mo siya sasaktan!" pigil inis na durong ani Francisco kay Bart.

Napayuko na lang si Boss Bart dahil napagtanto nitong tama ang sinabi nito sa kanya.

Nagtungo na sina Kiko at Rose Ann sa isang ambulansiya upang magamot ang sugat ng dalawa. Mas inuna ni Francisco ang kalagayan ng dalaga nais nitong masiguro na maging maayos siya pagkahatid nito sa kanilang bahay. Samantala, may namuong reyalisasyon naman sa utak ng taong nanguna sa pagdukot kay Rose.


























"Hindi ko na pala maibabalik pa ang matagal ko ng minamahal, ang akala ko'y mababawi ko pa siya hindi na pala. Suko na ko," Wala sa sariling kuwento ni Bart sa mga pulis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top