CHAPTER 4:
MISHA
I was in a cafe sa isa sa mga seaside mall with Amy. Today is our day off at nakasanayan na namin na isabay ang aming day off. We were having a break from work sa office. We had a lot of paperworks lately and it was very exhausting.
So we decided to treat ourselves with a fancy coffee and snacks. It wouldn't hurt our budget since pareho naman kaming single ni Amy and we're just working for ourselves.
"Alam mo, Misha. Nanghihinayang talaga ako sa inyo ni Rellan eh. Bagay na bagay kayo. Kung hindi lang dumating si Liam, baka kayo 'yong nagka-anak," sabi ni Amy tsaka sinubo ang huling pirso ng kanyang cake.
Umiling ako na may mapait na ngiti sa labi.
"Hindi natin sure. Tsaka 'wag mo na ugkatin 'yon, matagal na 'yon." Nais ko lang talaga iwasan ang topic. She has been pestering me with a lot of questions after he met Rellan a week ago.
Hindi pa niya nakilala si Rellan pero bukam-bibig ko na siya palagi noong bago ko lang nakilala si Amy. It was that time na pinasundo ko si Rellan sa parents niya 8 years ago. Kakasimula ko lang din noon sa work ko na ito as a real estate agent where I started as a part-timer and now in full-time. Amy was one of the few people who got into my bubble.
Nagdaramdam pa ako noon and I badly needed someone to talk to. Mabuti na lang at nandoon si Amy sa tabi ko. I remember talking to him all night over one topic, it was Rellan obviously. Kaya masasabi kong kilala na niya si Rellan.
"Sinasabi ko lang naman eh," she said and snorted.
Napailing na lang ako sa mga naiisip niya. Maybe I was feeding her much information kaya umaandar pagkadelusyunal niya.
"Nakapagmove on na ako, tsaka hindi naman talaga naging kami. Isa pa... alam mong kailangan ko munang ayusin ang sarili ko," I said.
Natahimik siya at buuntong-hininga.
"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya?" tanong ni Amy.
"Ayoko na siyang abalahin, Amy. May pamilya na siyang tao, kaya ayokong pati ako ay iisipin pa niya. Hindi na kami mga bata. Hindi na kami gaya ng dati," I said.
Tumango naman siya.
"So kumusta ang puso mo? Wala na ba talagang kahit kunting pagmamahal diyan para kay Rellan?" Ngumiti pa siya sa 'kin at tila tinutukso ako.
"Loko to, kakasabi ko lang diba? May pamilya na 'yong tao. Malaki na nga ang anak niya," sagot ko.
"Tinatanong ko kung may feelings ka pa para kay Rellan. Hindi ko tinatanong ang status niya," she said at ngumiwi sa akin at tumawa. I know na aasarin niya lang din ako kapag pinag-uusapan namin si Rellan.
Ilang sandali pa ay tumunog ang aking cellphone. Bigla pa akong kinabahan nang makitang si Sir Hans ang tumatawag sa akin.
"Hello po? Good morning Sir Hans. May kailangan po ba kayo?" tanong ko nang sagutin ang tawag.
Nagkatinginan kami ni Amy nang banggitin ko ang pangalan ni Sir Hans.
"Hello, Misha. Nasaan ka? Can you come by the office today?" sabi ni Sir sa kabilang linya.
"Po? Pero day off ko po ngayon."
Ibinaba ni Amy ang aking mga libro sa bakanteng shelf at lumapit sa akin upang marinig ang usapan namin ni Sir sa telepono.
"I know, but this is urgent. Hinihintay ka ni Mr. Salazar sa office," he said dahilan upang magkatinginan kami ni Amy na nakataas ang kilay.
What? Si Mr. Salazar? Bakit naman ako hahanapin ng CEO ng kompanyang pinagtatrabahoan ko.
"O-opo, pupunta po ako," I said almost stuttering and then I hang up on the call.
"What's happening?" asked Amy.
Nagkibit-balikat ako and held both of her shoulders. I smiled nervously at her to assure her.
"I'll be fine, Amy. I'll call when I settled this," I said.
She irritably shoved my hands on her shoulders and pouted.
"Tumigil ka nga! Ang drama mo naman. Bumalik ka agad, hihintayin kita sa cafe," sabi niya at inayos ang kanyang shoulder bag.
Tumango ako sa kanya at humakbang palayo. Binilisan ko na rin ang paglakad-takbo ko upang makalabas ng mall at pumara ng taxi. Kinailangan kong magmadali dahil hindi ko alam ang aabutan ko sa opisina.
Mabuti na lang at maraming taxi ang naka-abang ng pasahero sa labas ng mall kaya nakasakay agad ako. Habang papunta doon ay iniisip ko talagang mabuti ang naging performance ko sa work at kahit ang attitude ko towards my workmates. It's true that I don't get along with all of them pero hindi ko rin naman si inaaway. It's just that, maypagka-anti social lang ako.
Bakit ba kasi ako hahanapin ng CEO ng kompanya namin? Eh di hamak na mababang trabahador lang naman ako na kumikita ng sapat lang para buhayin ang sarili ko.
---
When I got to the building ay nagmadali na akong pumasok. Halos takbuhin ko na ang 7th floor kung saan naroon ang opisina ng boss at team leader namin, nandoon daw kasi si Mr. Salazar.
Pagbaba ko ng elevator ay sumalubong si Sir Hans, ang aming team leader.
I swear I was sweating bullets sa taxi pa lang hindi lang dahil sa pagmamadali kundi dahil na rin sa kaba. Agad-agad akong natungo rito ng hindi alam ang kailangan ni Mr. Salazar sa akin.
"I'm so sorry to interrupt you today Misha. Bigla kasing dumating si Mr. Salazar at hinahanap ka niya sa akin. Kanina pa sila naghihintay," sabi niya habang gingiya ako patungo sa kanyang opisina.
Sila? Sino-sino pa ba ang tinutukoy niyang naghihintay sa akin. Akala ko si Mr. Salazar lang.
"Smile and be nice to them, okay. Kasama niya ang kaibigan at secretary ng business partner niya," he said and pulled me fast to the office.
"Nandito na po si Miss Gaviola," Sir Hans said when he opened the tinted glass door.
We went in together and I prepared a warm smile for the CEO. But my eyes didn't land on Mr. Salazar the moment I stepped in the room.
It was Rellan that caught my eyes. Sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakapagsalita. What is he doing here? Bakit kasama niya ang CEO?
I looked at Sir Hans with a questioning look but he just left and closed the door. With that, I was left inside the room with two men wearing some business suit. It sends shiver to my spine.
Tumayo si Mr. Salazar at lumapit sa akin as I watch Rellan looking intently at me.
"Miss Gaviola, come and have a seat," maligalig na pagbati ni Mr. Salazar.
"Good morning po sir," sabi ko at bahagyang yumuko.
Ano ba 'tong nangyayari? Anong ginagawa ni Rellan dito?
"Miss Gaviola, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na magkaibigan pala kayo nitong si Rellan?" tanong ni Sir sa akin.
"Po? Pero ngayon lang din kasi ulit kami nagkita ni Rellan eh," sagot ko at tiningnan si Rellan ngunit lalo lang nangunot ang noo niya sabay taas ng kilay.
Tumayo naman si Rellan at lumapit sa amin.
"Mr. Salazar, hindi ba't sabi mo may pupuntahan ka pang meeting?" tanong ni Rellan.
Tumango si Mr. Salazar at pumalakpak.
"Oo nga pala. Ayus lang ba sa'yo na iwanan na kita dito?"
Huh? Hindi. Teka. Ayokong maiwan kasama si Rellan.
"Oo naman. Kakausapin ko lang si Misha," sabi niya.
Lumingon si Mr. Salazar sa akin at ngumiti ako sa kanya kahit may pag-aalinlangan.
"Miss Gaviola, why don't you tour him around so you could catch up ," utos nito sa akin.
Napakagat labi ako sa sobrang kaba na dahil nanginig bigla ang mga labi ko. Ewan ko ba kung bakit nangingig ang mga labi ko kapag kinakabahan. Gano'n talaga siguro ako.
Wala naman akong magawa kundi ang pumayag sa gusto ng boss ko. Di bale na nga. Bahala na talaga si lord. Hindi ko alam kung paano ko patutunguhan si Rellan pagkatapos ng ilang taon, pagkatapos ng mga nangyari.
Sabay na kaming lumabas ng opisina at naghiwalay lang noong sumakay ng elevator Si Mr. Salazar pababa. Naiwan naman kami sa hallway ni Rellan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top