Kabanata 10: Patutunguhan

KABANATA 10: PATUTUNGUHAN
PATUTUNGUHAN BY CUP OF JOE

"SEVEN... eight." Mabilis kong ibinaba ang dumbbell matapos ang reps ko sa Biceps curl. Currently ay nasa gym ako ng Condo para magpapawis, habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin nitong gym ay napansin ko na ang pagbabago sa physical appearance ko compare noong unang punta ko rito.

Mas naging lean 'yong muscle ko at mas halata na ang biceps ko. Dito lang din nahulma 'yong abs ko dahil sa mga gym equipments na mayroon sila dito.

Saglit akong umupo sa bench at uminom ng tubig. Habang nagpapahinga ako ay may nakita akong post si Noah.

Oo, friends na kami sa Facebook at sa IG. Siya ang unang nag-add at nag-follow. Nangyari iyon ilang araw ang nakalilipas matapos ang pag-usap namin sa rooftop. Alangan ako unang mag-add sa kaniya? Manigas siya. 'Yong ibang pinsan ko nga hindi ko friend sa Facebook, eh.

May dalawang sentence yata 'yong caption niya na hindi ko naman din binasa dahil mas interesado ako sa clip na naka-attach sa post. I played the clip at scene ito sa bar na pinuntahan nila ni Darius.

Kita sa video na nakikipagsaya lang si Noah sa ibang grupo ng may biglang humatak sa kaniya at hinalikan siya. Itinulak niya naman ito matapos ang isang segundo. Tugma naman ang kuwento niya sa akin last time sa nangyari.

Duda pa nga ako noong una dahil baka gumagawa lang ng kwento si gago para magmukha siyang mabait at makakuha ng simpatya. Totoo naman pala.

Bahagya akong napangiti. "Atleast nalinis na niya ang pangalan niya." Pagkausap ko sa sarili ko. Ang sunod na lang niya poproblemahin ay kung paano sila magkakabalikan nung syota niya.

Matapos ang workout ko ay tumungo na ako sa school bitbit ang mga materials ko na gagamitin namin sa baking ng cupcake. Lintek na 'yan, napakagastos maging isang culinary student!

Pagkarating ko sa kitchen classroom ay nandoon na sina Valeen na agad ko naman sinamahan. "Ano na, Kelvs? Ikaw ang pinakamalapit pero ikaw ang pinakahuling dumating sa atin, ah." Reklamo ni Valeen dahil magkakagrupo kaming apat.

"Sorry na, nag-workout pa ako." Paliwanag ko sa kaniya at napatingin ako sa relo ko. "At saka, ten minutes pa naman bago magsimula ang klase."

"Hay naku, excited lang 'yang mag-bake si Valeen. Free foods kasi." Natatawang sabi ni Jaypee.

"Talaga! Nagdala nga akong tupperware. Mag-uuwi ako ng cupcake, ha!" Bilin niya sa amin. "Ay nakita ninyo na 'yong bagong post ni Noah?"

"Post?" Kunot-noong tanong ni Jaypee.

Kinuha ko na sa bag ang hairnet ko maging ang apron para pagpasok ni Sir ay diretso na lang sa pagbe-bake.

"Well, nagsalita na kasi si Noah tungkol sa nangyaring issue. And apparently hindi naman siya nag-initiate ng kiss at hindi naman siya nag-response back. Bigla lang siyang hinalikan noong babae." Sumali na rin si Eya sa kuwentuhan namin.

Nagpatulong naman ako kay Valeen na maitali ang apron ko sa likod. "Hay naku kaya ako hindi ko pinagdudahan 'yang si Noah, eh. Alam kong mabait 'yan na athlete. Pride and glory 'yan ng Ardano University." sabi ni Valeen.

Napatigil kaming tatlo at napatingin sa kaniya. Parang noong nakaraang linggo lang ay gigil na gigil siya kay Noah at cheater will always be a cheater pang sinasabi. Napatigil panandalian si Valeen. "What is that look? Ang judgmental ninyo, ha! Bawal magkaroon ng change of opinion? Bawal magkaroon ng character development?" tanong niya

"Balimbing amputa." Naiiling na reklamo ni Jaypee at bahagya kaming natawa.

Pumasok na sa room si Miss Teresita at pumunta na kami sa mga designated area namin para mag-bake.

***

"IKAW, Kelvs? Hindi ka mag-uuwi? Ang dami pang natira, oh." Sabi ni Eya habang naglalagay ng cupcake sa tupperware na dala niya. Matapos kasi makatikim ni Miss Teresita ng dalawang cupcake ay grinade-an niya na kami. Ang ending ay ang daming natira. Malas, napakamahal ng ingredients tapos kaunti lang kakainin, e 'di sana ibinili ko na lang siya ng lemon square sa canteen.

"Umay na ako sa sweets." Naiiling kong sabi dahil minsan talaga kapag tinatamad akong magluto sa condo ay gummy bear o kahit anong matamis ang tinitira ko bilang tanghalian.

"Sure? Ipamimigay ko 'to sa pulubi sa Seven eleven sa labas." Jaypee said.

Biglang naalala ko si Noah. Naisip ko na matapos niyang malinis ang pangalan niya ay deserved niya kahit papaano nang pampagaan ng loob. Parang way of congratulating na rin sa kaniya.

"Sandali, pengeng tatlo." sabi ko at nanghingi na lang ako ng extra na tupperware kay Valeen. "Ibibigay ko lang sa roommate ko."

"Ha?" Kunot-noong tanong ni Valeen sa pagtataka. "Akala ko ba ay hindi kayo close?'

"Bawal maawa as a roommate?" Balik kong tanong sa kaniya.

Natapos ang klase ko buong araw at bandang 6:30 na mahigit noong makauwi ako. Bumili na lang ako ng Sisig sa mga kariton na nagtitinda sa labas ng Sun Residence dahil wala na akong lakas magluto. Sapat na 'yong nag-bake ako ngayong araw sa kusina.

Saglit akong nagbuhos ng katawan bago kumain. Inilagay ko rin sa ref 'yong cupcake na ibibigay ko kay Noah.

Umupo ako sa couch habang naghahanap sa netflix na movie na mapanonood. Tapos na ako sa season 1 ng The 100 at wala pa akong lakas para tumuloy sa season 2, kailangan ko muna nang pambanlaw para hindi ako maumay.

"Tangina, mas matagal pa 'yong paghahanap ko ng panonoorin kaysa sa aktwal na panonood ko." nakailang swipe na ako sa movie section at mga trendings pero wala pa rin akong mahanap. I ended up watching White Chicks— a classic movie.

May isang basong gatas sa sala table habang nanonood ako. Napatingin ako sa wall clock at alas-otso na mahigit ay wala pa rin si Noah. Wala naman akong pakialam dahil baka busy na 'yon kasama ang girlfriend niya.

Happy for him.

Halos labing limang minuto na akong nanonood noong biglang bumukas ang pinto ng unit. Noah entered and just standing beside the kitchen table. Nakasuot ito ng gray na jacket at suot pa ang varsity shorts niya.

Natatawa akong umiling. "Anong klaseng mukha 'yan?" tanong ko dahil parang pinagsukluban na naman siya ng langit at lupa. "Ay siya nga pala, may cupcake akong inuwi galing sa klase namin kanina."

Tumayo ako para kuhanin iyon sa ref. Nakatingin lang ako kay Noah. Mukhang pagod na pagod siya ngayong araw dahil nakailang bitaw na siya ng malalim na buntong hininga.

"Lalim, ah? Bad day?" tanong ko sa kaniya at tumayo sa harap niya.

Nabigla na lang ako noong bigla akong niyakap ni Noah. Nabato ako sa kinatatayuan ko ng halos dalawang segundo bago nakakilos at nakapagsalita. "H-Hoy! Anong ginagawa mo?!" Nagpa-panic kong tanong at akmang itutulak siya.

"Just ten seconds bro. I badly need a hug right now." Sabi niya sa pagod na boses at ang kamay ko kanina na balak siyang itulak ay unti-unting bumaba. I let him hugged me. Ramdam ko ang pagpatong ng ulo niya sa balikat ko.

"Tough day?" tanong ko.

"Hmmm..." he answered.

Hinayaan ko lang na ganoon ang posisyon namin ng ilang segundo. Tama rin naman siya na makalipas ang ilang segundo ay bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa couch.

Naiwan akong nakatayo at huminga ako ng malalim para mabalik sa huwisyo. Binuksan ko ang ref at kinuha ang tupperware na naglalaman ng cupcake. "May soju pa ba sa ref?" tanong niya.

"Walang soju, cupcake mayroon." Ipinatong ko sa sala table ang cupcake at umupo sa tabi niya sa couch. "Walang soju pero mapagkukuwentuhan mayroon man."

Mabigat ulit siyang napabuntong hininga. "Bro, naayos ko na 'yong gusot ngayong araw, eh. Nalinis ko na 'yong pangalan ko and akala ko ay babalik na ulit sa normal ang lahat. I followed your advice, I tried to talk to Sarah this afternoon."

Hininaan ko ang volume ng TV. "Tapos anong nangyari?"

"Sinundan ko siya sa mga klase niya para mag-sorry o mag-explain pero dire-diretso lang siyang naglalakad at dinadaanan lang ako na para bang hangin." Napu-frustrate na kuwento sa akin ni Noah. "Bro, dalawang subject ang hindi ko napasukan kakabuntot at kakaabang sa kaniya sa classroom. Major pa 'yong isa."

"Bakit niya raw 'yon ginawa? Hindi mo man lang naisipan itanong sa mga kaibigan niya?" tanong ko at uminom ng gatas.

"I did, I chatted her friends pero sineen lang ako. I mean, okay na... may pruweba na wala akong mali na ginawa noong gabing iyon pero bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako kinakausap? Pagod na ba siya? Ayaw niya na ba sa akin?" Sunod-sunod na tanong ni Noah. "The last time I check ay hindi pa kami break na dalawa."

Hindi ko alam kung bakit pati ako ay pinoproblema ang away nilang magsyota. Sa bagay, bobo mo Kelvin, ikaw ang nagsabi na handa kang makinig sa mga rants niya ngayong gabi.

"Maybe bigyan mo lang siya ng space para i-digest 'yong mga nangyayari? I mean, last week, nadawit siya sa gulo na nagawa mo dahil sa issue. And this week umingay na naman dahil naayos mo 'yong problema." Payo ko sa kaniya. "So baka napapagod din siya na lahat ng tao sa kaniya ay puro Noah-Noah ang sinasabi sa kaniya."

Napatingin sa akin si Noah. "Do you think that she's tired of being associated with me?"

Natahimik ako panandalian.

"Hindi natin masasabi. Pero bigyan mo lang ng space at kapag ready na 'yan ay baka siya pa ang mag-initiate ng conversation sa 'yo." Paliwanag ko sa kaniya, pinapagaan ko lang talaga ang loob ni Noah pero sa nakikita ko.... parang nasa verge na ng breakup ang relasyon nila ni Sarah, eh.

"Alam mo, huwag mo lang sukuan. Atleast kung mag-break man kayo..." Nanlaki ang mata niya. "Na huwag naman sana." kumatok pa ako sa lamesa. "Alam mo sa sarili mo na hindi ka nagkulang, you did your part."

Napatango-tango si Noah at bahagya na siyang napangiti. Kumuha na siya ng cupcake at kumain.

"Alam mo, maayos ka naman palang kakuwentuhan, Kelvin. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang tayo naging close." Sabi niya at mukhang nasarapan naman siya sa ginawa namin dahil sa isang iglap ay kinakain niya na 'yong pangalawa.

"After mo akong sungitan at sukahan. Sa tingin mo ay gugustuhin pa kitang maging kaibigan?" Balik kong tanong sa kaniya.

Bahagya siyang natawa. "Salamat na rin sa pagbisita ni Darius, kung hindi siya rito nakitulog ay baka hanggang ngayon ay hindi mo ako kinakausap."

"Eh, talaga."

Bumalik na 'yong mata ko sa pinanonood ko.

"What movie are you watching?" He asked.

"White Chicks." sagot ko.

"Oooh it's been a long time since I watched that movie. Ulitin mo."

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Gago ka ba? Kanina ko pa nasimulan, 'yan."

Napaangil si Noah. "Oh come on, Kelvs. Problemado ako today, oh. I badly need a feel good movie to make me feel better." Parang bata siyang ngumiti sa akin.

I sighed. "Ngayon lang 'to, ah." Inulit ko mula umpisa ang movie.

Me and my roommate spent our night today by watching movie together.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top