Kabanata 14: Hayaan
KABANATA 14: HAYAAN
HAYAAN BY CHRSTN
HINDI ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Noah kahapon kung bakit niya ako nagawang halikan? Dahil ba epekto ng alak? Apat na bote ba naman ng smirnoff ang sinarili niya, eh. Kahit nga siguro 'yong endorser sa LED billboard kagabi ay hindi inasahan ang ginawa niya, eh.
Hindi ko naman unang halik si Noah dahil nagna-night out din naman ako sa El Nido noong nandoon pa ako. Minsan ay may nahahalikan ako dahil sa dare, minsan ay may humihigit na lang sa akin at hahalik. Pero hindi naman umaabot na mapupunta kami sa sitwasyon na gagawa kami nang kababalaghan. Alam ko naman ang limitasyon ko sa mga ganoong bagay.
Pero iba 'to, eh! Lalaki si Noah! Siya ang unang lalaki na humalik sa akin.
"Huy." Nabalik ako sa huwisyo noong marinig ko ang boses niya. Magkatapat kaming dalawa sa lamesa para kumain ng binili kong lugaw. "You are spacing out for a while now. Did I do something dumb yesterday?" Kunot-noo niyang tanong habang pilit inaalala ang mga nangyari kagabi.
"Wala, no'ng tumayo ka para maglakad ay natumba ka na lang. Perwisyo ka talaga kapag nalalasing." Sabi ko at kumain. Well, totoo naman 'yon dahil ako mag-isa ang kumaladkad sa kaniya pababa sa Unit 24-C. Nakadalawang balik pa ako dahil una ko siyang hinatid tapos ay bumalik pa ako para kuhanin ang mga pinagkainan namin.
"Sorry na nga. Aray." Napakapit siya sa ulo niya noong makaramdam ng kirot.
"Alak pa." Sagot ko. Ipinagsawalang-kibo ko na lang ang nangyari kagabi lalo na't dala lang ito ng kalasingan ni Noah.
Kumuha si Noah ng tokwa bago sumubo ng lugaw. "But you know, I had a weird dream yesterday na parang totoo." Sabi niya at napatigil ako. Hinintay ko talaga ang mga susunod niyang sasabihin. "I kissed Sarah yesterday. Weird. It feels like real."
Nakahinga ako ng maluwag. "E 'di balikan mo. Inaalala mo pala, eh."
"Why are you so grumpy this early morning?" Kunot-noo niyang tanong sa akin. "Isipin na lang natin na goodbye kiss ang nangyari kahit sa panaginip man lang." He smiled again.
"Nabaliw ka na diyan." Mahina kong sabi.
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko pagkatapos kumain ay ikaw na ang magligpit dahil ako ang bumili sa baba kanina. At saka, 10AM klase ko." Paliwanag ko.
"Oh, sakto, sumabay ka na sa akin. 10AM din ako papasok."
"May jeep naman na no'n."
"Oh come on, Kelvs. Pambawi ko sa perwisyo ko sa 'yo kagabi." Hindi na ako kumibo dahil sayang din 'yon. Libreng sakay, aircon pa. Bakit ako mag-iinarte pa? Siya itong mapilit, eh.
Mabilis lang akong gumayak at maging si Noah. Isinukbit niya ang T-square at duffle bag sa balikat niya. "'Yong jersey mo, nakasampay pa sa veranda." Paalala ko sa kaniya
"Shit. Oo nga pala." Sabi niya at pumunta sa veranda. "Thanks for reminding me, Kelvs."
"Sino bang mapeperwisyo kung maiwan mo 'yan? Ako rin naman." Sagot ko sa kaniya.
Naglakad na kami pababa sa basement parking para kuhanin ang sasakyan niya. Masasabi ko naman na hindi barumbadong driver si Noah dahil mapagbigay naman siya sa daan. Kung gago 'to sa kalsada ay hindi naman ako sasakay sa kotse niya ng paulit-ulit.
Tanging tugtog ng Silent Sanctuary ang maririnig sa sasakyan. He is humming it while driving, pangit ng boses. Buti na lang at nag-basketball player.
"Wala kayong lulutuin ngayon?" Tanong niya. "No free cupcakes? Or any luto tonight?"
"Hilig mo sa libre. Wala kaming baking ngayong araw. Akala mo naman ikaw ang nagbabayad nang pinangbibili ko ng ingredients. Hilig magpauwi." Sabi ko sa kaniya.
"Kaysa masayang. You guys bake so good. Better than small cafe nearby Ardano University." Sagot niya sa akin. Pasimple akong napangiti dahil napuri ang luto namin. "Pumalakpak naman ang tainga mo."
"Ulol. May naalala lang akong meme." Depensa ko. "Basher ng mga small coffee shops."
"Daan tayong drive thru sa mcdo, my treat." He said at gulat ko siyang tiningnan. Bahagyang natawa ang gago noong makita ang ekspresyon ko. "What? Na-hassle kita kagabi. Baka dibdibin mo na naman at hindi ako pansinin ng ilang araw dahil doon."
"Wala nga akong sinasabi. Pero kung libre mo, e 'di sige." Sagot ko sa kaniya. Bakit pa ako mag-iinarte samantalang libreng pagkain na 'yan.
Hindi naman ganoon kahabaan ang pila sa drive thru. Bumili lang siya ng isang burger at coffee float. Samantalang ako ay coffee float lang dahil nabusog pa rin naman ako sa inalmusal namin kaninang umaga.
Mabuti na lang at maaga kaming umalis sa condo na dalawa kung kaya't hindi naman kami late sa mga first class namin. Binabaybay na namin ang daan papunta sa Ardano University.
"Hindi ka ba namamahalan sa araw-araw mong pagpapabalik-balik ng kotse sa Ardano University?" Tanong ko sa kaniya at humigop ng kape. "Ang mahal ng gas. Money wise ay hindi siya okay kasi isang jeep lang naman ang Ardano University."
"I don't know how to commute." He answered at nagulat. "What? Why are you giving me that judgey-look?"
Napailing ako. "Grabe, sa TV ko lang napapanood ang mga ganiyang klaseng pagka-burgis."
"Well growing up ay ayaw ng parents ko. So it's not my fault na hindi ko siya alam." Depensa niya.
"Magkano gas mo weekly sa sasakyan?" Tanong ko.
"Well, around 500 to 1000? Depende kung may mga lakad pang ibang bagay."
"Oh tingnan mo! Sa jeep, trese lang! Bale bente sais kung balikan. I-times mo sa limang araw na pasok. Tingnan mo kung magkano ang matitipid mo." I am justifying 'yong laki ng agwat ng perang nagagastos niya sa nagagastos ko.
"Well I am spending for comfortness here." He said.
"Comfortness amputa. Para sa ten to fifteen travel papasok sa school?" Tanong ko sa kaniya pero saglit akong napaisip dahil magkaiba nga pala kaming klaseng estudyante ng Ardano University. "Sa bagay basketball player ka, may stature kang iniiangatan kaya weird kung makita ka nilang naka-jeep."
Talo ko sa debate. Lintek.
"No, actually I like that idea." Napatango-tango si ungas habang nagmamaneho, Kapag sabay ulit pasok natin sa umaga, let's commute. Try lang, experience." Sabi niya sa akin. Hays, iba talaga ang mayayaman, gusto lang nila maranasan ang araw-araw naming kalbaryo sa buhay— ang commute. "Can you abot the drink?"
Kinuha ko sa lalagyan ang coffee niya at iniabot sa kaniya.
"Oh, paano ko 'yan maiinom?' Tanong niya at itinuro ng nguso niya ang dalawang kamay na nakahawak sa manibela.
"Matic 'tong sasakyan mo. Ginawa mo naman akong tanga." Sagot ko sa kaniya.
"Oh come on, Kelvs. I can't do one hand while driving. This is for our safety." Pangongonsensiya sa akin ni tanga.
Napabuntong hininga ako.
Kinuha ko ang straw at inilagay sa coffee niya. Itinapat ko sa labi niya ang inumin. He immediately takes few sips. Napatingin ako sa labi niya at biglang sumagi sa isip ko ang halik na nangyari kagabi.
What the fuck, Kelvin? Bakit mo naaalala 'yon? Hindi halik 'yon.
Mabuti na lamang at nakarating na kami sa school. Takang-taka nga si Noah kung bakit nagmamadali akong umalis pagka-park niya. Sinabi ko na lang na nandoon na ang prof namin. Pero sa totoo lang ay bigla akong nainitan dahil naalala ko 'yon noong napatingin ako sa labi niya.
***
NITONG mga nakaraang araw ay napadadalas ang pagiging magkasama namin ni Noah. Masasabi ko na maituturing ko na siyang kaibigan at this point. Hindi ko na rin masyadong pinansin ang halik na nangyari noong nakaraan dahil makasisira lang ng samahan.
Lagi na kaming magkasama mag-gym, isinasama niya na rin ako kapag nagmo-morning jog siya, minsan ay gumagala kami at kung saan-saang cafe napupunta. Tipikal na hangout. Tapos minsan ay nanonood kami ng series kapag gabi. Katulad ngayon.
"Kelvs, matagal pa ba 'yan?" Tanong niya habang prenteng nakaupo sa couch at hinihintay na mai-play ang series na pinapanood naming dalawa.
"Taeng-tae ka ba!?" Reklamo ko habang kinukuha ang fries mula sa kalan. Gumawa rin ako ng sauce na pinaghalong ketchup at mayonnaise man. Tapos nilagyan ko ng cheese powder ang fries. "Kung tinulungan mo ako e 'di sana parehas na tayong naka-chill diyan."
Buwisit na 'to, akala yata ay nakakuha ng katulong rito sa unit.
"The last time that I helped you in the kitchen. Pinagalitan mo lang ako." Depensa niya.
Paanong hindi pagagalitan? Tatanga-tanga. Imbes na asin ang ilagay sa niluluto ko ay asukal. Sinisi pa ako na wala raw label ang mga gamit namin sa kusina. Naging kasalanan ko pa na wala sa oras.
"Tanggapin mo na lang sa basketball ka lang magaling." Sagot ko sa kaniya at ipinatong sa sala table ang fries at mga sauce. He played the series at magkatabi kaming nanonood.
Currently, we are watching a series in Netflix called The Society. So far, so good. Nasa episode 3 pa lang kami pero na-hook na kaming dalawa dahil sa daming issues na tina-tackle ng series.
Sa lagi namin magkasama ni Noah nitong mga nakaraan ay marami kaming nadidiskubre sa isa't isa. Katulad na lamang na ayaw niya ng sibuyas sa cornbeef. He liked watching western series and movies, hindi siya umiinom ng milktea, at ayaw niya rin ng pineapple sa pizza niya. Napakaarteng burgis.
"Malapit na matapos ang second sem, ah. Anong plano mo?" Tanong niya sa akin pero ang mata niya ay naka-focus lang sa pinanood namin.
"Plano agad? Hindi pa nga nakakapag-take ng final exam." Sagot ko sa kaniya. "Hmm... Uuwing El Nido. Mag-stay siguro ako doon ng isang buwan bago bumalik dito sa Manila." Paliwanag ko sa kaniya.
"Kailan uwi mo?"
"August 10." Sagot ko.
"Sama kaya ako sa 'yo sa El Nido?" Tanong niya at napatingin siya sa akin. "I mean, bakasyon naman at wala rin naman akong gagawin sa bahay."
"Wala ka rin gagawin doon, Ilang araw mo balak kung sakali?" Tanong ko.
"One week lang naman tapos uwi na akong Nueva Ecija after that. Hindi pa rin naman ako nakakapag-El Nido." Sabi niya sa akin, wala naman kaso sa akin kung magbakasyon siya sa El Nido. Kaso lintek na 'yan ako na naman ang mag-aasikaso.
"E 'di magbakasyon ka. Ayain mo rin si Darius kung available siya no'n." Sabi ko sa kaniya para may kasama siyang mag-island tour kung sakali.
"CebPac ka? Anong oras flight mo?" Tanong niya at tumango ako dahil iyon lang naman ang may piso fair noong nakaraan.
"6:30 ng umaga."
Naging busy siya sa pagkatikot niya sa phone niya habang ako ay kumakain lang na tutok sa panonood. Tanginang series 'to, ang ganda.
"Done." He smiled at ipinakita niya sa akin ang confirmation na nakapag-book na siya ng flight kasabay ng flight ko.
"Tangina, seryoso ka talaga diyan?" Tanong ko dahil grabe ang impulsive na desisyon nitong si Noah sa buhay. Kanina lang ay pinag-uusapan namin tapos ngayon ay nakapag-book na agad siya ng flight.
"Ah yeah? Let's enjoy palawan together roommate. I will not create any itinerary anymore, ikaw na ang bahala sa akin doon." Nakangiting sabi niya at bumaling ang mata sa pinanonood namin.
"Ulol." Naging sagot ko na lamang. "Siguraduhin mo munang hindi ka magkakabagsak this sem para wala kang ire-retake sa bakasyon."
"Easy." He answered.
After the exam, sumama nga sa akin si Noah pabalik ng El Nido.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top