Chapter 1
Chapter 1: Allison
Allison POV
"Andito na ang reyna.." Rinig kong sabi sa likuran ko, Napairap nalang ako at mas lalo kong binilisan ang paglakad ko papuntang 2nd Floor.
Kaya pala ang sama nang gising ko kanina dahil dito, Makahusga wagas. Kinulang ata yung babaeng yun ng Ligo kanina kaya ibang tao ang Pinaliliguan nya nang mga pekeng balita. Bwisit.
Nang makapunta na ako sa 2nd floor ay sari-saring Masangsang na amoy nanaman ang nadatnan ko dito.
"Ang lakas naman nang loob nitong Pumasok dito.."
"Hindi ata nahiya e. Kapal ng Mukha.." Meron bang manipis ha?
"Diba Expelled na yan?"
At saring-saring kumento pa ang naririnig ko sa mga mababahong hininga nila. Ano na ba ang nangyayari sa earth, Lahat nalang nang mali napapansin nila. Tanggap ko pa na Close friend ko ang sabihan ako nyan kasi Kilala nila ako. Hindi yung mga taong walang ginawa kundi manira nang ibang tao na hindi naman nila kilala. Pangalan lang naman ang alam nila sakin.
Mga Sira-ulo talaga.
Napailing nalang ako sa mga naiisip ko, Dumagdag pa nang Problema ang mga taong yon. Swerte naman nila kung bibigyan ko sila nang oras dahil lang sa Balitang yon.
[Flashback]
"Akala ko panaman mabait sya, Hindi pala"
"Plastik! Muntik ko na sya maging kaibigan,buti nalang naikalat agad ang balitang yon"
"Ano bang balita yang pinagsasabi nyo?" Hindi ko na napigilang lumapit sa kanila, halata namang ako ang pinaguusapan nila dahil patingin-tingin sa akin ang dalawang babae.
Tumingin sa isa't-isa ang dalawa at tsaka tumawa.
"Oh no, wala syang kaalam-alam. Kawawa naman"
"Dapat lang sa kanya yan no"
Pagkatapos nilang sabihin yun sakin ay agad sila tumalikod at naglakad.
Ano ba ang nangyayari?
Tanong ko.
Hindi ko na napigilang Kuhanin ang Cellphone ko, agad akong pumunta sa Secret files nang School namin, muntik ko nangmabato ang Cellphone ko sa nabasa ko.
: UDM Secret Files
Haliparot
- Akala ko panaman napakabait nya Yun pala may tinataglay na Kapangitan Si Lison, Nalinlang tayo nang maganda nyang Mukha. Sige! Ibash nyo ko dahil sa iniidolo nyong Lison na yan. Pero may ikwekwento lang ako.
Kahapon, Pauwi na sana ako galing sa 711 nang makita ko si Lison kasama ng ibang lalaki. Akala ko nung una, Magkaibigan sila dahil nakaakbay yung lalaki kay lison. Pagkaalis nung lalaki, Ay umalis agad si Lison. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko syang Sundan. Sinundan ko sya sa likod nang Mall pero iba ang nandatnan ko.
Si Lison may kasamang ibang lalaki, hindi yung lalaking nakita ko kanina.
Kayo na ang Humusga Guys..
Stalker
Grade ##
[End Of Flashback]
At dahil dun, nagka letche- letche na ang lahat, dahil sa Code name na ngangalang 'Stalker'
At isa lang ang masasabi ko sa likod nang taong humsga agad sakin.
Siraulo
Whut? Dahil lang don? Grabe,
Ang baba ng kaligayahan nang nagpost nun.
Pagpasok ko sa classroom ay napansin ko ang mga kaklasmate ko nagkukumpulan sa gitna.
Napabuntong hininga nalang ako, Baka hanggang dito sasabihan ako ng mga masasama tulad na ng nangyari kanina.
Hindi nila ako napansin dahil kanina pa silang lahat nakapalibot sa gitna. Oo, Lahat sila.
Pinili Kong Umupo sa gilid at binigyan ulit sila ng tingin kung Nakaalis naba sila dun. Hindi pa pala.
Kinuha ko nalang ang libro ko sa bag ko at nagbasa.
Okay nasana pero hindiko mapigilang mag kinig sa kanila. Umusog ako ng unti.
"Talaga? Bakit mo naisipang sabihin yon?"
"Ikaw si Stalker?"
Hindi ko napigilang umepal kung ano man ang pinaguusapan nayan. Basta talaga kapag naririnig ko ang salitang stalker, Umiinit ang ulo ko.
"Kayo!" Sigaw ko habang nakaturo sa kanila. Napalingon naman sila sakin, may narinig pa akong may nagsabi ng 'Lagot' pero hindi ko na lang iyon napansin yun.
"Sino ang tinutukoy nyong stalker?" Mahinahon Kong sabi sa kanila. Pero wala man lang sumagot sa tanong ko.
"Ano. Sagot?" Aba inaasar ba ako nang mga ito?
"Ako Bakit? May Angal ka."
O_________O
-
Cut! Lutang ang nagsulat at nag edit sarreh.
Unedited.
- May mga typo. Mali spelling. Basta sa tingin nyo at mali. Haha.
Kung wala naman, Kulang pa to he he.
- Kal
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top