OSS 9: Unworthy

"You can only say that your love is true if you can accept someone who is unwanted to the eyes of others. Is thy love worthy to fight for?" - Eiramana325

~♡~♡~♡~

Palabas na si Schan ng kanilang subdivision at ita-tap na niya ang key card para tumaas ang boom barrier - nang mapatulala siya sa babaeng drayber nang papasok na kulay puting Honda sa kaliwang linya. Hindi niya mawari kung namamalik-mata lamang siya o totoo ang nasilayan ng kanyang paningin.

Kung hindi pa bumusina ang naiinip na drayber sa likod niya ay hindi pa siya matatauhan.

Ipinihit niyang pabalik ang kanyang sasakyan para sundan ang 'di pa nakakalayong sasakyan ng babae. Kailangan niyang makasigurado--- makakapag-intay ang dadaluhan niya birthday celebration ng isang kaibigan---mas mahalaga ang babaeng ito.

Pumasok ang kotse sa isang kulay berdeng tarangkahan. Hindi na siya nagdalawang-isip, agad siyang bumaba ng kanyang pick-up truck at nag-buzzer sa pinasukan ng babae.

Saka lamang niya naisip kung ano ang gagawin niya sakaling hindi siya nagkakamali. Yayakapin ba niya o magagalit siya at susumbatan ito? Dinig niya ang malakas na tibok ng kanyang puso.

"Ano po ang kailangan nila?" magalang na tanong ng babaeng sumilip sa parihabang butas ng tarangkahan. Sapat lamang para makita ang nasa kabilang panig.

"Ah..." Nasuklay niya ng kanyang daliri ang sariling buhok para maghagilap ng tamang salita.

Ibang babae ang kaharap niya ngayon. Sa tantsa niya ay nasa late fifties ang edad nito. "Puwede ko po bang makausap si... si R-Rachel?" Gusto nitong tuktukan ang sarili dahil sa pagka-utal. Paano na kung ito na mismo ang kaharap niya?

"Rachel? Wala pong Rachel na nakatira dito," magalang na sagot ng babae.

"Iyon pong drayber nang kapapasok pa lang na kotse," pagpipilit niya.

"Ah, nagkakamali po kayo. Hindi po Rachel ang pangalan ng amo ko. Pasensiya na po." Isinara na nito ang maliit na butas ng tarangkahan. Marahil nga ay namamalik-mata lang siya. Humugot siya ng malalim na hininga sa panghihinayang.

Bagsak ang balikat na nilisan niya ang lugar at tumuloy na lamang sa pupuntahan.

Ilang araw na siyang pabalik-balik sa lugar ng babae - nagbabakasaling makita itong muli. Hindi pa rin niya matanggap na hindi ito ang kanyang nasilayan n'ong isang araw.

Habang nakatingin siya sa dalawang palapag na bahay ng babae, hindi niya maiwasang magbalik-tanaw sa nakaraan.

"It's your turn to court her, Bro!" Tinapik-tapik pa siya sa balikat nang nanlulumong kaibigan na si Marlou. Nabasted kasi ito ni Rachel kanina lang.

"I will not." Nilagok niya ang tagay para sa kanya. Nag-iinuman silang apat na magkakaibigan para damayan si Marlou.

"Takot ka lang na mabasted din ng amazonang maganda," pangbubuska ni William. Ito ang unang sumubok manligaw sa pinakasupladang babae sa kanilang eskuwelahan.

"We dare you, Bro! Nakahanda na ang limang daang piso ko o." Inilabas pa ni Zedric mula sa pitaka ang 500 peso bill. Ito ang pangalawang nabasted ng babae. Pinagpustahan nga nilang apat na magkakaibigan si Rachel.

Kung sino ang nakapagpapasagot sa dalaga ay may tig-500 piso mula sa tatlong matatalo. Totoo naman, lahat silang apat ay hanga sa maganda at matalinong kaklase. Ubod nga lang ito ng suplada at lahat ng nanliligaw ay binabasted.

Ang 1,500 pesos ay malaking halaga na para sa tulad nilang mga pangkaraniwang anak ng mga magsasaka sa kanilang baryo. Ilan buwan nga nilang pinag-ipunan ang halagang iyon.

Sinubukan nga niyang ligawan ang dalaga. Hindi dahil sa pustahan nila kundi dahil talagang gusto niya ito mula pa noong mga bata sila. Nahihiya nga lamang siya o natatakot din na mabasted din.

Tumagal ang panliligaw niya nang mahigit isang taon dahil kahit ilang ulit na siyang binasted nito ay nagpatuloy lang siya.

Nakamtan din niya ang matamis nitong 'Oo' nang makatapos sila ng high school. Hindi niya tinanggap ang tig-500 ng mga kaibigan. Inamin niya sa mga ito na talagang mahal niya ang kasintahan.

Magdadalawang taon na silang mag-nobyo pero hanggang halik sa labi lang sila ng nobya.

Pinagtatawanan siya ng mga kaibigan na mahina raw siya. Natural na raw sa panahon ngayon na magtalik ang magkasintahan para mapatunay ang pagmamahal sa isa't isa. Tutal, pananagutan naman niya kung sakaling mabuntis niya ang nobya. Labing-walong taon na rin naman sila parehas.

Sa isang kubo sa gitna ng kabukiran niya niyaya ang nobya para sa simpleng selebrasyon ng kanilang pangalawang taon magkasintahan. Tumakas lang ang nobya sa kanilang tahanan dahil tutol sa kanya ang mga magulang nito.

Pangarap ng mga magulang ni Rachel na makapag-asawa ng mayaman ang magandang anak na dalaga para mahango sila sa kahirapan. At hindi isa rin dukhang tulad niya ang mapapangasawa nito.

Nagsalo sila sa ihinanda niyang hapunan. Matapos makapagligpit ay nagpaalam na ang nobyang uuwi na bago siya hanapin ng mga magulang.

Sa halip na payagan ay hinapit niya ang baiwang ng nobya at ginawaran nang mapusok at nag-aalab na halik sa labi. Gumanti naman ito ng halik. At naging pangahas nga kamay niya na maglakbay sa katawan ng nobya. Ramdam niya na nadarang na rin ito sa nag-aapoy nilang damdamin.

Ngunit bago pa niya makamit ang pagka-birhen nito at natigilan siya dahil sa walang humpay nitong pagtangis.

"I love you so much, babe. Pananagutan ko kung anuman ang mangyayari sa atin..." pangungumbinsi niya sa nobya. Pinunasan pa niya ang mga luha nito.

"Alam mong mahal din kita, Schan. At alam mo rin na gusto ko munang makatapos tayo parehas ng pag-aaral at magpakasal bago natin gawin ang mga bagay na ito. Gusto kong patunayan sa mga magulang ko na karapat-dapat ka sa akin dahil sa respeto't pagmamahal mo." Napapahiya siyang umalis sa ibabaw ng nobya. Walang imikan silang nagbihis.

Mataas talaga ang moral ng nobya dahil aktibo rin ito sa kanilang simbahan. Isa iyon sa nagustuhan niya dito.

Nagpaalam ang nobya ngunit hindi niya ito pinansin. Hindi dahil sa galit siya kundi dahil sa pagkapahiya siya sa kanyang sarili.

Nagimbal siya sa balita kinabukasan. Natagpuang walang buhay ang mga magulang ng nobya sa sarili nitong pamamahay. Nawawala naman ang kanyang nobya. Ayon sa mga haka-haka na ang kalaban sa sugalan ng mga ito ang pumatay sa mag-asawa at baka nakatakas lamang si Rachel.

Ngunit kahit saan nila hanapin ay 'di nila nagtapuan ang nobya. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil hindi man lamang niya ihinatid ang nobya ng gabing iyon.

Napabalik siya sa kasalukuyan nang makita ang paalis na sasakyan ng minamatyagan babae. Sinundan niya ito.

Sa isang Japanese Restaurant ito pumasok. Susundan niya sana ito sa loob ngunit sarado pa pala ang kainan. Marahil ay doon nagti-trabaho ang babae.

May nakita siyang papasok ulit sa restorante kaya hindi na siya nahiyang magtanong. Isinalarawan niya ang itsura ng babae.

"Ah, baka po iyong head chef namin ang tinutukoy ninyo. Intayin n'yo na lang pong magbukas ang resto in 30 minutes," magalang sagot ng napagtanungan at agad din itong nagpaaalam sa kanya.

Umorder siya ang Beef Teriyaki at Lobster Roll nang magbukas ang kainan. Hiniling niya na naka-usap ang head chef nang matapos siyang kumain para personal niya itong purihin sa masarap na pagkain.

Sumilip muna ang Head Chef mula sa kusina para makita ang nagpapatawag daw sa kanya. Sanay na siya na kinakausap ng kanilang mga kostumer para purihin ang kanilang mga menu.

Namutla siya nang mapagsino ang lalaki. Hindi niya inaasahan na magkikita sila ulit matapos ang sampung taon. Kinalma niya ang sarili bago lumapit sa dito nang may matamis na ngiti.

"Good morning, Sir. How do you like the food?" magiliw niyang pagbati sa dating kasintahan kahit na kumakabog ang kanyang dibdib.

Tumayo si Schan at pinagmasdan siya. Sinalubong niya ang titig nito na hindi pa rin nawawala ang ngiti. Sa dami ng pinagdaanan niya, na-master na niyang itago ang tunay na nararamdaman.

"Rachel..." sambit nito na tila siguradong-sigurado sa pagbanggit ng kanyang dating pangalan. Nagbigay ito ang kakaibang kilabot sa kanyang katauhan. Matagal na panahon na niyang hindi naririnig ang dating pangalan.

Nakailang palit na nga ba siya ng pangalan? Tatlo... Lima... Hindi na niya matandaan?

Mas lalo siyang nagulat nang kabigin siya at ikulong sa matipunong nitong mga bisig. "Buhay ka... I didn't lose hope that we will see each other again." Ang higpit ng yakap nito ay nakakatunaw sa bakal na kalasag ng kanyang puso.

"Mrs. Akiko Hiroshima, Sir..." bulong niya sa mahinahon tinig ngunit may diin sa katagang Misis.

Lumuwag ang pagkayakap nito sa kaya nakakalas siya. Napuno nang agam-agam ang mga mata ng lalaki. At pinanindigan niya na tila hindi niya ito kilala. "Please excuse me, Sir, I need to go back to the kitchen." Bago makasagot ang lalaki ay tumalikod na siya at mabilis na lumakad palayo rito.

Sa halip na sa kitchen ay sa opisina niya siya nagtungo at doon pinakawalan ang mga luhang hindi na n'ya kayang pigilan. Bakit kailangang magkaharap sila ulit? Napakalayo na ng Maynila sa dating probinsiya nila sa Timog na hindi na niya sinilip ulit mula ng gabing iyon.

Halos ilang linggo silang nagtataguan ni Schan. Ilang beses siya nitong hinanap sa resto at kahit sa kanyang bahay para makipag-usap ngunit hindi niya ito hinaharap.

Pinaimbistigahan niya si Schan kaya mas lalong ayaw na niyang magkausap pa silang muli. Napagtanto niyang binata pa rin ito hanggang ngayon. Ang masaklap at 'di niya maamin sa sarili na mahal pa rin niya ang dating kasintahan nang yakapin siya nito. Ngunit wala na silang dapat balikan pa... Wala na!

"Huwag po... parang awa n'yo na... huwag po!"

Napabaligwas siya ng bangon. Butil-butil ang pawis sa kanyang noo at hindi niya maiwasang mapahagulgol sa masamang panaginip.

Dumiretso siya sa shower room at pumailalim na medyo malamig pang tubig ng dutsa. Nilagyan niya ng shower gel ang pouf at paulit-ulit niyang kinuskos ang buong katawan habang patuloy pa rin sa pagdaloy ang kanyang mga luha.

"I am unworthy of your love... Schan... I am unworthy!" paulit-ulit niyang sambit.

Namula na ang buong niyang katawan dahil sa ginawa hanggang napahagulgol na lang siya, ibinato ang anumang mahawakan at malakas na humiyaw.

Sampung taon na ang nakalipas, Rachel. Bakit hindi pa rin kita mapalitan dito sa puso ko? Aniya ni Schan sa sarili habang nakabantay na naman siya sa bahay ni Akiko. Inagahan niya ang pagpunta ngayon dito dahil madalas na sabihin ng kasambahay nito na nakaalis na ang amo.

Kanina ay nakita niya na umalis ang kasambahay nito na may dalang bayong. Sinubukan niyang magkumatok at mag-buzzer pero walang nagbukas sa kanya.

Inakyat niya ang bakod at bahala na kung mai-report siya na akyat-bahay, baka sakaling kausapin na siya ni Akiko.

Hindi nakakandado ang pinto sa likod-bahay. May pagkapabaya ang kasambahay ni Akiko, naisip niya. Kung siya ang amo nito ay agad niyang itong sisesantehin... Ngunit sa isang banda---hindi siya makakapasok nang walang kahirap-hirap kung hindi ito naging pabaya.

Kung alam lang sana ni Schan na sinadya iyon ng kasambahay dahil natanawan na nito na nakabantay na naman siya. Naikuwento sa kanya ni Akiko kung sino ang lalaki sa buhay nito noon at ilang beses na rin niyang pinayuhan ang asawa ng dating amo, na naging parang anak-anakan na rin niya na bigyang pagkakataon ang binata.

Maingat pinagmasdan ni Schan ang mga picture frames sa living room. Mga litrato ni Akiko at isang matandang lalaki na halatang Hapones, ang namayapa nitong asawa.

Pinaimbistigahan niya ang babae. Anim na buwan pa lang itong nakakabalik ng Pilipinas mula nang mamatay ang asawa. Dalawang taon pa lang kasal ang dalawa nang mabiyuda ito at walang anak. Wala rin anak ang matanda sa dating nitong asawa. Kay Akiko ipinamana ang mga ari-arian at negosyo nito sa Japan at sa Pilipinas.

Ang nakakapagtaka ay walang mahanap na record na pinagmulan ni Akiko bago ito naging asawa ng mayamang negosyante. Ang matanda ay madalas magpabalik-balik ng Pilipinas.

Kaya malakas pa rin ang kutob niya na si Akiko talaga ang dating kasintahan.

Nagulat siya at muntikang mabitiwan ang hawak na picture frame nang may marinig siyang mga kalabog sa taas at malakas na paghiyaw. Agad siyang umakyat at tinungo ang pinanggalingang ng ingay at hagulgol.

Nagkalat sa loob ng malawak na kubeta ang mga toiletries. Nakita niya ang nakayukong babae sa loob ng bath tub nang hawiin niya ang shower curtain, nakayakap sa sariling tuhod at humahagulgol.

"Rachel..." Tumingala ang gulat at luhaang babae sa kanya. Isinara niya ang shower taps at inabutan ito ng tuwalya na agad nitong hinablot sa kanyang kamay.

"Paano ka nakapasok dito? Ano ang kailangan mo?" maangas nitong tanong habang tinatakpan ng tuwalya ang hubad na katawan bago tuluyang tumayo.

"Rachel..." Ngayong wala man lang make-up ang babae ay mas lalo niyang napagtantong ito ang dating kasintahan. Napaka-amo at maganda pa rin ng mukha nito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong hindi ako si Ra--" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito at agad na niyang kinulong sa magkabilang palad ang mukha ng babae at siniil ng halik ang mapula nitong mga labi. Sa una ay nagpupumiglas pa ito kaya lalo niyang nilaliman ang halik.

Kusa siyang bumitiw nang hindi man lang ito tumugon at naramdaman niya ang pamamasa ng kanyang pisngi dahil sa mga luha nito. "I'm sorry, Rachel... I didn't mean to force you. Mahal na mahal pa rin kita. Kung saan-saang kita hinanap at hindi ako nawalan ng pag-asang makikita kitang muli..." Niyakap niya ng mahigpit ang dating kasintahan. Hinayaan niya itong umiyak sa kanyang dibdib.

Nang mahimasmasan ay kumalas ito sa yakap niya. Punong-puno ng kalungkutan ang namamaga nitong mga mata. Bumuntonghininga ito bago nagsalita, "Matagal nang patay ang Rachel na tinatawag mo. Ako na si Akiko at may asawa na ko."

"No... Ikaw pa rin ang Rachel na minahal ko. Alam ko rin na wala na ang asawa mo. Please Rachel, hayaan mong patunayan ko sa iyong mahal pa rin kita," pagsusumamo niya sa dating kasintahan.

Itinulak siya nito palabas ng silid. "Umalis ka na Schan. Ibaling mo na lang sa iba ang pagmamahal na sinasabi mo."

Walang nagawa ang binata kundi umalis. Namutawi ang ngiti sa kanyang labi. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.

Tulad lang noon, magtitiyaga siyang manligaw ulit dito at sisiguraduhing niyang mapapaamo niya ulit ang minamahal.

Inaraw-araw nga ni Schan ang panliligaw ulit kay Rachel. Lagi siyang may dalang bulaklak pero tulad pa rin ng dati na hindi man lang siya hinahanap nito.

Desidido si Schan sa panliligaw ulit kaya gagawin niya muli ang ginawa niya noon para mapasagot ulit ito. Kahit pa makabulabog siya ng mga kapitbahay at masabihang napakakorni niya. Ang mahalaga ay maipadama ang tunay niyang pagmamahal.

Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa 'ting daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay
Kita'y iniibig

Kanina pa nakasilip sa bintana ng kanyang silid si Akiko. Gustong niyang dungawin si Schan at ngitian nang ubod tamis tulad noong una itong mangharana sa kanya. Hindi niya akalain na gagawin ulit ito ng lalaki dito sa Maynila... Sa isang sikat na subdivision at isa na rin itong kinikilalang arkitekto. Hindi na bagay dito ang magpakakorni ng ganito.

Ngunit sa halip na matuwa siya na muling marinig ang malamig nitong tinig habang inaawit ang kanilang kanta ay lalo siyang nalulungkot. Siya mismo ang pumili ng awit na Hanggang para maging kanilang theme song.

"Bakit hindi mo siya kausapin at ipagtapat mo ang lahat? Kung talagang mahal ka niya, kaya ka niyang tanggapin sa kabila ng mga nangyari sa 'yo," payo ni Nanay Maria, ang kasambahay na itinuring na niyang ina-inahan.

Lalong ginanahan sa pagkanta ang binata nang sa wakas ay sinilip na rin siya ng minamahal mula sa balkonahe ng silid nito. Pinatuloy pa siya para kausapin. Hindi niya akalaing ipanglulumo niya ang natuklasan.

Dalawang buwan na mula nang ipagtapat niya kay Schan ang nangyari sa kanya noong gabing nawala siya at ang kinahinatnan ng buhay niya sa loob ng sampung taon.

Dalawang buwan na rin na ni anino ng dating kasintahan ay hindi na niya makita sa resto o kahit sa kanyang bahay.

Napaluha na naman siya nang maalala ang malungkot at naguguluhang mga mata ng binata matapos niyang ilahad dito ang sinapit. Nanlulumo itong lumabas na tila wala sa sarili. Inaasahan na niyang hindi siya matatanggap nito ngunit inaasam pa rin niya na mamayani ang pag-ibig nito sa kanya.

Mapait siyang napangiti.

Sino nga ba ang magpapakatangang lalaking mamahalin pa ang tulad niya? Marahil ay lihim pa siya nitong sinusumbatan sa kaartehan niya noon. Ni hindi niya kayang ipagkaloob ang pagka-birhen sa nag-iisang lalaking minahal noon.

Walang gabi na hindi niya pinagsisihan iyon. Sana nga ay ipinagkaloob na lamang niya ang sarili sa dating nobyo at baka nakaligtas pa siya sa mapait na karanasan.

Nadatnan niya ang mga magulang na may kausap na tatlong lalaki nang umuwi siya mula sa tagpuan nila ni Schan. Hindi siya makapaniwalang siya ang hihilinging kabayaran ng mga ito sa pagkaka-utang ng kanyang magulang dahil sa ilang beses napeste ang kanilang taniman.

"Sa inyo na ang bukid at bahay namin - huwag lang ang aming anak..." pagmamaka-awa ng kanyang magulang sa mga lalaki.

"Tarantado pala 'tong matandang ito! 'Di ba't hindi mo pa nga natutubos ang titulo n'yo at umutang ka ulit? Kaya akin na talaga itong bahay at lupa niyo. Iyang anak mo na ang ipangbayad mo na panibagong utang n'yo!" sigaw ni Don Pacundo. Kilala ito bilang ganid sa kanilang lugar. Lumapit pa ito sa kanya---sa harap ng kanyang mga magulang---hinalikan siya nito at pinunit ang kanyang kamiseta.

Hinugot ng kanyang ama ang itak nito para ipagtanggol siya ngunit pinagsasaksak ito ng mga kauhan ng Don, pati ang kanyang ina. Ilang beses siyang sinukmuraan ng Don nang magsisigaw siya dahilan para mawalan siya ng malay.

Ilang ulit siyang hinalay ng Don sa loob ng isang halos isang buwan sa isang lugar na hindi niya alam kung saan. Nang magsawa sa kanya, ipinahalay din siya sa mga tauhan nito. Limang iba pa ang nagpakasasa sa murang niyang katawan.

Hiniling niya sa mga ito na patayin na lamang siya ngunit ibenta siya ng walanghiyang Don sa bahay aliwan. Mapapakinabangan pa raw ang ganda niya. Meron itong isang high class prostitution, mga mayayaman ang parukyano.

Ilang beses siyang nagtangkang magpakamay ngunit lagi siyang naagapan. Pinagamit siya ng ipinagbabawal na gamot kaya namanhid na siya at tinanggap na lang masamang kapalaran. Siya lagi ang nagniningning na bituin sa casa dahil kanyang angking kagandahan. Siya ang pinakamataas ang presyo. Kilala bilang Magdalena, Venus o Queen Elizabeth.

Limang taon na siya sa casa nang maging parukyano niya ang isang matandang Hapones na si Hiro Hiroshima. Binili siya nito sa Don sa mataas na halaga at isinama sa Japan. Ipinakilala siya sa katiwalang Pilipina na si Aling Maria bilang asawa. Pinalitan din nito ang kanyang pangalan. Pinagsilbihan niya ang matanda sa abot ng kanyang makakaya. Nailahad niya ang mapait nilang sinapit sa kamay ni Don Pacundo.

Isang araw may iniabot itong pahayagan sa kanya kung saan nasakote ng mga awtoridad ang casa at lahat ng ilegal na negosyo ni Don Pacundo. Natagpuan din ang bangkay nito na nakasabit sa Plaza sa kanilang probinsiya na putol ang ari at may nakasabit na karatulang may nakasulat na rapist, drug lord at human trafficker.

Nginitian siya ni Hiro at sinabing nakaganti na siya. Hindi man nito inamin sa kanya na ito ang naghiganti para sa kanya at lubos siyang nagpapasalamat dito. Nais pa raw sana nito bilhin ang dati nilang bukid at bahay ngunit ayaw ibenta ng bagong may-ari.

Siya ang nag-alaga dito nang dapuan ito ng malubhang sakit. Pinakasalan siya nito para daw maging legal ang pagpapamana ng mga ari-arian sa kanya. Pinamanahan din nito ang katiwala na si Aling Maria na naging nanay-nanayan na niya dahil parehas silang wala ng ibang pamilya.

Pinunasan niya ang mga luha sa kanyang mata. Paano nga ba siya maipagmamalaki ni Schan? Napakarumi niyang babae at kahit maligo siya ng mamahaling mga pabango ay umaalingasaw pa rin ang baho ng kanyang nakaraan. Hindi siya nararapat sa isang tulad ng dating nobyo na nagtiyaga at nagsikap para marating ang tagumpay nito ngayon. Ayaw niya rin itong mahatak pababa.

Nagpasya siyang bumalik na lamang ng Japan at doon na lang mamalagi. Dumaan lamang siya sa resto para magpaalam sa mga empleyado niya.

Pasakay na siya ng kanyang kotse nang may nagtakip sa kanyang ilong at nakaramdam siya ng matinding pagkahilo. Isinakay siya sa isang van.

Kidnap for ransom? Just kill me and I will thank you! Aniya sa sarili bago tuluyang nagdilim ang paningin.

Pinakiramdaman ni Akiko ang paligid, bago niya iminulat ang mga mata. She's expecting that she is in some sort of a filthy storage, tied and waiting for her death.

Hindi niya inaasahan that she's lying in a very comfortable bed with a red bedsheet and full of roses petals in pink and white. A very romantic ambiance and very clean.

Ni hindi siya nakatali at walang busal ang kanyang bibig. Tumayo siya at sumilip sa bintanang yari sa salamin. Nasa gitna siya ng malawak na kabukiran ngunit hindi kataasan ang kinalagyan niya. Kung sisigaw siya ay wala rin makakarinig sa kanya... tulad noon sa kanilang dating bahay.

Noon? Namangha siya nang mapagtantong pamilyar ang kabukiran sa labas. Kaya muli
niyang sinuri ang loob ng silid - nanlaki ang mga mata niya sa mga litratong nakasabit sa mga dingding... It's her few pictures when she was still a kid: her first communion, graduation in elementary, some stolen shots in HS and a picture of her with his first boyfriend, Schan.

Hindi na naman niya mapigilang umiyak kaya hindi niya napuna na may pumasok sa silid.

"I promise myself that I will never make you cry again." Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig. Pinunasan nito ang mga luha sa kanyang pisngi. "Sorry if I need to kidnap you... I'm probably am a jerk! Minadali ko ang pagpapatapos nito kaya medyo natagalan ako..." Ang tinutukoy nito ay ang bagong gawang bahay.

Lalo 'di niya mapigilang ang pagtulo ng kanyang mga luha nang lumuhod sa harap niya si Schan. Hinawakan ang kanyang kamay ay may dinukot sa kanyang pantalon. "Spend the rest of your life with me, Rachel. Forget all the bad memories of the past and let's start a new life together. Marry me, please..." Sa nagsusumamong mga mata ng dating kasintahan ay napuno ng kasiyahan ang kanyang puso na akala niya ay hindi na niya ulit mararamdaman.

Napatango na lang siya ng sunod-sunod, hindi niya makuhang magsalita dahil sa paghikbi. Isinuot ni Schan ang singsing sa kanyang palasingsingan at hinalikan siya sa kanyang mga labi.

Gumanti siya sa mapusok na halik ng nobyo at naramdaman na lang niyang ihiniga siyang muli sa kama. Pinagsaluhan nila ang pag-ibig na dapat na noon pa.

For the first time in her life, hindi siya nandiri sa sarili. Their love-making was so passionate, amazing and true.

Masaya siyang muling makita ang bayang sinilangan, ang dating kababata at kaklase. Schan made up a false story of her past. Sa kanila na lang daw tatlo ni Aling Maria ang madilim na nakaraan ng kanyang buhay.

Itinakda nila ang kanilang pag-iisang dibdib na doon gaganapin sa kanilang probinsiya. She can't wait for a month to be Mrs. Rachel Villasantos. Walang pagsadlakan ang kasiyahan lalo't tanggap din siya ng mga magulang ng nobyo.

Bumalik sila ng Maynila para ayusin pa ang ibang detalye sa kanilang kasal. Hindi niya akalain na may surprise engagement party pa ang nobyo sa kanya. He's really very sweet. His parents, friend and some business clients are there to celebrate with them.

Matatapos na ang magandang selebrasyon nang lapitan sila ng isang lasing na kliyente ni Schan. "Congratulation Architect Villasantos to have the The Queen of the Night as your future wife..." Nakakainsulto nitong tinapik pa sa balikat si Schan. Napamaang ang mga nakarinig sa sinabi nito.

Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig, lalo na sa idinugtong nito, "What a lucky slut you are... Queen Elizabeth!" Noon lang niya natandaan ang kaharap - isa itong parukyano ng casa na nagbi-bid sa kanya ngunit hindi nanalo kay Hiro.

Narinig na lamang niya ang mga hiyawan at nakita ang nobyo na pinagsusuntok sa mukha ang lalaki.

Totoo ngang walang lihim na hindi nabubunyag. Nalaman ng mga magulang ni Schan ang bahagi ng kanyang masaklap na nakaraan kaya tinutulan na ng mga ito ang kanilang kasal. Masasakit na salita ang natanggap ni Rachel. Pang-alipusta sa kanyang pagkatao.

Ngunit sa kabila noon ay ipinaglaban ni Schan ang pag-iibigan nila. Tuloy pa rin ang kasal kahit pumunta o hindi ang mga magulang at panauhin.

Araw ng kanilang kasal...

Nasa loob pa ng bridal car si Rachel at iniintay na pababain siya ng kanilang wedding coordinator. Kanina pa siya kinakabahan. Natatakot na baka hindi siya siputin ni Schan. Mauunawaan naman niya kung magbago ang isip nito. Ihinanda niya ang sarili sa posibleng mangyari ngunit nagtitiwala pa rin siya sa pangako nito---sa walang hanggang pag-ibig nito sa kanya---tulad ng kanilang awitin.

Halos lisanan siya ng sariling katinuan nang marinig ang masamang balita...

... Schan had a car accident.

Sinalo ba niya ang lahat ng kamalasan sa mundo? Wala ba siyang karapatang lumigaya?

Ni ayaw siyang palapitin ng magulang ng nobyo dito. Sa kanya isinisi ang pagkaka-aksidente nito. Idinamay daw niya sa sumpa ng kanyang kamalasan.

Wala siyang magawa kundi magbantay sa malayo. Makibalita sa isang kaibigan nito na hindi siya sinisisi at binigyan siya ng pagkakataong makausap ang nobyo nang minsang ito ang nagbabantay.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng aksidente. Bakas pa rin ang mga pasang natamo ni Schan sa buong katawan. Ang labis niyang ipinagdamdam ay ang benda nito sa mga mata.

Niyakap niya ang nobyo ng mahigpit at napahagulgol siya sa dibdib nito.

Pinigilan ni Schan ang damdamin para sa nobya. "Ano pa ang ginagawa mo dito? Sana ay narinig ako sa magulang ko... Hindi ko sana sinapit ito!" Bawat katagang binitiwan ng lalaki ay parang punyal na sumasaksak sa kanyang puso. Ramdam niya ang poot, galit at pagsisisi. "Makakaalis ka na Rachel. Pupunta lang sana ko sa simbahan para harapang sabihin sa 'yong hindi ko kayang pakasalan ang babaeng kasing dumi mo."

Nagmakaawa pa siya nobyo na bawiin ang sinabi nito ngunit para lang siyang asong gala kung ipagtabuyan nito. Daig pa niya ang basura kung pandirihan nito.

Si William ang naghatid sa kanya at humingi ng paumanhin sa inasal sa kanya ng matalik na kaibigan.

Ang hindi niya alam ay mas nadudurog ang puso ng nobyo sa masasakit na salitang binitiwan nito sa kanya upang tuluyang siyang lumayo. Nakausap niya ang kanyang doktor at hindi nailigtas ng mga ito ang kanyang paningin. Permante na siyang magiging bulag maliban lamang kung mapapalitan ang kanyang mga mata. Ngunit bibihira raw ang mga eyes donor.

Lalaki siya at ayaw niyang maging pabigat sa nobya. Alam niyang tatanggapin, mamahalin at paglilingkuran pa rin siya ni Rachel sa kabila ng kapansanan ngunit ayaw niyang makadagdag lang sa mga pagdurusa nito. Alangan ito pa ang magpalamon sa kanya? Ano ang silbi ng pagiging arkitekto niya kung bulag siya?

Hindi na nga muling bumalik pa ang nobya. Ang sabi ng bestfriend na si William ay bumalik na ito sa Japan at doon na permanenteng maninirahan. Gusto niyang maging masaya para sa nobya at hangad niya ang kaligayahan nito.

Bago siya makalabas ng ospital ay isang magandang balita ang hatid ng kanyang doktor. Nakaharap ito ng eyes donor at ka-match ng kanyang mga mata.

Naging successful ang operasyon.

Ngayon, wala nang makakapigil sa kanya para sundan ang nobya sa Japan. Hihingi siya ng tawad sa mga sinabi niya at magpapaliwanag. Alam niyang mauunawaan siya ng mabait na kasintahan. Kung gusto nitong doon na sila manirahan ay ayos lang sa kanya.

Hindi naging mahirap hanapin ang tirahan ng isang Hiroshima sa Japan. Nasa taas ito ng isang burol na tanaw ang Mt. Fuji, it's a breath-taking view.

Itinuro ni Nanay Maria kung nasaan si Rachel matapos niyang magpaliwanag dito. Nasa balkonahe ang nobya, nahawak sa railings at nakatanaw sa magandang kabundukan.

Tumabi siya rito ngunit ni hindi man lang siya nilingon nito. "Magiging masaya na siya, 'di po ba Nanay Maria?" Akala nito na siya ang ina-inahan.

"Alam mo po ba na bata pa lang kami ay crush ko na si Schan. He's smart, handsome and persistent. Nang mangligaw siya sa akin, sobra kong kinikilig pero pinigilan ko ang sarili kong sagutin agad siya. Baka kasi makagulo ko sa pag-aaral niya. Pangarap niyang maging arkitekto at natupad niya iyon. Naunawaan ko kung bakit itinaboy niya ko palayo. Medyo ma-pride kasi 'yon at depressed lang siya dahil sa pagbulag niya..." Hindi siya nagkamali sa pagkilala sa nobya. Napakamaunawain nito.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita, "I understand why he changed his mind - I am not worthy for him. But I did the right thing, right? Ako na lang ang magdusa, huwag lang siya. At least, bago ko tuluyang lumisan sa mundong ito... May maiiwan ako sa kanya. Maipagpapatuloy niya ang pagdedesenyo ng magagarang istraktura." Hindi niya maunawan ang mga sinasabi ng nobya. Nanatili siyang tahimik. Gusto niyang malaman ang saloobin nito.

Humarap sa gawi niya ang nobya. Malapad at madilim ang suot nitong sunglasses. Muling sumilay ang napakatamis na ngiti nito kaya nginitian din niya ang nobya. Akmang yayakapin na niya ito nang muli itong magsalita, "Nanay, are you sure you can trust Dr. Cortez? He's not going to tell him who was his eyes donor, right? Mabuti na lang at magka-match kami ng mga mata. Huwag mo pong ipagtatapat iyon sa kanya kahit mawala na ko. Ipangako mo po... Ayokong ma-guilty si--" Ikinulong ni Schan sa matipuno niyang bisig ang kasintahan at hindi niya mapigilan ang nag-uunahang pagpatak ng kanyang mga luha.

"Schan..." bulong ni Rachel. Napaiyak na rin at ginantihan ang mahigpit na yakap ng nobyo.

"You are more than worthy of my love, Rachel. You are my life," he whispered full of sincerity.

Ilang saglit silang umiiyak hanggang sa natahimik si Rachel at bumitiw sa pagkayakap sa kanya. Kung hindi niya ito hawak ay bumagsak na ito sa sahig.

May breast cancer daw si Rachel---ayon kay Nanay Maria---nalaman nito bago sana sila ikasal. Kaya pa naman daw ng chemotherapy ngunit dahil sa pangyayari ay mas pinili na lang nitong huwag nang labanan ang sakit.

Ano pa ang silbing mabuhay kung wala si Schan sa piling n'ya?

~♡~♡~♡~

"Do you really think, she's still watching over us?" the little girl around five years old asked her big brother who is three years older.

"Yes. That's what she used to tell me," bibong sagot ng batang lalaki at tumingala sa langit.

"Anong pinag-uusapan n'yong dalawa?"

Tumingin ang dalawang bata sa kanilang ama na siyang nagtanong. Inulit ng batang babae ang kanyang tanong at ang sagot ng kanyang Kuya.

"Your brother is right, Sweetie. Grandma Maria is still watching over us."

"Dad will you still love mommy if you die?" inosenteng tanong ni Rachiko.

"Of course sweetie, I do." Hinapit ni Schan si Rachel sa baywang at hinalikan sa labi. Pumulupot naman ang braso ni Rachel sa batok ng kabiyak at tumugon sa halik nito.

"Yuck! Why do adults want to share germs in their mouth?" Schiro looks disgusted watching his parents kiss in front them.

Naagapan pa ang cancer ni Rachel. Si Schan ang nagbigay pag-asa sa kanya para labanan ang sakit. Nakahanap rin sila ng eyes donor para kay Rachel.

Natanggap ng mga magulang ni Schan si Rachel nang malaman ng mga ito ang sakripisyong ginawa ng mamanugangin. Napagtanto nila ang katapatan ng kanilang pag-iibigan.

Ikanasal sila at nanatili na sa Japan kasama ang dalawang anak na sina Schiro at Rachiko.

The End

Date written: April 5-11, 2017

~♡~♡~♡~

Unworthy
Copyrighted © 2017
By Eiramana325
All Rights Reserved.

Total words: 5294

Entry to the Second Round of
Extreme Girls Project Contests
Fairy Publishing House

This story gained the highest score in 2nd round of FPH.

The story must be about the song, Hanggang by Wency Cornejo.

This is the original version. My entry to EGPC-FPH was simplified to 3k.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top