Kabanata 12: 153

KABANATA 12: 153
153 BY DIONELA

PAGKARATING namin sa Hill House Dining ay medyo maraming tao sa lugar. Ano pa bang i-e-expect namin, friday night kung kaya't maraming timg ang mga tao.

Mukhang madalas na nga rito si Noah dahil binati na siya ng mga staff pagkapasok pa lang namin. Nakasunod lang ako sa kaniya habang kinukuhanan ng video ang lugar. Sayang din, pang-upload din sa IG. Para naman makita nila Mama na mukhang makulay ang buhay ko rito sa Manila.

"Steve, mayroon pang puwesto sa garden area?" Tanong ni Noah sa isang staff na mukhang naging kaibigan niya na rin.

"Check ko kung may puwesto pa. Wait lang kayo." Sabi noong Steve sa amin

Naiwan kami ulit ni Noah na dalawa. "Saan mo 'to na-discover na lugar? Ang ganda rito."  May mga cafe din naman sa El Nido pero mas kakaibang experience ito dahil mula rito ay matatanaw ang City lights ng Metro Manila. Ang ganda pagmasdan sa gabi pero saksakan naman ng polusyon ang lugar na iyan.

"When you maximize the power of social media, you will discover hidden gem places." Pagmamayabang niya sa akin at itinaas baba pa ni yabang ang kaniyang kilay.

Itinuro ko ang punuang cafe. "Mukha bang hidden gem 'to? Sinong pinagloloko mo?" Natawa si Noah sa sinabi ko.

"Well, it became popular na lang lately. Pero I discovered this place last sem lang din. Christmas Vacation. Wala ka." Kuwento niya at binalikan kami ni Steve. "There's puwesto pa?" He asked.

Tanginang burgis 'to. Minsan napaka-conyo.

"Sakto, may katatapos lang kumain and pinalinis ko na 'yong table." Steve informed us at naglakad kami papunta sa garden area. Kung maganda na ang view sa loob ay mas maganda ang view dito sa garden area. Mas ramdam namin ang ambiance ng Antipolo dahil sa lamig ng hangin. Parang campsite ang hitsura ng garden area nila na may overlooking ng Metro Manila

Umupo kaming dalawa sa isang table. Hindi ko muna pinansin si Noah dahil busy akong video-han ang lugar. Wala naman din akong balak isama siya sa story ko. 'Yong view lang naman ang gusto kong makita ng friends ko saka 'yong pagkain kapag nagka-clout ako sa social media.

"Nice place, right?" Mayabang niyang tanong sa akin. "You should thank me na dinala kita rito sa favorite spot ko sa Antipolo."

"Ulol mo, ikaw ang kumaladkad sa akin dito." Bumalik na ako sa puwesto namin at umupo sa tapat niya. "Pero mabalik tayo, hindi ka umuwi noong Christmas Vacation?" Tanong ko. Sabi ko pa naman kanila Tito Vince ay nagbakasyon ang roommate ko, kung alam ko lang ay baka isinama ko na siya sa Christmas Eve celebration namin nila Tito.

"My family had a vacation in Australia during that time. Hindi na rin ako sumunod dahil una, patapos na ang sem, pangalawa ay tambak ako ng plates. Just a waste of money lang." Kuwento niya sa akin habang naghahanap ng mao-order sa menu. "Ikaw, umuwi kang El Nido during Christmas break?" Balik niyang tanong sa akin.

"Hindi rin. Nakituloy ako sa mga kamag-anak ko na nakatira rito sa Manila." Kuwento ko na lang din. Hinayaan ko si Noah ang um-order ng pagkain basta kako ay Caramel Macchiato ang kape ko. He just ordered pasta, mainit na sabaw, at side dishes.

"Tangina mo ang dami mong in-order. Usapan natin ay kape lang, bakit parang mag-bu-buffet ka na rito." Sabi ko sa kaniya. "Subukan mo talaga akong singilin, bente pesos lang maiaabot ko sa 'yo." Pamasahe na lang kasi dapat sa jeep 'yon kanina pauwi ng condo.

"You can walk naman pauwi ng Espana." he chuckled.

"Kapag ginawa mo 'yon, gusto mong bumalik tayong dalawa sa cold war. Hanggang pag-graduate ay hindi kita papansinin na animal ka." Banta ko.

Habang hinihintay namin maluto ang pagkain ay nagkaroon ng katahimikan. Hinarap ni Noah ang kaniyang upuan sa overview ng Metro Manila. Tahimik lang siya nakatingin sa view at makailang beses ko siyang nahuli na napabubuntong hininga. Tahimik lang ako at hindi ko muna siya kinauap. Ito naman din kasi ang purpose nang pagpunta namin dito, ang makahinga siya sa mga problema niya sa Manila.

"I saw Sarah this morning..." nagkuwento siya kung kaya't napatingin ako sa kaniya. Malungkot ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin. "Supposedly ay susubukan ko sana siyang sunduin sa Apartment niya kanina. Baka kako ay kausapin niya na ako no'n."

"Tapos? Anong nangyari? Wala siya ro'n?" Tanong ko. Bilib din naman talaga ako sa jowa nitong si Noah dahil halos isang buwan na silang hindi nagpapansinan. Ako naniniwala ako na kung gusto mo ang isang tao ay hindi mo siya matitiis ng ganito katagal.

"She's there. Another car picked her up. Para akong tinamaan ng kidlat at that moment, pinagmamasdan ko lang sila mula sa loob ng sasakyan." Napatigil ako panandalian at nag-alala ako sa kaniya bigla. "Pinagbuksan siya noong lalaki na mukhang galing sa ibang university. It's funny kasi grabe ang galit niya sa akin noong may cheating issue ako na pumutok pero mukhang siya naman pala ang gumagawa."

Pilit na napatawa si Noah at napailing. "Grabe 'no? Parang galit siya sa sarili niyang multo." Pinaglaruan niya ang susi ng kotse sa lamesa. "Sa tingin mo, should I still chase her or i-take ko na 'yong mga hints na 'yon na ayaw niya na sa akin?"

"Makipag-break ka na."  Walang preno kong sabi. "Pinagmumukha mo na lang tanga ang sarili mo. it's been what? Three weeks? Prelims exam natin ay naghahabol ka na. Malapit na ang midterm exam ay naghahabol ka pa rin." Payo ko sa kaniya kahit alam kong masakit na katotohanan iyon. Wala, eh. Kailangan niyang marinig 'yon kaysa magpakatanga pa siya ng ilang araw o linggo ulit sa Sarah na iyon.

"Nagmumukha na ba akong tanga sa paningin mo?" Natatawa niyang tanong.

"Hindi pa, pero malapit na kung hindi ka pa titigil." Sagot ko at tumingin ako sa view. "Payo ko lang naman iyon at base lang iyon sa mga kuwento mo. Nasa sa 'yo pa rin naman iyan. Pero kung mahal ka talaga ni Sarah, hindi 'yan papayag na hindi ka kausapin ng tatlong linggo. Hindi mo deserved, bro."

Saglit siyang natahimik at nagbitaw ng malalim na buntong hininga. Dumating na ang pagkain na in-order namin. Hindi ko naman maipagkakaila na masarap ang pagkain nila rito sa cafe na ito. May iba kasing cafe na puro estetik lang ang lugar pero walang kasarap-sarap ang pagkain.

Sa pagkain ay kung ano-ano na lang ang pinag-usapan namin ni Noah. Nagkuwento siya tungkol sa mga teammates niya, wala naman akong pake. Tapos nagtatanong-tanong lang din siya sa kung ano ang magandang puntahan sa El Nido at nagsabi naman ako ng mga favorite kong isla ro'n. So far, ang smooth lang ng flow ng conversation naming dalawa. Masasabi kong magtropa na talaga kaming dalawa dahil sa dami na namin na-share na random experience sa buhay.

Ini-enjoy ko lang ang pasta. Nakatingin ako sa City lights. Itinuro ni Noah kung aling part 'yong Taguig, Makati, at Mandaluyong. E 'di siya na maalam sa lugar, bibong-bibo.

"Kakausapin ko ulit si Sarah." Napatigil ako sa pagkain at tiningnan ko siya nang punong-puno ng judgment. Bobo amputa."It's not what you think. I just want to have a closure— a proper breakup. In that way, maayos akong makaka-proceed sa buhay ko."

Siya nga hindi na hinintay 'yang closure ninyo bago siya mag-entertain ng ibang lalaki, eh.

"Kung mas gagaan ang loob mo diyan. E 'di go. Para sa next season ng UAAP ay focus ka na lang sa paglalaro. Hindi ka distracted." Advised ko sa kaniya. Bilang kaibigan ay wala naman akong choice kung hindi suportahan lang siya sa mga desisyon niya sa buhay. Mahirap nang kontrahin, baka pag-ambagin pa ako sa mga kinain namin ngayong araw.

Sarap pa naman tropa nito. Hilig manlibre.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami ng isang oras sa lugar bago namin napagdesisyunan na umuwi. Halos ala-una na kami ng madaling araw na nakabalik sa Unit. Sa totoo lang ay hindi lang si Noah ang nakahinga sa stress noong mga oras na iyon dahil maging ako ay hindi ko naman in-expect na kailangan ko rin iyon.

***

LUNES, nag-iikot kami nila Valeen sa campus para magbenta ng cookies. Activity namin sa HPC 123 naming subject. 'Yoing perang malilikom naman dito ay gagamitin daw pang-ambag para mapapinturahan ang mga lumang building sa Ardano University. Mapapakamot ulo ka na lang talaga dahil ang mahal pa naman ng mga ingredients.

Bakit ba ang gastos ng course na gusto ko?!

"Bro, ikaw na, bentahan mo sila." Sabi ni Jaypee at tinulak-tulak ako papunta sa mga freshmen na nakatambay sa kubo malapit sa College of Nursing. Napapakamot na lang ako sa batok dahil ang init-init ay pinaglalako kami.

I faked my smile at lumapit sa kanila dala-dala plastik na naglalaman ng cookies. "Hello good afternoon, okay lang po ba maistorbo kayo saglit?" Tanong ko. Buti na lang at na-master ko ang ganitong attitude kaka-asikaso sa mga guest namin sa Palawan.

Nagkatinginan sila bago tumango.

"My name is Kelvin from College of Home Economics. We are culinary student kasi. Baka interesado kayong bumili ng cookies na gawa namin. All money that we will earn here ay ipangdadagdag sa funds para mapinturahan ang mga lumang building dito sa Ardano University." Kinuha ko sa platic ang ilang pirasong cookies. "We have three available flavors which are Oatmeal Raisin, Rocky road, and Red Velvet Creamcheese."

Tiningnan nila ang mga binebenta namin at ang bawal isang cookies ay nagkakahalaga ng 50 pesos. Malaki naman din 'yon at hindi namin tinipid sa ingredients

"Bibili kami basta ibibigay mo sa amin 'yong IG mo." Natatawang sabi nong kausap kong estudyante at napakamot batok naman ako.

Lumapit si Valeen at kumapit sa braso ko. "Oo, ibibigay niya 'yong IG niya." Bigla akong napatingin sa kaniya pero pinanglakihan niya lang ako ng mata. Bumalik muli ang tingin niya sa mga kausap naming estudyante at pekeng ngumiti. "He's also single kung kaya shoot your chance na sa friend namin."

Naibugaw pa nga.

Hindi na ako kumibo kasi gusto ko na rin maubos 'tong tinda namin para makapagpa-aircon na kami sa library. Init na init na ako kakalakad sa university namin.

Nakabenta naman kami ng tatlong piraso at may iilan na lang na natira sa plastik namin.

Bumalik kami kanila Jaypee. "Aba ayos ka, ah! Talagang inialay mo ako para sa cookies. Lumalabas tunay na kulay mo, ah." Reklamo ko kay Valeen na ikinatawa niya lang.

"Kelvs, i-block mo na lang sila pagkatapos ng ilang araw. Para maubos na natin 'yang cookie, namamawis na ang kasingit-singitan ko kakalakad, eh." Reklamo niya rin.

Habang nakatambay kami a gilid ng College of Engineering ay saktong dumaan si Noah kasama ang dalawa niyang ka-team. Iniabot muli sa akin ni Jaypee ang plastik. "Teka, ano na nama—"

"Bentahan mo! Bentahan mo!" Sabi ni Valeen. "Roommate kayo, tapos mayaman pa 'yan. Ipaubos mo sa kaniya 'yan. Go, Kelvs!"

Wala na akong choice. Buwisit na 'yan, group task 'to pero parang ako lagi ang alay para magbenta tapos support lang ang mga kupal sa likod. Kairita.

"Yow." Bati ko kay Noah at napatigil sila sa paglalakad. Napakamot pa ako sa ibabang baba ko dahil ang awkward kasi hindi ko naman din talaga siya kinakausap kapag nasa university kami.

"Oh? Bakit nandito kayo sa Engineering? Ang layo ng building ninyo rito, ah." Napatingin si Noah sa mga kaibigan kong nasa hindi kalayuan at kumaway naman sila Valeen.

"Kita mo 'to?" Itinaas ko bahagya ang plastik na hawak ko. "Pinagbenta kami ng magaling naming prof."

He chuckled at lalong mas nagdikit ang kilay ko sa inis. "Tangina mo, ah. Tinatawanan mo pa ako, ah." Wala ako sa mood makipag-utuan ngayon dito kay Noah.

"It's funny lang because you hate this kind of weather at saktong nag-iikot ka sa buong campus."

"Ano pa nga ba." Reklamo ko. Parang 'yong impyerno ay ito na mismong Metro Manila sa sobrang init. "Kaya bumili ka na, hindi ako mag-uuwi sa apartment ng sobra nito. Singkwenta pesos lang isa nito, hindi mo ikamamatay."

"Grabe namang marketing 'yan, very convincing." He chuckled. Tangina nito, matapos akong kaladkarin sa Antipolo noong nakaraang biyernes ay bubuwisitin pa ako.

"Noah, manong sabihin mo kung bibili ka o hindi. Ilang beses ka nang nakatikim ng luto at mga bine-bake ko. Kailan ba ako gumawa ng hindi masarap." Sabi ko sa kaniya.

"Okay let me see." Mabuti naman at um-order si Noah na tigta-tatlo kada flavor dahil ipamimigay niya na lang din daw sa mga ka-team niya. Wala naman akong pake kung saan niya dadalhin 'yang mga cookies na 'yan. Ang mahalaga sa akin ay maubos na 'to para ma-aircon-an na ako.

Habang kumukuha ako ng panukli sa bulsa ko ay nagsalita ulit si Noah. "I am planning to talk to Sarah after class. Pumayag na siya makipag-usap sa akin."

"Goodluck sa 'yo. Basta kung ano man ang maging kahantungan ng usapan ninyo may mapagkukuwentuhan ka." I smiled to him dahil sana lang ay tumigil na si Noah sa katangahan niya kay Sarah na 'yon. "Basta ako, bilang kaibigan mo ay nasabi ko na sa 'yo 'yong feeling ko na dapat mong gawin. Oh ayan na sukli mo, kupal ka."

Iniabot ko sa kaniya ang sukli niya at naglakad na paalis. Wala akong panahon na makipag-usap sa kaniya ng matagal dahil kailangan kong maubos 'tong cookies na ito.

Pero lowkey naman, gusto ko naman din siya maging masaya kung ano man ang maging diskusyon nila. Naging kaibigan ko na rin naman si Noah at nakilala ko naman siyang hindi rin naman masamang tao. At isa pa, nanlilibre naman siya kung kaya support na lang ako sa mga kagaguhan niya sa buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top