1

Kabanata 1:
Pagpapakilala




Sa bayan ng Sta. Feliz ay may napakagandang dalaga na laging pinipilahan ng mga kalalakihan at ang ngalan ng dilag ay si Rose Ann.

Isang araw, may taong nagtungo sa tahanan ni Rose Ann. Isang lalaki. Nagulat na lamang ang magandang babae sa biglaang pagpunta nito sapagkat alas-kuwatro palang ng umaga, ni hindi pa nga nagpapakita ang araw at tanging tandang lang ang kasalukuyang nag-iingay. Sobrang aga pa para sa isang panliligaw.

Ngunit hindi pinahalata ng dilag sa binatilyo na nasa harapan niya ang pagkagulat na kaniyang naramdaman nang bigla itong dumalaw sa kanilang tahanan.

Ngumiti ang lalaki at sinabing, "O kay gandang binibini, sobrang ganda na ng aking araw sapagkat nasilayan ko na ang iyong maamong mukha."

"Masisilayan mo talaga ang aking mukha 'pagkat dumalaw ka kaagad dito sa aming tahanan. Ano po ang maililingkod ko sa inyo, ginoo?" Magalang na saad ng babae sa lalaking nasa harapan ng kanilang pintuhan. Hindi niya pa rin ito pinapapasok dahil sa isip ng dalaga'y sasaglit lang ito ro'n.

"Nais ko lang makita ka, o aking sinta." banat muli ng binatilyo dahilan para mapilitang ngumiti si Rose.

"Oh, kung gayon pala'y iyon lamang ang iyong sinadya rito?" Pigil ang ngiting tanong ng dilag saka ito tipid na tumawa.

"Ang sarap sa tainga ng iyong pagtawa, binibini." Simpleng ngumiti ang lalaki dahilan para mapangiti ng tuluyan ang dilag.

"Sandali nga, gusto mo bang pumasok?" takang tanong ni Rose na kunwari ay hindi narinig ang komento ng binata sa kanya. Napansin kasi ng dalaga na parang nangangalay na ito kaya siya nagtanong. Tumango naman ang lalaki bilang sagot sa tanong ng dalaga.

"Ahm, ano nga pala ang iyong ngalan?" tanong muli ni Rose sa lalaki habang papunta sila sa sala ng kanilang bahay. Umupo sila sa upuan katapat ng kanilang radyo at bintana.

"Janry De Guzman ang aking pangalan, Janry nalang." Nakangiting sagot naman nito.

"Ah Janry, bakit maaga ka nga pala napadpad dito sa aming bahay?" tanong ni Rose habang inaayos ang lamesa na katapat ng upuan nila.

"Wala lang. Nais ko lang makita ka sa ganitong oras, alam ko naman na maya-maya lamang ay magsisidatingan na rin ang ilan mo pang mga manliligaw kaya nagpauna na ako. Alam ko naman na sa sobrang dami nila eh baka 'di mo na ako mapansin dahil alam kong may mas higit pa sakin." Sinilip ni Janry ang mukha ng dalaga, napatigil ito sa pag-aayos ng lamesa at doon nagtama ang kanilang mga paningin.

Mabilis ang pagtibok ng dibdib nilang dalawa ngunit pareho nilang pinipigilan iyon.

Bakit kaya?

Unang umiwas ng tingin si Rose.

"Hays. Bakit ba ganito ang epekto mo sa akin, binibini." Bahagyang lumungkot ang boses ng lalaki. Tumingin pa ito sa bintana na tila ba'y nakatingin ito sa kawalan.

"A-ano bang sinasabi mo riyan." Nautal na ani Rose kay Janry. Tumingin saglit ito sa lalaki kahit na malayo ang tingin nito at muling umiwas ng tingin nang maramdaman nitong magsasalubong na naman sila ng tingin. Bumaling nalang siya sa radyo.

"Ah... Wala, sige na. Salamat dahil pinatuloy mo ako. Sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita." Ngumiti si Janry at tumayo na saka siya umastang aalis.

Subalit bago pa man din ito makatapak sa pinto ng bahay ng dalaga ay tumungo muli siya sa upuan sa may sala at bigla niyang hinila si Rose at doon niyakap niya ang dalaga. Isang mahigpit na yakap. Bumulong ito sa dilag at sinabing "Maraming Salamat," saka ito tuluyang umalis.

Naiwan namang tulala si Rose dahil sa ginawa ng binata sa kaniya. Pinapakiramdaman ang kanyang puso.

"Inaamin kong bago ko lang ito naramdaman, ngayon lang. Bakit nga pala ganito ang nararamdaman ko sa lalaking iyon? Ni hindi ko naman siya kilala ngunit bakit ganito," Nagugulumihanang aniya sa sarili.

Kinapa niya pa ang kaniyang puso na ngayo'y sobrang bilis ng pagtibok, para bang nag-uunahan ang mga ito na tila ba'y may karera sa loob nito.

Iyon ang unang pagkakataon na makaramdam siya ganoon. Ilang minuto pa'y ito nalang ang tangi niyang nasabi pagkatapos niyang maramdaman at malaman ang bagay na 'yun.






















Gusto ko muling masilayan ang kaniyang mukha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top