Kabanata 36: Babalik Sa 'yo

Votes, Comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

_______

KABANATA 36: BABALIK SA 'YO
BABALIK SA 'YO BY MOIRA DELA TORRE

MATAPOS i-post ni Noah ang litrato naming dalawa na magkasama ay umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga tao. Marami ang nakasuporta sa aming dalawa ni Noah pero may ilan na sinasabi na mali ang ginagawa namin at gumagamit pa ng word of wisdom na magbabago pa kaming dalawa. E 'di wow.

We kinda expected these kind of reactions. Pero wala naman akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ay tanggap ako ng pamilya ko. Iyon lang ang nagma-matter sa akin.

"Tangina ninyo kayong dalawa pala!" Kinikilig na sabi ni Valeen habang magkakausap kami sa Zoom nila Jaypee, Eya, Dom, at siya. "Kaya pala noong namimili tayo ng regalo para sa birthday niya last time ay parang may something fishy na pero ipinagsawalang-bahala ko lang kasi akala ko ultra mega bestie lang kayo."

Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry, hindi ko nasabi sa inyo. Kasabay ninyo pa ang ibang tao na nalaman ang tungkol sa amin."

"It's fine with me." Eya said. "Ang cute ninyo nga, eh. Saka we totally understand kung bakit itinago ninyo 'yon, especially Noah dahil Captain ball siya ng Golden Bears."

"Ako medyo may tampo kasi tayo ang magtropa since day one. Magkasama pa tayong sumisipsip sa first row sa klase." Humalukipkip si Valeen.

Napasinghal si Jaypee. "Arte talaga neto kahit kailan."

"Charot lang!" Mabilis na bawi ni Valeen. "I am so happy for you Kelvin. Hay naku, mga bading na lang talaga ang nagbibigay kilig sa buhay ko." Pumapalakpak niyang sabi.

"Are you sure you're okay now?" Dom asked.

"Oo, pagod na rin naman itago kung ano ang mayroon sa amin ni Noah. We deserved to be out there and be seen." Sagot ko sa kaniya at nakita kong napangiti silang apat. "Wala naman din akong pakialam sa opinyon ng ibang tao. Ang mahalaga sa akin ay sinusuportahan ako ng mga taong malapit sa akin."

"Kelvin, syempre you got our support! Hello, nasa 21st century na tayo, utak ubo na lang talaga ang hindi open sa ganiyang klaseng love." Valeen explained to me at napangiti ako.

"Basta we are just happy for you, Kelvs. I am excited to bond with you guys soon." Eya said. Paano kasi ay siya lang ang nalayo sa amin at sa New York nag-internship.

Unti-unting nabawasan ang bigat sa dibdib ko lalo na't isa-isa nang nalalaman ng mga malalapit sa akin ang tungkol sa amin ni Noah. Ganito pala ang pakiramdam na wala nang itinatagong lihim. Ang gaan.

Matapos pag-usapan ang ang tungkol sa amin ni Noah kung gaano na kami katagal ay napunta na ang usapan namin sa internship. Hanggang alas-dos nga yata kami ng madaling araw magkakausap dahil na-miss din namin ang isa't isa.

***

ILANG linggo ang lumipas at itinuloy ko na lang ang internship ko rito sa Boracay. Hindi ko rin masyadong binubuksan ang social media ko. Sanay naman na din ako, binubuksan ko lang ang phone ko kung manonood ako ng random videos sa tiktok, kakausapin sa messenger sina Noah, at siyempre lagi na akong nag-a-update kanila Mama sa kung anong nangyayari sa akin.

"MAG-IINGAT kayo pabalik sa Manila. Ikumusta ninyo na lang ako kay Miss Cheska kapag nag-report kayo sa university." Sabi ko kanila Dom bago sila makasakay ng bangka papunta sa airport. Natapos na kasi nila ang required hours nila sa internship kung kaya't makababalik na sila sa Manila.

"Sigurado ka ba na magpapaiwan ka rito? Puwede naman siguro dayain ni Miss Tanya ang report sheet mo." Suggestion ni Klent. Tingnan mo 'tong kurimaw na 'to at nagbigay pa ng idea.

I smiled at umiling. "Ayoko, nakakahiya kay Miss Tanya kung bigla na lang akong aalis samantalang ang dami kong absent. Kasalanan ko rin naman." Paliwanag ko sa kaniya. Ako naman kasi ang nagpabalik-balik sa kung saan-saang parte ng Pinas.

"Kaya mo na mag-isa rito?" Concern na tanong ni Dom sa akin. "Basta kapag may narinig kang mga tsismis na feeling mo ay tungkol sa inyong dalawa ni Noah ay labas lang sa tainga."

Dom is really a nice barkada na nakasama ko rito sa internship dahil noong bumalik ako mula sa El Nido ay talagang pinupuntahan niya ako after shift para lang kumustahin ako.

"Kaya ko na. Sanay na rin naman ako." Sumigaw na ang bangkero na paalis na ang bangka nila. "Aalis na kayo, ingat kayo. Huwag kayo mag-alala, sunod din ako sa inyo next week."

"May sasabihin din dapat ako sa 'yo pero doon na kapag magkasama na kayo ni Noah sa Manila." Dom smiled at napakunot ang noo ko sa pagtataka. Binigyan pa ako nang palaisipan ng isang 'to.

"Bye, Kelvin." Nakipag-fistbump sa akin si Klent. "Pansinin mo pa rin sa university kahit magkaiba tayong section bugok ka." Natawa ako. Sabi kasi ni Klent ay may vibes daw ako na parang snob sa personal kapag hindi kinakausap.

Parang mga tanga. Mabait naman ako.

Pinagmasdan ko na makaalis ang bangka na sinasakyan nila bago ako sumakay ng tricycle pabalik sa Station 2. May ilang oras pa kasi akong hahabulin para matapos ko ang internship.

Ardano University is requiring us to do internship for 600 hours o katumbas ng 75 days (8 hours shift tapos excluded ang weekend). Bale may 40 hours pa akong hahabulin o katumbas ng limang araw na internship, na-delay ako dahil sa dami kong absent sa work.

Nagulat si Miss Tanya na pumasok pa rin ako noong kasunod na araw dahil akala raw niya ay sumabay na ako kanila Klent pauwi sa Manila. Ako na lang daw kasi ang nag-iisang intern sa bistro nila ang natira.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong ni Miss Tanya habang pinupunasan niya ang mga lamesa.

"Hindi pa po kita gustong iwanan, miss Tanya." Pabiro kong sabi. Inilagay ko muna ang bag ko sa isang gilid, nagsuot ng apron at tumulong kay Miss Tanya sa pagpupunas at pag-aayos ng mga upuan. Dahil nga sa kaniya ay na-inspire akong magkaroon ng Bistro o cafe man lang sa future.

Ang gaan lang sa loob magtrabaho dahil may mga araw at oras lang na madaming tao pero most of the time ay naka-chill lang kami at nagtsitsismisan. Ang sabi ni Miss Tanya ay ang mahirap daw sa isang cafe ay ang pag-establish ng pangalan ng cafe mi dahil ang daming malaking brand na kalaban. But once na kinagat na raw ito ng masa ay tuloy-tuloy na ang pasok ng pera. Feeling ko ay ganoon naman sa lahat ng business.

"Bolero. Hindi ka ba nami-miss ng boyfriend mong mala-bench model ang hitsura." Biro niya sa akin at ngumisi na parang nang-aasar.

"Anong bench model po? Mukha ngang tuod 'yon kapag nagpi-picture kami." Well parehas kami na hindi photogenic. Hindi naman ako nakakalamang sa buhay. "Busy po sa internship. Parehas kaming focus muna sa pag-aaral lalo na't graduating next year."

"What a goal! Nagtutulakan pa sila Sam noong nakaraan kung sino ang kukuha sa number ni Pogi. Nauna mo na palang i-mine." Napailing na lang ako sa pang-aasar ni Miss Tanya. "Pero happy ako para sa inyo dahil finally hindi ninyo na kailangan magtago."

Hindi ko alam kung pinaplastik na ako ng ibang kakilala ko pero most of the people that I worked with o kahit mga kaibigan ko ay suportado kung ano ang mayroon sa amin ni Noah. Totoo nga ang sabi ni Tito Vince na slowly ay nagiging open na ang mga tao sa ganitong klaseng relasyon. As long as wala kaming tinatapakan na ibang tao ay laban lang.

Matapos mag-ayos ng mga upuan ay pumunta na ako sa kusina para tumulong magluto.

***

MABILIS na lumipas ang limang araw at kalalapag lang ng eroplano sa NAIA. Mula sa labas ng arrival area ay amoy na amoy ko na ang polusyon ng Metro Manila, ramdam ko na agad ang nakakapagod na mundo ng Manila. Buwisit.

I am checking the time on my phone. "Susuntukin ko talaga 'to. Napakatagal." Mahina kong bulong dahil init na init na ako dito. Pero sa totoo lang na-e-excite din ako na makita siya ng personal dahil nitong nakaraang buwan ay puro facetime lang kaming dalawa. Minsan ay nakatutulugan ko pa o kaya naman ay hindi ko nakakausap dahil nag-iikot ako sa Boracay.

Huminto ang Avanza niyang sasakyan at ibinaba niya ang salamin sa passenger seat.  He is wearing a black dryfit shirt at nakasuot siya ng shades. Pinigilan ko ang aking pagngiti at umakto na parang galit dahil sa tagal niya.

"Hello, Baby." Nakangiting bati ni Noah.

"Baby. Baby-gwasan kita sa tagal mo, eh." Reklamo ko at binuksan ko ang pintuan ng passenger seat. Isang box ng chocolate ang nandoon na may note na welcome home.

"Still grumpy?" He asked.

"Mama mo grumpy." Sagot ko at inilagay sa back seat ang chocolate.

Inilagay ko rin sa likod ng sasakyan ang mga gamit ko. Finally ay magkasama na ulit kaming dalawa. Ganito pala ang feeling na sumasabak sa long distance relationship, ang lala ng longing sa isa't isa. Halos four months lang ang sa amin ni Noah pero paano nagagawa 'to ng mga may karelasyon sa ibang bansa? Ang lalakas.

"Sorry na, traffic sa espana." Sagot niya sa akin habang nagmamaneho paalis ng airport. "Did you eat na ba?"

"Tinapay lang." sagot ko sa kaniya.

"Let's have a lunch at mall na lang." sagot niya. "Nagpapogi ako para sa first meeting ulit natin tapos hindi mo man lang napuri." Naiiling niyang sabi.

"Tagal mo, eh. Expired na 'yong compliment ko." Pero sa totoo lang any ang guwapo niya nga rin sa hitsura niya ngayon. He changed his hairstyle to mid-taper fade na bumagay sa facial features niya. Idagdag pa ang maangas niyang porma.

E 'di siya na pinagpala na favorite ni Lord.

Habang nagmamaneho ay nagkukuwentuhan kaming dalawa ni Noah sa mga internship experiences namin. Kapag may stoplight at naka-red ang ilaw ay nagkakaroon kami ng chance na maghawak kamay. "Kumusta sila Tito?" Tanong ni Noah sa akin. Palibhasa alam niyang nakuha niya na ang boto nila Papa.

"Sumama ka daw next time na umuwi ako."

"Definitely, I will." He answered. Si yabang talaga.

Pumunta kami sa MOA para kumain. Since nag-crave kami parehas sa Vietnamese food ay sa Pho Hoa na kami kumain. Habang naglalakad kami ay may mangilan-ngilan na nakakilala kay Noah, umingay din kasi ang pangalan niya sa pagkapasok nila sa Semifinals, at sa issue naming dalawa.

Mas ikinabigla ko ay maging sa akin ay may nagpapakuha ng litrato. Noong una ay si Noah ang tumatanggi dahil alam niyang camera shy ako pero hinayaan ko na lang din 'yong mga nagpapa-picture. Matapos lang. Gutom na ako, eh.

"Sorry." Sabi ni Noah habang hinihintay namin ang mga in-order namin.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Sorry? Para saan? Late ka kanina? Joke-joke lang 'yon gago." Sagot ko dahil baka dinibdib ni engot, eh.

"No. You are being exposed to the public because of me. Alam ko naman din na hindi mo gusto na nasa 'yo ang atensyon ng mga tao." Paliwanag niya sa akin.

I smiled to him. "Sanay ako sa tao. Remember, thats our business since bata ako. Okay lang, sana lang talaga lagyan nila ng filter kapag inupload sa social media." Biro ko na lang.

Alam ko naman din na kaakibat iyon nang pagsasapubliko namin ni Noah ng relasyon namin. He is Mr. Popular, sa ayaw at sa gusto ko ay may mga taong maku-curious sa akin.

Dumating ang pagkain at galit-galit muna kaming dalawa ni Noah dahil parehas kaming gutom. Pagkarating namin sa Sun Residence ay ang gaan lang sa pakiramdam. I am home.

"Long time no see, Sir." Bati sa akin ni Kuya Julio na siyang guard sa tower 3. "Lalo kayong naging moreno."

"Kaya nga, eh. Pangit na ba, boss?" Tanong ko.

"Bumagay nga po sa inyo 'yong kulay ninyo. Pogi pa rin sir. Nabalitaan ko rin po ang tungkol sa inyo ni Sir Noah." He smiled at lumipat ang tingin niya kay Noah. "Congrats po sa inyo."

"Thank you, kuya." Sagot ni Noah.

Sumakay kami sa elevator at pinindot ko ang 24th floor.

"Anong gusto mo sa dinner?" Tanong ni Noah.

"Ayokong magluto. Pagod ako sa biyahe." Sagot ko agad sa kaniya dahil baka mamaya ay magpaluto na naman 'tong mokong na 'to ng mga komplikadong lutuin. Magtiis muna siya sa frozen food.

"I will cook." Prisinta niya.

Gulat ko siyang tiningnan. "Tumigil ka nga. Malason pa tayong dalawa."

"Come on, Kelvs. Wala ka bang bilib sa akin. While you are away, out of boredom, I do practice cooking." Pagmamayabang niya sa akin. Duda pa rin talaga ako sa isang ito, eh. Baka masira niya pa ang mga gamit niya sa mahal kong kusina, eh.

"Weh?"

"Oo nga!"

"Sige lutuin mo na lang 'yong pinaka alam mong lutuin. Siguraduhin mo lang na buhay pa ako pagkatapos kong kainin 'yan." Sagot ko sa kaniya. Ayoko na makipagtalo sa kaniya dahil mukhang excited ang mokong na iyabang ang newly learned skill niya in life.

Ang lakas ng loob mamuhay independently pero hindi sanay magluto. Hanep.

Pagkapasok namin sa unit ay nadatnan ko na malinis ang unit. Noah proudly smiled. "No kalat today. I clean this morning kaya rin ako na-late."

At least ay hindi ako na-stress sa mga kalat. Pinagmasdan ko ang buong unit. It feels like home. A safe haven.

Nabigla na lamang ako noong may kamay na pumulupot sa baywang ko at mahigpit akong niyakap. Ipinatong ni Noah ang ulo niya sa balikat ko. "I miss you, Kelvs. The whole month without you is a torture."

"OA talaga kahit kailan." Sagot ko na lang pero hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit sa baywang. "Iba ang amoy mo, did you changed perfume?"

"Why? Masakit sa ilong?"

"No. Much better." Sagot ko sa kaniya.

Ilang minuto lang kaming nasa ganoong posisyon ni Noah bago kami naupo sa couch sa sala. He is searching an anime na ima-marathon namin in the next days. He chose Dandadan. Ang weird noong anime pero maganda. Tutok din kami sa panonood.

"Kumusta pala ang basketball career mo?" Tanong ko.

"Sinubukan kong umalis sa team two weeks ago." Napatingin ako sa kaniya pero focus lang ang mata niya sa panonood. "You know, baka mamaya kasi ay awkward at uncomfortable sa team na may karelasyon akong lalaki."

Alam ko naman na maaapetuhan ang basketball career niya.

"Apparently, they do not mind it at halos lahat sila ay pinigilan akong umalis. Kahit si Coach ay pinilit akong lumaro dahil last year ko na raw kung sakali. I lead the team daw na makapasok sa semis and they are relying with my commanding skill as Captain once again hoping that makapapasok kami sa final." Kuwento niya sa akin at bahagyang natawa. "Too much pressure."

"Mukhang hindi pa nila kaya mawala si Faustino sa Golden Bears." Sagot ko sa kaniya. Hinigit ni Noah ang ulo ko at pinahiga sa kaniyang balikat. He played my hair using his hand.

"Ganoon din naman, hindi pa kaya ni Faustino mawala sa Golden Bears." He chuckled. "I don't want to have a regret in the future kung sakaling hindi ako makakalaro. Also, I want to see you cheering on me holding a banner. Especially now that our relationship is already public."

"Asa ka. Baka nga tiyamba lang pagkakapasok ninyo sa semis nitong season." Biro ko sa kaniya. Pero kung lalaro siya next gear ay gusto ko ay nandoon ako. I will cheer on him.

"That's not tyamba." He defended na ikinatawa ko. He grabbed the remote control at pinause ang pinanonood namin. "You know what, I want to do something else since na-miss kita."

"Huh?" Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

Iniharap niya ang ulo ko sa kaniyang mukha at naramdaman ko na lang na nakatama ang labi niya sa labi ko.

Damn this guy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top