Kabanata 7: Raining in Manila

KABANATA 7: RAINING IN MANILA
RAINING IN MANILA (AMBON VERSION) BY LOLA AMOUR

NASA loob ng unit si Darius habang umiikot ang paningin niya sa paligid. Para bang jina-judge niya na ang mga gamit namin sa unit pero mabuti na lang talaga ay naglinis ako bago gumawa ng assignment kanina.

"Nagugutom ka ba?" Tanong ko dahil puwede ko naman i-alok sa kaniya 'yong gummy bear na kinakain ko kapag gumagawa ng assignment. Kaso... iyon nga lang ang maiaalok ko dahil hindi naman ako nagluto ng kahit anong solid na pagkain ngayong araw.

"Ay hindi na, nag-Jollibee ako bago ako pumunta rito." Mabuti naman.

Saka, bisita 'to ni Noah pero bakit parang responsibilidad ko ang isa pang mokong na 'to? Napahinga ako ng malalim. "Text o tawagan mo na lang si Noah, sabihin mo ay nandito ka na. Gawa lang ako ng assignment sa loob." I informed him bago ako pumasok ng kuwarto.

Hinayan ko lang din bukas ang pinto dahil baka mamaya ay may mga kailangan siya para madali ko lang din siya maririnig.

Nabigla ako noong sumandal sa pinto ng kuwarto si Darius. "Anong pangalan mo pala, bro?" tanong niya sa akin.

"Kelvin." I answered.

"Oooh, Engineering student ka rin?"

"Hospitality Management pero specialization ko ay Culinary Arts." Sagot ko sa tanong niya. Kung ano 'yong ikinatahimik ng pinsan niya ay iyon naman ang ikinadaldal ni Darius.

"Ah, gusto mo maging chef?" tanong niya.

"Hmm... I want to manage a restaurant." Sagot ko kasi iyon naman talaga ang pinaka-goal ko, pero siyempre, kailangan ko pa rin muna magtrabaho sa kusina bago ako makapagpatayo ng sarili kong business.

"Ah, Grade 12 student kasi ako. Iyan din sana 'yong path na gusto kong kuhanin pagka-graduate ko. Mahirap na course?" tanong niya sa akin. In-accomodate ko naman 'yong mga tanong niya dahil bihira lang naman ako makakilala ng mga taong may same interes sa mga bagay-bagay.

Maayos kausap si Darius dahil magaling siya mag-handle ng conversation. Sabi niya ay nandito siya para manood ng Concert ni Lauv sa MOA. Tinanong niya nga ako kung fan ako pero sinagot ko na lang na casual listener lang ako dahil na-introduce lang si Lauv sa akin sa isang netflix movie na natapos ko. Kanta niya kasi ang soundtrack sa movie.

Mas nauna ko pang naka-close itong si Darius kaysa sa lintek niyang pinsan.

"Kumusta naman bilang roommate si Noah? Binibigyan ka ba ng sakit ng ulo?" Tanong niya, hindi na siya nakatiis dahil hinatak niya na ang swivel chair sa study area ni Noah.

Makalat sa gamit. Madalang maghugas ng pinagkainan. May mga pagkain siya na na-e-expire na lang sa ref. Madalas wala. Minsan uuwing lasing.

"Sakto lang." Malamang hindi ko sinabi lahat ng masasamang bagay dahil magpinsan pa rin silang dalawa. Paniguradong kakampihan niya ang pinsan niyang balahura sa gamit.

Bahagyang natawa si Darius. "Mukhang iba ang ibig sabihin ng sakto lang na 'yan, ah." Napailing na lang ako. " But you know, I kinda expected him to be a sakit ng ulo. He is very sheltered back home at may sarili siyang kuwarto and this is the first time that he will share a space with somebody na hindi niya pa kakilala."

"Parehas lang naman kami." Sagot ko dahil ngayon lang ako nalayo sa mga magulang ko na ilang daang kilometro ang layo sa akin. Pero hindi naman excuse ang pagiging sheltered para maging masinop sa gamit.

"Nahihiya lang si Noah pero marami siyang love na kayang ibigay. Madalas lang siyang ma-misinterpret ng ibang tao." Tumayo siya at sumilip sa kama ni Noah. "Nakikita mo 'yong teddy bear doon sa kama niya? He is planning to give that to his girlfriend, to think na four months pa lang sila."

Naputol ang usapan namin noong marinig namin ang pagbukas ng unit door. Tumambad sa amin si Noah na nakasuot pa ng jersey na mukhang galing sa practice.

"What the fuck are you doing here, Darius? Akala ko ba ay sa friday ka pa pupunta?!" Kunot-noo na tanong ni Noah sa kaniya.

Natawa lang si Darius sa kaniya. "Surprise I guessed? Gumawa na lang ako ng excuse letter na may sakit ako para maka-absent sa school. Ayaw mo no'n bro, makaka-bonding mo ako?" Tanong ni Darius sa kaniya.

Ibinato ni Noah ang duffle bag niya kay Darius. "The fuck, talagang ginamit mo pa ako sa katamaran mo pumasok!"

Kinuha ko ang Ipad ko at maging ang yellow paper kung saan ko sinusulat ang essay ko. Napatingin silang dalawa sa akin.

"Pupunta ako sa study hall. I have friends waiting for me there." Paliwanag ko na lang kahit wala naman talaga akong kaibigan dito sa Condo.

Excuse ko lang 'yon para maiwasan sila. I mean, ngayon lang sila ulit nagkita at paniguradong mag-uusap 'yan magdamag. Samantalang ang dami kong assignment na dapat tapusin ngayon.

"Sorry for the inconvenience." Sabi ni Noah sa akin bago ako makalabas ng kuwarto.

"Ayos lang. Nandiyan na, eh." sagot ko sa kaniya at lumabas ng unit.

Halos nag-stay nga yata ako ng hanggang alas-onse ng gabi sa Study hall para matapos ang assignment. Dito na rin ako kumain at um-order na lang ako sa grab ng Jollibee.

Pagbalik ko sa unit ay wala ang magpinsan. Mukhang naggala, mabilis lang akong naglinis. ng katawan at natulog na rin dahil maaga pa ang pasok ko bukas.

***

MATAPOS ang klase ko ngayong araw ay hindi ko inaasahan ang malakas na buhos ng ulan. Parang kanina lamang tanghali ay pinoproblema pa namin nila Valeen kung paano makakatambay sa library para maki-aircon.

Nakatambay lang ako sa seven eleven malapit sa school at hinihintay na humina kahit papaano ang ulan bago ako sumakay ng jeep. Nakatanaw lang ako sa mga sasakyan na nagdadaan. "Sana lang talaga ay nasa galaan ang magpinsan na 'yon para solo ko ang unit." Bulong ko sa sarili ko at humigop ng hot choco.

Ilang araw na rin akong hindi nakakapanood ng bagong episode ng The 100 dahil madalas silang nagkukuwentuhan sa sala tungkol sa kung ano-anong bagay. Mas gusto ko kasi kapag nanonood akong Netflix ay sa TV, nakakatamad kasi kapag phone ko ang gamit.

May kotseng pumarada sa harap ng Seven eleven at bumukas ang pinto ng sasakyan— si Noah. Nakasuot siya ng varsity jacket ng school at nagmamadaling pumasok sa convenience store.

Tumunog ang chime ng Seven Eleven at saglit siyang nagpunas ng paa. Umikot ang paningin niya sa paligid at nagtama ang mata namin. Ako ang unang nag-iwas at bumaling ang mata ko sa labas. Pakialam ko ba sa gagong 'to.

Saglit akong nag-scroll ng Tiktok, hindi ko nga alam bakit episode ng Spongebob ang laman ng Tiktok ko. Hindi naman din ako nagrereklamo dahil para naman din akong tanga na tinatapos ang bawat episode.

"Mukhang walang balak tumila, ah." Bulong ko sa sarili ko at humigop ng hot choco. Mas lumaki pa ang patak ng ulan sa labas at lumakas ang hangin.

Bakit ba kasi tinatanggal ko 'yong payong sa bag ko? Sa depensa ko naman, summer at pampabigat lang ng bag 'yang payong. Malay ko bang uulan ngayong hapon?

Nagulat ako noong medyo dumilim at may anino na humarang sa akin. Napatingala ako para matingnan siya— si Noah. He is holding a paper bag at mukhang tapos na siya mamili.

"Anong problema mo?" Kunot noo kong tanong.

"Are you waiting for the rain to stop?" Tanong niya sa akin. "I am heading back to unit, do you want to come along?" He asked.

"Hindi na, inuubos ko rin 'yong hot choco ko." Turo ko sa baso kahit nauumay na talaga ako sa tamis nito. Nakakatakot makisabay sa gagong 'to dahil baka sa mga susunod na araw ay isumbat niya sa akin bigla 'yan.

Malakas na kumulog at ilang flash ng kidlat ang dumaan sa Convenience store. Mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan na halos hindi na makita ang mga sasakyan na nagdadaan. "Sigurado ka?" tanong niya.

Saglit akong napatigil habang nakatingin sa ulan. Ano ba? Kakainin ko ba ang lintek na pride ko?

Ang lakas ng ulan, may mga dala akong materials sa pagluluto na binili ko kanina. Punuan ang jeep. Maputik ang daan. Baka kapag hindi pa ako sumabay ngayon ay ma-stuck ako hanggang alas-dose ng gabi.

Akmang tatalikod na siya. "Sandali." Sabi ko at isinukbit ang bag ko, binuhat ang mga materials ko. "Sabay na ako." Mahirap kung mababasa 'yong mga paper cup na gagamitin ko sa pagbe-bake. Tama, iyon lang 'yong reason. 'Yong mga materials ko.

Lumabas kaming dalawa ng convenience store at mas lalo namin naramdaman ang lakas at ingay ng ulan. Grabe, ang lamig.

"Stay here first." Sabi niya at sinuong ang lakas ng ulan. Sumakay siya sa sasakyan at pinagmasdan ko lang siya.

Grabe talaga ang mga burgis ng Manila. Wala pang sampung minuto ang commute mula condo papasok sa Ardano University pero heto siya at nakakotse pa. Oo, mas convenient... pero ang sakit sa bulsa ng gas araw-araw!

Subukan lang talaga nito na bigla akong iwanan baka hindi lang cold war ang mangyari sa aming dalawa. War na talaga.

Mula rito ay kita ko kung paano niya ilagay ang mga gamit niya mula sa Shotgun seat papunta sa back seat para may maupuan ako.

He started the engine and honked two times as a signal na puwede na akong sumakay.  Mabilis akong tumakbo papunta sa sasakyan niya. Sa saglit na takbo na 'yon ay basang-basa na agad ako. Pagkapasok ko ay saglit pa akong nanginig dahil sa lamig ng aircon.

Bumaling na ang sasakyan at nagmaneho na siya papunta sa Sun Residence. Sobrang chill lang ng kanta na tumutugtog sa sasakyan na angkop sa panahon ngayon. Pinagmamasdan ko lang ang pagtama ng ulan sa sasakyan at tahimik lang din siya nagmamaneho.

Dahil ako ang nakisabay, nakakahiya naman kung hindi ko siya kakausapin.

"Wala kang practice ngayon?" tanong ko sa kaniya.

"Bad weather. Saka may bisita ako sa condo, nakakahiya sa 'yo kung ikaw pa ang mag-a-asikaso." Aba! Buti naman at naisip mo.

"Walang kaso, ilang araw lang din naman kung sakali. Sobrang makwento rin ni Darius kung kaya't hindi naman ako nainis sa kaniya." sagot ko na lamang sa kaniya.

"Did he tell something to you?" Isang segundo siyang tumingin sa akin at bumaling muli ang tingin niya sa dinadanan.

"Ha? Wala, sinabi niya lang na manonood siya ng concert ni Lauv and told me kung gaano siya ka-fan." Slightly true pero hindi ko na sinabi kay Noah na naidaldal na siya ng pinsan niya.

"Huwag mo na lang pansinin ang mga kwento niya. He is a very extroverted person." Sabi niya sa akin.

Dumating na kami sa Tower 3 at nag-park lang siya sa basement. Dala niya ang paper bag ng Seven Eleven habang ako ay dala ko ang mga materials na pinamili ko. Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang 24th floor. Tahimik lang ang naging pag-akyat namin.

Ang awkward dahil sa kalahating taon naming pagiging roommate ay ngayon lang kami nagkaroon ng interaction at dahil iyon sa pinsan niya. Ganito pala 'yong feeling kapag mas nauna na 'yong wall ninyong dalawa na ma-establish kaysa mauna ang friendship.

Tumunog ang elevator at bumaba naglakad kaming dalawa. Ako na ang nagbukas ng Unit 24-C. Pumasok kaming dalawa at nadatnan namin si Darius na nakadapa sa couch habang nanonood ng anime. Hero Academy nga yata ang pinanonood niya.

"Oh, nandiyan na pala ikaw Noah," Napatingin si Darius sa akin. "Pati ikaw, Kelvin. Bestie pala kayo, sabay pa kayong dumating." Natatawa niyang sabi.

"Nakisabay lang ako, ang lakas ng ulan. Hindi kaya i-jeep." Sagot ko at nilapag sa lamesa ang mga materials ko. Pumasok muna ako sa kuwarto para kumuha ng damit na pamalit.

Lumabas ako ng kwarto at nadaanan ko pa silang nag-uusap bago ako tumungo sa banyo.

"Ba't ayan binili mo p're? Ang tapang niyan!" Reklamo ni Darius.

Saglit akong nagbuhos ng katawan dahil ako'y naulanan. Pagkalabas ko ng banyo, Nadatnan ko sila sa kitchen area na nagtatalo.

"Tangina mo ang tapang niyan." Sabi ni Darius.

"Ang sabi mo you know how to do it." Reklamo pabalik ni Noah. Napailing na lang ako dahil dinig na dinig ko ang pagtatalo ng dalawang burgis.

I do not want to meddle with their business at papasok na ulit sana sa kuwarto ngunit tinawag ako ni Darius.

"kelvin!" Napatigil ako at napatingin sa kanilang dalawa. "Sanay ka magtimpla?"

"Ng?"

"Gin bilog. Ito kasing si Noah, bobo bumili. Sabi ko The Bar na bilihin para rekta inom na. Gin Bilog pa ang nais." Parang bata silang nagsisikuhan.

Napatingin ako sa dalawang bote na gin na hawak nila. Seryoso silang sa kanilang dalawa lang 'yon? Naawa naman ako dahil isinabay naman ako ni Noah pabalik dito sa unit.

Bumuntong hininga ako. "Akin na." Sagot ko sa kaniya

Kumunot ang noo ni Noah na parang hindi makapaniwala. "Really? You know how to do it?" Para bang hindi siya naniniwala sa kakayahan ko.

"Ano ka ba, culinary student 'yan major in gin bilog making." Biro pa ni Darius.

Nakatingin sa akin si Noah na parang hindi nagtitiwala sa bawat galaw ko. "Kaya ko." Kinalahati ko ang isang gin at naglagay na ng Tang kalamansi sa pitcher.

Manghang-mangha sila habang inaapuyan ko 'yong bote at paunti-unting nagsasalin sa pitcher. Sanay naman din ako gumawa nito dahil nga may ari kami ng isang hotel sa El Nido, minsan aliw na aliw ang mga foreigner na makakita ng ganitong klaseng pagtimpla ng alak and bilang isa sa mga anak na minsan tumutulong sa business ay natutunan ko na lang din gawin.

Noong ubos na ang alak sa bote ay sinilaban ko na ang bote at nag-apoy ang loob nito. Mabilis kong inilagay ang bote sa pitcher para mamatay ang apoy at iyon ang ipanghalo.

"Done." sabi ko at akmang aalis na. "Tawagin ninyo na lang ulit ako kung kailangan ninyo ng tulong sa pagtimpla."

"Hindi na. Dito ka na, para sa atin talagang tatlo 'to." Nakangiting sabi ni Darius. "Magse-session tayong tatlo."

"No." I answered.

Mabilis na nalungkot si Darius. "Sige na, ilang araw lang ako rito sa Manila oh. Uuwi na ako ng Nueva Ecija pagkatapos ng concert. Sulitin na natin, bro."

"Hindi naman ako nakiambag diyan sa pinangbili ninyo diyan—"

"It's okay, upo ka na." Noah commanded.

Napabuntong-hininga na lang ako at mukhang mapapasabak pa ako sa inuman kasama ang magpinsan na 'to.  Buwisit na mga burgis na pasakit sa buhay, eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top