CHAPTER 6

MISHA

Hindi naman mahirap alagaan si Liam. Ang tanging ginagawa ko lang talaga ay ang titigan siya habang nanonood ng videos sa iPad. Tama nga si Rellan, hindi talaga siya magalaw. Nakahiga lang siya sa couch na nasa lobby ng office building.

Narinig ko rin ang mga pinanonood niya. Puro english ang salita at tungkol pala ito sa kalawakan. Ang akala ko ay puro nursery rhymes ang panonoorin niya. Kaya siguro matatas itong magsalita dahil hindi pangbaby ang mga pinanonood nito.

Hindi niya talaga ako pinansin. Magtatatlong oras na akong nakabantay sa kanya. Nawawalan naman ako ng silbi dito. Pa'no ba naman, parang hindi naman kailangan ng batang ito ng magbabantay sa kanya.

"Misha," tawag ni Amy sa akin nang dumating siya sa lobby.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top