OSS 6: Twin For My Heart
Pebrero na naman. Ang pinaka-ayaw kong buwan sa buong taon. Bakit kamo?
Ako, ampalaya? Walang ka-balentino?
Ano pa nga ba? Alam kong hindi ako nag-iisa na naiinggit sa mga magkasintahang naglalakad at magkahawak ang mga kamay o mga pamilya na masayang namamasyal na puno ng pagmamahalan.
Pero pakiramdam ko, nag-iisa ako sa aking kasawiang palad. N'ong nagbuhos 'ata ng kamalasan ang itim na anghel, sinalo kong lahat. Bakit ba ako pinagkaitan ng pagmamahal? Nagpapakabuti naman akong tao at patuloy pa rin akong naniniwala sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.
Ngunit sadyang madamot ang kapalaran sa akin. Wala yata akong karapatang mahalin. Kailangan ko na yatang tanggapin na habang-buhay na lang akong mag-iisa.
"Room for two please..." sambit ng lalaki na kapapasok lang dito sa Red Town Motel. Basang-basa ito pati ang kasama niyang babae. Ang lakas kasi ng ulan sa labas.
"Sorry, Sir. There's only one room left with a queen-size bed." magalang kong sagot. Bukod kasi sa maulan sa labas, eh, tatlong araw na lang at Valentine's day na. At Biyernes pa ngayon kaya ang ibang mag-sing-irog ay nag-a-advance date na. Bukod sa nag-iisang motel pa ito rito sa kahabaan ng Hi-way 69 in Red Town. Malayo pa ang pinakabayan dito. Isang oras pa kung hindi traffic.
May papasok na naman na couple. Magka-akbay at nagsisiksikan sa isang payong. "Miss, isang silid nga," sabi agad ng lalaki habang isinasara 'yong payong nila.
"Sorry, Sir, iisa na lang ang silid na bakante at nauna sila." Tiningnan ko ang naunang dumating. They seem hesitant. Ayaw yatang magkasama sa iisang silid. Hindi ba sila mag-dyowa?
"Mukhang 'di naman nila kukunin, sa amin na lang," sabi ng lalaking huling dumating. Napuna rin siguro ang pag-aalinlangan ng dalawang nauna.
"We'll take it," sagot ng babae na unang dumating. Aba, si Kuya pa talaga ang parang nag-aatubili. Wow! Pa-virgin ka, Kuya? Buti pa si Ate, mukhang game. Ang ganda pa naman ni Ate, maputi at maamo ang mukha. Si Kuya? Ewan---hindi ko mabistahan dahil naka-hooded jacket itong kulay gray at naka-sunglasses pa, ha. Ang taas ng araw, este ilaw. Gabi na kaya.
Matapos magbayad ni Kuyang bulag ang peg ay ibinigay ko na ang key card ng silid nila. Maganda rin kaya ang mata niya? Mukhang gwapo rin siya dahil ang kinis ng mga pisngi at baba. Infairness, ang pula ng labi ni Kuya, curvy pa at parang hindi naninigarilyo.
Gosh! Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko? Ba't ganoon? Parang kahawig siya ni...
Ipinilig ko na lang ang ulo ko at napa-iling-iling. Nami-miss ko lang siya.
Hindi ko maiwasang sundan ng tingin ang papalayong lalaki. Pati ang taas at bulto ng lalaki ay talagang kawangis ng sa kanya... imposible!
Dumating ang kapalit ko bilang front desk receptionist nitong motel. Bago ako nag-out ay hindi ko maiwasang silipin ulit ang pangalan ng lalaking bulag ang peg.
Ramiel Montecillo.
"Besti, bukas ha. Dadalo tayo sa Valentine's party sa baryo namin. Malay mo doon natin makilala ang ating fafah," may kaartehang sabi ni Alexis. Siya ang kapalit ko sa shift at bestfriend daw kami. Isa siyang beki at dito na kami nagkakilala sa motel na pinapasukan ko may tatlong taon na rin.
"Hindi ako pwe--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa parang machine gun niyang bunganga.
"Hindi ka na naman pwede? At ano ang gagawin mo? Magmumukmok ka na naman at mag-iiyak? Magse-self-pity ka at sisisihin mo ang sarili mo sa pagkawala ng mga taong mahal mo? Aba, Majo, hindi ka na bumabata! Ikaw rin! Kapag nagsara 'yang matres mo na hindi man lang natikman ang luto ng Diyos --" Napatigil ito sa pagsasalita nang binatukan ko. "Aruy! Aruy! Ang beauty ko hindi binabatukan!"
Tinuktukan ko nga! Grabe kasi ang bunganga! Buti kami lang dalawa ang nandito. Pakialaman pati ang matres ko? Palibhasa wala siyang matres.
"Hoy, Alexander Graham Bellias, Beinte seite pa lang ako. Hindi pa magsasara ang matres ko. At alam mong wala akong hilig sa mga party-party na 'yan!" Inirapan ko siya at humakbang na palayo.
"Basta! Susunduin kita ng ala-sais ng gabi." sigaw pa niya. Hindi ko na lang pinansin.
~♧~♧~♧~
Pagkababa ko ng traysikel, agad akong tumakbo. Paano ba naman ay huli na ko sa lunch date. "Asawa ko, asawa ko -- oppsss, sorry po!" May nabangga kasi akong lalaki na haharang-harang sa daraanan ko. Huli na nga ako sa date ko, nakaharang pa siya. Hindi ko na tiningnan at tumuloy ako sa pagtakbo.
Humihingal akong huminto sa tagpuan namin. "Asawa ko, sorry I'm late. Gutom ka na ba? Ako rin eh... tinanghali kasi ko ng gising, tapos, namalengke pa ko. Nagluto. Naligo. Ang bagal pa ng traysikel na nasakyan ko. Ayan, nahuli tuloy ako ng labing-limang minuto. Sorry ha, asawa ko? Huwag kang magagalit sa akin. Huwag mo kong ipagpapalit sa iba. Baka nahuli lang ako, may ka-date ka ng iba..." mahaba kong litanya at inilapag ang dala kong basket ng bulaklak.
Naglatag din ako ng mantel dahil basa ang damo at doon ko inilapag ang dala kong basket ng pananghalian namin. Umupo ako sa mantel at nagtirik ng kandila.
"Asawa ko, okay ka lang ba d'yan? Hindi ka ba nabasa? Kasi naman, bakit d'yan ka pa ipinalibing ng mama mo sa ilalim - pwede naman d'on sa mga nitso na nasa ibabaw ng lupa. Baka nagsu-swimming ka na d'yan. Hamo, pag ako yumaman... ipapahukay kita."
"I'm fine here, Sweetheart. I love to swim." Napanganga ko sa lapida ng nobyo ko.
"Asawa ko, kinakausap mo ko? Naririnig na kita? Bukas na ba ang third-eye ko? Pero teka, 'di naman sweetheart tawag mo sa akin ah? Sino 'yang sweetheart mo, ha? Magpakita ka sa akin! Kakaltukan kita!" Lokong Achilles 'to ah! Natigok lang, ipinagpalit na ako!
"And what should I call you? Crazy lady?" Narinig ko pa ang pagpalatak niya at pagtawa.
At nagulat ako nang may naglapag ng basket ng bulaklak sa nitso ni Achilles. Awtomatikong napa-angat ang paningin ko.
"Ikaw? / You?" sabay naming sambit. Si kuyang bulag ang peg. Inalis pa niya ang sunglasses niya at talaga naman natulala ako.
"A--a--asawa ko? P-pa'no --"
~♧~♧~♧~
"Sir, according to her employment record. Her name is Maria Joanne Olivares, three years na siyang receptionist sa motel na 'yon at naka-usap ko rin ang bestfriend daw ni Majo, si Alexis." Namulat ako sa hindi pamilyar na lugar at naulinigan kong may nagsasalitang babae. Lumapit ako sa may pinto ng silid at sumilip.
"According to him or her... orphan na si Majo. Lumaki siya sa bahay-ampunan dahil namatay sa sunog ang magulang at kapatid niya noong February 5, twenty years ago." Lokang beki 'yon ichinika ang buhay ko.
"At two years ago, ikakasal na sana sila ni Achilles noong Valentine's day pero hindi na umabot sa simbahan ang nobyo n'ya dahil sa isang car accident. Sa madaling salita po, hindi pa sila kasal ng kakambal niyo." Kakambal siya ni Achilles? Wala naman siyang kakambal, ah? Hindi na ako nakatiis at lumabas na ako ng silid.
"Seems that you already researched my background," mataray kong bungad sa kanila. Iyong babaeng kasama niya pala kagabi ang kausap niya.
"Kung hindi ka sana hinimatay kanina sa memorial garden, ikaw sana ang nagkukuwento sa akin about you and my brother." Lumapit siya sa akin na may matamis na ngiti.
Gosh! Parang gusto ko na naman mahimatay. Kamukhang-kamukha siya ni Achilles. Magka-iba lang sila ng boses at style ng buhok. Clean cut lagi si Achilles while this man has a quite longer hair na naka-man bun and his voice is quite deeper.
"I'm Ramiel Montecillo." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko at nag-aatubili kong tinanggap iyon para maramdaman kung kakalma ang puso ko. Ngunit sa pagdidikit ng aming mga palad ay nagdulot lamang ito ng kakaibang sensasyon.
Tila may malakas na kuryeteng gumapang mula sa kamay namin patungo sa buong katawan ko. Parang naramdaman din niya iyon dahil nawala ang ngiti sa mapula niyang mga labi.
~♧~♧~♧~
After one year and two days...
February 14 - to be exact.
"Besti, ano na? Bakit hindi pa ko pinabababa dito?" Kanina pa kasi ko nag-iintay dito sa loob ng bridal car.
Opo, ikakasal na ulit ako. Natatakot din na baka maulit ang trahedyang nangyari noon.
"Excited much, Bes? Iyong pari kasing magkakasal sa inyo kadarating lang." Pinababa na rin ako at nagmartsa patungo sa altar habang lumuluha. Luha ng kaligayahan dahil sa wakas... may mabuting magaganap sa buwan ng Pebrero.
Mangiyak-ngiyak din akong sinalubong ni Ramiel sa altar. At sabay kaming humarap sa pari. Parang gusto ko namang mahimatay nang makita ko ang pari.
"Relax, Sweetheart. He's Fr. Redeniel Montecillo, our other brother. Nasabi ko na sa iyo na triplets kami at kao-ordina lang niya kaya ngayon lang kayo nagkita," mabilis na paliwanag ni Ramiel.
Si Achilles ay nawalay sa kanila dahil itinago ito ng yaya nila.
MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!
~♧~♧~♧~
Twin For My Heart
Copyrighted 2017
Eiramana325
All Rights Reserved.
~♧~♧~♧~
Third Prize Winner
Valentine's One-Shot Story Contest
Book Club Natin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top