13

Kabanata 13:
Bisikleta



Kinabukasan, sabado.

Walang pasok at wala masyadong ginagawa sa bahay kaya naisipan ni Angel na gumala at pumunta sa lugar kung saan siya pwede maglibang.

Mula sa kanilang kuwarto, pumunta ang dalaga sa kusina upang kausapin ang kaniyang Kuya. Magpapaalam ito na aalis siya.

"Kuya Kiko, mamaya aalis ako." paalam niya. Dahil dito'y nakuha niya ang atensyon ni Kiko na siyang Kuya niya.

"Aba, saan ka naman pupunta?" takang tanong nito na lumingon pa at tumitig kay Angel. 

"Sa Plaza. Maglilibot-libot lang, nakakabagot kasi dito sa bahay eh." komento nito saka umupo sa isa sa mga upuan sa kanilang kusina.

"Sige, pumunta ka sa Plaza para naman walang sagabal dito sa'kin at huwag kang hihingi sa akin ng pera dahil wala ako no'n." waring seryosong usal pa nito na umiwas pa ng tingin sa kapatid niya.

"Hala. Kuya naman, ang daya mo. Walang ganyanan." nagtatampong saad ni Angel sa Kuya nitong si Kiko.

Tinitingnan lang ni Angel ang ginagawa ng kapatid. Kasalukuyan itong naghahanda ng pagkain nila at habang abala ito sa paglalagay ng huling sangkap sa kanyang niluluto, doo'y ngumiti nang malaki si Angel saka lumapit at niyakap ito mula sa likod pagkatapos ay muli siyang nagsalita.

"Hindi naman yata pwede 'yun Kuya. Kailangan ko ng pera para makabili ako ng gusto kong bilhin mamaya sa Plaza. Kahit pang-sorbetes lang oh," lambing ni Angel sa Kuya nitong si Kiko. Lihim namang ngumiti si Kiko dahil sa inasta ng kapatid.

"Ahm, lahat talaga ginagawa mo para bumigay ako ano? Tsh, palibhasa kasi may kailangan ka." Dahil sa sinabing ito ni Kiko bumitaw sa yakap si Angel.

"Sobra ka naman sa'kin Kuya Kiko hindi naman ako gano'n." kunot-noong depensa pa nito. Humarap si Kiko sa kapatid saka mahinang binatukan ito.

"Aray naman!" reklamo ni Angel na hinawakan saglit ang parte kung saan siya binatukan ng kanyang Kuya.

"Akala talaga masakit tsk." komento pa ni Kiko sa ginawa niya sa kapatid niya.

"Hayst, bahala ka nga riyan hindi na kita pipilitin pa. Magbabanyo na nga ako," pagsuko ni Angel kay Kiko na bahagya pang lumapit sa pinto ng banyo nila subalit bago pa man niya buksan ito ay muli siyang nagtanong.

"Oo nga pala, saan si Nanay?" tanong niya nang mapansin na wala ang kanilang ina sa loob ng kanilang tahanan.

"Nasa karinderya, sa palengke." mahinahong tugon naman ng kanyang kapatid.

"Ah... Sige." Huling wika nito saka siya pumasok sa loob ng banyo.

Mahigit isa't kalahating oras nang matapos sa paliligo si Angel kaya hindi na niya naabutan pa ang Kuya nito sa Kusina ngunit nag-iwan naman ito ng kapirasong papel na may sulat kamay ni Francisco.

Ayan na. Siguro naman sapat na ang perang ito upang mabili mo ang gusto mong sorbetes. Sayang lang dahil hindi ako makakasama, may pupuntahan pa kasi ako, kita nalang tayo mamaya. Ingat ka, Angge.

"Ang suwerte ko talaga dahil may kuya akong kagaya nito. Maraming salamat, Kuya Kiko. Suwerte ko talaga sa'yo." bulong niya sa kanyang sarili saka palihim na ngumiti.

Ilang oras pa ang lumipas ay sinundo na ni Angel si Rose mula sa bahay nito upang magpasama papunta sa Plaza. Sumang-ayon naman ang kaibigan niya kaya sabay silang nagtungo roon.

Napagkuwentuhan ng magkaibigan ang tungkol sa nangyari kahapon. Sinabi ni Rose ang mga eksena na mayroon silang dalawa ni Romeo kahapon kaya todo pigil si Angel sa selos na ngayon ay kanyang nararamdaman.

At habang naglilibot sila ay nakaramdam ng pagkagutom si Rose kaya niyaya niya ang kanyang kaibigan na pumunta sa isang Ice Cream Parlor, isang tindahan na madalas nagbebenta ng iba't ibang klaseng sorbetes. Isa sa mga lugar na madalas nilang pagtambayan na dalawa.

Patungo na sana sila papunta ro'n nang biglang tumigil si Angge sa paglalakad, taka siyang tiningnan ni An An.

"Sigurado ka bang hindi ka sasama?" takang tanong nito sa kaibigan at buong puso itong tumanggi sa paanyaya niya.

"Mamaya nalang muna siguro, pupunta na muna ako sa banyo." malumanay na sinabi ni Angel kay Rose.

"Ah sige, hintayin nalang kita rito tapos sabay na tayong bumili ng sorbetes." Tumango nalang si Angge sa sinabi ng kaibigan saka wala sa sariling tumungo ito sa CR.

Nanalamin lang siya ro'n saka nagsalita, "Siguro sobrang saya ni Romeo kahapon, ikaw ba naman nakasama mo ang taong gusto mo hindi ka pa ba masaya no'n?" tanong nito sa sarili na mapait pang ngumiti.

Sa hindi malamang kadahilanan ay tumulo ang mga luha ni Angel at doon niya naramdaman yung sakit pati lungkot dahil sa kuwenti ng kaniyang kaibigan kasama 'yung taong gusto niya. Kanina nagseselos lang siya, ngayon napagtanto niya na nasasaktan pala siya.

Ang hirap kasing pigilin mas lalo na kung masakit talaga.

Ito ang kasalukuyang tumatakbo sa isipan ni Angel habang nakatitig sa kanyang sarili sa salamin.

Pagkatapos umiyak at maghilamos ay lumabas na siya upang puntahan na ang kaibigan niya na kanina pa naghihintay sa kanya at para na rin makabili ng sorbetes na ang sabi ng iba ay nakapagpapagaan daw ng loob.

"Oh, ayos ka lang ba? Bakit ganiyan 'yung mga mata mo?" Nanliliit ang mga matang tanong ni An An kay Angge.

Hindi nakaligtas sa pagtatago si Angel sa kaibigan niyang Rose. Kahit na naghilamos na ito bakas pa rin sa kanyang mga mata na umiyak siya.

"Ah, wala lang ito. Tara! Bili nalang tayo ng sorbetes." pag-iwas ni Angge sa naging tanong ng kaibigan niya.

Pagkatapos mag-usap ay parehong pumunta ang dalawa sa tindahan ng mga sorbetes.

"Isa pong strawberry at isang keso." order ni An An sa counter ng tindahan.

At no'ng ibinigay na kay Rose Ann ang binili niyang sorbetes ay binigay na niya ang keso sa kanyang kaibigan at sa kanya naman 'yung strawberry.

Masaya silang kumain ng ice cream at pagkatapos nakaramdam naman ng pagkabagot si Angel.

"Nakakabagot naman, tara bike tayo." reklamo ni Angel sa kaibigan ngunit nabuhayan din sapagkat may mga nakita siyang mga tao na nagbibisikleta sa daan.

"Hala, paano iyan hindi ako marunong. Mabuti sana kung tuturuan mo ako?" pasaring ni An An dahilan para mapabuntong-hininga ang kaibigan niya.

Napasapo sa kanyang noo si Angel at sinabing,"Oo nga pala. O siya, sige. Tuturuan kita."

At dahil dito lumiwanag ang mukha ng kaninang nag-dadalawang isip na mukha ni Rose. Ngumiti siya ng malaki at biglang niyakap ang kaibigan na siyang ikinagulat nito.

"Salamat, tara na!" masayang aniya.




---

"Ano ba 'yan kanina pa tayo rito hanggang ngayon hindi mo pa rin mabalanse ang sarili mo sa bisikleta." Nakakailang turo na si Angel kay Rose subalit hanggang ngayon hindi pa rin makuha-kuha ni Rose ang turo nito sa kung paano gumamit ng bike.

"Ang hirap naman pala nito akala ko madali lang." Halata sa boses at kilos ni Rose na nahihirapan na siya at pagod na rin dahil paulit-ulit lang silang dalawa roon.

"Madali lang naman talagang mag-bike kung kaya mong magbalanse." Napayuko na lamang si An An sa sinabing ito ni Angge.

"Hayst. Nakakapagod naman, hindi tuloy ako makapagbisikleta." dismayadong wika ni Angge, kaya nakaramdam ng awa si Rose Ann sa kaibigan niya.

"Patawad, Angge." panunuyo pa niya.

"Hindi, biro lang. Syempre mahalaga rin sa'kin na matuto ka 'no. Sige, ulit muli tayo." Pag-eenganyo nito sa kaibigan na pasuko na.

Hinawakan ni Angge ang isa sa mga hawakan sa bisikleta ni An An saka nito inisentro sa daan.

"Dumeretso ka lang huwag kang liliko. Sige pumidal ka, aalalay ako sa'yo." payo pa ng kaibigan ni Rose Ann.

At ginawa nga ni An An ang sinabi ng kaibigan, pumidal ito at naging maganda naman ang resulta, nagtuloy-tuloy ito kaya hindi huminto ang dalaga sa pagpidal hanggang sa...

"Oh, oh! Yung tingin mo An! Sa daan lang dapat, dahan-dahan baka may mabangga ka!" kabadong sigaw ng kaibigan niya dahil sa mabilis na takbo ng bike ni An An.

Hindi kaagad naipreno ni Rose ang bisikleta nito kaya dumeretso siya sa daan at hindi nito namalayan na may padaan palang tao ro'n.

"Tumabi kayo! Tabi, ah!" tanging nasabi na lamang nito sa taong halos mabangga na niya.

Nailiko ni Rose ang bike at dahil dito nawala ang kanyang balanse.

"Aray..." aniya na tiningnan pa ang kanyang tuhod na napuruhan dahil sa pagkakasemplang niya.

"Patawad. Sandali, Rose Ann? Rose, ikaw nga." Iniabot ng isang pamilyar na lalaki ang kamay nito upang matulungan si Rose na tumayo ngunit tumanggi siya.

"Hindi okay lang..."

"Kaya mo bang maglakad?" Bakas sa tono ng lalaki na nag-aalala ito.

"Nako kaya ko na po, huwag kang mag-alala." Tumayo siya at sinimulang humakbang subalit natumba ito, mabuti nalang dahil nasalo siya ng lalaki.

"Ahm, pasensya na." Agad namang tumayo ng deretso si Rose, nailang siya sa lalaki ngunit ngumiti lang sa kanya ito.

"Ts. Kaya raw, huwag nga ako Rose. Tingnan mo dumudugo pa nga 'yung sugat mo sa tuhod, halika't gagamutin ko iyan." Binuhat ni Janry ang dalaga at dinala ito sa isa sa mga upuan malapit sa lilim ng isa sa mga puno roon.

Nais pa sanang tumutol ang dalaga ngunit nabuhat na siya nito't hindi na niya kayang tumanggi pa.

Nakaramdam naman ng panandaliang hiya at saya si Rose. Hindi niya malaman kung bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa kanya. Basta ang alam niya kinikilig siya ngayon kahit alam niya sa sarili niyang hindi dapat.

"Oh, bakit ganiyan ang mukha mo?" takang tanong ng lalaki na direkta pa siyang tinitigan sa mata.

"H-ha? Ano bang mukha ko?" Dahil sa ilang ay nautal ang babae na palihim pang ngumiti sa hindi malamang dahilan.

"Ang saya ng ngiti mo ah." Ngumiti ang lalaki sa kaniya saka tumitig kay Rose na siyang dahilan ng pag-iwas ng tingin ng dalaga.

Bumaling nalang siya ng pansin sa tuhod ng dalaga. Hindi naman gano'n kalaki ang gasgas na mayroon ito sa tuhod niya kaya madali lang itong gamutin.

Una niyang nilinisan ang sugat nito, nilagyan ng betadine at pagkatapos ay nilagyan niya ito ng band aid. Sinubukan pa niya na iangat ang tuhod nito upang malaman kung masakit pa ba saka direktang tinanong ang babaeng ngayon ay tahimik na nakapirmi sa kaniyang inuupuan.

"Ano, masakit pa rin ba?" mahinahong tanong ng binatilyo habang initataas baba ang tuhod ng dalaga.

"H-hindi na." Nautal na tugon ni Rose Ann.

"Bakit ganoon noong huli tayong magkita hindi ka naman ganiyan magsalita, anong nangyari sa'yo?"

"Hay, hindi ko rin alam kung bakit." bulong ni Rose sa sarili niya.

"Ano?" takang tanong muli ng lalaki dahil hindi niya narinig ang bulong ni Rose.

"Ah? Wala." nasabi nalang niya.

Tumingin si Janry sa mga mata ni Rose at nahuli naman niya ang paningin nito. Saglit silang nagkatitigan at sa hindi malamang dahilan, bigla nalang sila nakaramdam ng kakaibang kaba at saya.

Si Janry alam niya ang dahilan kung bakit masaya ang puso niya pero si Rose? Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung bakit ganito ang epekto ng lalaking nasa harapan niya ngayon. Ngumiti muli si Janry at umupo sa tabi ni Rose.

Maya-maya pa'y dumating na si Angge, pawis na pawis halata mo talagang tumakbo siya.

"Hala An?! Dapat pala hindi na talaga kita niyayang mag-bike ayan tuloy, may sugat ka." Nag-aalalang saad nito na tumingin pa sa bendang nasa tuhod nito.

"Huwag kang mag-alala Angel, walang nangyaring malala sa kaibigan mo." paninigurado pa ni Janry para hindi na mag-alala pa ang kaibigan nito.

"Oh, Kuya Janry nariyan ka pala. Ikaw ba naglagay ng band aid kay An An?" Tumango ang binata kaya hindi na nag-alala pa ito.

"Hayst, salamat naman." tila'y nabunutan ng tinik na sabi ni Angge.

"Ginagawa mo naman akong matanda niyan Angel. Janry nalang wala ng Kuya, ts. Magkaibigan naman mga magulang natin kaya pwede naman siguro na wala ng Kuya. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin." At dahil sa tugon nito ni Janry nagkatinginan ang magkaibigang babae saka sabay na natawa.

"Paano na 'yan hindi ka na makakasama sa'kin magbisikleta." malungkot na usal ni Angel sa kaibigan.

"Hindi. Ayos lang 'yan, atlis may libre ka ng oras para magbisikleta kahit ikaw lang mag-isa." pangungumbinsi ni Rose sa kaibigan.

"Ay Angel, nandyan si Jemmy kasama niya 'yung iba pa niyang mga kaibigan. Narito rin sila para mag-bike pwedeng isama mo na rin sila sa iyo? Sasamahan ko nalang muna rito si Rose." suyo ni Janry kay Angel na siyang tinanguan lang ng dalaga. Nais niya rin kasing makita at makasama ang nakakabatang kapatid ng kuya-kuyahan niya.

At no'ng umalis na si Angel ay nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa para makapagkuwentuhan. Ipinakilala ni Janry ang kanyang sarili sa dalaga, ganoon din naman ang dalaga sa kanya at napagkuwentuhan ng dalawa ang kanilang mga pinanggalingang mga pamilya.

Kahit na ginabi na sila sa kanilang pagpapasyal at paglilibang ay naging masaya naman silang lahat. Umuwi sina Rose at Angel na may mga ngiti sa kanilang mga mukha, lalo na si Janry sapagkat nakasama niya ang taong tinatawag-tawag niyang kaniyang 'binibini.








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top