OSS 4: Pangako Ng Pasko

Pasko na naman... O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan tila ba o kailan lang
Ngayon ay Pasko, dapat pasalamatan

Ngayon ay Pasko, tayo ay mag-awitan

Nakatunghay ako sa mga batang masayang nangangaroling sa harap ng aming tarangkahan. May mga hawak na kubyertos o takip ng kaldero at ang ilan ay mga tansang niyupi at ginawang tambourine.

Tatlong linggo bago mag-Pasko. Ang pinakamasayang araw na pinakahihintay ng karamihan, hindi lamang ng mga bata, kundi pati na rin ang lahat ng Kristiyano sa buong mundo.

Ito ang paggunita sa araw ng pagsilang ng ating manunubos. It was the long-time promise of God to mankind. The coming of the Messiah to ransom us from our original sins caused by Adam and Eve. It was the most hopeful day for early Jews and to all of us today! The faith, love and hope that this season brings to our heart.

Ito rin sana ang pinakamasayang araw sa aking buhay. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa magawang magsaya kahit labing-limang taon na ang nakalipas.

Dahil ito ang araw na sinira mo ang pangako mo sa akin.

Pangakong pinanghawakan ko at pinangarap. Pinangarap ko na ang araw ng Pasko ang magiging umpisa nang walang hanggang pagmamahalan natin. Ang umpisa nang pagbuo natin ng ating pamilya. Ang umpisa nang pag-asang ikaw at ako ang magsasama pang habangbuhay sa panahon ito.

"Mahal ko, uuwi ako isang linggo bago ang Pasko! Naka-book na ang flight ko. Pangako iyan! Siguraduhin mong nakahanda na ang lahat para sa ating kasal sa araw ng Pasko." Napakasigla ng boses niya na ramdam ko ang kasiyahan at excitement para sa nalalapit namin pagkikita at pag-iisang dibdib.

Humagikgik ako sa kilig, "Nakahanda na po ang lahat. Ikaw na lang ang kulang. I can't wait to be Mrs. Jonas Francisco."

"Owwss, iyon lang ba talaga... Mrs. Francisco? Aminin mo na hindi ka makapaghintay na mahawakan ang mga matitigas kong muscles, lalo na ang abs na pinagpapantasyahan mo!" Pilyo siyang humalakhak sa sarili niyang biro. Kahit sa telepono lang kami magkausap, nagugunita ko ang may kapilyuhan niyang ngiti na siyang nagpapakilig lalo sa akin, lalo na't parang nakikita ko ang matamis niyang ngiti at ang malalim niyang mga biloy sa magkabilang pisngi. At kahit hindi niya ko nakikita ay sadyang nag-init at namula ang pisngi ko sa kilig.

"Kainis ka, Mr. Francisco! Ginawa mo pa kong mahalay. Ikaw siguro ang hindi makapaghintay sa gabi ng ating pu-pulot-gata..." nahihiyang kong sabi kaya medyo nautal pa ko. Hiyang-hiya talaga ako sa tuwing napag-usapan ang gano'n mga bagay kahit pa bente anyos na ako at magtatapos na sa kolehiyo sa Marso.

Humalakhak na naman siya sa kabilang linya. "Very obvious ba ako, mahal ko? Kasi naman sobra kang kuripot! Halik na nga lang sa mga labi pinagdadamot mo pa." Pakiwari ko ay nag-pout siya sa huling pangungusap na sinabi niya. Oo, hangga't halik sa labi lang kami at naganap lang 'yon n'ong nagbakasyon siya noong nakalipas na Pasko, ang ika-anim na taon naming anibersaryo.

Oo, Pasko rin ng sagutin ko siya sa matiyagang panliligaw noong second year high school pa lang ako at fourth year siya. Last year, niyaya niya ko magpakasal dahil nakatapos na siya sa pag-aaral at naging ganap nang kasapi ng Royal Canadian Navy. Doon na rin kasi siya nakapag-aral ng kolehiyo dahil nag-migrate silang buong pamilya pagkatapos ng graduation niya sa high school.

Hindi naman naging hadlang ang long distance relationship sa amin dahil siguro kahit mga bata pa kami, tutoo ang aming nararamdaman sa isa't-isa.

Ngunit iyon ay isang pangako n'ya lamang pala na hindi niya nagawang tuparin. Pangakong napako dahil sa pakiki-alam ng tadhana. Parang nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang kirot sa aking puso nang matanggap ko ang balitang pinasabog ng kalaban nila sa giyera sa gitnang silangan ang barkong naglululan sa kanila. Pabalik na sana ito ng Canada.

Isa siya sa mahigit tatlumpung navy na nawala o namatay sa pagsabog na iyon. Ang ibang bangkay ay natagpuan matapos ang isang linggo at ang iba ay tuluyan nang hindi natagpuaan dahil may mga pating daw sa lugar na iyon. Sumuko na sa paghahanap ang mga rescuer matapos ang mahigit isang buwan.

Marahil ay natanggap na rin ng pamilya niya ang mapait niyang sinapit. Halos limang taon na rin na wala kaming kumunikasyon ng kanyang mga magulang at kapatid. Sino pa nga ba ako sa kanila? Hindi naman natuloy ang aming kasal.

Ngunit bakit ang puso ko'y di magawang isuko siya? Bakit hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na sana ay nakaligtas siya at napadpad lamang sa kung saang isla doon? Kung sana ay natagpuan ang kahit walang buhay niyang katawan ay makakayanan ko pa. Makakayanan kong tanggapin na tuluyan siyang inagaw sa akin ng tadhana.

Tadhana na minsan ay hindi patas maglaro sa tutoong taong nagmamahalan. Bakit kailangan agawin niya ang katotohanan sa akin? Ang katotohanan kung buhay pa ba siya o hindi na?

Naisin ko mang mawalan na rin ng pag-asa at isuko na lamang ang pag-ibig ko sa kanya. Ngunit bakit kay hirap turuan ng puso kong magmahal ulit ng iba? Bakit sa kanya lamang ito tumibok ng tutoo at tapat?

Tapat na pagmamahal tulad ng pag-ibig ng Amang nasa Langit para sa atin. Tapat na pagmamahal na bihira nang mangyari sa kapanahunan ngayon.

Kung alam mo lamang Jonas na maraming manliligaw ko noon ang naiinggit sa'yo dahil sa katapatan ng aking pagmamahal na nakalaan lamang sa'yo. Nais kong tanggapin na ikaw lamang ang una at huling mamahalin ng pasaway kong puso.

"Titser Marie, bakit ka po umiiyak? Pangit po ba ang kanta namin?" Malungkot na nakatunghay sa akin ang limang batang nangangaroling. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Sana kasi'y hindi ko na lamang sila pinanood. Pero bibihira kasi ang nagagawi sa aming tahanan para mangaroling dahil medyo may kalayuaan kami sa ibang kapitbahay.

Agad ko pinunasan ang mga luha ko at ngumiti sa mga bata. "Naku, hindi! Ang gagaling n'yo ngang kumanta. May naalala lang ako." Nag-abot ako ng limampung piso. Magaling talaga silang kumanta kaya siguro natangay ako sa aking emosyon.

Tuwang-tuwa sila sa ibinigay ko at kumanta ng pasasalamat. Bago sila tuluyang lumayo ay nagpahabol pa ang isang batang babae. "Huwag ka pong mag-alala, titser Marie, mahal na mahal ka rin po n'ya." Kumaway pa sila sa akin at masayang tumakbo palayo.

Agad na kong tumalikod dahil lalo akong napaluha sa tinuran ng bata.

Mahal na mahal ka rin po n'ya!

Nais kong paniwalaan ang pagmamahal na iyon. Kaya nga siguro hindi ko siya kayang pakawalan sa puso ko dahil naniniwala ako sa tapat niyang pagmamahal sa akin. At alam kong walang iba na kayang tumbasan ang pagmamahal na iyon. Itatalaga ko na lamang ang sarili ko na maging isang matandang dalaga. Isang matandang dalagang guro.

At tulad ng pangako ng kapaskuhan, umaasa akong darating ang araw na magkikita ulit kami kung hindi man dito sa mundong ito... Sana ay hintayin niya ko sa langit. At doon namin ipagpapatuloy ang aming naudlot na pagmamahalan dito sa lupa.

"Marie?!" Napatigil ako sa paghakbang papasok ng aming tahanan at nanigas sa kinatatayuan ko. Pinaglalaruan ba talaga ko ng tadhana? Naniniwala pa naman ako sa multo o mga engkanto. Pero bakit narinig ko ang boses niya?

"Jonas naman, naalala lang naman kita. Nais mo na ba ko pasunurin sa'yo?" pagka-usap ko sa aking sarili nang may kalakasan. Napatingin ako sa malaking puno ng mangga na nasa aming bakuran at nagtayuan pa ang balahibo ko. Wala pa naman ako ngayon kasama sa bahay.

Pahakbang na akong muli papasok ng aming munting tahanan nang muli kong narinig ang kanyang pagtawag, "Marie Legaspi?!"

Tuluyan na kong napalingon at nanlaki ang singkit kong mga mata sa pagkamangha. May third eye na ba ako? Kelan pa? Ngumiti siya nang ubod ng tamis at kumaway pa ang malalim niyang mga biloy sa pisngi. Parang nag-slow motion ang paligid lalo ang paglalakad niya papalapit sa akin.

Nananaginip ba ako ng gising? O baka naman, nangangarap lamang ako? Hindi kaya inatake na pala ako sa puso at sinusundo na niya ako? Lilisanin ko na nga 'ata ang mundong ibabaw na isang matimtimang birhen.

"Ako pa rin pala ang laman ng mga ala-ala mo kaya ka napaluha sa kanta ng mga bata?" Napakurap ako nang ilan beses at naramdaman kong may kamay na dumapo sa baba ko para itikom ang nakanganga ko na palang bibig.

Nakatingala ako sa kanya at hindi pa rin makapaniwala sa katotohanang nasa aking harapan. Paano kung bigla siyang maglahong muli? Ilan beses na kong pinaglaruan ng aking guni-guni. Ilang beses ko siyang niyakap at pag maglalapat na ang aming mga labi ay bigla na lamang akong magigising. Isa lamang pala iyong panaginip. Kahit sa panaginip ay hindi ko na siya mahalikang muli.

Nakapanghihinayang!

Baka dahil sa pagdi-drama ko kaya 'eto at nakikita ko siyang muli.

Tinapik-tapik ko ang aking magkabilang pisngi para gisingin ang aking sarili. Kinurot ko pa ang aking bisig. "Aray ko!"

Sinundut-sundot ko pa ang kanyang dibdib ngunit hindi tumagos ang daliri ko.

Grabe ang tigas!

Kung abs kaya sundutin ko? Nag-init ang aking mga pisngi sa naisip ko. Trenta'y singko anyos ka na, Marie, ngayon ka pa lalandi?

Napahiya ako sa naisip ko. Isa pa naman akong dalagang Pilipina, kagalang-galang at kapita-pitagang guro sa Mababang Paaralan ng San Juan, Barrio San Lukas, bayan ng San Marcos, lungsod ng San Mateo at dito sa bansang Pilipinas. Sino ang nakakalimot sa apat na ebanghelista?

"Hindi ka nananaginip, Marie, kung iyon ang iniisip mo?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap muli sa guwapo niyang mukha. Ngumisi siya nang may pagkapilyo at unti-unting inilapit ang mukha sa akin.

Napatitig ako sa kulay tsokolate niyang mga mata na parang naging Ferrero Rocher. Sabi ko na nga ba't panaginip lang 'to, eh. Pero napatingin ako sa mapula niyang mga labi na papalapit ng papalapit sa aking mga labi.

Naramdaman ko pa ang malambot at mainit niyang mga labi bago nagdilim ang aking paligid.

Napamulat ang aking mga mata nang maramdaman kong may nagpapaypay sa akin at sa maingay na boses ng aking Nanay na akala mo ay nanalo sa lotto sa sobrang excitement.

Napabaligwas ako sa pagkakahiga sa aking kama nang...

"Mang, multo ka na rin ba at nakaka-usap mo siya?" Sukat kultusan ba naman ako ng nanay ko.

"Aray naman, Mang! Child abuse 'yan." hinilot ko pa ang ulo ko na kinultusan niya at ang lakas ng tawa ng hinayupak na guwapong multo.

"Anong child abuse? Trenta'y singko ka na, anak! Ilan taon na lang magsasara na 'yan matres mo, wala pa kong apo. Maiwan ko na nga kayong dalawa d'yan nang magawan n'yo na ako ng mga apo... Este makapag-usap kayo tungkol sa kasal." mahabang litanya ni Nanay na parang hindi ko naunawaan. Paano makakagawa ng apo ang multo?

Umupo naman sa gilid ng kama ko ang nakangising multo. "Nakakahimatay ba ang halik ko, mahal ko? Eh, paano pa kung gagawin na natin ang request ni nanay Fely na mga apo?" nanlaki na naman ang singkit kong mga mata at mabilis kong nabatukan ang multo sa harapan ko. Ngunit hindi tumagos ang mga kamay ko kaya napasubsob siya sa kama ko.

"Aray naman, mahal ko! Ang lakas ng batok mo! Baka naman magka-amnesia ulit ako niyan at tuluyan na kitang malimutan." naka-nguso niyang sabi habang hinihimas ang ulo niya.

"Hi- hindi ka multo? Hin-hindi ba ko na-nanaginip lang? Tutoo ka na ba? Binalikan mo na ta-talaga ako? Bakit ng-ngayon lang?" Pautal-utal kong tanong sa kanya dahil humihikbi na ko.

Ikinulong niya ko sa matipuno niyang mga bisig at naramdaman kong muli ang init ng kanyang yakap. Inilahad niya sa akin kung paano siya nakaligtas. Dahil malapit pa sa pangpang nang pasabugin ang barko. Inanod siya sa isang maliit na isla at may tumulong sa kanya. Ang masaklap lang ay nabura ang kanyang mga ala-ala. Naging asawa niya ang babaeng tumulong sa kanya ngunit hindi niya ito nagawang pakasalan dahil sa puso niya ay nararamdaman niyang may iba siyang mahal.

Hindi sila nagka-anak ng babae dahil may diperensiya ito sa matres. Madalas daw siyang may mapanaginipan na pinapangakuan ng kasal sa panaginip niya at kada Pasko daw ay nalulungkot siya sa 'di niya malamang kadahilanan. Noong nakaraang buwan lang daw bumalik ang lahat ng kanyang ala-ala.

Hinayaan na daw siyang umuwi ng babae sa Canada.

Katulad daw ng reaksyon ko, hindi din makapaniwala ang kanyang pamilya sa pagbabalik niya. Ako raw agad ang tinanong niya sa kanila. Kaya nalaman niya na wala pa akong asawa at wala rin naging nobyo, maliban sa kanya. Noong makalawa pa raw siya nandito sa baryo namin at pinagmamasdan ako mula sa malayo.

Kaya pala parang nakikita ko siya pero biglang nawawala sa paningin ko. "Eh, bakit hindi mo agad ako nilapitan? Tinakot mo pa ko?"

"Dahil kailangan kong makasiguro na ako pa rin ang nasa puso mo." seryoso niya sabi at may dinukot sa bulsa niya.

Lumuhod siya sa harap ko habang hawak ang kanan kamay ko. "Miss Marie Legaspi, 15 years ago ay pinangakuan pakakasalan kita sa araw ng Pasko at bumalik ako ngayon para tuparin ang pangakong iyon. Alam kong ang tagal ng hinintay mo pero, will you still marry me on Christm--" hindi ko na siya pinatapos pa. Ang dami pa kasing satsat! 15 years na nga akong naghintay, 'no!

"Oo! Pakakasalan kita kahit saang simbahan, kahit sa ilalim lang ng punong mangga! I've been waiting for 15 years to be... Mrs. Marie Legaspi Francisco! Ngayon pa ba ako uurong?" I cupped his handsome face this time and I initiated the kiss. Buti hindi siya hinimatay! Nilaliman niya ang halik at parang nalulunod na ko.

"Ehem! Ehem!" Bigla nagkahiwalay ang mga labi namin ni Jonas sa pagtikhim ni Nanay na nasa pintuan ng silid ko.

"Mas mainam gawin ang mga apo ko pag may basbas na kayo ng simbahan! Patingin nga anak ng bagong engagement ring mo!" Hay! Ang epal ng nanay ko!

Pero tama naman siya. Kahit pa pasara na ang matres ko. Mas magiging masaya lalo ang aming pulot-gata kung may basbas na ang pag-iisa namin ng Ating Panginoon.

Lalong tumibay ang paniniwala ko na,
"God's faithful love and endless hope for mankind is the true promises of Christmas. And with faith, hope and true love... God will give me the love of my life, to cherish and love forever!"

*|*|*|*

Pangako ng Pasko
Copyrighted 2016
Eiramana325
All Rights Reserved.

Date written: 08.Dec.2016

Entry to Write Christmas One-Shot Story Contest.
FB: Eiramana Wattpad Author
*|*|*|*

Merry Christmas! God bless us all!

Eiramana325

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top