CHAPTER 8:
MISHA
Kakagising ko pa lang ay isang email na ang bumuhay sa araw. Pagkabasa ko nito ay agad na nabuhayan ang diwa ko. Sino ba naman ang hindi magugulantang sa email na nagsasabing nare-assign na akong magtrabaho sa project kasama si Rellan.
Kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Agad akong nagtungo sa opisina upang kausapin si Sir Hans. Sa lahat ba naman kasing mas magaling na agent kesa sa 'kin ako pa talaga ang napili nilang isama sa team na bubuo sa project na may kinalaman sa kompanyang pinagtatrabahoan ni Rellan.
Sa tingin ko ay sinasadya ito ni Rellan dahil alam kong hindi niya ako tatantanan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak niya para isiping sinasaktan ako ni mama pero sumusobra na siya. I will not let him cross the line.
"Sir Hans," I said and opened the door to the conference room kung nasaan si Sir Hans ayon sa mga kasama ko sa trabaho.
Napahinto ako nang dumako ang tingin ko kay Rellan sa loob kasama ang iilan sa mga team members na nabanggit sa email kasama na si Amy.
"Oh, tamang-tama Misha tatawagan pa sana kita para makapagmeeting na tayo," sabi ni Amy.
Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa nang makita na kasama si Amy sa team. At least ay may malapit akong katrabaho sa project na ito.
"Mabuti naman at nandito ka na," sabi ni Rellan.
Biglang naghina ang kalooban ko nang makitang abala na sila sa pagdidistribute ng mga papeles. Bakit naman kasi biglaan 'to?
"Misha, maupo ka na," saad ni Sir Hans.
Teka sandali! Nandito dapat ako para magreklamo.
"Alright, kindly read all the papers today. I will ask for your suggestion tomorrow. The more suggestions the better dahil kailangan ko ng maraming magbi-brainstorm para sa project na ito," Rellan said.
I stared at the papers that Amy gave to me and I frowned when I read it.
Seriously? Bakit kailangan niya ng limang tao para sa proyekto na ito eh napakadali lang naman nito. Maski si Sir Hans kaya niya nang gawin ito mag-isa.
So I looked at Rellan who's currently staring at me. I gave him a questioning look and he just smirked at me.
"That's all for today. Thank you for attending this very urgent meeting. I'll see you tomorrow," aniya at tsaka kami nagsitayuan.
Nagpaalam na ang aking mga katrabaho pati na rin si Amy.
"Misha you stay," he said when I was about to reach the door.
Napahinto ako and looked at him irritably.
Nagsilabasan na ang iba pati si Amy and I was left inside the conference room alone with Rellan. He stood up and took the briefcase under the table and checked his wrist watch.
"Follow me," he said and opened the door. Sinundan ko siya sa labas.
"Saan tayo pupunta?" I asked.
"We're checking an area for the project," he said.
"At kailan mo naman ako naging sekretarya?" Tinaasan ko pa siya ng kilay at lumapit sa akin. Napa-atras pa ulit ako dahil sa unti-unti niyang paglapit.
He smirked and handed another pile of folders in front of me.
"Nakakalimutan mo bang kliyente mo ako ngayon Misha?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top