Kabanata 24: Bangin
KABANATA 24: BANGIN
BANGIN BY PAUL PABLO
NAGING mababaw ang tulog ko at pilit naalala ang mga nangyari kaninang madaling araw. Hindi ko rin alam kung paano kami nakarating sa ganoong sitwasyon. Hindi ko sigurado kung dala ng tensyon? Caught in the moment? O parehas namin gustong gawin iyon?
Noong marinig ko na tumutunog ang door knob ng kuwarto ay mabilis akong nagtalukbong ng kumot. Malamang ay may duplicate si Noah ng susi ng kuwarto. Bumukas ang pinto ay lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sa ilalim ng kumot ay napahawak ako sa labi ko.
Mali 'to. Hindi dapat nangyari iyon.
"Kelvin." Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Noah. Saglit akong nabato sa aking puwesto pero hindi pa rin ako gumalaw para isipin niya na natutulog pa rin ako. "Kelvs." Tawag niya ulit.
Ilang segundo naging tahimik ang paligid pero ramdam ko na nasa loob siya ng kuwarto. Tangina, 'yong mga kababalaghang nangyayari talaga na 'yan ay nakasisira ng pagkakaibigan, eh. Para bang nagkaroon ng instant wall sa pagitan naming dalawa ni Noah.
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Noah. "I am sorry, Kelvs." Hindi pa rin ako kumilos pero gusto ko nang lumingon at tanungin kung ano 'yon, kung bakit niya ako hinalikan.
Pero hindi pa ako handa sa mga maririnig ko. Baka sa akin ay may meaning 'yon tapos sa kaniya ay nadala lang siya ng sitwasyon. "Please kausapin mo ako kapag handa ka na." Tumunog ang duffle bag niya at lumabas na siya ng condo. Mukhang may training o laro siya ngayong araw. Kung ano man 'yon ay wala akong pakialam.
Naiwan ako mag-isa. Tinanggal ko ang kumot. Tangina, ang init.
Nakatulala lang ako sa kisame. "Puta, Kelvin. Anong nangyari? Bakit ka humalik pabalik? Ibig sabihin gusto mo 'yong nangyari." Monologo ko at napasipa-sipa ako.
Mabilis akong nagbihis at naghanap ng coffee shop na tatambayan ngayong araw. Nagdala ako ng isang libro para mabasa. Para bang ayoko munang mag-stay buong araw sa apartment dahil patuloy ko lang maaalala ang mga nangyari.
Buti nga hindi ako pinaalis ng barista dahil mula 11AM hanggang 4PM ay nakatambay ako sa cafe nila, isang kape lang ang in-order ko.
Mula alas kuwatro naman hanggang alas-sais ng hapon ay nag-jogging ako para lang mawala sa isip ko 'yong mga naganap kaninang madaling araw. Pero hindi, eh! Sariwang-sariwa sa utak ko kung paano hinigit ni Noah ang ulo ko at hinalikan. Naalala ko 'yong buong pangyayari at sa kung paano ako humalik pabalik sa kaniya.
"Tang ina, nababaliw na ako." Umupo ako panandalian sa side walk at napasabunot sa sarili ko.
Napatingin sa akin ang ilang nagja-jog. Napaubo ako at nagpatuloy sa pagtakbo na parang walang nangyari.
Bago bumalik sa apartment ay tumambay ako sa minute burger para kumain. Usually I only stay here for thirty minutes, para lang um-order pero ngayon ay nakadalawang oras yata ako rito. Maging si Ate ay takang-taka at hinahanap pa nga sa akin si Noah dahil lagi daw kaming magkasama kapag o-order dito.
Badtrip, pinaalala pa.
***
ILANG araw naging ganoon ang cycle ko. Sinigurado kong full-pack ang schedule ko. Uuwi lang ako sa condo para matulog, kahit pag-aaral ko ay tumatambay ako sa study hall ng condo.
Hindi ko naman ipagkakaila na nami-miss ko 'yong movie night naming dalawa, o kaya naman magkasama mag-gym, gagala sa kung saan. Pero paano? Habang tumatagal na hindi kami nag-uusap ni Noah ay parang lumalaki ang wall sa pagitan namin.
Buntong-hininga ako pumasok sa classroom. Katatapos ko lang mag-student assistant kay Miss Cheska, may mga pina-check-an lang siyang mga papers ng freshmen at mga word document na pina-type.
"Ang lalim no'n, ah." Sabi ni Valeen sa akin. "Bakit ba ang tamlay mo lately, Kelvs? Nagkasakit ka ba? Sinasabi ko naman sa 'yo uminom ka ng vitamins lagi." Nag-aalala niyang tanong at hinawakan ang noo ko.
"Wala ka naman lagnat!" Dugtong niya pa.
"Do you have any problem?" Eya concerned. "We are here, ah, kapag kailangan mo ng kausap."
"Mga baliw. Okay lang ako." Sagot ko sa kanila ang faked my laugh. "Pangit lang talaga gising ko ngayong umaga."
I tried to act normal as possible.
Tangina miss ko na amputa.
"Guys, wala daw klase buong hapon pero required tayong um-attend sa General Assembly sa indoor gym mamaya." Anunsiyo ng class mayor namin. Napasigaw kaming lahat sa tuwa dahil walang klase na magaganap, atleast doon ay tatambay lang kami sa gym at makikinig sa kung ano man ang talk. Aircon pa.
Magkakasama kaming magkakaklase pumunta sa gym at akala ko ay buong Home Economics department ang kasama sa General Assembly. Iyon pala ay buong university kaya ang dami ng estudyante rito mula sa iba't ibang department.
Alam ko naman na ang dami ng estudyante rito pero ibig sabihin ay may tiyansa na makita ko si Noah.
Agad napako ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad kasama ang mga kaklase niya. He is wearing our school uniform at nakasabit sa balikat niya ang T-square at duffle bag niya. Mukhang hindi niya naman din ako napapansin pa. Angat na angat si Faustino dahil sa tangkad at pagka-mestizo niya.
Para akong tanga dito na nag-re-relapse tanghaling tapat amputa.
Gusto ko na ulit maranasan 'yong mga random conversation namin, 'yong road trip namin para maghanap ng bagong cafe, kahit movie night, o kahit pagtambay namin sa rooftop. Noong una ay sinabi ko sa sarili ko na kaya kong mabuhay kahit wala 'yang roommate ko na 'yan. Pero anong nangyayari sa akin.
Umupo si Noah sa kabilang side ng court. Nabigla ako noong magtama ang mga mata namin. Kahit naman sa iisang bubong kami nakatira pero lately ay hindi rin naman kami nagkikita. Madalas ay late na siya nauuwi o kaya naman ay nagpapanggap na akong tulog kahit alas-nueve pa lang ng gabi.
Nasa magkabilang side kaming dalawa ng court. Para bang nawala ang lahat ng tao sa paligid at naiwan kaming dalawa. Naglalaban ang mga tingin namin. Kung normal na pagkakataon ito ay pinakyu ko na ang gunggong na ito pero hindi ko siya magawa ngayon.
Ako ang unang bumali ng aming tinginan. "Guys, bibili ako ng coke sa labas. May ipapasabay kayo?" Tanong ko at kinuha ang wallet sa bag ko.
"Bili mo naman akong Fudgee bar." Sabi ni Valeen.
"Ako turon." Sabi naman ni Jaypee at nag-abot ng pera sa akin.
"Kaya mo? Gusto mong samahan na kita?" Dom asked at akmang tatayo pero mabilis ko siyang pinaupo ulit.
"Hindi na, kaya ko. Diyan lang din naman ako sa cafeteria sa labas ng gym." Paliwanag ko. Kinuha ko ang mga gustong ipabili ng mga kaibigan ko at inilista sa phone ko.
Lumabas ako ng gym at pumunta sa cafeteria para bumili ng pagkain. Napabuntong hininga ako dahil wala ako sa sarili ko lately. Siguro ay magpiprisinta na lang ako kay Miss Cheska na ako na lang ang magbabantay ng mga freshmen na magku-quiz mamaya para late ako makauwi.
Papasok na sana ako ng gym noong makasalubong ko si Noah. Akmang tatalikod pa ako para bumalik sa cafeteria pero naisip ko na wala naman na akong bibilihin. Tanginang internal panic 'to.
I ended up smiling to him. Noong magkasalubong na kaming dalawa ay hinawakan niya ang braso ko. Para bang may kung anong kuryente na gumapang sa buong katawan ko at muntik pang mahulog ang mga pinabili nila Valeen.
I tried to act normal as possible. "Bakit? May problema ba?" Tanong ko.
"I know you know there is a problem." He said pero diretso lang ang tingin niya sa daan.
I made a face na parang naguguluhan. "I don't know what you are talking about."
Bumaling ang tingin niya sa akin at ako naman ang napaiwas. Tangina.
"Kelvin, stop avoiding me. let's talk about what happened last time. Let's sort things ou—"
"Noah, huwag dito." Mahina pero may diin sa mga salitang binitawan ko. Napalingon-lingon ako sa paligid. "Ang daming tao dito. Wala lang 'yon let us forget about that."
"Anong wala lang? Sa akin, mayroon 'yon." He answered at napatigil ako muli.
Napabuntong hininga ako. Hindi. Hindi ko pa kaya. "Huwag dito."
"Let's talk about it later sa condo." He said at mabagal na lang akong napatango-tango. Binitawan na ako ni Noah at naglakad na siya papasok sa cafeteria. Saglit akong naiwan nakatayo bago ako nabalik sa huwisyo para bumalik sa loob ng gym.
Anong ibig sabihin niya na sa kaniya ay mayroon 'yon? Ang gulo na ng utak ko.
"Bakit ang tagal mo naman?" Curious na tanong ni Valeen habang iniaabot sa kanila ang mga pinabili nila.
"Ang haba ng pila sa cafeteria. Kita mo naman na buong estudyante ng university ang nandito." Palusot ko na lang. Mabuti na nga lang at kinagat nila ang paliwanag na iyon.
Buong three hours yata ng general assembly ay lumilipad lang ang utak ko. Para na akong nababaliw, gusto kong kausapin si Noah pero at the same time ay ayoko pa siyang makausap. Tangina, ang baliw.
Matapos ang General Assembly ay pumunta ako kay Miss Cheska para sabihin na ako na ang magbabantay sa mga freshman.
"Sigurado ka, Kelvin? Hindi naman kailangan para mapahinga ka na rin. Kanina ka pa tumutulong dito." Sabi ni Miss Cheska pero kinuha ko lang ang mga test papers na nakapatong sa table niya.
"Wala naman po akong gagawin sa condo. Mababagot lang ako. Gawin ninyo na lang po 'yong ibang paperworks ninyo rito. Ako na lang dito." Nakangiti kong sabi. Takang-taka man si Miss Cheska pero pumayag din siya dahil madami nga siyang iba pang kailangan gawin.
Dalawang oras din akong nagbantay sa isang section na nag-exam bago bumalik sa faculty para ilapag muli sa lamesa ni Miss Cheska ang mga test papers. Wala na nga sa puwesto niya si Miss Cheska pero nag-iwan na lang siya ng sticky notes na nag-thank you siya. Mayroon rin siyang iniwan na tinapay bilang pasasalamat sa akin.
Madilim na sa department namin at mabagal ang ginagawa kong paglakad papalabas ng Ardano University. Iniisip ko kung uuwi ba ako sa condo o magliliwaliw muna sa kung saan. Kung uuwi ako ay paniguradong mapipilitan akong kausapin si Noah.
Hindi pa ako handa. Magulo pa 'yong utak ko sa ngayon. Hindi ko pa ma-sort out kung ano ba 'tong nararamdaman ko o kung tama bang ganito ang nararamdaman ko.
I ended up getting my phone and call Tito Vince.
"Kelvin, napatawag ka?" Tito asked.
"Tito, puwede po ba akong makitulog sa inyo ngayong gabi?" Tanong ko. Akala ko ay tatanungin ni Tito ang rason kung bakit pero parang naramdaman niya sa boses ko na hindi ako ayos ngayong araw.
"You are always welcome here. Ipapaayos ko kay Drew 'yong kabilang kuwarto. Maghahanda rin ako ng paborito mong kare-kare para sa dinner." Napangiti ako dahil kahit hindi man sinabi ni Tito Vince ay pakiramdam ko ay dinadamayan niya ako sa kung anong bigat man ng nararamdaman ko.
"Thank you, Tito." I answered.
"Wala 'yon. Ilan lang naman tayong magkakamag-anak na nandito sa Manila. Ang pangit naman kung hindi pa tayo magdadamayan. Chat ka na lang kapag nasa ibaba ka na ng condo para masundo kita." Tito Vince said and I ended the call.
This night, hindi muna ako bumalik sa unit 24-C dahil hindi ko pa kaya. I need to figure this out kung ano man 'tong nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top