14
Kabanata 14:
Paglabas kasama Siya.
Linggo, alas singko ng umaga.
Maagang gumising si Rose upang makapaghanda siya nang maaga sa pupuntahan niya. Kinagawian na kasi nito na magsimba tuwing linggo kaya siya gumigising ng umaga para makapag-ayos muna siya bago umalis ng bahay. Bahagya pang nagulat ang babae dahil sa biglang bungad ng kaniyang ama pagkapunta nito sa kanilang salas.
"Oh? Ang aga mo naman yatang magising, anak." bati ng may edad ng lalaki sa dalaga.
"Tay, nariyan ka pa po pala. Magsisimba ho kasi ako mamayang alas nuwebe, kaya kailangan ko ng matapos itong mga gagawin ko rito sa bahay para walang problema mamaya pagkaalis ko." magalang na paliwanag ni Rose sa kaniyang ama.
"Ah ganoon ba. Sige, basta umuwi ka bago magdilim ah? Mahirap na kung magtatagal ka pa ng gabi sa daan." payo ng kanyang ama na siyang tinanguan lang ni Rose.
Tumayo mula sa kanyang upuan si Tatay Ernesto at sinabing, "Rose, iha. Aalis na ako nagpahinga lang talaga ako dito, kailangan pa naming maglayag para maraming huli. Mag-iingat ka sa pupuntahan mo, anak." paalam pa ng ama nito.
"Opo, ingat din po Tay." tugon ni Rose Ann saka hinintay na umalis ang ama nito.
Pagkatapos no'n ay tinapos na nga ng dalaga ang lahat ng mga gawain niya sa kanilang bahay. Naligo na siya at nagbihis ngunit hindi niya inaasahan na may naghihintay pala sa kanya sa labas ng tahanan nila.
"Oh, bakit ka nariyan? Hinihintay mo ba ako? Sana nagsabi ka na pupunta ka para hindi ka naghintay dito ng matagal." wika ng dalaga sa kaharap nito.
"Sa totoo lang ay kararating ko lang. Tatawagin na sana kita kanina kaso sumakto naman na paalis ka na kaya hinintay nalang kita rito. Saan ka pala papunta?" pasimpleng tanong ng binatilyo.
"Magsisimba." tipid namang sagot ni Rose.
"Ah, sige tara? Hatid na kita roon, sabay na tayong pumunta sa simbahan." usal ng binata sa dalagang si Rose saka ito tumayo nang tuwid at umakmang bubuksan ang pinto ng kaniyang kulay pulang kotse.
"Sigurado ka ba riyan? Iba na simbahan na pinupuntahan ko." paninigurado pa ng dilag.
"Oo naman, huwag ka na ngang mahiya riyan akala mo naman hindi tayo magkaibigan." nakangiting saad pa nito.
"Oo na, sige. Ito na nga, sasakay na." Kunwaring napipilitang usal ni Rose na bahagya pang ngumiti kay Carlito na siyang bumungad naman sa dalaga sa pinto ng bahay nila.
Sa isang Christian Church nagtungo ang dalawa, isang uri ng simbahan kung saan maraming tao ang kasalukuyang nakaupo at pawang naghihintay na magsimula ang kanilang misa o mas tinatawag nilang preaching ng isang pastor, na siya namang tawag sa lider nila na nagtuturo ng iba't ibang mga aral galing sa bibliya.
Noong nakapag-park na ng sasakyan si Carlito ay nauna na siyang bumaba ng sasakyan, inalalayan niya si Rose palabas ng kotse niya at sabay na tumingin sa lugar kung nasaan sila ngayon.
Pumasok na sa loob ng isang simple at maliit na gusali si Rose, sumunod naman si Carlito sa kaniya patungo sa gusali kung saan pumunta ang dalaga.
"Oh Rose? Nariyan ka na pala," bungad ng isa sa mga tao roon na nakakakilala sa dalaga, isa itong babae na hindi kalayuan ang edad na mayroon sina Carlito at Rose.
"Hi Ate Axy, pasensya na po dahil hindi na ko nakapagsabi na pupunta po ako ngayon dito." nahihiyang paliwanag ni Rose sa babaeng nagngangalang Axy.
"Nako, ayos lang. Ang mahalaga'y narito ka, dumalo ka rito." tugon sa kanya ni Axy na tinapik pa ang parehong balikat ni Rose Ann.
"Ay, oo nga po pala Ate. Si Carlito nga po pala, matalik ko hong kaibigan." pakilala ni Rose kay Carlito sa babae.
"Hi Carlito!" masiglang bati naman ni Axy.
Samantala, ngumiti lamang si Carlito at sinabing, "Hi rin po, Ate."
"Ako si Axy Maxine Del Mar, isang lider ni Rose, pamilyar ka ba sa mga ginagawa namin dito?" pakilala naman ni Axy sa sarili saka tinanong ang binata.
"Oo naman po, isa rin po akong kristiyano." nakangiting tugon pa nito.
"Ah sige. Doon na muna kayo sa unahan ah? Mag-aasikaso na muna ako ng iba pa nating mga bisita. Kita nalang tayo mamaya, Rose." turo pa ng babae sa daawang bakanteng upuan na nakalagay sa may harapan at muling ngumiti ang dalawang babae sa isa't isa, sina Rose at Axy.
Pagkatapos ay iniwan na niya ang dalawang magkasama na sila Carlito at Rose saka ginawa ang mga bagay na dapat niyang gawin.
Pagkatapos ng misa ay nag-aral sila ng ilan pang salita at kuwento mula sa bibliya na mas tinatawag nilang bible study saka sila nagkamustahan sa buhay ng bawat isa.
Saktong alas dose na ng tanghali nang matapos ang pagsimba nila at pagkatapos no'n ay doon naman niyaya ni Carlito si Rose na lumabas kasama siya. Sumang-ayon naman ang dalaga sa paanyaya ng binatilyo sa kanya.
Ito ang dahilan kung bakit masayang-masaya si Carlito at dahil dito'y dinala niya si Rose sa Maynila kung saan nakatira ang buong pamilya niya.
Ipinaalam na ito ni Carlito sa ama ng dalaga nang maabutan itong paalis sa kanilang tahanan, pinayagan naman sila kaya walang problema. Pinagkakatiwalaan kasi ni Tatay Ernesto si Carlito, dahil nga sa kababata nito ang anak niya at kilala pa niya ito mula pagkabata.
"Rose, ano nagustuhan mo ba?" tanong ng binata. Sinilip pa nito ang ekspesyon sa mukha ng dalagang kasama niya at hindi naman maipinta ang sayang nararamdaman nito.
Kasalukuyang namamangha si Rose sa kaniyang mga nakikita. Ang ganda, maaliwalas ang buong paligid at bagong-bago ito sa paningin niya. Dahil dito'y wala sa sariling napangiti si Carlito sa babaeng kasama niya, napanatag ang loob nito sapagkat alam niyang nagustuhan ito ng dalaga.
"Nasaan pala tayo, Carlo?" tanong nito habang nakatingin pa rin sa paligid.
"Nasa Maynila tayo, Rose. Isa itong kainan na hindi ganoong sikat pero maganda ang lugar dito at aminado ako na maski ako, gustong-gusto ko rin ang kabuoan ng lugar na ito. Kaya kita dinala rito ay dahil alam kong magugustuhan mo, mas lalo na dahil may maliit silang halamanan dito na mas tinatawag nilang mini garden. Huwag kang mag-alala dahil ipinagpaalam na kita sa iyong ama." mahabang salaysay pa ni Carlito kay Rose. Nakangiting tumango lamang ang babae sa kaniya.
"Maraming salamat, ang ganda rito sa lugar na ito." komento nito saka suminghap ng sariwang hangin.
Pumasok na silang dalawa sa loob ng isang resto at pumunta sa isa sa mga upuan doon. Nasa bandang gilid sila ng bintana kaya kahit naroon sila sa loob ay tanaw na tanaw pa rin nila ang paligid sa labas nito.
Si Carlito ang tumawag ng isang waiter, siya na rin ang pumili ng mga pagkain na kakainin nila ng kasama niyang babae at habang naghihintay ng pagkain ay kinausap ng binata si Rose,
"Mabuti naman dahil hindi ka nababagot dito." malumanay nitong wika na tumingin pa sa babae na hanggang ngayon ay manghang-manghang pa rin sa mga nakikita.
"Bakit naman ako mababagot dito eh ang ganda ng paligid? Hindi nakakaumay na tingnan. Salamat Carlito ha kasi dinala mo ako rito." papasalamat pa ng dalaga sa taong nagdala sa kaniya sa lugar kung saan sila ngayon.
"Salamat din dahil pumayag kang sumama sa'kin papunta rito kasama ako." Pareho lamang ngumiti sa isa't isa saka lumitaw ang mga pagkain na kanina lang ay sinabi ni Carlito. Inilagay ng isa sa mga taga-serve na waiter doon ang pagkain nilang dalawa.
At habang kumakain sila'y hindi maiwasan ni Carlito na tumingin sa mukha ng babaeng katapat niya ngayon, si Rose. At noong naiangat na ng dalaga ang mukha nito'y napatingin din ito kay Carlito kaya ang kinalabasan, nagkatinginan sila pareho.
Unang umiwas si Rose sa titigang iyon sapagkat nakaramdam siya ng ilang sa kaniyang kababata. Samantalang si Carlito, lihim na ngumiti dahil sa panandaliang nangyari.
Pagkatapos kumain sa loob ng resto na iyon ay tumungo naman ang dalawa sa labas ng kainan kung saan nakapuwesto ang isang maliit na halamanan o mas tinatawag nilang mini garden.
Hindi na mabilang ni Rose kung ilang beses na siyang pinangiti ni Carlito sa araw na ito. Tuwang-tuwa siya sa kanyang mga nakikita at kasabay nito ang biglang paglapit ni Carlito kay Rose. Nagulat ang dalaga sa biglang paghawak nito sa kaniyang kamay, ano kayang gagawin niya?
"Tara?" yaya ng binata sa babaeng kasama nito habang nakahawak pa rin sa kamay ng dalaga. Tumango na lang si Rose bilang tugon sa paanyaya ng lalaki sa kaniya.
Masayang hinila ni Carlito si Rose papasok sa mini garden. Pumunta silang dalawa sa upuan na makikita sa isang lilim ng puno, isa lang naman ang puno roon dahil karamihan sa mga nakatanim sa lugar na iyon ay pawang mga bulaklak lamang at mula doo'y nakita ni Rose ang magandang pagkakaayos ng mga halaman. Kitang-kita kasi ro'n ang kabuoan ng maliit na hardin.
Ngumiti nang malaki si Rose bago muling humarap sa taong kahawak-kamay niya. "Alam mo Carlito kahit kailan talaga hindi mo ko binigong pangitiin, maraming salamat ha?"
"Alam mo kasi Rose, gustong gusto ko kasing nakikita 'yang mga ngiti mo. Ayaw kitang nakikitang malungkot o dili kaya'y umiiyak dahil masakit sa pakiramdam ko iyon. Mula pa noong mga bata pa tayo Rose, hindi pa rin nagbago ang gusto ko sa buhay at iyon ay ang magkaroon ng kagaya mo sa buhay ko." Binigyan naman ng nagtatakang tingin ng dalaga ang binatilyo sapagkat hindi maintindihan ng babae ang nais nitong iparating sa kanya. Seryoso kasi ito no'ng sinabi nito ang mga katagang iyan.
"A-ah anong sinasabi mo r'yan, hahaha..." Bakas ang kaba sa tono ng tawa ni Rose. Napaiwas siya ng tingin kay Carlito dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya kung ipagpapatuloy niya ang pagkikipagtitigan dito.
Bumitaw sa kamay si Carlito, sumandal siya sa upuan na inauupuan nilang dalawa ni Rose at saka siya suminghap ng malalim. Napatingin muli tuloy sa kaniya si Rose dahil sa ginawang ito ng kanyang kababata.
Tumingin ito sa taas ng puno dapit hapon naman na kaya hindi na nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa sinag ng araw. Huminga muna siya ng sariwang hangin bago magsalita muli,
"Rose, sana malaman mo kung gaano mo ako napapasaya sa simpleng mga pagngiti mo, sa mga simpleng ginagawa mo at sa pagsama-sama mo sa akin kagaya nito. Alam kong hindi ka manhid Rose at alam ko na pinahahalagahan mo ang pagkakaibigan na mayron tayo kaya hindi mo pinapansin ang mga panliligaw na ginagawa ko noon sayo dahil siguro iniisip mo na bata pa tayo noon pero Rose hindi ko na kayang pigilan pa ito." pag-amin ni Carlito sa kaniyang nararamdaman para sa kababata niya na marahan pang itinuro ang puso nito.
"Rose gusto kita, gustong gusto kita matagal na at hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto ko." Malumanay munit sinserong aniya.
Tumitig pa siya sa dalaga habang nagsasalita siya. Ito ang dahilan kung bakit tuluyang napalunok ang dalaga. Napaawang pa ang labi nito dahil sa pagkagulat na siyang naramdaman niya habang nagsasalita ang dating kababata niya lang.
Napatulala siya saglit sa binata, hinayaan niya munang magproseso ang mga sinabi nito sa kanyang isipan.
At doo'y dahan-dahan itong napatikom ng bibig saka siya muling nagsalita, "Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin o gawin sa biglaan mong pagsabi ng iyong nararamdaman para sa'kin pero ang alam ko lang ay tanggapin ang iyong pag-amin." Napangiti naman sa sinabing ito ng dalaga ang binata subalit muling nagsalita ang dilag.
"Ngunit, huwag kang magalit sa akin kung sasabihin ko ang opinyon ko. Carlo, hindi ko alam kung may pag-asa ba na maging tayo sa hinaharap pero sana malaman mo na mahal kita..." Lumiwanag ang mukha ni Carlito dahil sa binitawang kataga ng dalaga.
"Mahal kita Carlo, mahal kita biglang isang matalik na kaibigan. Sasabihin ko sa iyo ang mga bagay na ito sapagkat ayaw kitang paasahin dahil hindi ko kakayanin kung sakaling masaktan kita. Natatakot akong mawalan ng isang katulad mo sa akong buhay, na isang tunay at matapat ng kaibigan."
Tumungo si Rose no'ng sabihin niya ang mga salitang ito hindi niya kayang tumingin sa mga mata ng kababata.
Ang kaninang maliwanag na mukha napalitan ng lungkot dahil sa sinabing ito ng dilag, nawala ang ngiti sa mukha ng binatilyo. "Ano ba Rose? Hindi naman kita minamadaling sagutin ako. Gusto ko lang na malaman mo itong nararamdaman ko para sa iyo, atlis hindi ba? May alam ka na isang sikreto ko." malungkot na saad ng lalaking kasama nito.
"Pa-patawad..." wala sa sariling paumanhin ni Rose Ann sa lalaki.
"Huwag ka na ngang mag-sorry atlis tinanggap mo ang pag-amin ko. Ibig sabihin ay pwede na akong manligaw sa iyo ulit."
Pilit pinapasaya ni Carlito ang sarili niya habang si Rose ay nalilito sa kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa binata at dahil hindi na niya kaya ang bigat ng hangin na bumabalot sa kanilang dalawa ngayon ay huminga siya ng malalim.
Pilit ang mga ngiting ibinigay ni Rose sa binatang kasama nito kaya napasimangot ang lalaki sa kaniya.
"Bakit naman pilit?" tanong pa ng binata.
Inilagay ni Carlito ang dalawang daliri nito sa magkabilang dulo ng labi ng dalaga upang magkorte itong nakangiti at dahil dito napangiti ng tuluyan si Rose kay Carlito kaya napangiti at sumaya na rin ang binatilyo.
Napabuntong-hininga si Carlito saka ito tumayo, nag-ingat at muling nagsalita.
"Ano ba 'yan, hindi ko na kaya. Ang bigat ng hangin dito, tama na nga itong kadramahan na ito. Pasensya na Rose kung binigla kita ngayong araw, ah? Ayan tuloy hindi ka na masaya."
Ngumiti pa muli si Carlito, tinatago niya ang lungkot na nararamdaman niya kanina pa dahil ayaw niyang ipakita ito sa kaibigan.
Tumawa naman pareho ang magkaibigan, hinawakan muli ni Carlito ang kamay ni Rose, hinayaan lang ito ng dalaga na gawin ito ng kababata dahil ayaw naman niya itong maging malungkot dahil sa naging usapan nilang dalawa kanina.
"Tara, hatid na kita sa inyo." masiglang yaya ng binata. Sumang-ayon naman ang dalaga sa paanyaya nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top