OSS 3: His Teenage Mother
A/N: This story is dedicated to all mother especially OFW moms! It's my Chritmas Gift story to all of you! Love our mother!
Advance Merry Christmas 2016!
"Yes, I am a teenage mom, yet I want to be a good one." - Joanne (HTM)
*|*|*|*
"Uhaaa... uhaaa... uhaaa..." I woke up in the middle of the night when I heard my son crying. The darkness was filled with his loud weeping.
I switched on the portable and battery operated light bulb na nasa ulunan ko lamang. Ito lang ang nagsisilbing liwanag naming mag-ina pagsapit ng gabi at sadyang tinitipid ko ang paggamit. Ayaw kong maubos agad ang battery nito dahil may kamahalan din naman.
"Hungry na ba ang baby ko o nag-poo-poo ka?" malambing kong tanong sa limang buwan sanggol ko na patuloy sa pag-iyak. Sinilip ko ang lampin niya na tuyo naman at malinis. Gutom na ang munti kong prinsipe.
Binuhat ko siya at pinadede sa kanang dibdib ko. Akala mo ay isang linggong 'di siya dumede sa mabilis niyang pagsipsip rito. Kawawa naman ang baby ko, gutom na gutom. Kinagat pa niya ang utong ko na tila nanggigigil. At saka bumuntahit ulit ng iyak.
"Wala na bang gatas si Mama d'yan?" Inilipat ko siya sa kaliwang dibdib ko at mabilis niya itong sinupsop. Ilang minuto lamang at bumitiw na ulit siya. Umiyak na naman.
Hindi na talaga sapat ang gatas ko para sa lumalaki kong sanggol. Paano naman hindi naman malusog ang dibdib ko kaya konti lang ang gatas. At ang lakas-lakas na niyang dumede. Kaya naman bilog na bilog siya at malusog.
Nainis na naman ang batang matakaw kaya inilapag ko siya at napilitan magtimpla ng formula niya pero kalahating bote lang dahil sadyang tinitipid ko dahil paubos na ito at sa isang linggo pa ang suweldo ko.
"Tiis lang ng konti anak ha. Makakaraos din tayo." Pahikbi-hikbi kong pagka-usap sa aking baby boy na nilantakan agad ang kinanaw kong gatas.
Ding dong ding dong
Time to wake-up
Wake-up, Joanne! Wake-up!
I reached for my noisy and irritating cellphone on top of the side table. It kept on alarming and its sound was my recorded golden voice. Boses na parang palakang may ubo at sipon. In simple words, masakit sa tenga.
Sinadya ko talaga ganyan ang alarm ko para mapilitan akong bumangon sa umagang malamig. Sino ba naman ang gustong marinig ulit ang alarm sounds na 'yan? Baka pati mga palaka ay magtakip ng tenga.
Agad akong napapunas sa pisngi ko dahil may tumulong luha sa mga mata ko. Naalala ko ang panaginip ko at tuluyan na kong napaiyak.
"Magkikita rin tayong muli, Jomelson, my baby boy," pagkausap ko sa lumang larawan niya na hinalik-halikan ko pa.
I heaved a deep sigh to calm myself. Kailangan kong magpakatatag para sa muli naming pagkikita ng anak ko.
Tumayo na ko mula sa kama at dumaretso sa banyo habang hawak pa rin ang cellphone ko.
I pressed the orange icon with letter W on it. Yes, its my wattpad account and I checked my notifications. And yes, I am a wattpad writer. It's just my passion not my profession. And I enjoy checking the notifications, appreciates the readers who followed me and even chat with some of my followers, if there's a chance.
Platalatinta0903 and 32 others started following you
New followers ang una kong tinitingnan dahil isa-isa ko silang pinapasalamat sa pag-follow.
@PlataLaTinta0903 Thank you for the follow. Hope you will vote and share my stories! Enjoy reading!
Chine-check ko rin ang mga nag-add ng book ko sa reading lists nila at pinasasalamatan din pati ang mga new voters ng stories ko.
@RojodeLagrimas Sure! Can't wait since we're both in "spg" ^_~
Napataas ang kilay ko ngunit may sumilay na munting ngiti sa labi ko ng mabasa ang may kapilyahang sagot ni PlataLaTinta. May emojis pa talaga? Smiley lang ang alam kong gawin. Napaglipasan na 'ata ako ng panahon.
Erotic nga ang genre ng huling istoryang isinusulat ko. Sinubukan ko lang naman pero pumatok kaya itinuloy-tuloy ko na.
Naghanda na ko para makapasok sa trabaho na nakapagpapaputi ng buhok ko dahil sa stress. Buti na lang uso na ang pangkulay sa buhok. Isa akong Resident Manager ng isang apartment building sa downtown Toronto, Ontario, Canada. At maraming mga tenants ang mga pasaway o mareklamo kaya stressful ang trabahong ito. Pinaghirapan ko ang posisyong ito. Nag-umpisa ako bilang tagalinis dito sa may 28-story na apartment building bago ako na-promote after a few months. Isa akong guro sa kolehiyo dati at naka-tulong ang dati kong propesyon para ma-promote.
Isa rin ako sa mahigit 2.4 million Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa pagpapaunlad at pagtataguyod ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Canadian citizen na ko dito dahil may sampung taon na rin naman ako dito.
After my stressful work, uuwi lang ako sa apartment at tututok sa laptop para mag-update ng istorya at tsekin ulit ang notifications ko. Adik ako sa wattpad.
Napansin ko na may red dot ang Messages button. May new message ako mula kay PlataLaTinta0903.
Can't wait to be your pakners.
Napakunot ang noo ko. Pakner? Flirt! But I never ignore my follower kaya nag-reply ako.
We can't be pakners, hindi ako tomboy! ;-)
Sinadya kong maglagay ng wink. Kala mo ikaw lang ang pilya, ha! May kapilyahan din sambit ko sa sarili ko.
Haha I didn't say that you're a tomboy, btw, 23 male. I mean sana pakner tayo sa book club.
Takte! Lalaki pala 'to! Akala ko isa na naman babaing bi-sexual na mahilig makipaglandian. Komo't may pagka-sensual nga 'yung istorya ko kaya may ilan nakikipag-chat. Clean chat lang kaya kong ibigay sa kanila. Hindi ako perverted b!tch gaya ng iba na landian ang inaatupag sa wattpad.
Medyo napahiya ako sa sarili ko na pinag-isipan ko agad siya ng kakaiba. Partner pala sa book club na sinalihan namin parehas. Kasi naman pakners, palang tinagalog lang na ano, eh. Ako lang pala nagbigay ng ibang kahulugan. Nahawa na 'ata ako sa isinusulat ko.
PlataLaTinta, para kasing pambabae ang tunog ng username niya but if you will translate it to English, it seems unisexual... Silver Ink. Ang username ko naman sa English, Red Tears.
Hindi ko akalain na masaya siyang ka-chat. Kahit parehas kaming erotic writer, we can talk anything wholesome under the brightness of the sun or dimness of the moonlight. Yes, wholesome lang ang usapan namin although inamin niya na may pagkababaero siya. Its understandable for a single man at his age and afraid of commitment. That fact about him is not a hindrance for our growing friendship. At least, he's being honest.
We are also supporting each others stories not just because we are partners in book club but we considered ourselves as friends after a month of chatting every night or day. Day or night as we have an opposite time zones.
I never thought that I will feel so delighted everytime I am chatting with him. My long lost smile came back little by little because of him. Para na kong baliw na laging nakangiti habang nakikipag-chat sa wattpad.
I found him so enigmatic yet interesting. Enigmatic in a way that we don't even have any idea of each others physical looks. We were just contented to see the anime images as our profile picture.
It's not always the physical looks that counts but the sensibility of that person is more than enough. And I found him so judicious, wise, cogzinant and matured despite the fact that he's still very young.
Hindi ko matukoy ang kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya na feeling ko ay mapagkakatiwalaan ko siya. Pinalitan niya ang profile picture niya after a month. He got a beautiful sets of eyes that seems so familiar to me. Pero hindi ko matandaan kung saan ko nakita ang mapungay na kulay tsokolateng mga mata niya.
Pinalitan ko rin ang profile picture ko na nahalungkat ko pa sa baul. Para makita niya rin ako. Yeah, old pictures.
Wow! You're so cute. If we meet at the same age. I will definitely chase you.
Napangiti na naman ako sa message niya. Kung magkasing-edad nga kami, baka kinilig na 'ko. I mentioned to him that I am much older than him and I have a child already. But he never ask my real age. Isa iyon sa gusto kong ugali niya. Hindi siya pala tanong ng personal na information. Ang totoo nga namin pangalan ay nalaman na lang namin after a few weeks, hindi ko na matandaan kung paano.
Zed, you're just going to chase me to break my heart for sure! Haha... Good girl kaya ako noon, baka maranasan mong mabasted. Haha
Sa chat, komo't hindi namin nakikita ang isa't-isa, madalas ay gumagamit kami ng mga emojis or hahaha, if we are smiling or happy.
At totoo naman ang sinabi ko. Hindi ako pakawalang babae pero hindi rin ako perpekto. Sino ba ang perpekto? Only God is and no human comes close, even saints weren't perfect.
I can turn the good girl into a wild one. I can be charmingly annoying, Jo! Haha
Natatawa lang ako sa kakulitan niya and somewhat I remembered someone like him. Charmingly annoying!
"Joanne, bakit ba ayaw mong maniwalang mahal talaga kita?" Nakabuntot na naman na parang aso sa akin si Jomel. Naglalakad akong pauwi galing sa eskuwelahan. Sa dalawang taon ginawa ng Diyos, lagi siyang nakabuntot sa 'kin.
"Napakabata pa natin para masabi mong mahal mo ako. Huwag ka ngang makulit diyan." Inirapan ko ang binatilyo at naglakad ng mabilis.
Hindi ko matukoy kung ilang beses itong inire ng Nanay niya kaya sobrang kulit.
Nakakainis pero nakakakilig. Charmingly annoying!
At sabi nga sa lumang kasabihan, walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
Crush ko rin naman talaga siya noon pa. Pinipigilan ko lang ang sarili kong sagutin siya dahil nga sobra pa kaming bata. Pero nagpaalam pa siya kay Mama na manliligaw sa 'kin. At talagang umaakyat siya ng ligaw sa bahay.
Kaya sa kabila ng kabataan namin, at the very early age of 14, napasagot niya ko after two years na pangungulit sa 'kin mula pa noon grade 6 kami. Marami ang naiinggit sa akin dahil gwapo naman talaga si Jomel. May hawig ito sa artistang si Richard Gomez.
Hindi naman naging lihim ang relasyon namin sa Mama ko. Madalas siya sa bahay at naggagawa kami ng assignment o sabay nag-re-review pag may exam. Palagi rin kami pina-aalalahanan ni Mama na huwag namin sisirain ang tiwalang ibinibigay niya sa amin. At mayabang pa kaming sabay na sasagot, "Hinding-hindi po!"
Pero ang akala mong perpekto at masayang pagsasama na tila walang katapusan ay parating may hangganan.
"Ate Joanne... Ate Joanne..." Humahangos at hilam ng luha ang nakababatang kapatid ni Jomel.
"Jomar? Bakit ganyan itsura mo? Anong nangyari? Kasama mo ba kuya mo?" Pagsalubong ko sa kanya sa tarangkahan pa lamang ng aming bahay.
"Si Kuya, Ate... Naaksidente po! Pumunta na sina Mommy sa ospital. Sinundo lang kita." Agad tumulo ang aking mga luha. Nanikip ang dibdib ko sa sobrang pag-aalala. Sumakay agad kami ng tricycle at nagpahatid sa ospital na 'di naman kalayuan.
Muntik na akong tumumba sa kinatatayuan ko kundi lamang ako naalalayan ni Jomar dahil sa pagdating namin sa emergency room ay tinatakpan na ng puting kumot ang duguan mukha ng nobyo ko. Humahagulgol ang kanyang ina habang yakap-yakap ng lumuluha rin niyang ama.
He was a victim of hit and run. Pagkatapos ng 40 days niya ay nagpaalam ang kanyang pamilya na mag-ma-migrate na sila sa Australia. Dapat pala ay noon pa pero naaantala lamang dahil kay Jomel na ayaw umalis - ayaw akong iwan.
Sa pagkawala ni Jomel ay parang namatay din ang kalahati ng pagkatao ko. Nawalan ako ng ganang kumain at pati pag-aaral ko ay napabayaan ko. Parati akong umiiyak at nagtatanong sa Diyos kung bakit kailangan kunin niya agad sa akin si Jomel. He's only fourteen like me at marami pa kaming pangarap na dalawa.
Hindi lamang pala doon natatapos ang pagsubok sa akin. Nagising ako isang umaga na masamang-masama ang pakiramdam ko. Suka ako ng suka kahit wala na kong maisuka.
Dahil siguro ito sa madalas kong pagpapalipas ng gutom. Dinala ako ni Mama sa doktor. Lalo rin kasi akong namayat dahil nga sa depression ko sa pagkawala ni Jomel.
"Mang, ano po ang sabi ni doktora?" Si Mama kasi ang kinausap nito, siguro dahil minor pa ko. Hindi ako sinagot ni Mama at niyaya na niya kong umuwi.
Pagpasok namin sa amin munting tahanan ay isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Hilam ng luha ang kanyang mga mata, nagtatanong naman ang sa aking mga mata sa pagkagulat.
"Pinagkatiwalaan ko kayo ni Jomel, pero nagpabuntis ka pa." Para kong pinagtakluban ng langit at lupa sa nalaman ko. Mabilis na tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
Magiging isang teenage mom ako. Samu't-saring emosyon ang nararamdaman ko. Napahawak ako sa impis ko pang tiyan. Takot, kahihiyan ngunit may munting kasiyahan din dahil may munting buhay sa loob ng sinapupunan ko. Ang magiging anak namin ng una at huling lalaking mamahalin ko. Takot, kaya ko na bang maging isang ina? Kahihiyan, una sa aking ina dahil ipinangako ko na hindi ako matutulad sa kanya na may anak sa pagka-dalaga. Ako 'yon. Pero eto ako ngayon at wala na rin ama ang aking magiging anak. Takot at kahihiyan, sa mga taong mapanghusga at mapang-alipusta.
Nagmahal lamang ako at hindi ko pagsisisihan ang bunga ng pagmamahal na 'yon. Siya ang magiging alaala ng kanyang ama sa 'kin. Mamahalin ko rin siya ng higit pa sa aking buhay. Pangako 'yan, anak ko.
Napabalik ako sa kasalukuyan nang muli kong mapagmasdan ang larawan ni Zedric. Those eyes are like Jomel's eyes. Bumilis ang tibok ng aking puso. Biglang tumulo ang aking mga luha. Ilan taon na nga ba siya? Twenty-three? Hindi kaya...
Kailangan kong makasiguro. Kinontak ko ang isang kaibigan ko na nagta-trabaho sa National Bureau of Investigation at humingi ako ng tulong sa kanya. Ibinigay ko sa kanya ang kokonting impormasyon nakalap ko kay Zedric. His name, province he's currently in and his current course. All general information but he said its enough to locate him. And his big dark brown birthmark on his left calf. Maputi ang baby ko kaya kitang-kita ang balat niya noon.
Paano kung siya nga? Hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong nang minsan magka-usap kami.
Zed, what will be your reaction kung ampon ka lang pala?
He was used to me already. All of a sudden, I'll asked him random questions for my stories.
Good question... haha... wala, does blood relation really matter?
May alam kaya siya? Ampon nga kaya siya? Kaya hindi mahalaga kung hindi sila magkadugo ng nakagisnan niyang magulang?
Then, what would you feel about your real mother if indeed you are adopted?
Pangungulit ko pa rin sa kanya. I want to know his answer to prepare myself, just in case.
Hmmm... I love my mom, blood related or not. If in case, I'll meet my real parents, they're nothing to me.
Saglit akong natahimik sa reply niya. My heart hurts. My tears are about to fall when I read his new message.
Ahhh... wait lol, wrong answer, hmmm angry? No. I don't even wanna meet my real parents.
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Siya man o hindi ang nawawala kong anak. Napakasakit pala na ayaw na niyang naisin makilala pa ang tunay niyang pinagmulan.
Hahahaha Okay then, that's good to know haha
Ang haba ng tawa ko ngunit ang totoo ay humahagulgol na ko. What if my son will tell me the same words? I hope he will just ask first, what really happened?
I closed my eyes as I reminished those hurtful truth almost 24 years ago.
Nakabulahaw na katok ang ginawa ko para nagising ang kapitbahay ko at makahingi ng tulong. Kasabay ang malakas na pagtawag ko at pag-iyak ni baby Jomelson. "Ate Lina, kuya Rick, tulungan mo po kami!"
I knocked several times before Kuya Rick opened their door. It was very obvious that I disturbed his peaceful sleep.
"Joanne, ano bang nangyayari?" Batid agad sa mukha nila ang pag-aalala nang makita nilang parehas kaming umiiyak ni Baby.
"Ayaw pong tumigil sa pag-iyak si Baby at ang init-init po niya. Puwede n'yo po ba kong samahan sa ospital?" Nakuha ko pang isagot sa kabila ng paghikbi at labis na pag-aalala sa kalagayan ng aking anak.
Agad naman silang tumalima para samahan ako. May tricycle kasi si Kuya Rick na pinagpapasada niya.
They were ten years older than me and two years married but still no child.
Dahil sa pagbubuntis ko at sa kahihiyaan idudulot ko kay Mama.
She decided to sell our tiny house and lot in the province and moved to Manila. Umupa kami ng maliit na barung-barong dito sa Tondo. Sina Ate Lina ang kapitbahay na nakagaanan namin ng loob.
"Mabuti at nadala n'yo agad ang bata dito sa ospital at naagapan ang dengue," sabi ng doktor. Ipina-confine niya muna si Baby Jomelson ng ilan araw para daw maobserbahan.
"Joanne, idagdag mo ito sa pambayad dito sa ospital. Ito lang ang nakalap namin sa ating mga kabaranggay." Iniabot niya sa akin ang pumpon ng mga beinte pesos at mga barya.
"Salamat po, malaking tulong na po ito." I also asked my boss to lend me my salary in advance. I am a waitress in a small restaurant. Only fifteen years old so I cannot apply in other job with higher salary.
"Napakatapang mong bata ka. Kung ako siguro ang namatayan ng ina at buntis pa. Baka hindi ko na kinaya," matapat at seryosong pahayag ni Ate Lina.
Yes, Mama died of heart attack when I was in my seventh month of pregnancy. I used almost half of our savings. Inilalaan sana iyon ni Mama para sa panganganak ko.
Isang hilot na lang ang nagpaanak sa akin para makatipid din ako. Ang natitirang pera ay nagagastos ko sa upa sa bahay, pagkain ko at gatas ni Baby. Ni hindi ko nga siya mabilhan ng diaper kaya matiyaga kong nilalaban ang lampin niya sa gabi pagkagaling ko sa trabaho.
Dahil paubos na ang pera ko, naghanap ako ng trabaho. Nag-prisinta naman si Ate Lina na mag-alaga ng anak ko dahil si Kuya Rick lang ang naghahanap-buhay.
Ang tutoo ay gustung-gusto kong sumuko noon pa. Pero kailangan kong magpakatatag para sa anak ko.
Teenager lang ako na dapat ay nag-aaral lang at walang iniintinding mabibigat na problema pero kasalanan ko naman ito. Malay ko ba na kapag naghalikan kami ni Jomel, eh mabubuntis na ko. Saglit kasi umalis si Mama noon naggagawa kami ng assignment at nangulit si Jomel na isang halik lang sa labi dahil ika-anim buwan anibersaryo naman namin bilang magnobyo. Doon pala sa halik na 'yon mag-uumpisa ang paggawa ng baby.
Nakakabuntis nga pala ang halik!
"Kailangan ko po magpakatatag para sa anak ko, Ate!" maluha-luha kong sabi at tinitigan ang anim na buwan kong baby.
Lahat gagawin ko para sa'yo, anak! Ikaw ang nagbibigay ng lakas sa akin.
Dinoble ko ang sipag sa trabaho bilang bayad na rin sa nahiram kong pera nang ma-ospital si Jomelson.
I am lucky to have a neighbour like Ate Lina who's willing to help me and though I would like to give her some payment for taking care of my baby. Yet, she always refuses it.
"Ano ka ba naman, Joanne? Ipunin mo na 'yan para sa inyong mag-ina." Iyon ang madalas niyang sabihin sa 'kin. All I do is to thank her.
Marami man pagsubok ang dumarating sa buhay ko, marami rin mga taong tumutulong sa akin.
Ngunit hindi ko inaasahan na may iba na pala silang motibo sa pagtulong sa akin.
Hindi ako mapakali habang nasa karinderya ng araw na 'yon. Hindi ko mawari kung bakit. Kung may nangyari naman kay Baby, sigurado akong tatawag si Ate Lina para ipaalam agad sa akin. Kahit gusto ko sanang umuwi ng maaga, sobrang dami naman ang kumakain kaya nahihiya akong magpaalam.
Hindi ko inaasahan na guguho na pala ang mundo ko ng araw na iyon. Pag-uwi ko, hindi ko na dinatnan sina Ate Lina at Kuya Rick. Tangay ang lahat ng kanilang gamit at pati na ang anak ko at mga gamit niya. Ang tanging naiwan sa akin ang ilan larawan niya at maduming mga damit.
Ang sabi ng mga kapit-
bahay ay sinabi raw na pinayagan kong sumama muna sa kanila sa probinsiya ang anak ko. Kaya wala isa man ang pumigil sa kanila dahil na rin alam nilang sila ang pinakamalapit sa akin.
Walang makatukoy kung saan probinsiya sila paroroon. Dahil tulad namin ni Mama, dayo lang din sila sa lugar na 'yon. Ilang buwan pa lamang sila doon nang una kaming dumating. Ipinagbigay-alam ko sa mga pulis ang pangyayari, wala naman kaming mahanap na larawan ng mag-asawa. Mayr'on man isa ay sobrang labo pa. Pero sa tulad kong walang pera puro pangako lang mula sa mga pulis ang natatamo ko na hinahanap nila ang anak ko pero totoo ba iyon?
Sa pagkawala ng nag-iisang na lang taong pinaghuhugutan ko nang lakas, ninais ko na lamang mamatay. Hindi ko na napigilan magtanong sa Panginoon Diyos.
Bakit kailangan mawala lahat ang mga taong mahalaga sa akin? Una si Jomel, pagkatapos si Mama at ngayon, ang anak ko. Ito ba ang kabayaraan sa inosenteng pagkakamali ko dahil nabuntis ako ng maaga?
Kinakaya ko naman ang lahat, nagpapaka-ina naman ako sa anak ko. Pero bakit nawala pa rin siya? Bakit kung sino ang mga taong pinagkakatiwalaan mo nang lubos, sila pa ang magsasamantala sa'yo?
Pero sabi nga ng matatanda, walang pagsubok na hindi natin kaya. Alalahanin natin ang hirap at pasakit na dinanas ng ating Panginoon Hesukristo na walang bahid ng kasalanan ngunit nagdusa at namatay sa krus ng dahil sa pagtubos ng ating kasalanan. Ang kanyang ina, ang Birhen Maria, ang nagdusa nang lubos sa pagkawala ng anak niya.
Ang pagkakatulad lang namin ni Mama Mary ay ang maagang pagiging ina. Tulad ko, kinse anos siya nang isilang niya ang ating Messiah. Pero nakasama niya ang anak niya ng may tatlumpu-tatlong taon pa.
Ako? Anim na buwan ko pa lamang nakapiling ang anak ko. Bakit kailangan siyang nakawin sa akin? Wala ba kong kakayahan maging ina dahil teenager pa lang ako?
How can I find my son? Who's going to help me? Or should I just give-up?
No. I will not give-up my son. I will find him. One of our neighbour said that Kuya Rick was from Baguio and Ate Lina's from Samar. They met here in Manila. North and South.
Kahit saan lugar pa iyan, hahanapin kita anak. Sumakay ako ng bus patungong Baguio dala ang ilang damit ko at ng anak ko, konting pera at larawan niya. Ngunit hindi sumapat ang pera ko para makahanap ng matutuluyan. At wala rin akong mahanap na trabaho ng araw na 'yon. Kahit summer ay malamig pa rin sa Baguio. Lakad ako nang lakad na walang patutunguhan. Tinatanong ang mga taong nakakasalubong ko kung nakita nila ang nasa larawan, ang malabong litrato nina Lina at Rick. Hindi ko na sila magawang tawagin ate at kuya, dahil hindi sila nararapat sa paggalang ko.
Nakatulog ako sa bangketa ng gabing iyon. Gano'n na naman ang ginawa ko kinabukasan, ang maghanap ng trabaho kasabay ng paghahanap ko sa kanila. Bangketa ang naging tahanan ko sa pagsapit ng gabi. Halos isang linggo na kong palakad-lakad at ubos na rin ang aking pera. Hindi na ko nakakain ng tanghalian at sadyang gutom na ko. Pero nagbabakasakali pa rin akong may maawang magbigay sa akin ng hanapbuhay.
Sa aking paglalakad, sa lugar na hindi ko na mawari kung saan at hindi ko na rin alintana na nasa gitna na pala ko ng daan. Isang malakas na sigaw ang narinig ko, "Masasagasaan ang babae!"
Iyon ang nagpamulat sa akin ngunit tila huli na dahil ilang metro lang ako sa papalapit na sasakyan at na-blanko na ang lahat. "Jomelson... My baby boy..."
Ding dong ding dong
Time to wake-up
Wake-up, Joanne! Wake-up!
Ilang gabi ko nang nakakatulugan ang paggunita sa mga nakaraan ko. I check my wattpad if I have message from Platalatinta0903. Its been days since our last chat. I was so worried. What happened to you, Zedric? I hope we have different way of communication
but none, just wattpad.
I got a good news from my friend in NBI. "Ate Jo, please check the attached pictures." Nanginginig ang kamay kong nang pindutin ko ang attachment ng email ko.
Zedric is indeed handsome. He's smiling on that picture. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Ang mga mata niya ay sadyang kahawig ng kay Jomel. Ang mapula at makurba niyang labi ay tulad ng sa akin. Pero ang ilong niya, kanino niya namana? Hindi naman ako nadupilas n'ong ipinagbubuntis ko siya, ah?
Kakaibang sigla sa puso ko ang naramdaman ko. Gustong-gusto kong umasa na siya na nga ang nawawala kong anak.
Napaluha ako ng sobrang kasiyahan ng makita ang sumunod na larawan. Ang kaliwang binti niya na may dark brown na birthmark, kuhang-kuha dahil naka-short siya.
Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko sa samu't-saring emosyon nang mapagmasdan ko ang larawan ng kanyang mga magulang, sina Lina at Rick na tumanda lamang ang itsura.
I didn't went to work that day. I just filed an indefinite leave. If they will not consider, I will resign. I need to go back to Philippines as soon as possible.
Tinawagan ko agad si Derrick, ang kaibigan ko sa NBI at kinumpirma na siya na nga ang nawawala kong anak. Pinagbilinan ko siyang subaybayan siya hanggang makauwi ako. Nagpa-book ako ng ticket, a week from now ang nakuha ko pero tamang-tama lamang dahil darating ako isang linggo bago sumapit ang Pasko.
Ang anak ko ang pinakamagandang regalong matatanggap ko ngayon Kapaskuhan. Wait for me, Jomelson, magkakasama mo na ang tunay mong ina.
Halos hinahin ko ang araw ng pag-uwi ko. May mga ilan bagay akong inasikaso sa trabaho at personal para sa kinabukasan ng anak ko.
I packed inside the balikbayan box - all my gifts for his birthday and christmas that are still wrap. Alam kong hindi na niya mapapakinabangan ang mga ito dahil nakalakihan na niya ang mga laruan at damit. I just want him to know that I never forget him. "Mama love you so much, Jomelson." Hindi ko mapigilan mapaluha habang isa-isang kong inaayos sa kahon ang mga regalo. Kahit kailan hindi ako nawalan ng pag-asang magkikita kaming muli.
Tulad ng pag-asang ipinagkaloob ng Diyos sa atin sa pagsilang ng kanyang pinakamamahal na anak na ating manunubos. Sa kabila ng ating mga kasalanan ay tinubos at minahal pa rin tayo ng ating Panginoon Hesukristo sa awa ng ating Amang nasa langit.
Tulad din nang pag-asang ipinagkaloob sa akin ng pamilyang muntik nang makasagasa sa akin sa Baguio.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay puro puti ang nakikita ko. Nasa langit na ba ako? Makikita ko na ba ulit dito si Mama? Pero paano ang baby ko? Hindi maari, hindi ko puwedeng iwan ang baby ko.
"Mom, she's awake!" Excited na sabi ng batang lalaki na nakatayo sa gilid ng kama ko.
May lumapit na magandang babae na nakangiti pero may pag-aalala sa kanyang mga mata. "Kamusta ang pakiramdam mo, hija?" malumanay niyang tanong sa akin. Noon ko lamang napansin na may nakakabit na dextrose sa akin.
Nasa ospital ako.
Agad akong tumayo at aalisin ko sana ang dextrose pero pinigilan niya ko. Kailangan ko raw iyon dahil nanghihina ang katawan ko. Sinabi ko na wala akong pambayad sa ospital at kailangan ko pang maghanap ng trabaho para mahanap ko rin ang anak ko. Ipinakita ko pa sa kanya ang larawan ng mga taong hinahanap ko. At naikuwento ko habang umiiyak ang mga nangyari sa akin. Hindi nila ko nabangga. Nawalan ako ng malay at nakapag-preno sila agad.
Kinupkop nila ko at ginawang yaya ng makulit na batang si Derrick. Nang mapansin nilang tinuturuan ko sa mga assignment niya si Derrick, nasabi ko sa kanila na consistent honour student ako noon at scholar. Kaya pinakuha nila ko ng exam sa school na pinapasukan ni Derrick at nakapasa ako para maging scholar. Naipagpatuloy ko ang pag-aaral ko at tinulungan din nila ko sa paghahanap sa anak ko.
Derrick is like a younger brother to me, I'm just ten years older than him. I became his tutor. Minsan, nakita niya ko umiiyak sa silid ko habang hawak ko ang larawan ni Jomelson. "Ate Joanne, hayaan mo pag naging pulis na ko. Hahanapin ko ang anak mo, pangako iyan."
Naging pulis nga siya at na-assign sa NBI. But he cannot find any record of my son, Jomelson Santos.
And because we I don't know the real name of Lina and Rick, we can not find them as well. Ginamit na rin namin ang social media, baka sakaling may magtugma sa description ng anak ko. May ilan nagpanggap pero wala silang birthmark. Hindi kasi agad namin iyon sinasabi. Si Derrick ang nakikipag-kita sa kanila.
Mapalad pa rin ako na ang pamilya Sardival ang kumupkop sa akin at itinuring akong parang kapamilya nila.
Dumating na ang araw na pinaka-hihintay ko. Dumadagungdong ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko pagkalapag pa lamang eroplano sa Davao International Airport.
"Ate Jo!" Si Derrick ang sumalubong sa akin at agad akong niyakap ng mahigpit. Three years ago noong huli kaming nagkita. "Grabe! Ano ba sikreto mo at lalo ka 'atang gumaganda at mas mukhang bata?" Pambobola nito sa akin.
"Ewan ko sa'yo!" Inirapan ko siya ng nakangiti. "Dalhin mo na ko sa anak ko!" excited kong sabi. Gustong-gusto ko na talaga siyang makita.
"Huwag ka nga d'yan excited. Kahit pa nasa kanya ang mga palantandaan na siya si Jomelson. Maniniwala ba siya sa 'yo? Bakit hindi sina Lina at Rick muna ang harapin mo? Pagplanuhan mo muna ang lahat," payo sa akin ni Derrick. Ihinatid niya ko sa hotel na malapit sa hospital kung saan isang Medical Intern si Zedric. Magdo-doktor ang anak ako.
Bumalik ng Maynila si Derrick dahil may bago siyang assignment. Nagplano ako na kausapin sina Lina at Rick. Ibinigay sa akin lahat ni Derrick ang mga information na nakalap niya kasama na doon ang schedule ni Zedric Estevez sa hospital.
Nagulat ako ng gabing iyon ng bigla itong nag-message sa wattpad ko.
Haluuu! Whats up kulisap!
Aba! Nagparamdam din. Ano kaya ang pinagkaka-abalahan nito at ang tagal hindi nag-online? Pero labis ang kasiyahang nadarama ng puso ko nang oras na 'yon. Kung maari lang ay magkita na kami.
Wisit na 'to! Ginawa pa kong insekto! Musta?
Kunwari ay pagtatampo ko sa kanya. Pero tulad ng ibang lalaki, may pagka-insensitive rin siya.
Exam eh. Kaya medyo busy. Ikaw?
Ah kaya pala? Kamusta kaya ang pag-aaral niya? Matalino rin kaya siya sa school, tulad ko noon? Marahil, hindi siya mag-do-doktor kung hindi siya matalino. Sabi nga sa isang artikulo na nabasa ko... Ang katalinuhan ng anak ay sa ina namamana. Huwag kang magalit sa akin, Jomel, hindi ako ang nagsulat ng artikulong iyon.
Ahh... Out of the country. Bakasyon lang! Haha
Pahaging ko. For sure, hindi naman siya magtatanong kung saan ako nandoon.
Woah... Buti ka pa.
As expected. Minsan may kadaldalan siya. Maraming kuwento pero hindi talaga palatanong.
Zed, ask ko lang. What is the most hurtful word or words a child could tell his mom?
This is it. Kinakabahan ako but I need to prepare myself.
Ano ba 'yan, new story mo? Hmm... You are dead to me.
Parang sinaksak ang puso ko sa sagot niya. Sasabihin din kaya niya 'yan sa harap ko kapag nalaman niyang ako ang totoong ina niya? Hindi ko naman kayang sagutin ang mga tanong ko. Hindi na ko makapaghintay na 'di siya makita.
Kinabukasan, nakita ko na may schedule siya sa hospital ayon sa information na bigay ni Derrick sa akin. Ewan ko kung paano niya nakuha ito, pero detalyado.
Pumuwesto ako sa 'di kalayuan ng main entrance ng hospital. Nang matanawan ko si Zedric, parang gusto na agad siyang yakapin at paghahalikan sa mukha. Tulad ng ginagawa ko noong baby pa lang siya. Pero baka mapagkamalan akong baliw at dalhin pa sa Mental Institution.
Naging stalker ang peg ko. Palangiti nga siya at magiliw, lalo na sa mga babae. May kalandiang taglay, manang-mana sa ama niya. Nang oras ng lunch time niya, naglalakad siya sa hallway patungo sa canteen, sinadya kong banggain siya.
"I'm sorry Doc," paghingi ko nang paumahin at nagkunwari akong nagpalinga-linga na tila naliligaw.
"Can I help you, ma'am?"
Ayos na sana kung mom instead of ma'am, eh! Nginitian ko siya ng wagas at siniguro kong makikilala niya ko base sa huling profile picture na inilagay ko sa wattpad. Although photogenic lang talaga ko.
Ngumiti rin siya pero medyo kumunot ang noo. "You look familiar, have we met before?"
Effective! Medyo tumawa ako. "Don't tell me fans kita, Zed – ric." Sabay turo ko sa name tag niya.
Tumawa rin siya at bumulong, "Imposible! Nasa Canada 'yon." Rinig ko naman ang bulong niya.
"Excuse me, Doc? Ako ba ang sinasabihan mo? Kauuwi ko lang from Canada." I wish na sana makilala niya talaga ko.
Tinitigan niya ko. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na yakapin siya pero gusto nang tumulo ng luha ko, lalo na nang tumitig din ako sa mga mata niya."Jo?" mahina niyang sambit na tila 'di makapaniwala.
"Kilala mo ko? Fans ba kita sa wattpad?" Kunwari'y nagulat ako. "Familiar din ang mata mo... Zed? Zedric Estevez?" This is it! He will be happy to see me and he's going to hug me. I prepare myself.
"Stalker talaga kita, 'no?" May pagkapilyo siyang ngumiti. Oo, stalker mo ko, pero hindi tulad ng iniisip mo. "How did you find me?" kumpiyansa niyang tanong.
"Excuse me? I'm here for... Dr. Ahh – Dr. Santos, uncle ko siya." May nabasa kasi ko kanina na Dr. Santos.
Bumuntahit siya nang tawa. "Kelan pa naging lalaki si Dra. Santos? Buking ka na, Jo. Stalker kita! Grabe, umuwi ka pa dito sa Pinas para lang makita ang kaguwapuhan ko!" Ang sarap pingutin ng tenga nito o batukan kaso 'di ko abot eh. Mas matangkad siya kaysa kay Jomel at mas mahangin din. Sa akin kaya niya namana 'yung kahanginan niya?
Dahil break-time niya, inimbita na rin niya kong kumain ng lunch. Okay lang kahit hindi ko siya mayakap basta ang importante ay makita ko siya ng harapan at masayang kausap. Hindi ako umamin na ini-stalk ko siya. Gumawa na lang ako ng kuwento, d'on ako magaling eh. Inalam niya kung hanggang kelan ako sa Davao at kung saan ako tumitigil. Ipapasyal daw niya ko sa day-off niya sa makalawa. I can't wait for that day.
Ipinagpaliban ko muna ang pakikipagkita kina Lina at Rick. Mas nais ko munang makasama at makilala ang anak ko. Kahit sa malayo ay nais ko siya pagmasdan.
Tinupad niya ang sinabi niya. 9:00 A.M. pa lang ay nasa suite ko na siya. Maaga pa lang din ay nakahanda na ko, halos 'di nga ako nakatulog sa sobrang pananabik na makapiling siya. Inabutan pa niya ko ng pumpon ng bulaklak, he's so sweet.
Ipinasyal niya ko sa mga tourist spot dito sa Davao. Ang bawat sandali ay puno ng kaligayahan sa aking puso. Naibsan ang mahigit dalawampu't tatlong taon kong pangungulula sa kanya. Magka-hawak kamay kaming namamasyal ngunit siya ang umaalalay sa akin sa halip na ako.
Hindi ko man lamang nasilayan ang unang hakbang niya, ang unang pagkadapa, pagkahulog dahil sa likot niya at ang tumakbo payakap sa akin na umiiyak.
Hindi ko man lamang siya nabihisan ng uniporme niya at maihatid sa unang araw niya sa eskuwelahan. Ang dumalo sa school performance niya at lalo na sa graduation.
"Hey, Jo! Why are you crying?" Napaluha na pala ko habang nakatitig sa kanya habang bumibili siya ng sorbetes para sa aming dalawa. Iniabot niya sa akin ang isang cone at pinunasan ang tumulo kong mga luha gamit ang hinlalaki niya.
Ngumiti ako nang matipid, "Naalala ko lang ang anak ko."
"Asan nga pala siya? Ba't hindi mo kasama? Siguro ay kasing ganda mo siya." Matamis siyang ngumiti sa akin, maybe to cheer me up. Unang beses siya nagtanong tungkol sa aking anak..
Tumawa ako nang payak. "Kasing guwapo mo siya dahil lalaki siya."
"Ahh, sana isinama mo ng may kabarkada ko." Ngiti lang ang itinugon ko sa kanya. Hindi na siya nangulit.
Nagtanong ako tungkol sa pamilya niya. Hindi nawawala ang ngiti niya habang ikinukuwento niya sa akin ang magulang at dalawa pa niyang kapatid. Halatang masaya siya at mahal na mahal sila. Pinigilan ko na lamang ang pagpatak muli ng aking mga luha. Sana ganyan mo rin ako kamahal anak.
Ninais ko na sana tumigil ang oras para matagal pa kami magkasama pero sa fantasy stories lang nangyayari ang gan'on. Dumating ang oras ng paghihiwalay namin ng gabing iyon. Hindi ko na napigilan yakapin siya at umiyak sa dibdib niya. Ginantihan niya ko ng yakap hanggang kumalma ko. At naramdaman ko ang malambot niyang labi sa noo ko.
"Ang drama mo talaga, Jo! Kaya ayaw kong makipagkita sa'yo, eh!" Pinisil pa niya ang ilong ko. "Ipapasyal ulit kita bago ka bumalik ng Canada." Dumampi na naman ang labi niya sa noo ko. Bumitiw na siya at agad tumalikod sa akin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang tila pagpunas niya sa kanyang mga mata.
Ramdam din kaya niya ang lukso ng dugo? Nakangiti na siya ng humarap sa akin at tuluyan nagpaalam.
Tatlong araw bago mag-Pasko, kumatok ako sa tahanan ng mga Estevez sa Samar. Alam kong hindi na doon umuuwi si Zed. Pagkamangha ang mababakas sa mukha nina Lina at Rick. Pinatuloy nila ko at may nadatnan akong isang dalagita na siguro'y kinse anyos. Pinapasok nila ito sa silid niya. Maayos ang tahanan nila na masasabi mong may sinasabi rin sa buhay. May family picture pa sila. Nasa gitna si Zedric at naka-akbay kina Lina at Rick na sa kaliwa't kanan niya at ang dalawa pang dalaga. They were all smiling. A picture of happy family.
Agad umiyak si Lina at niyakap ako. "Patawarin mo kami, Joanne." Inamin nila na inilayo nila ang anak ko dahil mas mabibigyan daw nila ng magandang buhay ang anak ko kaysa sa akin. Ngunit binalikan daw nila ko pagkalipas ng isang buwan dahil nakonsensiya sila ngunit hindi na nila ko makita at walang nakakaalam kung nasaan ako. Nagbilin pa raw sila sa mga kapitbahay. Naka-ilang balik daw sila sa Maynila, nagbabasakaling bumalik ako.
Bumalik ako doon pero walang nagsabing bumalik sila. Nagsasabi ba sila ng totoo?
Sinumbatan ko sila, minura dahil sa napunong galit at pangungulila ko sa anak ko, sa panahon ninakaw nila sa amin ng anak ko. Parehas kaming mga lumuluha.
"Siguro naman panahon na para bawiin ko ang anak ko. Baka sakaling mapatawad ko kayo sa ginawa n'yo!" matapang kong sabi sa kabila ng patuloy na pagtangis.
"Wala ka nang mababawi, Joanne, pa--"
"Mang, Pang? Anong nanggayari dito?" Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto. "Jo?" gulat niyang sambit sa pangalan ko.
Agad akong tumakbo kay Zedric at yumakap sa kanya. "Aminin n'yo sa kanya na ako ang tunay niyang ina, parang awa n'yo na!" Ang maamo niyang mga mata ay napalitan nang pagkalito at galit.
"Hindi siya ang anak mo, Joanne. Hindi siya si Jomelson. Patay na ang anak mo bago siya mag-isang taon dahil sa dengue. Nahirapan makahanap na dugo na isasalin sa kanya kaya wala kaming magawa. Patawarin mo kami, Joanne!"
Pag-iling at paghagulgol lang ang tanging kong magawa. Hindi mapaniwalaan ng puso ko ang ipinagtapat nila. May ipinakita pa silang larawan na sementeryo noong nakaraan undas lang at ang nasa lapida.
Jomelson Estevez
Born: Sept 03, 1993
Died: August 13, 1994
"No. Its not true! Wala d'yan ang anak ko!" sigaw ko sa kanila at ihinagis ang photo album. "Zed, please paniwalaan mong ako ang ina mo. Mapapatunayan ng DNA Test 'yon, 'di ba? Ramdam mo naman ang connection natin, 'di ba anak?" Halos lumuhod ako sa hanap ni Zedric, nagmamakaawa.
"Umuwi ka dito para guluhin ang buhay namin? Para pala sa akin talaga ang mga tanong mo? Ibang klase ka talaga Joanne! Baliw ka na! Baka isa lang 'yan sa istorya sa utak mo! I feel sorry for kuya Jomelson, if you're his real mom! Sana hindi na lang tayo nagkakilala sa wattpad! I regret being your friend! And don't ever think that I am your son! Dahil hindi kita kayang tanggapin bilang ina ko! At kung ikaw ang totoong ina ko, I wish you dead! Umalis ka na sa pamamahay namin Joanne! Huwag ka nang manggulo pa dito!"
May sasakit pa ba sa mga binitiwan niyang salita? Hindi ko alam kung paano ko nakasakay sa eroplano pabalik ng Davao. They said, don't wish for someone else death... It might come true!
Biglang kaming nakaramdan ng malakas na turbulance at nag-on ang secure seatbelt sign, bumagsak ang oxygen mask at nag-panic ang mga pasahero. Nagsalita ang stewardess para pakalmahin ang mga tao ngunit mabilis na pagbulusok ang nakapagpahiyaw sa amin.
Goodbye, baby Jomelson, my Zedric! Sa puso ko, alam kong ikaw ang anak ko. Hangad lang ni Mama ang kaligayahan mo anak hindi ang guluhin ka... Kung ang pagkawala ko ang magpapasaya sa'yo.
So be it!
.
.
.
Pagmulat ng mata ko, kulay puti na naman ang paligid. I'm so dead, mukhang naging mabuti naman ako kaya eto na ko sa langit.
"Jo! Gising ka na!" gulat na sambit ng lalaking nakahawak sa aking kamay.
Kaguwapong anghel naman ang ipinadala ni San Pedro para sunduin ako...
Kamukha ni Zedric.
Nginitian ko siya. May tumulong mga luha sa mata niya. "Merry Christmas... Jo-- Mm--!" he said hesitantly. Yumakap siya sa akin. I feel him, so, I am not yet dead? Or am I just dreaming? "Please forgive me, I didn't mean all that I've said. You kn--"
"Sssshh... It's okay..." Hinimas-himas ko ang makinis niyang pisngi. Kahit pinipilit kong ngumiti, patuloy naman ang pagdaloy ng aming luha. Ilang minuto rin kaming magkayakap at nagdidramang mag-ina. Natupad ang pangarap kong mayakap kong muli ang aking anak.
Ang eksena namin ngayon ay taliwas sa kakulitan naming dalawa sa wattpad. Hindi ko daw siya kayang pikunin, mainis o lalo na ang mapaiyak. Iyan ang laging sinasabi ni Zedric sa akin.
Isang kong madramang otor pero mahilig din akong pagaanin ang kadramahan sa istorya ko.
"You are your mother's son. See, nahawa ka na sa kadramahan ko..." sabi ko at nagpakawala ako ng mahinang tawa.
Natawa rin siya at pinunasan ang luha sa kanyang mata. "Tss! 'Di naman nakakabawasan ng kaguwapuhan ang pag-iyak." Nagkatawanan na lang kami at biglang natahimik.
Awkward moment.
"What happened?" Hindi ko na napigilang mag-usisa.
Inayos niya muna ang kama at sinigurong komportable akong nakasandal sa malambot na unan, bago siya naupo sa gilid habang hawak ang kamay kong walang suwero.
Inilahad niya na mula nang umalis ako sa bahay nina Lina at Rick. Nagkulong siya sa kanyang silid at pinag-isipan niya ang natuklasan. Hindi niya maamin sa kanyang sarili ang posibilidad na ampon siya. Ngunit hindi rin niya maitanggi ang kakaibang nararamdaman para sa akin. Hindi niya kinumpronta ang mga nagisnang magulang bilang respeto sa kanila.
He check his family's medical record especially their blood profile. Nag-umpisa siyang alamin ang medical family history ng pamilya mula noong mag-aral siya ng medisina. His known father and mother blood type were different from his but not his sisters. At ngayon lang niya napagtuonan ng pansin na hindi pala puwedeng magkaroon ng anak ang mag-asawa nang tulad ng tipo ng kanyang dugo. Kaya imposibleng sila ang tunay niyang mga magulang.
Doon lamang niya kinumpronta ang kinikilalang magulang. Dahil sa ebidensiyang inilahad niya kaya umamin ang mga ito.
Siya nga si Jomelson, ang aking anak. Ang nitso ay ipinagawa lamang nila para ipaalam sa akin na wala na ang aking anak para tuluyan nilang maangkin ang baby boy ko kaya binago rin nila ang kanyang pangalan.
Nang mabalitaan niyang may naaksidenteng eroplanong nahulog sa dagat, agad siyang bumalik sa Davao. Laking pasasalamat daw niya nang isa ako sa na-rescue ngunit nanganib ang buhay ko dahil sa dami ng dugong nawala at walang stock ng tipo ng aking dugo sa blood bank. Nag-donate agad siya nang mapagtantong pagkatipo kami.
Dumalaw din daw sa akin si Derrick. Sa dalawang linggong wala akong malay ay nailahad na ni Derrick sa kanya ang lahat ng pinagdaanan ko sa buhay. Bumalik lang daw ulit ito ng Maynila dahil sa kasong hawak nito.
Dumalaw na rin daw sa akin sina Rick at Lina. Patuloy na humihingi ng tawad sa kanya... at pati sa raw sa akin.
Muling pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon ngayon. Ramdam ko sa kanyang mga mata ang kirot, pagkalito at galit.
Kinakapa ko ang sarili kong damdamin... Isa lang ang nararamdaman ko - kaligayahan.
Kaligayahan dahil binigyan ako ng pangalawang pagkakataon mabuhay para makasama ang anak ko. At hindi ko hahayaang masayang ito dahil sa galit...
"Zed, a-anak..." I open my arms for his embrace once more. I hug him tightly and whisper, "God has always a reason for everything that's happening or ever happened in our life. Please let go of the pain in your heart and forgive them as I do." Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at tinitigan ako ng nagtatanong niyang mga mata na may luha pa rin.
"Yes, pinapatawad ko na sila. I should be thankful to them because they love you as their own. Lumaki kang may buong pamilya at naging mabuting tao. I was thinking---if they didn't get you from your teenage mother---will our life be the same as it is today? Hindi na maibabalik ang nakaraan---ang panahon nawala sa atin---pero pwede naman natin ipagpatuloy, 'di ba? Hindi ko hihilinging sa 'yong kalimutan sila - they've been a part of you already. All I'm asking is... let me be your mother for the rest of my life? Let me show you, how much I love you... Pwede ba 'yon, anak?" Pigil hininga kong tumitig sa kanya.
He cupped my face and smile sweetly. "How can I say no? Despite of your young age... you decided to give me life. Only a true mother can do! I love you so much... Mom!" And he kissed me on my forehead.
O: 03.Dec.16
A: 13.Apr.2017
*|*|*|*
His Teenage Mother
Copyrighted © 2016
By Eiramana325
All Rights Reserved.
Date : 3 Dec. 2016
Total words: 7,851
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top