Kabanata 15: Pambihira

KABANATA 15: PAMBIHIRA
PAMBIHIRA BY QUEST

KALALAPAG lang namin ni Noah sa Lio Airport at nakasunod siya sa akin papalabas ng terminal. Natapos na ang second semester namin sa Ardano University, akalain mo 'yon! Naka-isang taon na ako sa kolehiyo. Ang daming nagbago sa buhay ko at mas naging independent akong klaseng tao.

Especially para akong nag-aalaga ng isang ogag sa apartment. Lintek, tuwing may baking o lulutuin kami sa klase ay laging pauwi nang pauwi. Akala mo talaga may ambag siya sa pinambibili kong ingredients.

"Where's the CR?" Tanong niya sa akin at tinuro ko ito gamit ang aking nguso. bigla niyang isinukbit sa balikat ko ang duffle bag niya at tumakbo sa banyo.

"Bilisan mo, nandiyan na sila Mama sa arrival area." Paalala ko.

Hindi ko lubos akalain na sasama nga itong si Noah sa pagbalik ko sa El Nido. Parte raw 'to nang pagmu-move on niya kay Sarah na four months niya lang naging jowa. Reason niya lang 'yon para may pagtapunan ng pera, eh. Mabuti nga at susunod si Darius bukas kung kaya't tatlo kaming mag-i-island tour kung sakali.

From: Mama
Naxan na kau ank qo? Di2 na kami ng papa mu

To: Mama
Palabas na po kami, be there po in five minutes :)

Ilang minuto ko ring hinintay si Noah dahil may pila sa CR, idagdag pa ang mga kabataang nakakilala sa kaniya at nagpa-picture. Minsan talaga ay nakalilimutan ko na kilalang atleta 'tong si Noah kasi hindi naman niya pinaparamdam na may popularity gap sa aming dalawa.

Saka wala din akong pake.

Nakangiti siyang lumapit sa akin. "Sorry, the queue was too long." Kinuha niya ang duffle bag niya. Pinicture-an niya pa ang ilang parte ng airport para siguro pang-myday niya.

"Nasa arrival area na sila Mama." Naglakad na kaming dalawa. "Basta ang usapan natin, kapag nagtanong si mama kung kumakain ako ng maayos ay sasabi—"

"Sasabihin ko oo. At hindi ka nagtatanghalian ng stick-O at gummy bears." Siya ang nagtuloy dahil sa NAIA pa lang yata ay binibilin ko na sa kaniya 'yon. Ayoko lang din mag-alala sila Mama dahil sa katamaran ko magluto.

Pagkarating namin sa arrival area ay tinawagan ko si Mama para mahanap namin ang eksaktong lokasyon nila.

"Caloy!" Malakas na sigaw ni ate Keanna ang maririnig sa lugar. Nakakahiya dahil maging ang ibang turista ay napatingin sa direksyon namin. Buwisit.

"Caloy?" Takang-taka na tanong ni Noah. "Sinong Caloy?"

Napabuntong hininga ako dahil malalaman niya na ang palayaw ko sa bahay. Ayoko pa man din tinatawag ng Caloy ng ibang tao. "Ako, Caloy tawag sa akin sa bahay."

Inalis ko ang atensyon ko sa kaniya at sinalubong si Mama't Ate. Mahigpit kong niyakap si Mama dahil limang buwan din kaming hindi nagkita. "Parang pumapayat ka yata, 'Ma? Ate, hindi ninyo ba pinapakain sila Mama?" Concerned kong tanong.

"Hay naku, nagzuzumba na kasi sa baranggay 'yan tuwing umaga. Naaya ng mga kumare niyang tsismosa." Paliwanag ni Ate.

"Yanna, makapagsabi ka ng tsismosa. Mga tita mo 'yon." Suway ni Mama at parehas kaming natawa ni Ate. "Na-miss ka namin, Caloy. Nasaan pala 'yong kasama mo?"

Nakatayo sa likod ko si Noah at kumaway. "Hello po, Tita."

"'Ma, Ate, si Noah. Siya 'yong roommate ko kako na magbabakasyon sa atin ng isang linggo." Pagpapakilala ko at kinamayan ni Noah sina Mama.

"Ang pogi naman nitong bata na ito." Manghang-mangha na sabi ni Mama at napailing na lang ako dahil iyon naman ang usual na pinangde-describe kay Noah— pogi. "Ang tangkad pa. Puwedeng-puwede kang mag-basketball, hijo."

Nagkatinginan kami ni Noah. Hindi ko naman din sinabi kanila mama na basketball player talaga si Noah. Hindi rin naman sila fan ng UAAP. Baka kapag nalaman nilang may pangalan si Noah ay baka magpa-welcome party pa 'yan ng OA.

Napakamot sa batok niya si Noah. "Sabi nga po nila. Pero naglalaro rin po ako ng basketball talaga sa school."

Bago pa kung saan mapunta ang usapan ay iniba ko na ang topic. "Nasaan po pala si Papa?" Tanong ko.

Inaantok na kasi ako dahil ang aga ng flight namin kaninang umaga. Para ngang alas kuwatro pa lang ng umaga ay nasa airport na kaming dalawa ni Noah kahit pa domestic flight lang naman ang tinake namin.

"Nasa parking, kinuha ang kotse para diyan na tayo sa labas pi-pick up-in." Paliwanag ni ate.

Hila-hila ko ang maleta ko papalabas ng airport at agad naman namin namataan ang sasakyan ni Papa. Inilagay na namin ang gamit namin sa likod ng sasakyan at bumiyahe pabahay.

"Anong oras daw flight ng pinsan mo?"Tanong ko kay Noah habang nasa passenger seat kami katabi si Ate.

"Bukas pa daw siya tapos sa Puerto Prinsesa pa 'yong airport na bababaan niya." Paliwanag ni Noah at namilog ang mata ko sa gulat.

"Puerto Prinsesa pa? Magla-land travel pa siya papunta rito sa El Nido kung doon pa." Napailing ako dahil paniguradong mag-iinit ang puwet niyang si Darius sa tagal ng biyahe niya.

"Doon daw may mura na flight, eh. Is it far here?" He curiously asked.

"Ganito na lang para mas ma-visualize mo. Para kang bumiyahe from Manila to Baguio. Ganoon kalayo pa ang lalakbayin niya." Mukhang mauusog ang mga plano namin bukas dahil anong oras pa dadating si Darius.

"Oh shit. I thought mga 1-2 hours lang ang distance no'n. Pero hayaan mo na, parusa naman sa mokong na 'yan dahil siya ang nagpahamak sa akin sa bar noong nakaraan." Ngumiti pa si Tanga. Hilig talaga magbuwisitan ng magpinsan na ito.

Sa biyahe ay ini-interview lang nila Mama si Noah. Ganyan talaga sila kapag may bisita kami. They are always making sure na komportable ang mga taong bumibisita sa El Nido.

Nakarating kami sa bahay at pagkababa pa lang ni Noah ay iniikot niya na agad ang tingin sa paligid. Halata sa mukha niya ang pagtataka dahil walang dagat na malapit dito.

"Mga 20 minutes away pa kami sa beach area." Paliwanag ko sa kaniya. Ibinaba ko ang maleta at ang duffle bag niya mula sa likod ng sasakyan. "Ang dami na kasing establishments na nagsulputan sa beach front at nagiging maingay na. Masaya para sa mga turista, maingay para sa mga lokal na gusto lang tahimik na mamuhay dito."

"And I guess that's a nice move. You guys are still living peacefully without the noise of the crowd and you are also one ride away papunta sa dagat." Sabi niya.

"Pumasok muna kayong dalawa. Nagluto kaming dalawa ng ate mo dahil alam naming hindi pa kayo nakapag-aagahan sa aga ng flight ninyo." Aya sa amin ni Mama na pumasok sa bahay.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Noah. Napakamot ako sa batok. "Hayaan mo na, Oa talaga sa hospitality ang pamilya ko."

"Hotel owner things." He said. Buwisit, basher sa buhay.

Dalawang palapag ang bahay namin na moderno ang disenyo dahil pina-design pa ito ni Papa sa kaibigan niyang architect. Spacious ito para sa amin ng pamilya ko. Pagkarating namin sa dining table ay may mga naka-tupperware na menudo, shanghai, pizza, at pansit.

"Mama, wala kaming almusal pero parang birthday-an naman 'to sa dami nito." Naiiling kong sabi.

"Ay naku hayaan mo na, minsan ka lang naman nauuwi sa El Nido at saka may bisita ka. Nakahihiya naman sa kasama mo kung hindi natin pakikitunguhan ng maayos." Sermon ni Mama.

"It's okay Tita, pretty sure the food will also taste good. Kelvin is a good cook po nung nasa condo po kami." Galing mambola ng siraulo na 'to. Kuhang-kuha loob ng nanay ko. Samantalang noong first meet namin ay hinagisan lang ako nito ng bag. Napakaplastik.

"Talaga ba?" Proud na proud na tanong ni Mama.

Pumagitna na ako sa usapan nila.

"'Ma, saan pala matutulog si Noah? Ibababa lang po muna namin 'yong mga gamit namin para maayos na din." Wika ko.

"Sa kuwarto mo rin." Sabi ni Ate at siya na ang naunang kumain sa shanghai. "'Yong guest room kasi, ginawang bodega. Na-busy kami noong summer sa Airbnb natin kaya hindi naasikaso. Okay lang naman siguro 'yon since sanay kayong matulog na magkasama?"

"Wala pong problema sa akin." Nakangiting sabi ni Noah.

Sa kaniya wala. Sa akin mayroon. Sa condo nga ay hindi ko na solo ang room, hanggang dito ba naman sa sarili naming bahay? Hindi na lang ako nagsalita dahil arte ko lang naman sa buhay iyon.

Umakyat na kami sa kwarto. Sapat lang ang laki ng kuwarto ko para sa isang tao. Monochrome ang karamihan sa gamit ko o mas black and white lang. Ang organize kasi sa paningin ko kapag ganoon. Sa isang banda ay nandoon ang kabinet at mga sapatos ko. Sa kabila ay ang koleksyon ko ng Anime figurines. Isang kama at may isa ring kama na nasa lapag lang na mukhang inayos na nila Mama.

"Diyan ka sa lapag, dito ako sa kama ko." Wika ko. Umupo ako sa kama ko, gusto ko nang mahiga kaso ay hindi pa ako naglilinis ng katawan.

"Grabe, ako talaga sa lapag? I am a tourist here, you should be nice to me." He said at ibinagsak niya na ang katawan niya sa kama sa lapag.

"Bigwasan kita, kailan ako hindi naging nice sa 'yo?" Tanong ko at bahagya siyang natawa. "Ayusin mo na 'yong gamit mo para makapag-almusal tayo. Ang init na ng mata ko, gusto ko ng matulog."

"Matutulog ka pagkatapos ng almusal?" Disappointed niyang tanong at akala niya yata ay matitinag niya ako sa kakulitan niya. "Akala ko ba ay ipapasyal mo ako sa El Nido?"

"Oo ipapasyal kita. Pero patulugin mo muna ako—"

"Mahaba pa ang araw, Kelvs."

"Kahit pa maging 40 hours ang isang araw matutulog pa rin ako, ulol. Anong oras tayo nakatulog kagabi kasi pinagbigyan kita na manood ng movie?" Totoo naman dahil nanood kami ng isang movie kagabi dahil ang sabi niya ay mag-a-alarm daw siya para magising kaming dalawa. Lintek, nauna pa ako magising sa alarm niya.

"Okay." He raised his hand as he forfeit. "Talo na ako. Matutulog tayo after kumain."

Mabilis lang naman naming inayos ni Noah ang mga gamit namin. Siya lang naman 'tong akala mo ay may fashion show na pupuntahan sa mga dala niyang gamit. Pero naiintindihan ko naman siya sa side na iyon dahil turista siya.

Matapos kumain ay natulog kaming dalawa. Nagising na nga lang yata ako na alas-kwatro na ng hapon.

Bandang 4:30 ay lumabas kaming dalawa ni Noah para pumunta sa beach side para mag-inquire ng mga island tour package. Saka gusto niya raw malibot ang lugar kahit papaano.

"Since possible na 11 na makarating si Darius bukas at hindi na natin maaabutan 'yong island tour. Gusto ninyo mag-canopy walk na lang muna?" Tanong ko sa kaniya.

"Puwede naman tapos tamang food trip na lang muna tayo. Basta sa gabi ay mag-bar tayo, ah."

"Ayan ka na naman sa bar-bar mo, kaya ka napapahamak." Naiiling kong sabi habang nakatingin sa mga rock formations. Grabe nakaka-miss din pala ang ganitong klaseng view. Dati ay manghang-mangha pa ako sa nagtataasang building ng Manila ngayon ay makita ko pa lang ang mga 'yon ay napapagod na agad ako.

"Nandiyan ka naman. You will not let me to be in trouble again." He said at saglit na huminto para tumingin sa bilihan ng mga rash guard. Sabi ko kasi sa kaniya na mainit kapag nag-i-island hopping o nagka-kayak kaya magbili siya ng ganoon.

"Ginawa mo pa akong tagabantay mo sa kagaguhan mo." Naiiling kong sabi.

"Tss. So grumpy." Sabi niya na pabiro ko lang ginaya. Buwisit.

"Dami mong alam. Halika na at mag-inquire para tuloy-tuloy 'yong mga activities natin sa mga susunod na araw." Gusto kong masulit niya ang isang linggong stay niya rito sa El Nido.

Nag-ikot-ikot kami sa night market at maging sa mga kainan dito. Kinabukasan ay dumating na si Darius para samahan kami sa pag-iikot dito sa El Nido. At buhat din ng bakasyon na ito ay mas lumalim ang pagkakaibigan naming dalawa ni Noah.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top