KABANATA 3: TITIG
TITIG BY JANINE TENOSO AND MC EINSTEIN
NAGMAMADALI akong tumakbo at hinanap ang room namin. Pinunasan ko muna ang pawis ko bago ako kumatok. "Hello, Sir, May I come in?" Tanong ko. When he nodded as a go signal para pumasok ay doon lang ako pumunta sa tabi ni Valeen para maupo.
"Saan ka ba galing?" Tanong ni Valeen.
"May tinapos akong i-check na test papers kay Miss Cheska, hindi ko napansin 'yong oras." Pag-amin ko at inilabas ang iPad ko para humabol sa pagno-notes. "Marami ng na-discuss?" tanong ko.
Habang nagche-check kasi ako ay kinukuwentuhan din ako ni Miss Cheska tungkol sa mga funny student niya sa Engineering kung kaya't napasarap 'yong pagche-check ko.
"Suwerte mo, kakarating lang din ni Sir Ramos kaya pa-start pa lang 'yong klase." Napahinga ako bilang ginhawa. Nag-focus na ako sa discussion sa Culinary Nutrition, major subject pa naman this sem kung kaya't mahirap kung maibabagsak ko.
Buong tatlong oras discussion ay hindi ko alam kung ilang beses ko nilabanan ang antok ko. Tangina, noong una ay okay pa dahil sobrang eager ko pa matuto pero habang tumatagal ay parang nagiging lullaby ang boses ni Sir Ramos sa tainga ko. Well, alam kong hindi lang naman ako dahil si Jaypee nga ay na-special mention pa dahil malakas na napahikab sa klase.
"Okay we will have a by pair activity and kailangan ninyo siyang ipasa sa akin next week." Mahina akong napareklamo sa sinabi ni Sir Ramos dahil sa biglaang pagpapa-assignment. "I will give you the freedom to choose your partner. So you need to discuss what is the primary reason of undernourishment and malnutrition here in the Philippines. You will also give your insights kung paano malalabanan ang malnutrisyon sa Pilipinas. Is that clear?"
"Yes, Sir." Hindi namin sabay-sabay na sagot.
Lumabas na si Sir Ramos habang nagkakagulo ang klase sa paghahanap ng makaka-partner sa activity. Tumingin ako kay Valeen at ngumiti siya pabalik sa akin. "Partner tayo?" Tanong ko.
"Partner na kami ni Jaypee." Sagot niya sa akin at nawala ang ngiti ko.
"Lintek ka, akala ko pa naman may meaning 'yong ngiti mo." Naiiling kong sabi sa kanya.
"Gusto nga kitang ka-partner kaso may utang ako kay Jaypee dahil siya nagbayad noong kinain namin sa mcdo last time. Kinokonsensya ako ni gago kung kaya't partner na kami." Paliwanag ni Valeen sa akin.
Napatingin ako sa mga kaklase ko para maghanap ng makaka-partner. Napadako ang tingin ko kay Eya, she waved her hand and I smiled to her.
"May partner ka na?" She mouthed. Itinuro ko pa ang sarili ko para masigurado na ako nga ang kausap niya. Bahagya siyang natawa at tumango.
"Wala pa." Sagot ko rin pabulong pero mababasa niya naman."
Itinuro niya ang sarili niya at itinuro ako. "Partner? Gusto mo?" Tanong niya sa akin. Kinuha niya ang bag niya at naglakad papalapit sa direksyon ko. "Para tayong tanga na nagbubulungan."
"Kaya nga, eh." Natatawa kong sabi sa kaniya. "If okay sa 'yo na ako ang ka-partner mo. Baka kasi may ka-partner ka na sa circle of friends mo." Hindi naman din kasi maipakakaila na maganda itong si Eya kung kaya't pag-aagawan siya na maka-partner.
"Wala baliw." Bahagya siyang natawa. "Partner na tayo."
***
NITONG mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagsasama namin ni Eya dahil nga sa by pair na assignment na ibinigay sa amin ni Sir Ramos. She is really fun to be with and marami din siyang input kapag nag-uusap kaming dalawa. Slowly, na-e-enjoy ko 'yong company ni Eya.
"Kelvin, hindi ka sasama sa amin? Sa library kami magri-research kaming dalawa ni Jaypee sa library para sa assignment." Aya sa akin ni Valeen.
"Magkikita kaming dalawa ni Eya diyan sa Starbucks malapit sa school, patapos na rin naman kami sa by pair assignment." I informed her habang inililigpit ang gamit ko.
Mapang-asar na ngumiti si Valeen at napailing ako. "Tangina, anong klaseng ngiti 'yan?"
"Wala."Sumabay siya sa paglalakad ko. "Parang lately ay nag-e-enjoy kayong dalawa ni Eya na lumalabas na kayong dalawa lang, ah. Are you guys are dating? May something na relationship na ba akong ilu-look forward sa mga susunod na linggo?" Pagpapaulan niya ng tanong.
"Sira, ang layo nang narating ng utak mo. Magkasama lang kaming dalawa dahil sa assignment." Umupo kami sa bakanteng bench malapit sa department namin kasama si Jaypee. "And she's fun to be with. Hindi ko naman ipagkakaila iyon."
"Saka maganda. Isipin mo sa dinami-dami ng mga lalaki sa classroom natin ay sa 'yo lang siya nakikipag-usap talaga na talagang mahabang conversation." Gatong pa ni Jaypee sa panunukso.
"Alam ninyo, para kayong mga gago. We are just friends... at the moment." Parehas silang napangiti at tinukso ako. "I mean, hindi ko naman sinasarado 'yong mga possibilities. Pero right now, nag-e-enjoy ako sa company naming dalawa. Ako ang lalaki kung kaya't nasa akin naman kung gusto ko siya i-pursue na higit pa sa pagkakaibigan."
"Naku, Kelvin, kung ako sa 'yo ay bibilisan ko na dahil ang daming mga may gusto diyan kay Eya." Sabi ni Valeen.
Naputol ang pag-uusap namin noong makatanggap ako ng text galing kay Eya.
From: Eya
Hello, Kelvs. Nasa starbucks na ako. Do you have a drink in your mind na ba? O-order na ako para pagkarating mo ay masimulan na natin agad 'yong assignment.
To: Eya
Hot chocolate lang ako.
Inayos ko na ang pagkakasuot ng bag ko at tumayo. "Mauuna na ako, hinihintay na ako ni Eya."
Tinukso pa ako nung dalawa noong umalis ako at napailing na lang ako. But honestly, Eya is really a nice person at nakikita ko rin naman na kung magkaka-partner siya ay maalaga naman siya at loyal sa isang relationship.
Pagkarating ko sa Starbucks ay sinabihan lang ako ni Eya na nasa second floor siya. Agad ko itong hinanap at nakita ko siya na nakaupo malapit sa bintana at natatanaw ang kahabaan ng Espana.
"Kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya at umupo sa kaniyang tapat. Nakasuot siya ng puting croptop at high-waist na jeans. Pinatungan niya ito ng pulang jacket na bumagay sa kaniyang porma. One thing is for sure, she knew how to style herself up.
"No, kakakuha ko nga lang din ng order sa baba." She said humigop sa Caramel Macchiato na iniinom niya. "You are not a coffee person?" tanong niya.
Napatingin ako sa in-order ko. "Ah, kapag ganitong tanghali o pa-hapon na ay hindi na ako nagkakape. Mababa ang caffeine tolerance ko at paniguradong hindi ako makakatulog sa gabi kapag nagkape pa ako." paliwanag ko sa kaniya at napatango-tango siya. "Magkano pala 'to? Bayaran ko na sa 'yo."
"No. This is on me."
"I insist." Kinuha ko ang wallet ko at bumuklat ng pera.
"Ay bahala ka." She cutely said at bahagyang natawa. "Hindi ko tatanggapin 'yan. Sagot mo na 'yong kinain natin last time. Ako naman ang taya today."
I sighed at napailing. "Basta next time, ako naman taya." Paninigurado ko sa kaniya.
Nagkumustahan lang kaming dalawa ng ilang minuto matapos no'n ay dumako na kami talaga sa original agenda ng meet-up na ito na assignment.
Nagbatuhan kami ng insight dalawa at masasabi kong hindi lang maganda si Eya. May substance din ang mga words na sinasabi niya at may sense lahat ng idea na binabato niya. Sa bagay, anak din naman siya ng businessman kung kaya't broad 'yong knowledge niya regarding sa topic.
"So as possible solution para malabanan ang malnutrition ay magbibigay tayo ng mga pagkain na mura lang pero mataas ang nutrient value. Mostly kasi nang nakakaranas ng gutom ay mga nasa laylayan ng lipunan so we need to make sure na pasok sa budget nila 'yong mga pagkain na ililista natin." paliwanag ko sa kaniya at napatango-tango siya.
"Agree with this one. I will do research tonight tungkol doon then ipasa ko sa 'yo. Sinong gagawa pala ng powerpoint? Ako na? or ikaw?" Tanong niya sa akin.
"Ako na. Wala naman din akong ginagawa sa unit. Para malibang lang din ako." Sagot ko sa kaniya dahil hanggang ngayon ay hindi naman kami nag-uusap noong roommate ko. Para kaming gago na parang hangin lang ang tingin sa isa't isa.
Pero madalas din naman na wala siya sa unit. Parang umuuwi lang siya sa unit para matulog tapos alis na agad. Mas okay sa akin! Parang solo ko 'yong unit na para bang may kasama lang akong bedspacer.
"Sige, but if you need assistance. Just chat or text me. We can have screen sharing session para mabilis matapos 'yong powerpoint." Pagkasabi niya no'n ay napatingin siya sa kaniyang cellphone. "Sorry, Kelvin, kailangan ko ng umalis. May lakad pa ako." Inilagay na niya ang Ipad niya sa kaniyang tote bag.
Mabilis kong inubos 'yong chocolate drink na in-order ko. "Sabay na ako sa 'yo paglabas."
"Diyan lang ako sa tapat, mag-book na lang akong grab." She informed me.
"E 'di hintayin kita na maka-book ng grab bago ako umuwi sa condo. Isang jeep lang din naman ako." Isinukbit ko sa balikat ko ang bag ko at naglakad na kami pababa ng Starbucks.
Magkatabi kaming dalawa habang hinihintay ang grab niya. Napapatingin ako kay Eya at nakangiting napapailing. Tangina aral ang ipinunta ko rito sa Manila, hindi landi.
"Nakangiti ka diyan?" Curious niyang tanong. "Para kang baliw."
"Wala may naalala lang akong memes." May humintong pulang Innova sa tapat namin.
"Ito na 'yong grab ko. Ingat pauwi, Kelvs!" Binuksan niya na ang backseat nito.
I waved my hand. "Sige ingat pauwi, chat ka na lang din if nakauwi ka na."
Nag-okay sign siya at pinagmasdan kong makaalis ang sasakyan bago ako naglakad papunta sa sakayan ng jeep.
"Crush lang naman, men. Walang masama sa crush. Hindi ka naman madi-distract kung magkaka-crush ka." Monologo ko sa sarili ko. "Tangina naman, delikado na ako napapangiti na ako ni Eya."
Sumakay na ako ng jeep pauwing condo. Pagkapasok ko sa unit, as usual, wala 'yong varsity player kong roommate. Saglit lang akong nagbuhos ng katawan, nagsaing ng kanin at pagkatapos pumunta ako sa gym para saglit na magbuhat.
Halos 45 minutes lang ang itinatagal ko sa gym dahil hindi naman din ako nagbabatak talaga na lumaki ang muscle. Literal na papawis lang ang ginagawa ko para lang mabawasan ang stress ko at para hindi maburyo dito sa Condo. Arm and chest day ako ngayon at pagkatapos kong mag-benchpress ay naka-receive ako ng text kay Eya.
From Eya:
Got home. Thanks for chikas in Starbs! In case you need assistance sa Powerpoint, you can share the file with me para ma-edit ko rin. :)
To Eya:
Got it. Pahinga ka na. :)
Matapos kong mag-workout ay bumili na lang din ako ng sisig sa isang push cart stand malapit Condo. Sa likod kasi ng Sun Residence ay may isang street doon na nagtitinda ng mga murang lutong ulam, street foods, at mga ulam na mga naka-cart. Most of the time ay doon na ako bumibili dahil nakakatamad magluto at ako lang naman ang mag-isang kakain.
Akala yata noong gago kong roommate ay idadamay ko siya kapag magluluto ako. Manigas siyang kupal siya.
Matapos ko kumain ay nagpalit lang ako ng damit pangtulog at nagsimula ng gumawa ng powerpoint presentation. Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. "10:45PM na, ah. Wala pang balak umuwi si Tanga?" Mahina kong monologo.
Sa bagay next week ay simula na ng UAAP kung kaya't baka puspusan na ang training nila.
Nag-focus lang ako sa paggawa ng powerpoint presentation. From time to time din ay ipinapahinga ko ang mata ko kapag babad na ako sa paggamit ng laptop kung kaya't medyo natagala ako sa pagtapos.
1:04AM.
Pumupungay ang mata ko sa antok at ilang beses na rin akong napahikab. Hindi pa ako makahiga dahil may tatlong slides pa akong dapat tapusin. Maaga pa naman ako sa university bukas dahil exam ng isang section na hawak ni Miss Cheska at ako ang magbabantay. Bahala na lang talaga, si Lord na bahala.
Nagulat ako noong makarinig ako ng malakas na katok mula pinto ng unit. "Open the door!" malakas nitong sigaw sa bastos na tono.
"Sandali!" Malakas kong sigaw pabalik at ni-lock muna ang laptop bago lumabas ng kuwarto
"Bingi ka ba?! I said open the fucking door!" Based on how he speaks ay mukhang nakainom ang gago.
"Tangina, eto na nga! Taeng-tae ka ba?" Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang mukha ni Noah. "Kung makasigaw ka akala mo ay sa 'yo 'tong buong 24th floor. Kapag talaga napagalitan tayo ng management ng condo isusumbong talaga kita."
Sinandal nito ang ulo niya sa gilid ng pinto. Mapula ang mukha niya dahil sa alak. He smiled. "Hi, roommate."
"Pumasok ka na nga lang! Pati ako iniistorbo mo. May susi ka naman ng unit."
"I forgot. I think I left it inside the car earlier." Susuray-suray itong naglakad patungo sa couch. "Ang sakit ng ulo ko."
Hindi ko siya pinansin at akmang papasok na ulit sa kuwarto. "Hey! Hey! Iiwan mo lang ako in this condition?" He asked like he is pitying himself. Nagpaawa pa si tanga.
"Eh ano gusto mong gawin ko? Ako pa magpaligo sa 'yo?"
Bakit ba ako nakikipag-usap sa lasing?
"Puwede rin. Dali na, roommate. I am weak right now." He chuckled again and smiled like a baby.
"Ulol." sagot ko.
"Tss. Sungit." Kumunot ang noo niya. "Help me standup na lang."
"Huy, nagawa mo ngang ibagsak ang katawan mo diyan sa couch." Akala niya yata ay katulong niya ako sa unit. "Lasing ka lang, hindi ka baldado."
Pinilit niya naman tumayo na mag-isa pero hindi niya nga magawa. I know that feeling dahil noong nag-18 ako ay naranasan ko rin naman mag-nightout noong nasa El Nido pa ako.
"I can't ang bigat ng gravity ng katawan ko and I am so dizzy." He said na parang naiinis dahil kahit simpleng pagtayo ay hindi niya magawa. Tumingin siya ulit sa akin. "Can you assist me, roommate? Just last request."
Mabigat akong napabuntong hininga at naglakad tungo sa kaniyang direksyon.
"Sa susunod..." Hinawakan ko ang kaniyang braso at pilit siyang itinayo. "Iinom lang kung ano lang ang kaya. Hindi 'yong magiging perwisyo ka pa sa ibang tao."
Natawa siya kahit wala namang nakakatawa. "Thanks, roommate." Humigpit ang kapit niya sa akin at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"H-Hoy, anong ginagawa mo?"
"Nasusuka ak—" Hindi niya man lang natapos ang sentence niya dahil tuluyan nang lumabas ang suka mula sa kaniyang bibig.
"Putangina!" Malakas kong reklamo dahil salong-salo ko ang baho at lagkit ng isinuka niya.
Tuluyan na siyang nakatulog sa balikat ko habang ako ay pinoproblema ko 'yong ikinalat niyang suka at ang baho nito sa pangtulog ko. Tangina, perwisyo talaga 'tong gago na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top