OSS 8: She'd Been Cursed
"Isi--nu---sumpa kita... Jho--anna!" hirap na sambit ng babae. Pagkasuklam at poot ang nasa mga mata nito habang nakikipaglaban sa kanyang huling hininga. Nakamamatay ang talim ng titig nito sa kanya. "La-lahat ng lala--king... magu--gustuhan o ii-big sa--sa iyo ay... ay mahh--mahh--matay!" ani 'to kasunod ng huli nitong lakas.
"Joanne?" Kinatok ni Mrs. Santossimo ang pinto ng silid ng anak. Narinig niya ang pag-ungol nito nang pababa na siya para magluto ng almusal.
Napilitan siyang pumasok nang hindi pa rin nagigising ang anak. "Joanne..." Tinapik-tapik niya sa pisngi ang dalaga.
"Joanne, anak! Wake-up!" May kalakasan na ang pagyugyog niya sa balikat nito na kanina pa ungol nang ungol.
Napabaligwas ng bangon ang pawisang dalaga at tulirong nagpalinga-linga sa kanyang paligid.
"You had a nightmare, anak. What was your dream all about?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina.
Naalimpungatang napatitig si Joanne sa kanyang ina nang muli itong magsalita. Inabutan siya nito ng isang basong tubig na agad niyang ininom. Uhaw na uhaw at pagod na pagod ang kanyang pakiramdam.
Inilahad niya sa kanyang ina ang bangungot na may pitong taon na rin lumubog-lumitaw sa kanyang panaginip. At hindi niya lubos maunawaan kung sino ang dalawang babaeng naroon.
Tanging ang matatalim at madidilat na mata ng isang babae ang kanyang naaalala. Puno ng poot at pagkasuklam na nagpapatayo ng kanyang balahibo kapag ito ay tumititig sa isa pang babaeng hindi niya makita ang mukha ngunit sa palagay niya'y kumakatawan sa kanya. Dahil sa kanya nakapukol ang nagbabagang paningin ng babaeng namatay sa kanyang panaginip.
"Mama, why do I feel like--- the one who'd been cursed? My name is not Jhoanna but Joanne pero bakit parang sa akin po nakadikit ang sumpang iyon?" Napahagulgol ang dalaga at niyakap siya ng kanyang ina na nakitangis sa kanya.
That bad dream started when she was just fifteen years old. Noong una siyang nagkagusto sa isang lalaking nanligaw sa kanya. Plano na sana niya itong sagutin ngunit bago mangyari iyon ay naaksidente ito habang nagka-camping ang pamilya nito. Mayroong sumugod na isang malaking oso sa campsite nila at ang binatilyo ang napuruhan sa dibdib---nang matatalim na mga kuko ng oso---na siyang ikinasawi nito.
Her dream started while she was mourning and in sorrow. It's been a few months since it began. Tanging ang nag-iisang bestfriend niya lang na si Emily ang kanyang napagkukuwentuhan.
Halos nalimutan na rin niya ang masamang panaginip dahil nahinto rin naman ito nang matanggap na niya ang pagkawala ng unang lalaking minahal. Itinuon na lamang niya ang kanyang buong atensyon sa pag-aaral. Ngunit hindi maiwasang may mga manligaw sa kanya dahil sa angking kagandahan.
When she went to a university, three schoolmates courted her. Those three were from different departments and they didn't personally know each other. She met them in different occurrence. Though never did she know that they were from the same varsity team.
The three kings---as she called them--- were still courting her when she reached twenty. They had been pursuing her for a year already back then. All of them were challenged on taming her as she was known to be snobbish. It was a game of pride.
Bali-balita lang naman ang pagiging suplada niya. Ang totoo ay natatakot siyang magkagusto sa kahit sino sa tatlo dahil sa muling pagdalaw ng kanyang masamang bangungot.
Nangyari nga muli ang kanyang kinatatakutan. When the varsity team was about to compete with other universities, they had a fatal accident. The bus with the students, coaches and school officers, fell over the cliff because of the avalanche on their way to the county of Wild Roses.
Sa labinglimang sakay ng bus, lima lamang ang nakaligtas. Sa kasamang-palad ay hindi napabilang doon ang tatlong hari.
Kahit na wala pang napupusuan si Joanne sa kanila. Dinamdam pa rin niya ang pangyayari at lalo siyang natakot na baka ang sumpa ang dahilan ng aksidenteng iyon. Dahil doon ay lalo siyang naging mailap sa mga lalaki. Pinangatawan na niya ang pagiging suplada at di-palakaibigan.
Dalawang taon na ang nakalipas nang maaksidente ang varsity team. Nakapagtapos na rin siya ng General Accountancy at nagre-review na lang para sa Licensure Examination.
Isang taon at kalahati na niyang hindi napapanaginipan ang bangungot na iyon kundi ngayon araw lang muli. Bakit muli siyang dinalaw ng bangungot na iyon? Gayong wala naman siyang nobyo o manliligaw man lamang.
"Ma, do you have any idea who they are?" tanong niya sa kanyang ina nang mahimasmasan na siya.
"Why did you keep it to yourself all this time?" balik-tanong ng Ginang na hindi panunumbat ang tono ng boses kundi pagkaawa sa anak.
"Your name Joanne, was given by your grandmother, my Mom. It was derived from her great-grandmother, Maria Jhoanna," pagpapatuloy ng kanyang ina.
"Ang sabi ni Mom, napakaganda raw ng ninuno niya nang makita niya ang lumang litrato nito kaya iyon ang ibinigay na pangalan sa iyo. Pero ginawang Joanne Marielle para medyo moderno ang dating at maliban doon ay wala na siyang naikuwento pa tungkol sa ninuno natin," dagdag na paliwanag ni Mrs. Santossimo.
"Siguro ay dapat na nga tayong magbakasyon muna sa Pilipinas. Tutal ay nakapagtapos ka na. Baka mahanapan natin ng sagot ang panaginip mo," pahayag ng kanyang ina.
~♡~♡~♡~
Lumalakas ang pintig ng puso ni Joanne habang papalapit sa probinsiya ng kanyang Ina. Hindi na n'ya matandaan kung kelan siya huling dumalaw doon.
Malalim na ang gabi nang makarating sila sa ancestral house ng kanyang Mama. Gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan nang mapagmasdan ang lumang bahay na halatang pinaglipasan na ng sentenaryo.
Nagbigay galang siya sa kanyang Lola at Tita Minerva na sadyang hinintay ang kanilang pagdating. Ipinaghanda rin sila ng makakain at naghuntahan pa sila.
Alas-dos na ng madaling araw nang makapasok siya sa silid na ihinanda sa kanya. Matapos niyang gawin ang evening routine ay inagaw na rin siya ng antok dahil sa pagod sa mahabang biyahe.
"Iniibig kita, Jhoanna. Ikaw ang gusto kong pakasalan at hindi si Emilia." Mababasa ang karapatan sa nagsusumamong mata ng lalaki.
"Mga taksil!" malakas na sigaw ng babae na kapapasok lang sa pinto.
May itinutok itong pistol kina Jhoanna at sa lalaki. "Ahas ka, Jhoanna! Itinuring kitang matalik na kaibigan at ito pa ang igaganti mo! Ang agawin ang nag-iisang lalaking minahal ko! Dapat sa 'yo ay mamatay!" Kinalabit nito ang gatilyo ng pistol.
Naghalo sa katahimikan ng gabi ang umaalingawngaw na putok ng baril at ang malakas na tili ng isang babae.
"Eeeeehhh!" malakas na tili rin ni Joanne at napabaligwas siya ng bangon. Napasugod naman sa silid niya ang kanyang Ina at Lola.
Ngayon lamang nadugtungan ng ganoon ang kanyang panaginip. Ikinuwento niya sa kanila ang bangungot. At nangako ang matanda na maghahanap ng kasagutan.
~♡~♡~♡~
Niyaya si Joanne ng mga pinsang ngayon lamang niya nakilala ng personal. Nakikita lamang niya ang mga ito sa Facebook. Tatlong dalagang 'di nalalayo ang edad sa kanya at isang binata. Isa-isang nagpakilala ang mga pinsan niya.
Dahil Sabado ay walang mga pasok sa trabaho o sa eskuwela kaya nagpasya sila na mag-bonding upang maipasyal na rin siya.
Nagtungo sila sa isang beach resort. May mga ipinakilala ang mga pinsan na mga kaibigan nila at doon na sila nagkita-kita.
"Bro, siya si Joanne, ang balikbayan naming pinsan." Pagpapakilala ng Kuya Mar niya sa lalaking bagong dating. "Jo, si Hendrix, bestfriend ko."
Bumilis ng tibok ng puso niya at nagbigay ng kakaibang kilabot sa buong sistema niya nang makadaupang-palad niya si Hendrix.
Mula nang pagkilalanin sila ay hindi na lumayo sa tabi niya ang binata. Napagkatuksuhan tuloy sila ng grupo. Isang matamis na ngiti lang ang itinutugon nito sa mga mapang-asar na mga kaibigan at siya naman ay namumula sa hiya.
Inaamin niya na gwapo ang lalaki. You can simply describe him as hot and dangerously handsome. May lahi pa itong Korean ayon sa pinsan niya.
Ipinilig-pilig niya ang ulo para alisin sa isip ang lalaki. Hindi tama ito, hindi siya dapat ma-attract man lang dito. Binabalot na agad siya ng takot na baka mapahamak ito dahil sa sumpa sa kanya kaya pilit niya itong iniiwasan at hindi pinapansin.
Ang ipinagtataka niya sa kanyang sarili na parang nakilala na niya ang lalaki. Pamilyar ang itsura nito gayon sigurado siyang ngayon lang sila nagkita sa dalawampu't-dalawang taon niya sa mundo.
"Insan, may naiwan ka bang boyfriend sa Canada?" tanong ni Mila na siyang nakapagbalik sa kanya sa malalim na pag-iisip. Nasa mababaw na bahagi ng dagat lamang silang apat na dalaga at nagsasabuyan ng tubig.
"Hindi pa ko nagkaka-boyfriend," pag-amin niya sa mga pinsan. "Bakit mo naitanong?"
"Hindi mo ba type si Hendrix? Halatang na-love-at-first-sight sa iyo. Tingnan mo't hindi ka nilulubayan ng tingin." Panunukso ng isa pa niyang pinsan na si Ate Mariessa.
"Oo nga, Ate Joanne. Suplado 'yan si Kuya Hendrix. Sabi ni Kuya Mar ang dami nga raw nagkakagusto pero walang pinapatos. Crush nga 'yan ni Ate Mila. Kaso 'di rin siya type," sabat naman ni Monica, mas bata sa kanya ng dalawang taon.
Magkakapatid ang tatlong babae niyang pinsan at si Kuya Mar nila ang panganay. Apat na taon ang tanda nito sa kanya. Si Mariessa ay matanda ng dalawang taon sa kanya at kasing edad niya si Mila.
"Hindi ko siya tayp," pagsisinungaling niya sa mga pinsan. "Habulan na lang tayo," suhestyon niya para makaiwas sa topic.
"Ikaw ang taya... Monica!" Kinalabit pa niya ang pinsan at mabilis siyang tumakbo sa pangpang. Tumakbo rin sa kabilang direksyon sina Mariessa at Mila palayo sa bunsong kapatid.
"Ang daya n'yo!" sigaw nito sa kanila. "Lagot ka sa akin, Ate Joanne!" Siya nga ang pinag-initan nitong habulin.
Lumingon siya saglit habang patuloy sa pagtakbo para tingnan kung malapit na sa kanya ang pinsan dahilan para hindi niya mapansin ang matandang babae kaya napasalampak ito sa buhanginan.
Agad siyang humingi ng paumanhin at tinulungan ang matanda. Nagsilapitan din ang mga pinsan niya at kaibigan. "Lola, sorry po," naka-ilang beses niyang sambit dito.
Kaya sa halip na magalit ay natawa pa ang matanda sa kanya at napahawak sa dalawang kamay niya. Ngunit agad din napawi ang tawa nito at tumitig sa kanya. Nagtayuan naman ang balahibo niya dahil kulay puti ang mga mata nito.
"Jhoanna..." Lalo siyang kinilabutan sa sinabi nito at dumiin pa ang pagkakahawak nito sa kanyang dalawang kamay. "Ang babaeng isinumpa... nagbalik na..."
"Inda Ikang, buhatin ko na po kayo." Pinangko ni Hendrix ang matanda kaya saglit itong nahinto sa pagsasalita.
"Muling magaganap ang nakaraan..." sigaw pa nito. Inilayo na ni Hendrix ang matanda. "Ikaw lamang Jhoanna ang makakaputol ng sumpa... gawin mo ang tama!" patuloy na pagsigaw nito.
Napatulala lamang siya at nanginginig ang buong katawan sa takot.
Tinapik siya sa balikat ni Mariessa. "Joanne, huwag mong intindihin ang mga sinabi ni Inda. Ulyanin na 'yon at bulag pa."
"Oo nga, Insan! Si Hendrix ay madalas din tawaging Herminio ni Inda. Kamakaylan, sinabihan pa siyang babalik daw ang babaeng itinakda para sa kanya," sabi ng Kuya Mar niya at humalakhak pa ito.
Kung alam lamang sana nila ang naganap sa buhay niya...
~♡~♡~♡~
Isang linggo na ang nakalipas mula nang makilala niya si Inda Ikang ngunit sariwa pa rin sa isipan niya ang mga sinabi nito. Naikuwento na rin niya ito sa kanyang Mama at Lola.
Isang linggo na rin nagpapabalik-balik sa kanila si Hendrix para raw manligaw. Nagpaaalam pa sa kanyang Mama. Ngunit hindi niya hinaharap.
Isang linggo na ring hindi siya dinadalaw ng masamang bangungot na labis niyang ipinagpapasalamat.
Isang linggo na rin silang naghahalungkat sa bodega upang hanapin ang lumang gamit ng ninunong si Jhoanna. Natagpuan din nila sa wakas ang hinahanap. Isang lumang baul na kasing laki ng kahon ng panlalaking bota.
Siya na ang pinagbukas nila ng baul. Namangha agad siya sa lumang larawang tumambad sa kanya--- guhit lamang ito gamit ang itim na tinta. May petsa pa sa ibabang kanang bahagi ng larawan--- 25 de Marzo 1767.
Ang babae sa larawan ay walang ibang kundi...
Siya!
Nagdurugo ang aking puso sa labis na kalungkutan. Dalawang buwan na akong nakapiit upang pagbayaran ang kasalanan hindi ko sinasadya.
Si Herminio ang sumalo ng balang para sana sa akin na siyang ikinasawi niya. Nag-agawan kami ni Emilia sa pistol nang muli niya akong tutukan. Sa sarili niya tumama ang ikalawang putok na siyang ikinalagot ng kanyang hininga.
Matagal na kaming lihim na magkasintahan ni Herminio. Ngunit dahil isa lamang akong taga-silbi, hindi ako matanggap ng kanyang mga magulang kaya ipinagkansundo siya kay Emilia na anak ng aking pinaglilingkuran na itinuring din akong kaibigan.
Nang gabing iyon, nagpasya akong hiwalayan na si Herminio para sa ikatatahimik ng lahat. Kung sana'y hinayaan niya muna kaming magpaliwanag. Hindi na sana dumanak pa ang dugo.
Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa binitiwan sumpa ni Emilia. Nawa'y huwag iyon maganap...
Maria Jhoanna de San Mateo
25 de Junio 1767
Ang lumang diary ng kanyang ninuno ang binasa ni Joanne. Naalala niya ang sinabi ng matandang bulag.
Paano mapuputol ang sumpa? Paano muling magaganap ang nakaraan? Si Hendrix--- siya ba si Herminio?
~♡~♡~♡~
Ipinagtataka niyang hindi na muling dumalaw si Hendrix kung kailan gusto niya sana itong makausap. Ang pinsan na lamang ang kanyang tinanong. Hindi siya nakalusot sa mapanuring tingin at panunukso nito.
Sinabi ng Kuya Mar niya na talagang nasapol ni Kupido si Hendrix at siya pa lamang ang niligawan nito. Sa ngayon ay may inaayos lamang ito sa Korea pero babalik din agad.
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ng pinsan dahil sa pinipigilan kilig. Hindi naman siya madaling magkagusto sa isang lalaki pero unang kita pa lamang niya kay Hendrix ay talagang humanga agad siya dito. Kahit anong pigil niya sa damdamin ay sadyang umuusbong ang pag-ibig na kinimkim ng matagal na panahon.
~♡~♡~♡~
Ikatlong linggo na nila sa Pilipinas nang muling dumalaw si Hendrix. Hindi maikukubli ng nagniningning niyang mga mata ang kasiyahan nang makita ang lalaki. Pigilan man niya ang damdamin ay sadyang nag-uumapaw ito.
Napagpasyahan niyang ipahayag dito ang panaginip at ang natuklasan sa lumang diary ng ninuno. Nakumpirma rin niya na ito nga si Herminio dahil may isang lumang larawan din sa baul na kamukha nito.
Kahit ang pangamba na baka mapahamak ito dahil sa sumpa ay hindi niya inilihim. Bahala na itong magpasya kung lalayuan man siya. Hindi niya puwedeng ilihim ang panganib na magiging dala niya sa buhay ng binata.
Sa kabila ng seryosong pahayag niya ay tinawanan lang siya ni Hendrix. "So, we're really meant for each other. My love for you was tested 150 years already." Hinawakan nito ang kanyang kanang kamay at inilapat sa sariling dibdib. Ramdam niya ang bilis ng pintig ng puso nito. "Walang nagbago... sa 'yo pa ring tumitibok ang puso ko."
"Pero..." pagtutol sana niya. Pinigilan ng hintuturo ni Hendrix ang kanyang labi.
"If I have to die again for loving you--- then so be it! If that's the only way I can show how much I love you." Tumulo ang kanyang mga luha at nakayakap na lang dito.
If he's willing to die for their love... she's willing to find a counter for the curse.
~♡~♡~♡~
Masarap pala ang magmahal. Walang araw na hindi siya napapangiti ni Hendrix. He's very sweet, loving and gentleman.
"Happy monthsary, Sweetheart!" Tinanggal nito ang piring sa kanyang mga mata.
Napa-wow siya sa ihinanda nitong sopresa--- candle light dinner sa isang di-kataasang burol. Nasa gitna ng kubol ang bilog na mesa na may nakapatong na mga mababangong kandila at pumpon ng rosas. Nagkalat din sa paligid ang marami pang mga kandila na siyang nagbibigay liwanag sa burol.
Nasa gilid ang kanyang Kuya Mar na siyang naggigitara at ang mga pinsang mga babae ang kumakanta.
Sino siya para hindi kiligin sa pinaggagawa ng lalaking ito? Kaya naman lalo niya itong minamahal.
Hindi na siya dinadalaw ng masamang bangungot kaya hindi mapantayan ang kaligayahang nadarama ng kanyang puso.
Ngunit sabi ng iba, panandalian lamang ang kaligayahan dahil sadyang dumarating ang unos na susubok sa inyo.
Palabas na sila ng restaurant nang isang hindi inaasahan babae ang agad sumalubong kay Hendrix at niyakap ito. Umiiyak ang babae at patuloy na sinasabing hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya. Hindi ito papayag na hindi matuloy ang kasal nila ni Hendrix.
Mas lalo siyang namangha nang mapagsino ang babae. "Emily?" Humarap sa kanya ang luhaang babae at nagulat din nang makita siya.
Si Emily ang bestfriend niya sa Canada. Tulad ni Hendrix ay half-Korean ito at alam niya na nakatakda itong ikasal sa anak ng kasosyo ng pamilya sa negosyo. Alam din niya na gustong-gusto nito ang lalaking ipapakasal dito ngunit hindi niya alam na si Hendrix iyon. Si Emily din ang nakakaalam ng tungkol sa bangungot niya.
Kung maglaro nga naman ang tadhana sa kanila. Ano ang dapat niyang gawin? Siya lamang daw ang makakaputol ng sumpa. Dapat ba siyang magparaya tulad ni Jhoanna o ipaglalaban niya ang pagmamahalan nila ni Hendrix?
Nagpasya siyang manatili muna sa Pilipinas. Nag-usap silang tatlo ng masinsinan. Noong pumunta sa Korea si Hendrix ay kinausap nito ang mga magulang at gayon din ang magulang ni Emily. Napapayag niya ang mga ito ngunit nasa Canada pa noon si Emily.
Naging maayos ang pag-uusap nila nang ipagtapat din nila kay Emily kung sino sila sa nakaraang panahon.
Humingi ng paumanhin si Hendrix kay Emily dahil hindi niya kayang suklian ang pagmamahal nito.
Nagpasya si Joanne na ipaglaban ang tunay at tapat nilang pag-iibigan ni Hendrix na isinuko ni Jhoanna noon. Hiniling niya kay Emily na manatili ang kanilang pagkakaibigan.
"Anumang sumpa ay hindi mananalo kung tunay ang ating pagmamahal sa ating kaibigan at sinisinta. Pagpalain nawa kayo ng Maykapal." Matamis na ngiti ang namutawi sa kulubot na labi ni Inda Ikang. "Matatahimik na rin sa wakas ang mga kaluluwa nina Jhoanna, Emilia at Herminio," dugtong pa ng matanda.
~♡~♡~♡~
She's Been Cursed
Copyrighted © 2017
Eiramana325
All Rights Reserved.
Entry to Fairy Publishing House (FPH)
Extreme Girls Series Writing Contest
Passed Round One xD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top