Kabanata 13: Gabi

KABANATA 13: GABI
GABI BY NAMELESS KIDS

NAKATAMBAY ako sa gilid ng pool sa may baba. Pinagmamasdan ko ang mga batang nagsi-swimming habang nakababad ang paa ko sa tubig. Kauuwi ko lang galing sa school at naisipan kong tumambay dito dahil sa sobrang init ng panahon. Bakit ba kasi ganitong panahon ang second sem namin?

"Madaming turista ngayon diyan, 'Ma?" Tanong ko habang kausap ko sila ni Papa sa cellphone.

"Halos buong araw na kami nag-a-asikaso ng guest ng papa mo. Kailan mo ba balak umuwi rito sa El Nido? Nami-miss ka na ng mga kapatid mo." Ngiting-ngiti na sabi ni mama sa akin.

Sa totoo lang ay ilang beses ko na bang tinangka na umuwi na lang ng El Nido at doon na lang mag-aral. Hindi ko na mabilang. Nakakapagod kasi ang Manila especially mag-isa lang ako. Oo, nandito rin sa area sila Tito Vince pero nakakahiya na lagi silang istorbohin.

"Mama, pa-midterms pa lang kami this sem. Siguro ay baka sa June pa ako makakauwi. Nag-book na rin ako ng flight kanina. Sayang 'yong seat sale." Paliwanag ko at nilalaro-laro ang tubig ng pool.

"Ha? Saan ka kumuha ng pambayad sa flight? Hindi ka nagsasabi sa amin ng Papa mo. Baka tinitipid mo 'yong sarili mo diyan sa pagkain." Nagbago ang ekspresyon ni Mama at napuno siya ng pag-aalala.

"Sa Sideline ko, 'Ma. Saka seat sale. Magkano lang din naman binayaran ko sa one way trip." Paliwanag ko. Iyon naman din ang purpose kung bakit ako nag-Student assistant para sa mga ganitong gastos at maging mga materials/ingredients sa pagluluto.

Saglit pa kaming nagkumustahan at bandang alas-sais na noong naisipan kong pumanhik sa taas. Pagpasok ko sa unit 24-C ay wala pa rin hanggang ngayon si Noah.

"Kumusta na kaya 'yong pag-uusap nilang dalawa?" Tanong ko sa sarili ko. "Kapag iyan nabilog na naman ni Sarah, isang malaking tanga na talaga siya sa paningin ko."

Binuksan ko ang TV at naghanap sa netflix ng bagong panonoorin. I ended up watching movie entitled Ocean 8. So far ay maganda naman ang movie at unexpected ng mga cast na nandito. Nagulat nga ako noong lumabas si Rihanna, tangina umaarte pala 'to?

Umaandar ang oras at nangangalahati ko na ang movie. Bumukas ang pinto ng unit at napatingin ako sa kaniya. Noong makita ko ang lugmok na lugmok na ekspresyon ni Noah ay napatayo na ako at tinanong siya. "Anong naging direksyon ng pag-uusap ninyo?"

I usually do not care sa nararamdaman ng ibang tao (unless pamilya ko sila) pero dahil nasa iisang bubong nga kaming dalawa at maayos naman ang pakikitungo niya sa akin these past months ay nagkaroon na ako ng pake sa kaniya.

Mabigat na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. Malungkot siyang ngumiti sa akin at naglakad papalapit sa direksyon ko. Mahigpit niya akong niyakap at ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"Officially, it's over. Tapos na ang paghahabol ko ng ilang linggo." Sabi niya sa malambot na tono. "We broke up."

Tanging ingay lang ng palabas ang nanaig sa paligid sa loob ng ilang segundo. Hinayaan ko lang siyang nakayakap sa akin dahil kailangan niya rin naman ito. I patted his back. "That's the goal naman kung bakit kayo nagkita, hindi ba?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

"Hmm..." He answered at hindi pa rin inaalis ang ulo niya sa balikat ko.

Tangina akala niya yata ay hindi mabigat.

"Ang mahalaga naman ay nagising ka na. No more chasing game. Nakuha mo na 'yong closure na kailangan mo para mas makapag-focus ka sa maraming bagay." Sabi ko sa kaniya. Kung babalikan niya pa talaga 'yong Sarah na 'yon ay baka masabihan ko lang siya ng bobo. Wala pa namang preno ang bibig ko.

Bumitaw sa pagkakayakap si Noah at naglakad patungo sa couch. Ibinagsak niya ang katawan niya rito at kumuha ng isang pillow.

"Parang deserved kong uminom ngayon." Sabi niya. Kumuha ako ng tubig sa ref bago ako tumingin sa kaniya.

"Magba-bar ka?"

"Bar? You know how traumatic my experience the last time na nag-bar ako." Oo nga pala, doon pumutok ang tsismis na cheater siya. "Inom tayo sa rooftop."

"May lakad ako bukas ng alas-onse." Sagot ko sa kaniya.

Napaangil siya. "Oh come on, Kelvs! 11 pa 'yon! The night is still young. Saka hindi ka ba naaawa sa roommate mo?" His expression changed na parang nagpapaawa. Kadiri. "I am broken. I need somebody that can listen to me. Come on, Kelvs parang wala tayong pinagsamahan na."

"Tangina." Mahina kong bulong at napakamot sa batok ko. Bakit ba ako nakokonsensya? "Sige, pero ikaw ang bibili ng alak sa Seven-Eleven sa ibaba. Kung may gusto ka ring kainin ay bilihin mo na ako na lang ang magluluto rito."

Napabangon si Noah at mabilis na nagpalit ng damit. Kagaya nang napag-usapan ay siya nga ang bumili ng alak sa ibaba. Malamang, gastos niya, ano siya gold para ambagan ko man?

Bumili rin siya ng isang balot ng kikiam at fishball. As a courtesy ay ako na ang nagluto ng mga 'yon, tangina anong mahirap sa ibabad mo lang sa mantika ang mga 'yon? Gumawa rin ako ng suka na sauce. Mabuti na lang at may ilan-ilang pag tira na mga sangkap sa unit.

Mukhang kinakailangan ko nang bumili ng mga pagkain na maluluto sa unit dahil napapadalas na rin naman ang pagkain namin ni Noah ng magkasama. Bunso ako sa pamilya namin pero dito ay parang biglang nagiging kuya ako amputa.

Habang nagluluto ako ay tinapos niya lang ang Ocean 8 na movie. Hindi man niya nasimulan ay gandang-ganda siya sa takbo ng kwento. Balak niya nga yatang panoorin ang first half na na-miss niya kung sakaling may free time siya.

Sakto naman din na natapos 'yong movie noong tapos na ako magluto. Hawak-hawak ko ang plastik na naglalaman ng ilang bote ng Smirnoff at siya naman ang nagdala ng dalawang bowl. Isa ay naglalaman ng suka at ang mga pulutan naming dalawa.

Nakarating kami sa rooftop at muli kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin ng Espana, polluted man ang manila. Maganda pa rin naman ang night view nito.

Umupo kami sa sahig malapit sa railings. Tanaw dito ang malaking LED Billboard na nagbibigay liwanag sa paligid. Hanggang ngayon talaga ay hindi ko alam kung off limits ang mga tenant dito. Pero hangga't wala namang sumisita sa amin ay maniniwala na lang akong puwede.

"Wala tayong pangbukas." Sabi niya habang nakatingin sa Smirnoff. "Kuhanin ko lang sa iba—"

"Hindi na." Sagot ko sa kaniya. Pumunta ako sa edge ng isang pader at itinapat ang takip ng bote ng smirnoff sa dulo nito. Gamit ang kamay ko ay pinalo ko ang takip sa edge hanggang mabuksan ito.

Noah looked to me amazingly. "Wow. Ang dami mo namang talent sa inuman, alam mo kung paano mag-gin bilog. Tapos ngayon alam mo magbukas ng alak without any pangbukas."

Iniabot ko sa kaniya ang beer. "Ang tawag doon ay diskarte." Pagmamayabang ko. "It's something na matututunan mo kung growing up ay nakikisalamuha ka sa ibang tao."

"So you loved to talk with other people?" He asked at uminom.

Kumuha ako ng isang smirnoff at ginawa ko ang ginawa ko kanina para mabuksan ito. "Naaah. Kailangan lang din." Ang business namin ay accommodation business kung kaya't kailangan kong maging mabait para hindi masira ang reputasyon ng place namin.

"Eh bakit sa akin, hindi ka naman mabait noong unang kita natin?" Kunot-noo niyang tanong, kumain ng isang pirasong fishball at uminom muli.

"Ulol mo, ang ayos-ayos ng bati ko sa 'yo nung first day. Ikaw 'tong hindi namansin." Panunumbat ko sa kaniya dahil core memory sa akin iyon.

"Sorry about that, sa tingin mo... if we greeted each other back then close na siguro tayo first sem pa lang 'no?" Kuwento niya.

"Probably? Pero baka hindi rin dahil sinukahan mo rin ako." Natawa siya sa sinabi ko pero nakakabuwisit na experience naman iyon para sa akin. Tangina, ang lalim ng galit ko do'n! Alas-kwatro ng madaling araw ay naglilimas ako ng suka na hindi naman ako ang may gawa.

"Ang mahalaga naman ay slowly naman ay nagiging close na tayo. All thanks to your cousin." Sabi ko at uminom. Kung hindi nga siguro nakituloy sa unit si Darius ay baka hanggang ngayon ay hindi naman kami nag-uusap nitong si Noah. Dahil simula noong pumasok ang second sem ay talagang tinanggap ko na sa sarili ko na hindi kami magkakasundo at wala akong pakialam sa kaniya.

Saglit na natahimik si Noah at nakatingin lang sa nagtataasang building. Bumuntong-hininga siya. "Tangina, nabigo na naman sa pag-ibig."

"Look at the positive side, atleast nakaalis ka sa relationship na hindi ka kayang samahan during your down moment."

Tumingin siya sa akin. "Nang-gaslight pa ang gago." Sabi niya at natawa kami parehas.

"Tanga, totoo 'yon."

"Remember the guy that I told you na sumundo sa kaniya last time." Kumain lang ako ng fishball at hinayaan siyang magkuwento. "Apparently ay mangliligaw niya 'yon."

"At pumayag siyang magpaligaw habang magkarelasyon pa kayong dalawa?" Tanong ko at bahagyang napatango-tango lang si Noah. Napailing ako sa inis. "Aba'y gago. Kababaeng tao ay gago."

"The moment na hindi niya raw ako kinausap ay para sa kaniya ay tapos na kaming dalawa. So sa buong paghahabol ko sa kaniya ay ako na lang pala ang naniniwala na may kami pa." Uminom siya ng smirnoff at naubos niya agad ang isang bote. Tumingin siya sa akin. "On my defense, ay hindi ko alam na wala na kami at that moment kaya huwag mo akong husgahan na bobo ako."

"Wala nga akong sinasabi." Natatawa kong sabi. Iniabot niya sa akin ang isang beer na parang sinasabi na buksan ko. Ginawa ko rin naman.

"You know what's funny during our conversation earlier?" Sabi niya. Umupo muli ako sa tabi niya. "Para daw akong tanga na naghahabol sa four months relationship. Apat na buwan lang daw 'yon. Ang OA daw ng emotional attachment. Like, gago ka ba!? Kesyo ilang buwan o taon lang 'yan, the fact na pinili kong maging committed sa 'yo ay seryoso talaga ako sa 'yo."

Nakikinig lang ako sa mga daing niya sa mundo. Mukha naman iyon lang din ang kailangan ni Noah. Sa totoo lang, I admire him dahil naipapakita niya ang vulnerable state niya sa akin. Which is mahirap gawin. Or baka dahil epekto lang din 'to ng Smirnoff?

Traydor talaga 'yang smirnoff na 'yan. Masarap kasi kaya 'di mapapansin na nalalasing ka na.

Ito nga siguro ang purpose ko din sa mundo, ang makinig ng problema ng ibang tao. Hindi naman din ganoon kadrama ang buhay ko.

Nakinig lang ako sa mga hinaing ni Noah sa mundo. Minsan ay nagbibigay ako ng payo pero parang hindi niya naman din kailangan. Malaki naman na siya.

Dapat ay tigtatlo kaming Smirnoff pero ang nangyari ay dalawang bote lang ang sa akin samantalang apat na bote ang nainom niya. E 'di nalasing si gago.

"Tingnan mo 'yong eroplano ang baba ng lipad." Natatawa niyang sabi habang pinagmamasdan ang langit.

Napailing ako. "Lasing ka na nga." Niligpit ko ang mga kalat namin at inilagay sa plastik. Napatingin ako sa orasan sa phone ko at 12:07AM na pala nang hating-gabi. "Bumaba na tayo. Malamig na masyado saka para makahiga ka na."

"Ayaw pa." Parang bata niyang reklamo. "Let's stay here for a while. Five more minutes."

"May alis pa ako bukas." Hinigit niya ako para mapaupo ulit. Hinayaan ko na lang din. Mahirap makipagtalo sa lasing dahil baka masukahan ulit ako.

Nagulat ako noong hinawakan ni Noah ang pingi ko at pilit pinaharap sa kaniya. Mata sa mata kaming nagtititigan. Kitang-kita ang pamumula niya dahil sa alak. He smiled like a child.

"Anong problema mo na naman?" Kunot-noo kong reklamo sa kaniya. Mahirap pala talaga kapag nalalasing ito, kung ano-ano ang nagiging trip sa buhay. Naalala ko na naman 'yong suka scene, tangina! Deja vu moment ba 'to!? "Subukan mo akong sukahan iiwan talaga kit—"

Nabigla ako noong mabilis na lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Namilog ang mata ko sa gulat at hindi nakagalaw ng ilang segundo.

Naramdaman ko na lamang na nakalapat ang labi ni Noah sa labi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top