CHAPTER 3:
MISHA
"Lumayo ka sa akin! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo! Simula ngayon hindi na kita anak!"
I desperately kneeled in front of her with both my hands are clasped together while asking for her forgiveness.
"Ma, please," I pleaded and grabbed her legs pero itinulak niya rin ako palayo.
"Huwag na huwag ka nang magpakita ulit sa akin! You did this to our family! And you did this to yourself!" she said and stormed out of the room.
Bago siya lumabas ay hinila niya rin palabas ang kapatid kong si Missy na umiiyak sa gilid.
"Come Missy. Let's get out of here. You are going to be fine without them. From now on, she is not your sister anymore because it's all her fault!"
Mama then grabbed Missy out. Bago sila makalabas ay tiningnan pa ako ni Missy ng masama. Her eyes were cold and sharp. The kind of glare that I have never seen from her before. Parang hindi ko na kilala ang kapatid ko sa pagkakatong iyon.
Then the last thing I knew is that I collapsed in the cold floor while crying.
I breathe heavily when I dripped back to reality.
I opened my eyes and found myself lying in my bed. Hindi pa masyadong mataas ang araw but daylight had already made it through my thick curtains. I grabbed my phone from the nightstand to check the time. 6:10 palang.
Hindi na ako nakatulog ulit kaya nagluto na lamang ako ng agahan. Hinanda ko na rin ang damit at mga gamit ko.
Habang nagtitimpla ng kape ay hindi biglang nagring ang cellphone ko. Napaka-aga naman ng tawag na ito. Wala pa ngang alas otso ay tumatawag na kaya duda akong tawag ito mula sa opisina o kliyente.
Ito na ang pangatlong pagtawag ng numerong iyon sa araw na ito. Pero wala akong balak na sagutin ang tawag kaya nilagay ko sa silent mode ang cellphone ko. At kahit gano'n ay panay pa rin ang tawag nito sa akin. Kaya pinagwalang bahala ko na lang ito.
Kilala ko kung kaninong numero iyon kaya hinding-hindi ko iyon sasagutin. Hinding-hindi ko bibigyan ng ikakasama ng loob si mama. Sapat na ang lahat ng dinanas niya dahil sa akin.
"Misha! Misha nandiyan ka ba?" Halos matapunan ko ang sarili ko ng mainit na kape dahil narinig ko ang boses ni mama sa labas.
Kumakatok ito sa pinto ng inuupahan kong bahay.
"Misha, open the door bilis! Ang init-init na dito labas," narinig kong reklamo nito. Kaya agad akong nagtungo sa pinto at pinagbuksan siya.
Hindi ko maiwasang ngumiti. Hindi ko inaasahang pupuntahan ako ni mama dito. Napakasaya ko na kahit sa simpleng bagay lang katulad ng pagbisita niya dahil sobrang busy nila ng kapatid ko at madalas pa sila sa Manila kaya minsan ko lang sila makita.
"Jusko naman Misha. Ang tagal-tagal mong magbukas ng pinto eh napakainit pa naman na labas," sabi ni mama habang pinapaypayan ang sarili.
"Pasensya na po. Upo po muna kayo," sabi ko at inayos ang sofa sa sala bago siya umupo rito.
Pinaandar ko rin ang electric fan at itinapat ito kay mama bago ako naupo sa upuang monobloc sa tapat niya.
"Gusto niyo po ba magbreakfast?" tanong ko.
"Hindi na. Hindi rin naman ako magtatagal. May nais lang akong ipakiusap sa iyo," sabi niya.
Nagbrighten bigla ang mood ko dahil bihirang makiusap si mama sa akin.
"Sige po, ano po 'yon?" tanong ko.
"Hindi ba't sa kompanya ni Mr. Salazar ka nagtatrabaho?" tanong niya na siyang ikinunut ng noo ko.
Bakit niya naman kasi natanong iyon? Gayon paman ay tumango pa rin ako.
"Bakit hindi mo ako ikuha ng priority schedule sa kanya?" Nakangiti niyang tanong—mali. Alam kong utos iyon. Sa huli ay alam kong hindi ko na naman siya matanggihan pero wala akong magagawa.
"Sa boss ko po?" nag-aalanaganan kong tanong.
"Malamang. May ibang ka pa bang kilalang Mr. Salazar?" sarkastiko niyang sabi.
"Pero ma, hindi kasi ako makakakuha ng gano'n lalo't ordinaryong empleyado lang naman ako," sabi ko.
Bigla naman sumama ang timpla ng mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Pambihira! Pinuntahan pa kita dito kahit alam kong ang init-init. Hindi mo rin naman pala ako matutulungan. Sabi ko na at hindi ka talaga maasahan eh," aniya at pinaypayan ang sarili gamit ang kayang malapad na sombrero.
Yumoko na lamang ako nang marinig ang pagkadismaya ni mama. Totoo naman kasing hindi ko magagawa ang gusto niya hindi naman mataas ang posisyon ko sa kompanya.
"Bakit kailangan niyo po ng priority schedule? Pwede naman kayong magtungo na lang sa opisina at magpaschedule ng meeting kay sir," sabi ko. Naglakas loob na akong sabihin 'yon dahil baka mapagalitan niya na naman ako.
"Nagpunta na ako doon pero tinanggihan ako ng secretary niya dahil busy si Mr. Salazar at aabutin pa ng isang buwan ang schedule ko kapag nagrequest ako ng meeting. Pero kailangan ko na siyang makausap sa lalong madaling panahon. Kailangan kasi ng sponsor ng kapatid mo sa paparating niyang pelikula na may kinalaman sa real estate kaya maganda sana kung ang kompanya niya ang magiging sponsor," paliwanag ni mama.
Para kay Missy na naman. Lahat pala ito ginagawa niya kay Missy. Nais ko na lang matawa. Bakit ba ako umasa na naisip niya talaga ako kung alam ko naman na si Missy lagi ang pinagkakaabalahan niya.
Gustong gusto kong ipakita na nagtatampo na ako. Lagi na lang kasi si Missy ang importante sa kanya. Pero wala naman akong magagawa at wala rin akong karapatan.
"Maka-alis na nga lang," sabi ni mama sabay irap ng mata.
Tatayo na sana siya nang muli akong magsalita.
"Susubukan ko po ma. Pero hindi ko po maipapangako," sabi ko.
Inakala kong magiging masaya siya ngunit hindi ko na naman nakuha ang pabor niya. She just smirked and tapped my shoulders.
"Mabuti kung gano'n. Tawagan mo agad ako kapag nakakuha ka ng mmeeting schedule," sabi niya at nagtungo na malapit sa pinto.
Pero bago niya buksan ang pintuan ang muli niya akong nilingon.
"Talaga bang natitiis mo na tumira dito? Lumipat ka kaya ng tirahan? Bakit ka ba nagtitiis sa lugar na ito? Paano kung malaman ng mga amiga ko na sa ganitong lugar lang nakatira ang isa kong anak? Bigyan mo naman ng hustisya ang pangalan ko, Misha. Baka sabihin pa nila na pinapabayaan kita," aniya.
Hindi na bago sa akin 'yon. Talagang maingat si mama sa pangaalan niya lalo na't siya rin mismo ang nagmamanage sa career ng kapatid kong si Missy.
"Ayos lang naman po ako dito. Tsaka matanda na po ako hindi mo na po kailangang mag-alala sa sasabihin nila. Sabihin niyo na lang po na ito talaga ang gusto ko," sabi ko at yumuko.
Hindi naman kasi gano'n kapangit itong bahay ko. Simple lang at maliit pero sapat na sa akin ito.
"Ganito na lang. Ibenta mo na iyong bahay sa San Juan at sa 'yo na ang forty percent ng kikitain no'n. Pagkatapos ayos-ayusin mo 'yang buhay mo Misha," sabi niya at tuluyan ng umalis.
Ibenta ang bahay sa San Juan? Bakit? Wala namang ginagawa ang baha na iyon. Mukhang hindi rin niya kailangan ng pera sa ngayon. Pwede niyang hingin lahat sa akin. Pwede nya akong utos-utosan ng kahit ano pero hindi ko magagawang ibenta ang bahay na iyon.
Hindi ko alam pero hindi ko magawang ibenta ang bahay na iyon. Marami akong masasayang alaala sa bahay na iyon pero katumbas no'n ay ang masasakit rin alaala. Ewan ko ba. Parang hindi pa ako handang igive up ang bahay na iyon. Sa ngayon a hindi ko pa kaya.
Ilang sandali pa habang nakatunganga ako magmula noong umalis si mama ay tumunog muli ang cellphone ko. Tumatawag na naman si papa. Pero gaya ng gusto ni mama, hindi ko siya sasagutin dahil hindi na namin siya kailangan.
Ilang araw nga mula noong dumalaw si mama ay may dumating na delivery na naglalaman ng importanteng dokumento ng bahay. Nagtext rin siya sa akin na sundin ang ipinag-uutos niya.
So talagang seryuso si mama sa sinabi niya? Ibebenta ko ba talaga ang bahay?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top