Kabanata 30: Alon
KABANATA 30: ALON
ALON BY SID LILY
SA Hennan Resort nag-stay kaming pamilya para sa bakasyon na ito. Ang mahal ng stay dito per night pero si Kuya naman ang may sagot kung kaya't hindi na ako umangal. Ang rason ni Kuya, minsan lang kami magbabakasyon mag-anak kung kaya't hindi dapat iniisip ang magagastos. Mas mahalaga daw ang comfort dahil may kasama kaming dalawang matanda at isang baby.
E 'di wow. Ang dami niyang alam.
Magkasama kami sa kuwarto ni Noah. Sa kabilang kuwarto ay sina Mama, Papa, at Ate. Sa huling kuwarto ay si Kuya at ang kaniyang mag-ina.
"Ilang araw ka pa lang dito pero parang mas naging moreno ka," Sabi ni Noah habang nag-u-unpack ng mga gamit niya. Isinusukbit niya sa hanger ang mga susuotin niya.
"Moreno naman talaga ako. Pauso ka." Sagot ko at umupo sa maliit na couch ng kuwarto. "Buti pinayagan kang magbakasyon? Captain ka pa naman ng Golden Bears ngayon."
"Binigyan kami ng three days off para raw okay kami mentally pagpasok ng bagong season. I do not waste any moment, nagpaalam ako sa lead ko sa firm na magbabakasyon ako at nag-book agad ako ng flight pa-Caticlan." He said and looked to my direction. "I bet you missed my face na kasi."
Napakunot ako ng noo. Nanaginip ng gising si Tanga. "Tibay ng mukha mo. Payapa ang mundo ko rito."
Napasinghal si Noah na parang nainis. "Yeah, right, the Dom guy is here nga pala."
"Si issue." Naiiling kong sabi. "Last week pa nga huli kong kita kay Dom. Saka may girlfriend 'yong tao, hayaan mo na siyang huminga ng matiwasay."
"Yeah. Whatever."
Naputol ang kuwentuhan namin noong kumatok si Ate Keanna. "Gusto raw umikot nila Mama sa D-Mall. Sasama ba kayo?" Tanong niya.
"Wow. Dami naman nilang energy." Sagot ko na lang dahil nag-land travel sila papunta sa Lio airport, nag-eroplano pa-Caticlan, boat ride papunta sa mismong Boracay. Tapos game pa din sila na mag-ikot.
"Epekto 'yan nang pagsama-sama ni Mama sa zumba sa baranggay. Mas humaba ang stamina niya." Sagot ni Ate. Atleast kahit kalahating tsismis ang ginagawa nila sa zumba ay umayos-ayos naman ang health condition ng nanay ko.
Tiningnan ko si Noah kung game ba siya. "Ayos lang sa akin. I am just staying here for three days so I will maximize the time."
"Hintayin namin kayo sa ibaba." Ate said at lumabas na ng kuwarto namin.
Saglit lang ako naghilamos at nag-toothbrush. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil malinis pa naman ito. Si Noah naman ay walang hiya-hiya na naghubad sa harap ko at kumuha ng panibagong set ng damit na maisusuot. Punong-puno na kasi ng pawis ang damit niya kanina.
"Like the view?" Tanong niya habang isinusuot ang gray t-shirt niya. Kitang-kita pa ang well-built niyang katawan na bugbog sa kahit anong training at workout.
"Mayroon din ako niyan." Sagot ko. "Ang tagal mo gumayak tayo na lang ang hinihintay."
"So grumpy." He said at nag-spray na ng pabango. Bago kami lumabas ay binigyan niya muna ako ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi dahil na-miss daw ako ni Noah. Sino sa aming dalawa ang naka-miss ngayon?
Hindi na sumama sila Kuya dahil nagpapahinga daw si Baby Ruan. Ito rin ang hirap kapag mga parents na may sanggol pa, eh. Sobrang restricted ng bawat galaw. Hinayaan na lang din namin dahil family bonding nila iyon.
Naglakad lang kami papunta sa D-Mall at itong si Noah ay parang nasa graded recitation dahil bibong-bibo sa pag-entertain kanila Mama. May ilang nakakilala sa kaniya at nagpa-picture. Aliw na aliw naman sila Papa dahil may kasama raw silang artista.
"Buti na lang nandyan si Noah, hindi tayo ang mapapagod kaka-entertain kanila Mama." Sabi ni Ate Keanna sa akin at natawa na lang ako.
Pagdating sa D-Mall ay tamang food trip lang naman ang gagawin namin. Siyempre dinala ko sila sa Sunbright Bistro kung saan ako nag-i-internship. Nagulat pa sila Miss Tanya at bakit daw ako nandito samantalang off ko daw. Sinabi ko na lang ay nandito ako as customer.
Mukhang crush pa ng ibang babaeng barista itong kasama naming si Noah dahil pansin ko ang kanilang mga sulyap. Mukhang hindi naman ito alintana ni Noah. Sanay sa atensyon 'yang gunggong na 'yan, eh.
"What's your recommendation?" Tanong ni Noah sa akin at inilatag ang menu.
"Sa kanila mo itanong." Tinuro ko gamit ang aking mata ang mga tao sa counter.
His brows crunched as confusion. "Bakit sa kanila ko pa itatanong? Nandiyan ka na. Staff ka rin naman dito."
"Bakasyunista ako ngayon." Sagot ko dahil napapatingin na sila Mama sa pagtatalo namin.
"So grumpy." Naiiling na sabi ni Noah.
"Our Fusilli pasta is good." Sagot ko pa rin dahil baka magtanong nga si Noah sa counter ay mabigwasan ko pa siya ng wala sa oras. "Wala masyadong umo-order niyan dahil Aglia Olio lang naman ang alam ng karamihan na order-in sa mga italian cuisine. Our manggo shake is also great."
"That's my order." Noah closed the menu at iniabot na kay Kuya John na siyang nakatoka sa amin.
Sa totoo lang ay sa akin iniasa ng pamilya ko ang o-order-in nilang pagkain dahil mas kabisado ko raw ang menu. Overall, nagustuhan naman nila ang mga kinain nila. Binigyan pa nga kami ng libreng slice ng cheese cake ni Miss Tanya as welcome to family daw sa Boracay.
Matapos kumain ay naghanap na lang kami ng mame-meryenda. I highly recommend to them the Halomango na suking-suki na yata ako dahil every other day akong bumibili sa kanila.
Hindi naman nito nabigo sila ate dahil nasarapan naman sila.
Hinayaan ko na lang silang mag-picture sa beach side and that's how our first day ended here. Bukas ay may island hopping kami at kung ano pang physical activities. Good luck na lang kanila Mama at sana ay hindi mga magreklamo na masakit ang kanilang likod.
Kinagabihan, magkasama kami ni Noah sa kuwarto. Nakahiga lang ako sa kama samantalang katatalos niya lang maligo.
"'Yong ilaw ng banyo hindi mo pinatay." Bilin ko sa kaniya.
"Ito na nga." Bumalik siya sa CR para patayin iyon. Saglit lang siyang nagbihis ng puting sando at boxer shorts.
Tumabi siya sa akin sa kama at mahigpit akong niyakap na parang bata. I actually missed his clingy side dahil hindi ko iyon naranasan simula noong nag-internship ako dito sa Boracay. Ngayon na lang ulit.
"Baka makita tayo nila Ate." Paalala ko sa kaniya.
"Naka-lock ang pinto." Sagot niya na lang at ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. "Miss you."
"Mama mo."
"Come on, Kelvs. Did you not missed me?" He asked in sad tone.
Pabebe.
I ruffled his hair at inamoy pa ito. "Siyempre na-miss. Walang namemeste sa araw-araw ko. Namemeste in a good way, just a disclaimer."
"Kaya din inilaban ko kanila coach na magkaroon kami nang pahinga, eh. Gusto kita makita bago magsimula ang tournament. Kailangan ko ng energy." Humigpit ang yakap nito sa akin at napangiti ako. Damn, I missed this. Nakaka-miss 'yong sariling mundo namin sa Unit 24-C.
We are together for almost a year pero nararamdaman ko pa rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko kapag magkasama kami, nakakaramdam pa rin ako ng parang kuryente sa tuwing magdidikit kami, and I still looked forward to see his smile everyday. Tangina, malala na 'to. Feeling ko kapag iniwanan ako nitong ungas na ito ay iiyakan ko na siya.
"Wala pa man din pero bawi na lang kayo agad next UAAP season." Biro ko. Nag-angat siya ng tingin at bahagya akong natawa.
"Tanginang 'yan, walang bilib sa Golden Bears this year. Remember your partner is the the assigned captain season. Have a little faith man lang." Pagpupumilit niya sa akin.
"Biro lang naman. Kita ko naman kung gaano mo pinaghandaan ang season na 'to."
Mata sa mata kaming nagkatinginan. Ngumiti si Noah sa akin at binigyan ko rin siya ng nguti. Unti-unting lumapit ang mukha niya hanggang sa maramdaman kong nakatama na ang labi niya sa labi ko. Lumaban ako sa kaniyang halik na tumagal ng ilang segundo.
Bumitaw ako sa malalim naming halik at humihingal na tumingin sa kaniya. "Sure ka bang ni-lock mo 'yong pinto?" Tanong ko.
"Double lock pa." Sagot niya at bumalik sa paghalik sa akin.
***
FOR the next two days ay sinulit namin na magkakasama ang lahat ng activities. Ang daming hindi nasunod sa itinerary ni Ate dahil na rin ang daming sumasakit sa katawan nila Mama. Madalas ay nag-i-stay na lang sa hotel at kami na lang ang gumagawa.
Ngayong araw din ay bumiyahe na si Noah pabalik sa Manila dahil maghahanda na ulit siya sa paparating na UAAP season. Huling araw ko na rin na makaka-bonding sila Mama dahil babalik na ako bukas sa pagtatrabaho. Nakaka-miss din magtrabaho sa kusina lalo kapag nag-iiwan ng tip 'yong mga customer.
Magkasama kaming dalawa ni Ate Keanna na naglalakad sa seaside at nahahanap ng matatambayan. Hindi namin kasama sina Mama dahil nga maaga na sila nagpahinga, masakit na daw likod ni Papa. Sila Kuya naman ay nagpa-family bonding. Sanay naman na din kami ni Ate Keanna na kaming dalawa ang naiiwan.
We ended up sa Starbucks at sa rooftop kami nito tumambay kung saan matatanaw ang magandang vuew ng Boracay.
I ordered hot choco na lang din dahil baka mahirapan ako makatulog mamayang gabi. Pinagmamasdan lang namin ni Ate Keanna ang mga turistang naglalakad at mga batang lumalangoy sa dagat.
"Ate kailan mo balak mag-asawa?" Random na tanong lang.
Napatigil siya panandalian. "Aba! 'Yong mga tanungan mo ay parang tanungan nila Tita Lourdes, ah." Mabilis niyang sagot at bahagya akong natawa.
"As a toxic kapatid. Tayong dalawa na lang kasi lagi ang magkasama kapag ganitong mga out of town na bakasyon."
"Alam mo, tinanggap ko talaga na malas ako sa pag-ibig na 'yan. Saka kung mag-aasawa ako ngayon, paano sila Mama? Si Kuya ay may sariling pamilya na samantalang ikaw ay nasa Manila pa nag-aaral." Paliwanag niya sa akin at napatango-tango ako. Sineryoso niya naman 'yong tanong ko. "Hindi ako puwede mag-asawa pa dahil walang maiiwan kanila Mama."
"Sorry." Sagot ko na lamang at napakunot ang noo ni Ate sa pagtataka. "Parang itinapon tuloy namin ni Kuya ang responsibilidad sa 'yo."
"Ano ka ba, never ko naramdaman 'yon. Basta magtapos ka lang Caloy." She advised to me at napatango-tango ako.
Mula sa puwesto namin ay ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa dagat. Dapit-hapon na rin kung kaya't hindi ganoong kainitan sa lugar.
"Caloy..." tawag ni Ate at naka-focus lang ang mata niya sa Caramel Macchiato na kaniyang iniinom. "I noticed your matching crocs jibbitz with Noah and how you guys act these past three days. Hindi ko na tatanungin kung anong mayroon kayo."
Bigla akong napatigil dahil sa mga sunod na lumabas na salita mula kay Ate. "Pero sigurado ba kayo sa pinapasok ninyong dalawa?" Tanong niya na may pag-aalala.
Hindi ako nakaimik dahil para akong nabingi at tanging malakas na tibok ng puso ko na lang ang naririnig ko sa kaba. "I mean, kung ano man ang mayroon sa inyo ay walang problema sa akin. You know how we really love Tito Vince. Pero paano kapag nakarating na kay Papa?"
Hindi naman din galit si Papa kanila Tito Vince pero hindi niya rin kasi tanggap ang pakikipagrelasyon ni Tito sa kapwa lalaki. Kinakabahan ako na baka kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Noah ay biglang gumuho ang tiwala na ilang taon naming binuo. And worst, baka pabalikin niya ako sa El Nido.
"A-Ate hindi ko rin alam kung paano kami humantong ni Noah sa ganitong punto. Pero mahal ko, eh." Sagot ko.
Nakita kong napangiti si Ate. A genuine smile. "Iyon lang naman ang importante, Caloy. Basta kapag mahal mo ay dapat ready kang ipaglaban si Noah. At sana ay ganoon din siya sa 'yo."
"Hindi ka galit?" Tanong ko na hindi makatingin sa kaniyang mata.
"Bakit ako magagalit? Hindi ka naman naging masamang tao. Nagmahal ka lang naman." Hinawakan ni Ate ang kamay ko. "Kakampi mo ako. Pero hindi mo dapat itago kanila Mama habambuhay 'yan. They deserved to know the truth. Kung ano man ang maging resulta... bahala na, basta kakampi mo ako Caloy." She assured to me and smiled.
"Salamat ate. Sorry ulit." Sagot ko sa kaniya.
"Wala kang dapat ika-sorry. Wala kang mali na ginagawa. Basta ako, bilang ate mo. If you are not ready to go out of the closet, I will protect the closet for you. Hanggang sa magkaroon ka ng loob na mag-out."
I am just happy right now na tanggap ni Ate Keanna ang kung anong mayroon kaming dalawa ni Noah. Slowly, nagkakaroon ako ng lakas ng loob na balang-araw ay maipagmamalaki ko rin ang relasyon namin. With the support system that I have right now, pakiramdam ko ay kakayanin ko.
"Tara na, magdi-dinner pa tayo nila Mama. Last dinner natin bago ka bumalik sa internship mo bukas." Tumayo si Ate.
Sumunod ako sa kaniya pababa and spent the whole night together with my family.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top