OSS16: 21:13 [One-Shot for Nobelista]
Kasalukuyang nasa National Bookstore sa Mall of Asia si Lowella para bumili ng mga bagong labas na pocketbooks ng paborito niyang mga manunulat. Napatili siya at gumapang ang kilabot sa katauhan niya nang biglang may isang lalaking nagtakip ng kanyang mga mata. Pamilyar ang magaspang nitong palad sa kanyang balat, pati ang cologne na gamit nito.
Tinanggal niya ang pakakatakip ng kamay nito at sisinghalan niya sana, ngunit may ilang mga customer ang nakatingin sa kanila na tila mga bulateng kinikilig na agad sa magaganap na eksena.
"Flower for the most beautiful woman." Agad iniabot nito sa kanya ang pumpon ng mga puting rosas, na may kasama pang matamis na ngiti.
Kinilig na ngang tuluyang ang mga mamimili lalo na mga kabataang dalagita.
"Ayyiieee, Ate! Ang suwerte mo naman! May nakababata bang kapatid si Kuya?" tanong ng isang dalagita.
Tinanggap niya ang bulaklak, gumanti ng isang pekeng ngiti sa binata at hinila itong palabas sa mall. Nagtungo sila sa parking area na 'di ganoong matao dahil sa maalinsangang panahon.
"Ignacio naman! Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?" tanong ng dalaga na ngayon ay nakabusangot na ang maganda nitong mukha.
"I forgave you. Come back to me. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. I love you so much, babe, please," pagmamakaawa ng binata na namamasa na ang mga mata.
Ihinagis ng dalaga ang bigay nitong bulaklak pabalik dito. "Are you really stupid? Nakita mo na akong nasa kandungan ng ibang lalaki. He's the one I love and not you!" sigaw ng dalaga.
Pinindot niya ang car remote key at akmang sasakay na sa kanyang kotse, pero lumuhod ang lalaki at niyakap siya sa kanyang baywang habang patuloy na nagmamakaawa. Nabasa na ang suot na blusa ng dalaga sa bandang tiyan. Umikot naman ang mga mata ng dalaga sa inis at kanda haba ang nguso. Tila nakipagpighati ang kalangitan sa pagtangis ni Ignacio, unti-unting pumatak ang luha ng mga ulap. Pinalis nang dalaga ang pagkakayakap ng lalaki at tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan.
"Babe, if you're not gonna be mine, then, no one will ever have you. You're mine alone!" sigaw ni Ignacio sa papalayong kotse.
"Tss. Possessive crazy dickhead!" galit na sabi ng dalaga habang pinatakbo nang matulin ang sasakyan.
Dalawang taon silang naging magnobyo ni Ignacio mula pa noong nasa kolehiyo sila. Ngayon ay nagtitrabaho na siya bilang isang Customer Associate Clerk sa isang bangko na nasa Mall of Asia. Isang kawani naman ng gobyerno si Ignacio. Natural lang naman na nagkakatampuhan ang magnobyo pero napag-uusapan naman nila at nagkakasundo ulit sila.
Pero mula noong napasok siya sa bangko may isang taon na ang nararaan ay naging masyado seloso at posesibo si Ignacio. May makita lang itong lalaking kausap niya habang nakangiti siya ay iniisip na agad nito na nakikipaglandian siya, gayon kliyente lamang iyon sa bangko. Natural na gawaran niya ng matamis na ngiti, parte lamang iyon ng kanyang trabaho. Pero hindi iyon nauunawaan ng lalaki kaya't naging madalas ang kanilang pagtatalo. Naalala niya ang pinakamatinding pagseselos nito tatlong buwan na ang nakararaan.
"The way you were staring to each other of that asshole, seems that you're fvcking each other!" sigaw ng nobyo sa kanya pagkapasok pa lang nila ng sasakyan nito.
Ang tinutukoy ni Ignacio ay ang huling kliyente niya na si Dale. Isang Filipino-Italian na nagbukas ng personal chequing and saving account nito. Kababalik lang nito sa Manila at plano na mamalagi muna sa bansa. Isang Management Trainee sa isang opisina ng mga selpon.
"What? I can't believe you! He's just a client and he's just being friendly and nice," sagot niya sa nobyo.
"No. Iba ang tingin mo kanya. Halatang kinikilig ka lalo na nang pisilin niya 'yang kamay mo," saglit siya nitong pinukol ng matalim na tingin at muling itinutok ang mga mata sa daan.
"Iniaabot lang niya ang pera," sagot niya sa katipan.
Hindi niya akalain na nakita pala nito ang pagpisil ng lalaki sa kamay niya nang iaabot ang inisyal na deposito. Medyo may katotohanan ang bintang ng katipan. Kinilig nga siya sa binatang kliyente. Sino ba naman ang hindi kikiligin? Bukod sa guwapo't matangkad, palabiro pa ito at hiningi pa nga ang numero ng kanyang selpon. Hindi nga lang niya ibinigay. Alam niya na malandi lang ang lalaki dahil may pagka-liberated ito. Mataas ang kanyang moral kaya hindi niya papatulan ang mga ganoong lalaki.
"Hindi iyon ang nakita ko. Halatang gusto mo rin 'yon kumag na iyon!" sigaw na naman nito.
"Kung pagtatalunan lang natin ang mga kliyente ko. Mas mabuti pang huwag mo na akong ihatid." Napabuntonghininga na lang ang dalaga para hindi salubungin ang galit ng katipan.
Hindi siya pinansin ng binata, sa halip ay nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho. Hindi na sila nagkibuan pagkarating nila sa ika-sampung palapag ng kanyang condo unit sa Buendia. Madalas ay nagluluto sila o nag-oorder ng pagkain para sabay maghapunan bago umuwi ang lalaki sa Laguna.
Pumasok siya sa kanyang silid para magpalit muna ng damit. Nagulat siya nang sumunod sa kanya ang katipan. Agad siyang siniil nito ng mapusok na halik, halatang galit. Hinayaan lang niya ito at hindi siya gumanti. Kinagat nito ang kanyang labi para makapasok ang dila nito sa kanyang bibig. Hinayaan lang din niya ito.
"Kiss me back," usal nito nang saglit na nilubayan ang kanyang mga labi.
"Magpapalit lang ako ng damit at magluluto pa tayo," matabang na sagot niya sa lalaki.
"Tss. Mukhang ayaw mo na sa halik ko. Bakit? May ipinagmamalaki ka na ba?" pabulyaw nitong tanong sa kanya.
Napatili siya nang itulak siya nito sa kama at agad itong pumaibabaw sa kanya. Muli siyang siniil ng mapusok na halik at hinatak ang kanyang blusa kaya nagliparan ang mga butones nito. Pilit niyang itinutulak ang lalaki, ngunit mas malakas ito sa kanya. Hawak ng isang kamay nito ang kanyang dalawang palapulsuhan sa taas ng kanyang ulo, habang ang isa ay humihimas na sa kaumbukan ng kanyang dibdib. Sa dalawang taon nilang mag-nobyo ay hindi pa niya ipinagkakaloob ang pagkabirhen niya sa katipan. Oo, nagme-make out sila pero hanggang halikan at paggapang lang ng kamay nito sa kanyang dibdib ang kaya niyang ipagkaloob dito.
Nasaksihan niya ang pighati ng kanyang magulang nang mabuntis ang nakatatandang kapatid. Kaya naipangako niya sa sarili't mga magulang na ipagkakaloob lang niya ang pagkabirhen pagkatapos ng kanyang kasal sa lalaking kanyang mamahalin. Kaya't pinayagan rin siya ng kanyang magulang na tumirang mag-isa sa condo ay dahil sa tiwala't respeto nila sa kanya. At ayaw niya iyon sirain. Naniniwala siya na kung talagang mahal siya ng nobyo ay kaya nitong mag-intay.
Madalas hilingin ni Ignacio ang kanyang katawan. Nabibitin daw ito sa ginagawa nila. Pananagutan naman daw siya nito. Pero ni hindi pa nga ito nagpo-propose ng kasal sa kanya. Aaminin niya na natatangay din siya ng libog pero malakas ang kanyang kontrol sa sarili.
Hinayaan niya saglit ang katipan nang makabuwelo ay sinipa niya ito sa sikmura, nahulog ito sa kama. "Get out!" sigaw niya.
Tumayo ang lalaki, bakas sa mukha nito ang mas matinding galit na nagpatayo sa kanyang balahibo, akmang lalapit naman ito sa kanya. Kinawakan niya ang lamp shade na sa gilid ng kama. "Get out now! If you can not respect me, then we're done. Get out of my life!" singhal niya rito.
"Fine. Napakaarte mo! There's a lot of woman offering themselves to be fvcked by me!"
"Then, go! Fvck them off. We're done."
Tumulo ang mga luha niya dahil sa inis sa alaala. Dalawang buwan itong hindi nagparamdam sa kanya. Sinayang niya ang dalawang taong pagsasama nila. Ang buong akala niya ay talagang mahal siya ng lalaki pero tulad lang pala ito ng iba na hindi makapag-intay na maikama ang kanilang babae.
Si Dale kahit laki sa ibang bansa ay nanligaw sa kanya. Inaraw-araw nito ang pagsundo sa kanya, pagbibigay ng bulaklak, pagtawag, pagte-text at pagcha-chat. Hindi niya napigilang mahulog ang loob sa binata hanggang maging nobyo na niya kamakailan lamang. Noong, nakaraang linggo ay ihinatid siya nito sa kanyang condo at hindi nila maiwasan ang mag-make out. Nakakandong siya sa nobyo at mapusok silang naghahalikan sa may salas nang biglang pumasok si Ignacio. Hindi niya pa napalitan ang seradura ng pinto at may sarili pa itong susi. Nagkasuntukan pa ang dalawang lalaki. Sinabi na niya rito na hindi na ito ang kanyang mahal. Pinalitan naman agad ni Dale ang kandado ng kanyang condo at pinagbilinan pa ang mga guwardiya na huwag nang papasukin ang lalaki.
👿🗡👿🗡👿
Naalimpungatan si Lowella nang maramdaman ang mainit na labi sa kanyang mga labi. "Hey, Sleeping Beauty, seems that you didn't eat your dinner yet. It's 21:13." Nakatulog pala siya sa may sofa habang nanonood.
Napangiti siya nang magpagsino ang lalaki. "I thought that conference will be until tomorrow?" tanong niya kay Dale. Nasa Singapore kasi ito para sa isang business conference.
"I missed you so much. So, I flew back," sagot nito. May nakapintang matamis na ngiti sa mga labi nito, ngunit may nabasa siyang kalungkutan sa mga mata nito. Subalit, hindi na niya inalintana.
"You must be hungry. Wait here. I going to heat up the food." Pumunta siya sa maliit na kusina para painitin sa microwave oven ang niluto niyang lasagna.
Napatalon siya sa gulat nang marinig niya na tila may nabasag na salamin sa may salas. Napatili pa siya nang makitang nagsusuntukan sina Dale at Ignacio. Baka bumalik ito para kulitin na naman siya at hindi naikandado ni Dale ang pintuan.
Basag ang pintuan ng balkonahe na yari sa salamin. Nagkalat ang mga bubog nito sa sahig. Gigil na gigil naman sa pagsuntok si Ignacio kay Dale na nakahandusay sa mga bubog. Tumulo na ang dugo nito sa ilong at putok na rin ang nguso't kilay nito.
"Stop it, Ignacio! Parang awa mo na!" sigaw niya pero tila dumaan lang sa hangin ang kanyang pagmamakaawa rito.
Tumakbo siya para saklolohan si Dale. Agad siyang hinarap ni Ignacio. Nagtayuan ang lahat nang balahibo niya sa buong katawan at umalingawngaw ang nabibinging tili sa bawat sulok ng kanyang condo nang makita niya ang mukha ng lalaki. Punong-puno ito ng mga bubog ng salamin at masaganang dumadaloy ang dugo nito. Pisak pa ang isang mata nito.
Napaatras siya pero agad itong nakalapit sa kanya. "I told you, babe, you're just mine! Hindi ka maaagaw ng kahit sino! Dahil kung hindi ka magiging akin, walang makikinabang sa iyo! Isasama kita sa impiyerno!" Tila hinuhugot sa ilalim ng lupa ang tono nang pananalita nito gayun may diin ang bawat kataga.
Bago pa siya makasagot ay naramdaman na niya ang malaki nitong mga kamay sa kanyang lalamunan. Tila isa siyang basahan na kaya nitong iangat mula sa pagkakatapak sa sahig. Pilit niyang hinawakan ang mga kamay nitong pumipigil sa paglanghap niya ng hangin. Nauubusan na siya ng hininga. Nanlalabo na ang kanyang mga mata. Nawalan nang lakas ang kanyang mga bisig para pigilan pa ito.
Naramdaman niya ang paglagapak niya sa sahig. Naaninag niya sa nanlalabong paningin ang paghatak ni Dale kay Ignacio kaya siya nabitiwan nito. Nagsukatan na naman ng lakas ang dalawang lalaki. Gusto niyang tumili pero walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Basag-basag na ang mga kagamitan niya sa loob ng silid. Nagpapalitan ng suntok ang dalawang lalaki. Minsan ay nakatatama si Dale at pagkatapos magagantihan ulit ni Ignacio. Nagkarating na sa balcony ang dalawang lalaki. Nakatanaw lamang siya at nagsusumigaw ang kanyang isipan sa paghingi ng tulong. Tila isang malayang batis ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata.
Isang makabasag taingang tili ang muling lumabas sa bibig ng dalaga nang makita niyang nahulog sa balkonahe ang nobyong si Dale. Isang matagumpay at mala-demonyong ngisi ang namutawi sa duguan't basag na mukha ni Ignacio. Unti-unti na naman itong lumapit sa kanya. Nang-uuyam ang bawat titig at ngisi nito. Dumadadungdong sa kanyang dibdib ang puso niyang puno ng sindak at pangamba.
"Miss Lowella. Miss Lowella. Buksan n'yo ang pinto. Pagbilang naming ng tatlo at walang nagbubukas ay sisirain naming ito!"
Napatingin niya sa may pintuan. "Tulong," paos niyang sambit, "tulungan n'yo ko." Gumapang siya palapit sa pintuan, nawalan ng lakas ang kanyang mga biyas.
"Isa!" Unti-unti pa rin lumalapit si Ignacio sa kanya na tila nasisiyahang makita ang paggapang at panginginig niya sa takot.
"Dalawa!" Ilang metro na lang ang layo ni Ignacio sa kanya. Dinalaan pa nito ang tumulong dugo sa kanyang mga labi na tila isang baliw. Paatras siya nang paatras patungo sa may pintuan.
"Tatlo!" Nasa harapan na niyang muli si Ignacio at hinila siya sa kuwelyo ng kanyang blusa kaya siya napatayo. Titig na titig ito sa kanya habang nakapinta ang ngising demonyo nito. "You're mine!"
Lumagabag ang pintuan kasabay ng paglagapak niyang muli sa sahig at tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman.
👿🗡👿🗡👿
"I love to dance with you, Dale, my love," ani Lowella habang umiindak sa saliw ng musikang siya lamang ang nakaririnig.
"Nabalitaan mo ba ang kuwento ng babaeng iyan?" Kasalukuyang naglilibot ang dalawang nars sa Psychiatric ward bandang alas-nuwebe ng gabi.
"Oo. Sayang! Ang ganda't bata pa niya," sagot ng isa.
Hinimatay si Lowella nang dumating ang guwardiya ng condo na tinawagan ng kanyang mga kapitbahay. Namangha sila sa sobrang gulo ng unit nito. Wasak ang mga kagamitan na tila dinaanan ng ipo-ipo. Dinala siya sa ospital gawa ng mga sugat na natamo sa mga bubog ng salamin.
Nang magising ay nagwawala't hinahanap ang kasintahang si Dale na nahulog raw sa balcony. Nang kumalma ito'y inilahad sa pamilya ang pangyayari. Hindi makapaniwala ang mga magulang at kapatid nito.
Ibinalita nila sa kanya na kapwa naaksidente sina Dale at Ignacio. Nagkabanggaang ang sasakyan nito at kapwa hindi na umabot ng buhay sa ospital, dalawang oras bago ang pangyayari sa kanyang condo. Kaya walang makapaniwala sa kanyang kuwento. Mula noon ay hindi na nakipag-usap ang dalaga. Lagi lamang itong nakatulala kahit umuwi na ito sa piling ng pamilya.
Tuwing sasapit ang 21:13 ng gabi ay naririnig itong tumatawa't tila kinikilig sa pakikipag-usap at mamayamaya't nagsisigaw naman ito. Pagsumaklolo ang magulang nito'y makikitang nagkalat ang mga gamit nito sa silid. Kaya napilitan ang pamilya nitong ipasok na sa Mental Institution.
"Ignacio, no. Parang awa mo na, leave us alone! Let us be happy!" Napalingon ang dalawang nars nang sumigaw ang dalagang pasyente. Bakas sa mukha nito ang matinding takot.
Binalot din ng kakaibang kilabot ang dalawang nars nang makitang biglang nawarak ang silyang nasa gilid ng kama ng dalaga na tila may bumagsak na mabigat na bagay.
Tumakbo si Lowella doon na tila may ipinatong sa kanyang kandungan at nagmaka-awa ulit. "Please, Ignacio. Leave us alone!"
Lalong nasindak ang dalawang nars nang tumama ang paningin ni Lowella sa kanila habang tila ulang bumubuhos ang mga luha nito. "No! Don't touch them! Ignacio! No!"
Date written: 22-24 Oct 2019
2500 words
21:13
Eiramana325
Copyrighted 2019
All Rights Reserved.
A/N: Moral of the story, kids. Mind your own life. No gossiping. Or Ignacio will come after you. Nah, I'm just kidding, or am I? 👿 Happy Halloween.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top