Kabanata 4: Namumula
KABANATA 4: NAMUMULA
NAMUMULA BY MAKI
"THAT'S it for our presentation for today. Do you guys have any questions or clarification regarding the topic that we discussed?" Tanong ko sa harap ng klase. Kukutusan ko talaga ang magtatanong ngayong araw.
Halos sampung segundo naging tahimik ang klase at mukhang naintindihan naman nila ang presentation namin. "Very good Mister Santillanes and Miss Esquivel. Very detailed and the power point is very good." Nakangiti naming napatango-tango si Sir Ramos.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Eya at pasimpleng nag-apir. Dapat lang talaga na ma-very good ako sa powerpoint na iyan dahil grabe ang pinagdaanan ko sa paggawa niyan.
Hanggang ngayon ay klaro ko pang naaalala kung paano ako sukahan ng gago kong roommate at kung paano ako magbasahan ng sahig. Nakakadiri, tangina! May mga buo-buo pang sisig at... ayoko na lang talaga ipaliwanag. Basta nakakadiri. Ang nakakabuwisit pa, ang sarap na nang tulog niya samantalang ako ay hanggang alas-kwatro ng umaga ay naglilimas ng suka niya para lang hindi kumapit sa unit ang amoy.
Isa-isang nag-present ang mga kaklase namin at isa kami ni Eya sa mga nakakuha ng mataas na points. Pakiramdam ko naman ay deserved namin dahil talaga naman pinaglaanan namin ito ng oras at maganda 'yong mga input namin na binato sa isa't isa.
Bago ang klase namin sa GE112 ay nakatambay kami nila Valeen sa table malapit sa classroom. May one hour vacant pa kasi kami bago ang sunod na klase namin sa math. "Nanonood ka ba ng UAAP?" tanong sa akin ni Valeen habang ginagawa niya ang assignment namin sa Math.
"Hindi, I rarely watch TV." Totoo naman dahil mas ma-netflix akong tao kaysa manood pa ng live broadcast ng mga laro sa TV.
"Sayang, hindi mo nakikita kung gaano ka-guwapo si Faustino sa camera. First year pa lang pero grabe, ang sarap na niya agad!"Komento ni Valeen.
"Diyan ka magaling, sa guwapo perfect score ka samantalang sa assignment ngayon ka pa lang gumagawa." Reklamo ni Jaypee sa kaniya.
"Mapapasaya ba ako ng assignment!? 'Di ba hindi!" Depensa ni Valeen.
"Maipapasa ka ba ng mga guwapo? 'Di ba hindi." Balik ni Jaypee sa kaniya.
"Hay naku, basher ka ng buhay ko. Hater." Valeen rolled her eyes at nagpatuloy na sa paggawa.
Grabe ang puri kay Noah sa social media pero hindi nila alam kung gaano kadugyot bilang ka-roommate ang gago na 'yan. Makalat sa gamit dahil 'yong mga pinaggamitan niyang damit ay nakakalat lang sa kama niya. Nakakalat lang ang gamit niya sa school sa study table, madalas puma-party tapos susuka pagkatapos.
Hay naku. Siya talaga ang nabubuhay na pruweba na hindi lahat ng nakikita mo sa social media ay totoo.
"Hello, guys," lumapit sa amin si Eya at instant na napangiti ako. "May assignment na kayo sa GE112? Puwede paturo, may certain topic kasi akong nahihirapan ako."
"Uhm..." Bumaling ang tingin sa akin ni Valeen at ngumisi. "Itong si Kelvin, free siya right now then tapos na siya sa assignment."
Napatingin sa akin si Eya. "Sorry ako ulit, puwede paturo. Promise, once na ma-gets ko na 'yong topic ay hindi na kita iistorbohin."
"Parang others naman ako sa 'yo." Biro ko at kumuha ng yellow pad sa bag. "Tara, turuan kita."
Medyo lumayo kami ni Eya para makapag-focus siya. Detailed kong ipinaliwanag sa kaniya ang bawat equation sa assignment and kung ano 'yong mga formula na dapat gamitin. Tinuruan ko rin siya ng mga shortcut para hindi na siya matagalan sa pagso-solve. Sobrang thankful si Eya dahil mas naintindihan niya raw ang topic ngayon.
Biniro ko na lang siya na ilibre niya ako sa samgyupsal-an ng family niya one of these days at um-oo naman siya.
***
MATAPOS ang klase ngayong araw at matapos ang pagiging SA ko kay Miss Cheska ay diretso naman akong umuwi sa unit. As usual, wala ang gago kong roommate. Sa bagay, UAAP season na kung kaya't madalas wala na siya sa apartment.
Tumungo ako sa gym ng Sun residence para magpapawis. Gustong-gusto kong nagwo-workout ng ganitong oras dahil pagkatapos nito, kakain na lang, gagawa ng assignment, tapos tulog na. Mas masarap ang tulog ko kapag pagod ako.
Isinuot ko ang airpods sa tainga ko at saglit na nag-warmup bago sumabak sa workout. Leg day ko ngayon.
Mula sa malaking salamin ng gym ay nakita ko si Noah na nag-che-chest dip. Tagaktak na ang pawis niya at mukhang kanina pa siya nandito. Sa dalang ko siya makita rito sa Condo ay ngayon ko lang napansin na bagong gupit ang buhok niya.
"Huwag mong pansinin 'yang kupal na 'yan." Bulong ko sa sarili ko at tinapos ang ten minutes warm up ko. Uminom ako ng tubig sa tumbler bago ako naglakad sa threadmill. Tahimik lang ako nag-i-scroll sa tiktok habang nagwa-walk sa threadmill.
Nagulat ako nooong biglang may tumayo sa gilid ko. Napatingin ako sa kaniya— si Noah. Bakat ang muscle niya sa dryfit niyang Adidas shirt dahil sa pagwo-workout. Hininaan ko ang volume ng airpods ko. "May problema ba?" Casual kong tanong.
"Back when I was drunk last friday," Panimula niya sa akin. Kumunot ang noo niya na parang inalala ang nangyari. "Did you somehow help me that day?"
"Wow, took you three days bago mo sabihin sa akin 'yan. Ako lang naman ang naglinis ng suka mo noong araw na 'yon habang ikaw ay malakas nang naghihilik sa couch." Pangongonsensya ko pero mukhang hindi naman nakonsensya si tanga.
"Thank you for that. What's your name again?" He asked at uminom sa kaniyang tumbler. Kita ko ang paggalaw ng gulung-gulongan dahil sa pag-inom.
Napailing ako, what the fuck, Kelvin?! Bakit nakatingin ka roon?
Pero tangina, halos isang buwan na kaming magkasama sa Apartment ay hindi niya man lang ako kilala!? Hindi ba niya aksidente nakikita ang ID ko kapag nakasabit sa gilid ng kama? Hindi niya ba nababasa ang chat ko kapag may concern ako sa GC kasama 'yong unit owner? Hanep ah.
"A stranger. Hindi mo na kailangan malaman." I fake smiled and mabilis ko rin inalis.
Napatango-tango siya. "Okay, stranger."
Akmang aalis na siya ngunit nagulat ako noong bumalik siya at tumambay ulit sa gilid ng threadmill.
Kumunot ang noo ko. "Ano na namang problema mo?"
"I saw you last time sa Starbucks kasama si Althea." Kuwento niya. Magtataka sana ako kung bakit kilala niya si Eya pero naalala ko na sinabi nito sa akin na dati silang schoolmate nitong si Noah.
"Anong pake mo doon?"
"Are you guys dating? Or you're planning to court her?" He asked at uminom muli sa tubig niya.
"Wala ka na doon."
"Okay..." Tumango-tango siya. "It looks like you are planning to court her. But just to let you know, girlfriend na siya ng teammate ko sa basketball. Ayoko lang malagay ka bigla sa trouble."
Napatigil ako ng halos isang segundo at muntik pa akong matumba sa threadmill, mabuti na lang at mabilis akong nakabawi. "Walang naikukuwento sa akin si Eya na may boyfriend siya. Sinukahan mo na ako, huwag mo nang sirain ang diskarte ko sa tao."
"Did you ask her if she have jowa?" Tanong niya.
Saglit akong napatigil dahil sa dami-dami nga naming napag-usapan ay hindi sumagi sa isip ko na itanong sa kaniya kung may boyfriend siya ngayon.
"See?" Nakangisi siyang umiiling. "Magkakagusto ka na nga lang, sa may sabit pa. If you want to confirm it, they will have a date in SM San Lazaro this weekend. I am just doing you a favor dahil tinulungan mo ako noong lasing ako."
Naglakad na siya paalis ng Gym.
"Tanginang kupal 'yon." Mahina ko na lang na bulong sa aking sarili.
Hayop na 'yan. Nawalan na ako ng gana mag-workout. Ang 45 minutes ay ginawa ko na lang 30 minutes. Binawasan ko ang reps ko dahil sa pagkaumay ko sa pinagsasabi ni Noah.
***
SA HINDI ko malamang dahilan, araw ng sabado ay nandito ako sa SM San Lazaro dahil sa sinabi ni Tanga.
"Tangina, bakit ba ako nandito?" Tanong ko sa sarili ko dahil ilang araw na bumabagabag sa utak ko 'yong sinabi ni Noah. "Bibili ako ng ballpen kaya ako nandito, hindi dahil sa sinabi ni Tanga." Pang-ga-gaslight ko sa sarili ko.
Ano naman sa akin kung may jowa na si Eya? Hindi niya man din alam na gusto ko siya. Pero bakit parang tanga ako na nandito? Dapat nga yata sarili ko ang tinatawag kong tanga at hindi si Noah, eh.
E 'di kung may jowa 'yong tao.... e 'di ouch. Ang mahalaga ay naiwasan kong maging third party.
Nasa tapat ako ng sinehan at hinihintay ko kung dadating ba sila o hindi.
"Kelvin?" Nagulat ako noong biglang may tumawag sa akin at napatingin ako sa kaniya— si Eya. She is wearing an athlete varsity jacket na obviously, malaki sa kaniya.
"E-Eya, bakit ka nandito?" Casual kong tanong na parang hindi ko alam na nandito siya. So tama nga ang sinabi sa akin ni Noah na nandito sila sa SM San Lazaro this day.
"Manonood kami ng movie, how about you?"
"Ano..." Napakamot ako sa baba ko. "Bibili sana ako ng ballpen sa NBS and tumingin lang ako sa mga movie poster dito. Naghanap lang ako ng magandang mapapanood next month." Napatango-tango siya sa paliwanag ko.
"Love, sorry natagalan." May lalaking lumapit sa kaniya at tumingin siya sa akin.
Eya introduced me to the guy. "Ronn, this is Kelvin. 'Yong ka-partner ko sa assignment last time na naikuwento ko, he is really good academically. And Kelvin, this is Ronn my boyfriend. He is a player of Golden bears." At that moment ay na-confirm ko na tama nga ang mga sinabi sa akin ni Noah na taken na si Eya.
Masakit man dahil balak ko pa naman siya i-pursue pero thankful na rin dahil hindi ako nakawarak ng relasyon. Binalak ko pang lumandi, sa may sabit pa.
"Nice meeting you, bro." Kinamayan ako ni Ronn. "We have a game next week sa MOA. Nood ka, I can give you ticket if you want. Sabihan mo lang si Eya." He smiled.
"Busy ako next week, eh. SA din ako sa school. But nice meeting you." I smiled.
Nag-small talk lang kami ni Eya bago sila naglakad papasok sa sinehan dahil malapit na raw mag-start ang movie na panonoorin nila.
Pinagmasdan ko lang sila hanggang makapasok sa sinehan. I sighed.
"Atleast hindi naging kabet ampota." Pampalubag-loob ko sa nasaktan kong puso.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top