Kabanata 26: LML

KABANATA 26: LML
LML BY RAVEN

HUMIHINGAL akong napakapit sa poste habang pinupunasan ang pawis ko. Sa wakas ay natapos na namin ang limang kilometrong pagtakbo namin ni Noah. "Come on, Kelvs. Let us make it ten." Pagpupumilit niya habang tumatakbo sa kaniyang puwesto.

"Mag-isa ka. Ayoko na." Sagot ko sa kaniya. Letse na 'to, wala akong balak mag-jog ngayong araw pero nangulit ang unggoy at sinabing hindi siya makakatakbo ng wala ako. Sarap pilayin para magkatotoo na talaga, eh.

"So tamad, Kelvs." Sabi niya.

Pero sa huli ay ako rin naman ang nanalo. Naglakad na kami papiunta sa bilihan ng lugaw para bumili ng almusal. Suki na kami rito kung kaya't madalas dagdagan ng tindera ang ibinibigay niya sa akin. All thanks to Noah, perks ng pagiging guwapo. Naglalakad na kami pabalik sa unit.

"Anong oras tapos ng klase mo?" Tanong niya sa akin. Palibhasa ay hindi na siya busy. Laglag na kasi sila sa UAAP, anong bago? Wala naman din nag-expect sa amin na makakapasok sila sa semifinals.

"Alas tres." Sagot ko sa kaniya. Ngummiti ako sa guard noong makita niya kami papasok. "Bakit?"

"Punta tayong Cubao Expo." Aya niya.

"Puro ka gastos, kahapon lang ay lumabas na tayo para manood ng Venom sa sine." Suway ko sa kaniya.

"Come on, Kelvs. It's my treat naman." Parang bata na nakasunod sa akin si Noah. Pumasok kaming dalawa sa elevator at pinindot niya ang 24th floor. Isa sa mga problema sa condo namin ay ang palaging siksikan tuwing umaga sa elevator. Sa tatlong elevator kasi ay madalas dalawa o isa lang ang gumagana.

Ewan ko ba, lagi naman inirereklamo ng mga tenants pero hindi magawa-gawa.

Nasiksik kami ni Noah sa bandang likuran dahil sa dami ng taong pumapasok. Nagulat na lang ako noong ikinapit ni Noah ang isang daliri niya sa daliri ko. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka may ibang makakita.

He just smiled at diretso na ang tingin niya. Hinayaan ko na lang din na gawin niya iyon dahil wala naman din ibang tao ang paniguradong makakikita no'n.

Pagpasok namin sa unit ay mabilis na akong tumungo sa kusina para ihain ang binili naming lugaw. Biglang ipinulupot ni Noah ang kamay niya sa baiwang ko.

"Ano ba, amoy pawis ako." Simula nang nagkaaminan kaming dalawa ay parang linta na kung makadikit sa akin kapag kaming dalawa lang.

"Amoy baby." Inamoy niya pa ang leeg ko at humalik sa pisngi ko.

"Isa ha! Iyang kalandian mo talaga magpapa-late sa ating dalawa." Inihain ko na ang lugaw sa lamesa. Just our normal routine, nagkukuwentuhan lang kami habang kumakain. Mostly naman ay kung ano lang ang mga naging ganap namin kahapon at mga gagawin namin ngayong araw.

Lately, ang gaan lang ng lahat. Hindi ko alam kung may kaakibat na lungkot ang nararamdaman ko ngayon pero bahala na. Magiging makasarili muna ako sa ngayon, hahayaan ko lang ang sarili ko na maging masaya.

"Ay siya nga pala, may balak ka ba sa two weeks vacation bago magsimula ang second sem?" Tanong ko sa kaniya.

"Probably will just go back to our place for 3-4 days then will head back here again." Paliwanag niya sa akin. At least naglalaan pa rin siya ng oras para makita ang Daddy niya. Sana nga ay ganoon lang din ang distansya ng Manila at El Nido para madalas ko rin makita sila Mama. "Why?"

"Tito vince wants to meet you. Ini-invite niya tayo ng dinner, just let me know kung anong araw ka available." Parang natigilan siya panandalian. "Huwag ka mag-alala, Tito Vince knew about us. Wala kang dapat ipag-alala."

"I am not worried about that. That's the first time that you will introduce me to somebody as your partner. Kinakabahan ako para ro'n." Sabi niya sa akin.

"Napaka-OA mo talaga sa buhay. Ang layo mo sa Noah na nakilala ko." Naiiling kong sabi at bahagya siyang natawa.

Natapos kaming dalawa kumain at sabay kaming pumasok gamit ang kotse niya. Sinabi ko na lang sa kaniya na magkita na lang kami pagkatapos ng klase ko, magkaiba kasi ang building namin dalawa.

"Where is my kiss? Payment sa paghatid ko sa 'yo sa university." Itinuro niya pa ang kaniyang pisngi.

"Dapat pala nag-jeep na lang ako."

"Come on, Kelvs. Ang hina ko naman sa 'yo. Tinted naman 'yong sasakyan. Hindi naman nila tayo makikita." Pagpupumilit niya sa akin na parang batang nagta-tantrums.

Tinanggal ko ang seatbelt at hinalikan siya sa pisngi.

"Okay na? Happy tayo do'n?" Tanong ko.

"More than happy." He smilingly said.

Nailing ako. "OA."

Bumaba na ako ng sasakyan ni Noah at naglakad na papunta sa department namin. Namataan ko sina Valeen na nakaupo sa bleachers, may iba pa kasing gumagamit ng room para sa first class namin.

"Anong ngiti 'yan Kelvin? Napakasaya mo naman ngayong umaga." Nagtatakang tanong ni Valeen. Doon ako napahawak sa labi ko, oo nga. Nakangiti ako. Tangina nakarating ako ng building namin na mukha akong tanga?

"In love 'yan." Sabi ni Jaypee.

"Gago. Hindi ba puwedeng may nakita lang meme?" Palusot ko.

"Meme amputa. Malayo ka pa lang ay nakangiti ka na. Anong meme 'yan, full movie?" Natawa kaming lahat sa sinabi niya.

"Siguro may sex ka araw-araw. Kaya ganyan 'yang mga ngitian mo. Stress na stress na kami sa sem na 'to samantalang ikaw pa-blooming ka nang pa-blooming." Hinala ni Valeen. Wala talagang preno ang bibig ng babaeng ito.

"Imagination mo lang 'yon. Pare-parehas lang tayong nagdudusa sa sem na 'to." Sagot ko na lang at umupo sa tabi niya. "May assignment na ba kayo sa THC 211?" Tanong ko.

"Wala pa. Mayroon ka na?"

Inilabas ko ang ipad ko para mapakopya sila. Atleast sa ganito ay maiiba ang usapan naming magkakaibigan.

***

MATAPOS ang klase ko ay mabilis akong tumungo sa parking ng Engineering department para hintayin si Noah. Alas-kwatro pa kasi ang labas niya. Nakaupo lang ako ng isang oras sa isang bench at nanonood lang ng mga movie na by part sa tiktok. Tangina nitong app na 'to, nandito na talaga lahat, eh.

"Sorry late, tagal nagpalabas ni Miss Malvar." Sabi niya at sumunod ako sa kaniya.

Lumingon siya as akin at nagpacute. "Pagod na ako today." Sabi niya sa maliit na boses.

"Tangina neto nagpapabebe pa." Tuluyan lang siyang natawa sa reklamo ka. Kung sa ibang tao siguro ginawa ni Noah 'yon ay baka kilig na kilig pa sila. "Isa pang ganyan mo ibabaon kita ng buhay."

"So grumpy." Naiiling niyang sabi.

Sumakay kami ng sasakyan niya at pumunta sa Cubao Expo. Medyo na-traffic kami dahil inabutan kami ng rush hour. Sinabi ko lang kay Noah na balak namin magluto ng italian cuisine next week at si gunggong ay sinabi lang ay naka-ready na ang tupperware na ipapabaon niya sa akin para sa take out.

At least natitikman niya pa rin ang mga gawa ko kahit papaano sa ganoong bagay. He is very honest about his feedback, sinasabi talaga sa akin ni Noah kung masarap o hindi. Siyempre nagagalit ako! Luto ko 'yon, eh. Bakit ko lalaitin 'yon? May problema lang talaga siya sa taste bud niya minsan,

Pagkarating namin sa Cubao Expo ay patago lang kaming nag-picture-picture dahil bawal daw kasi sabi ng guard. We just enjoyed random cafe hopping at nagpunta rin kami sa mga thrift shops para maghanap ng mga bagong damit. Nakakatawa dahil unang beses ni Noah na makapasok sa ukay-ukay.

Manghang-mangha siya na may mabibili siyang maayos na mga polo sa halagang 200 pesos.

"What do you think about this?" He showing a black baggy pants. "Is it bagay?" He asked.

"Hindi mo branding 'yong ganyang mga suotan." Natatawa kong sabi.

"Kelvs, fashion has no limit. Bawal ba magbago ang fashion taste?" Depensa niya

"Maganda naman. Kuhanin mo na. Kaso nga lang baka sundan ka ng multo na may-ari ng pantalon na 'yan." Sabi ko sa seryosong tono para mauto ko si ugok.

Saglit siyang napatigil. "Is it real na galing sa mga patay 'tong nasa ukay? Should I go to church para mapa-holy water kay father?" Seryoso niyang tanong.

Hindi ko na kinaya at tuluyang natawa. "Tanga downy lang 'yan, tanggal na multo niyan. Idadaan mo pa kay father, eh."

"Ang funny mo." sarkastiko niyang sabi. Ilang damit din ang nabili namin ngayong araw at naglakad-lakad lang kami sa Cubao. Ngayon ko lang na-appreciate na maganda naman pala dito sa Araneta.

Ang alam ko lang kasi ay sentro ng universe ang Cubao na terminal ng bus ng buong mundo, eh. Maganda rin naman palang mag-ikot-ikot dito.

***

SA DALAS namin magkasama ni Noah ay hindi ko rin alam kung bakit hindi ako nagsasawa na siya lang ang kasama ko sa maghapon. Ganoon nga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Atleast, gets ko na si Eya kung bakit hindi siya madalas sumama sa amin dahil kikitain niya si Ronn.

Nakaupo lang kami sa couch habang nanonood ng Netflix zombie series na Kingdom. Naputol ang panonood ko noong makita kong nag-chat si Miss Cheska sa akin. Binasa ko ang chat niya.

Miss Cheska:
Hello Kelvs! Congratulation, sabi ni Dean ay approved 'yong request mo na internship sa Boracay for third year. Puwede ka na daw magpasa ng requirements next sem for that! Congrats, Kelvin!

"Shit." Napatayo ako at inulit-ulit ang pagbasa dito. Pasok ako sa internship program sa Boracay. "Ahhh!" Napatalon-talon ako at napahawak sa magkabilang braso ni Noah.

"W-Wait what happened?" Gulong-gulo niyang tanong.

"Remember the internship program na naikuwento ko sa 'yo noong magsimula ang klase?" Tanong ko at bahagya siyang napatango-tango. "I made it. Qualified ako and puwede na ako magpasa ng requirements next sem."

He smiled and ruffled my hair. "Sabi ko sa 'yo, kaya mo 'yan, eh. But it just means buong third year first sem ay wala ka rito." Sabi niya sa akin. "What if sa Boracay din ako mag-internship?"

"Ano ang i-e-engineer mo doon? Sand castle?" tanong ko sa kaniya. "Saka start ng UAAP season ulit next year. Hindi ka puwedeng lumayo ng internship." Paliwanag ko sa kaniya.

"What if mag-quit ako? Tutal lagi naman kaming talo."

"Noah," I sighed. "Mawawala ang scholarship mo. Saka huwag tayong maging hadlang sa goal ng isa't isa. Lalo ka na, Captain ka na ng Golden Bears next year. Chance mo nang i-prove na magaling kang player. Gusto ko madala mo ang Ardano University kahit sa semi-finals."

Bahagya siyang natawa. "Semi-final lang talaga? Hindi man lang championship."

"Eh, masyadong mataas pa 'yon. Pagaling ka pa 'tol." sabi ko sa kaniya.

"Aw I am gonna miss you, Kelvs. You will stay in Bora for five months. Damn, tagal din no'n." Sabi niya sa akin.

"Next year pa 'yon, akala mo naman mag-i-ibang bansa ako ng dalawang taon sa reaskyon mo. Kutusan kita, eh." Pero sa totoo lang, iniisip ko pa lang din na isang semester kaming magiging long distance ni Noah ay napapaisip ako kung kaya ba namin. Especially parang live-in partner setup namin na magdamag nagkikita.

We just continued to watch series. For now, I will savor the moment kahit pa ang apat na sulok ng Unit 24-C lang ang nakakaalam ng tungkol sa relasyon naming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top