OSS 27: Pangako
"I love you so much, Yura, I promise, pagbalik ko magpapakasal na tayo." Pinunasan niya ang mga luhang tila isang bukal na walang katapusan sa pagdaloy sa aking mga mata.
Kahit pala matagal na naming napag-usapan ang bagay na ito, hindi pa ring maiwasang balutin nang kalungkutan ang aking puso, sa pagdating ng takdang panahon ng kanyang paglisan.
Dalawang taon na kaming magnobyo. Nagkakilala kami sa ospital kung saan ako nag-intern bilang isang anesthesiologist at siya nama'y isang ganap nang surgeon. Wala siyang planong mag-abroad noon dahil ulilang lubos na siya at nakapagtapos lamang siya sa pagiging iskolar. Kaya nais lamang niyang makatulong sa mga Pilipino. Ako nama'y may mga kapatid pang tutulungang makapag-aral.
"I love you so much, too, Ram. Asahan mong maghihintay ako," tanging nasabi ko sa kabila nang pagsinghot-singhot, pilit pinipigilang mapahagulgol.
"Alam mong para ito sa ating kinabukasan, 'di ba?" tanong niya. Isang pilit na ngiti ang inialay niya sa akin kahit ang kanyang mga mata'y tinakasan nang kasiyahan, habang pinupunasan niya ang aking mga luha. Tango lamang ang aking naitugon.
"Come on, Ram, we're gonna be late," may kaartehang anyaya ni Dra. Julia Olevares. Tumalikod na ito at nagpaunana nang pumila sa Baggage Check-in Section.
Kaibigan siya ni Ram mula pa noong nasa kolehiyo sila, pero hindi kami naging magka-close dahil nag-abroad na ito. Ito rin ang nag-engganyo kay Ram na makipagsapalaran sa London. Bali-balita noon na may gusto ang dalagang doktora sa kanyang nobyo, kaso nga lamang ay ako ang nakaagaw ng mailap na atensyon ng binatang doktor nang maging intern ako doon. Iyon daw ang dahilan kaya nag-abroad na lang ito, para makaiwas sa amin. Pinabulaanan naman ito ng aking obyo nang minsan tanungin ko siya, parang magkapatid lamang daw sila dahil ang pamilya nito ang nagbigay ng scholarship niya noon.
"Siguraduhin mong magbe-behave ka doon, ah," paalala ko. Inginuso ko ang dalaga pa ring doktora.
Naunawaan ni Ram ang ibig kong sabihin dahil pinagtalunan na namin iyon dati. Napapayag niya lang ako para raw makapag-ipon kami agad, at nais niya rin tumulong sa pagpapaaral sa tatlo ko pang kapatid na nasa high school pa. Isang guro sa elementarya ang aking ina at trabahador sa konstrasyon ang aking ama. Ako ang panganay sa limang magkakapatid. Ang kapatid kong pangalawa ay nasa kolehiyo pa.
Hinalikan niya ako sa noo at binulungan, "ikaw lang ang makabihag ng aking puso. Ikaw lang ang magmamay-ari nito. Ikaw lang ang pinag-alayan ko ng pag-ibig at kaisa-isang babaeng gagamit ng apelyido ko, future Mrs. Villareal." Ginawaran niya ako nang matamis na halik sa labi at niyakap nang mahigpit.
"Don't entertain any more suitor, Misis V.," sabi niya, pinindot pa niya ang ilong ko. Isa iyon sa paborito niyang gawin dahil kyut daw ang ilong ko.
❣🐏❣🐏❣
Mabilis na lumipas ang isa't kalahating taon. Anim na buwan na lang at matatapos na ang kontrata niya doon. Walang tigil ang aming komunikasyon mapa-social media, tawagan sa selpon o video chat. Bihirang-bihira naman siyang mag-post sa kanyang social media account. Madalas ay naka-tag lamang siya sa mga post ni Dra. Olevares, sa mga lugar na pinapasyalan nila, mga gimik sa bar o may kasamang ibang mga bagong kaibigan doon. Parang siya ang nobya kung makayapos siya kay Ram. Na ipinagngingingit ko nang todo 'pag nakikita ang mga digital pictures nila. Hindi ko friend sa social media si Julia, nag-friend request ako dati pero hindi nito tinanggap. Hinayaan ko na lang, hindi ko rin naman siya gustong maging kaibigan, ginawa ko lang iyon para sa aking nobyo.
"My Yura, I miss you so much. Six more months and we can be together again," sabi niya. Nagbi-video chat kami habang naglalakad siya pauwi sa tinutuluyan niyang apartment. Mahirap rin kasing pagtugmain ang schedule namin kaya kung kailan may oras, kahit saglit nag-uusap kami.
"I miss you so much, too. Mwah! Mwah!" Inilapit ko pa ang mga labi ko sa kamera ng aking selpon. I'm intently teasing him.
"Damn! How I wish to torridly kiss those sweet lips of yours! Be prepared when I got there," may pagbabantang sabi niya na nagpakilig naman nang husto sa akin, lalo nang kinagat pa niya ang pang-ibabang labi niya.
Geez! I miss to kiss him, too. Nanuyo ang lalamunan ko nang maalala kung paano ako halikan ng aking nobyo. Maalab, marubdob, mapusok at nakapagghihina ang bawat himaymay ng aking buto't kalamnan. Halos naamoy ko pa't nalalasahan ang tamis at preskong hininga nito. At 'di lang minsan na kainggitan ko ang natural na pula ng mga labi niya dahil sa hindi paninigarilyo. Isa iyon sa nagustuhan ko sa kanya.
"Girl's scout yata ito, laging handa!" sagot ko na lang para pagtakpan ang alaala ng kanyang mga halik. Kinindatan ko pa siya na siyang nagpahalakhak sa kanya. God knows I really love this man!
Nawawala naman ang alalahanin ko 'pag nagkausap na kami. Lagi niya kasi sinasabi at ipinadarama na mahal na mahal niya ko. Pati nga ang suweldo niya ay ipinadadala sa akin para ipunin sa kasal namin. Kahit wala akong tiwala kay Julia, buo ang tiwala ko kay Ram.
Ipinagbilin pa niya na asikasuhin na ang kasal namin o kumuha ng wedding organizer para hindi raw ako mahirapan. Para pag-uwi raw niya ay konting preparasyon na lang ang gagawin tulad ng pagdalo naming magkasama sa seminar. Ipinamahala na niya sa akin kung saan simbahan na gusto ko, ang style ng wedding gown at motif, at kung ano-ano pang dapat paghandaan sa kasal.
Hindi na ko kumuha ng wedding organizer dahil may kaibigan naman akong mas excited pa sa akin, na siyang tumutulong sa aking mag-asikaso.
Sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan, ay mas lalong kong pinananabikan ang kanyang pagbabalik. Dalawang buwan na lang at mayayaka't mahahagkan kong muli ang lalaking pinakamamahal ko. Halos hilain ko na ang panahon para magkasama kaming muli.
Ngunit isang umaga't ginulat ako ng isang voice message galing sa kanya.
Marahil dahil sa sobrang pagod ko ay hindi ko nasagot ang kanyang tawag. Excited akong pinakinggan agad ang mensahe kahit nakahiga pa ako.
"Yura, listen carefully. I'm so sorry, I cannot fulfill my promise to you. I-I cannot marry you anymore."
Bigla na lamang bumulwak na tila isang bukal ang aking mga luha, kasabay nang pagbigat ng aking dibdib na tila pinagsakluban ng langit at lupa. Kilala ko ang boses niya... Hindi kaya prank lamang ito? Pilit na isinisigaw nang maliit na boses sa aking utak. Pero masyadong seryoso ang tono ng kanyang pangungusap. Narinig ko pa ang paghugot niya ng isang malalim na buntonghininga. Gustusin ko man ihinto ay dire-diretso naman ang kanyang mensahe.
"I am not the right man for you. You are beautiful inside and out. You deserve someone better. Don't hold on to a cheater like me. I'm sorry... Goodbye, Yura!"
Sa kabila nang patuloy na pagpatak ng aking mga luha ay pinilit ko pa ring i-dial ang kanyang numero. Hindi puwede ito. Hindi ako naniniwala na kaya niyang mag-cheat sa akin. Noong makalawa nang huli kaming mag-video chat. Oo't mukha siyang pagod pero nabasa ko pa rin sa kanyang mga mata ang tunay na pagmamahal sa akin. Tapos ngayon, ganito?
The number you are calling is currently unavailable. Please check the number and dial again.
Sabi ng recorded message. Nakailang dial pa ako pero paulit-ulit lang ang naririnig ko. I checked his social media account, it's disabled already. I checked Dra. Olevares' account but I cannot see it. It seemed that she blocked me as well. I even dialled her number as she is the only common person that we know. But just like Ram's number it was unavailable already.
"Mga putang-!na n'yo! Mamatay na sana kayo!" malakas kong pagmura. Ihinagis ko ang aking selpon at lahat ng aking mahawakan. Ipinagbabato ko sa dingding ng aking silid. Wala akong pakialam kung mabasag man ang mga iyon. Kulang pa iyon sa wasak na wasak kong puso. Nang mapagod ako'y dumapa na lang ako sa kama't nagpatuloy sa paghagulgol.
Ipinagamit ni Ram sa akin ang kanyang condo nang umalis siya. Mas malapit kasi ito sa ospital na pinagti-trabahuhan namin. Kaya wala akong pakialam kung basagin ko man ang lahat ng gamit niya dito.
Hindi ako pumasok nang araw na iyon at nagpakalago ako sa alak. Buti na lamang at dinalaw ako ng aking kaibigang si Princess kaya may napagsabihan ako ng nangyari.
"Don't jump into conclusion. Intayin natin baka tumawag siya't magpaliwanag nang maayos," pangaral pa niya sa 'kin.
Pero lumipas ang mga araw, wala pa ring Ram na nagpaliwanag. Lumayas na ko sa kanyang condo at nakitira kay Princess. Hindi ko masabi sa magulang ko na hindi na matutuloy ang kasal. Botong-boto pa naman sila sa kanya lalo na ang mga kapatid ko. Ipinakansela ko ang seminar namin sa simbahan, ang booking sa reception, ang catering at pati damit pangkasal.
Kahit na ang puso ko'y lihim pa ring umaasang na magbabalik siya sa nakatakdang araw ng kanyang pag-uwi. Ngunit, walang Ram na dumating. Hindi ko na naikubli ang mapait na katotohanang kinalimutan na niyang tuluyan ang kanyang pangako. Kinalimutan niya ang apat na taong naming pagmamahalan. Kinalimutan niya ang babaing umiibig sa kanya nang tunay.
Naging ispekulasyon ng lahat na sina Ram at Julia ang nagkatuluyan dahil kahit pala sa ibang kaibigan ni Julia sa ospital ay 'di rin ito nagparamdam. She deactivated her social media account. Marami ang hindi nakapaniwala iiwan na lang ako nang ganoon ni Ram. Pero may mga bagay talagang mahirap paniwalaan, ngunit siyang nangyayari. Hindi ko akalain na napakaduwag ng lalaking minahal ko, wala man lang bayag para harapin ako nang personal. Humingi ng tawad nang harapan at hindi sa isang voice message lamang. Gustong-gusto kong masapak man lamang siya o bigyan ng mag-asawang sampal.
Dumating ako sa punto na kung sino na lang ang dumating ay papatulan ko na. Kung kaya niya kong ipagpalit sa iba ay mas kaya ko siyang ipagpalit. Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Hindi lang siya ang nagkagusto sa akin. Marami kaya akong manliligaw na binasted dahil sa pagiging loyal ko sa kanya. Hindi ko sasayangin ang buhay ko para sa walang kuwentang lalaki.
Makalipas ang kalahating taon, dumating sa buhay ko si Clayton. Naging pasyente namin siya sa ospital. Hindi ko akalain na mapupukaw ko ang atensyon niya dahil mayama't guwapo ito. Isang half-British at sikat na arkitekto. Isang buwan lang itong nanligaw at sinagot ko na agad. Aaminin ko na hindi kasing lalim ng pag-ibig ko kay Ram ang nararamdaman ko para sa kanya pero isa siyang perfect replacement sa unang lalaking nagpatibok ng aking puso. Hindi ako magmumukhang kawawa kung sakali man dumating ang panahong magkita kaming muli nina Ram at Julia. Marami rin akong mga kaibiga't katrabaho na natuwa't nakisimpatya sa akin. Ang lahat ng nakaaalam ng pangakong napako ni Dr. Ram Villareal.
Mapusok ang naging pagsasama namin ni Clayton. Ipinagkaloob ko sa kanya ang bagay na ayaw angkinin ni Ram hangga't hindi kami kasal, ang aking pagkababae. Hindi naman ako nag-alala nang magbunga ang aming makamundong pagnanasa dahil pinangakuan rin naman niya ako ng kasal.
Apat na buwan na ang dinadala ko sa aking sinapupunan. Medyo nahahalata na ang pag-umbok ng aking tiyan pero hindi pa rin ako mapakasalan ni Clayton dahil may iniintay pa raw na dokumento galing sa Inglatera.
Kahapon, isang sorpresa na naman ang aking nabalitaan. Nagparamdam raw si Dra. Olevares sa kaibigan nitong doktora rin dito. Nag-iimbita raw sa kasal nito. Ayon sa nagbalita sa akin, hindi raw sinabi kung sino ang pakakasalan. Pero may iba pa ba kaming aasahan? Intayin na lang daw namin ang pormal na imbitasyon.
"Dra. Sta. Ana, may bisita ka sa opisina mo," sabi sa akin ng kaibigan kong nars na si Princess pagkalabas ko sa isang operating room, after I performed an epidural administration to one of the patients.
Wala akong inaasahang bisita maliban kay Clayton na susunduin ako pagkatapos ng duty ko, in about 15 minutes, at lalong wala na akong naka-schedule na pasyante.
"Sino raw?" tanong ko, "baka kasi masorpresa na naman ako, alam mo naman, life is full of surprises," pinilit kong pinasigla ang boses ko. Kahit na nagririgodon ang aking puso. Ang lakas kasi ng kutob kong ito na ang oras ng pagtutuos.
"Si Dra. Julia Olevares," sagot ni Princess, "kaya mo iyan, Bes, ipamukha mo sa kanila na madaling palitan ang mga taksil na tulad nila," sumungaw ang mga ugat nito sa leeg sa panggagalaiti, kahit pa hindi nito mailakas ang boses. Isang payak na ngiti ang aking itinugon.
PANGAKO 3/4
Nang pumasok nga ako sa aking opisina ay nadatnan kong nakaupo't nagbabasa ng magazine si Dra. Olevares. Tumayo ito nang makita ako. Hindi nakaligtas sa mapanuri kong paningin ang pagpasada niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at bumalik sa aking tiyan.
Gayon din ang ginawa ko sa kanya pero plat na plat ang kanyang tiyan. Actually, she's still sophisticated as ever, and her body was curved proportionally. Hindi naman santo si Ram para hindi nila gawin iyon o maingat lang talaga sila. Medyo nahiya ako sa aking sarili sa parteng iyon.
"Hi. I guess I need to congratulate you," she told me full of sarcasm whist still eyeing on my baby bump.
"Oh, you're welcome," a gave her an equal sarcasm, "or maybe I'll be the one congratulating you for finally make off with him. Ipinamukha mo ba sa kanya na ikaw dapat ang pakasalan niya dahil sa pagpapaaral ng pamilya mo sa kanya?" hindi ko na napigilang isumbat ang matagal ko nang dapat ginawa. Kung hindi nga lang ako buntis ay baka sinugod ko na ang babaeng linta na ito at inginudngod ang pagmumukha sa anidoro kung saan siya nababagay. Ang kadidismaya lang ay wala dito ang hinayupak na lalaking supot! Baka pinauna muna ang mahadera bago pagpakita sa akin. Prente akong umupo sa aking swivel chair, sabihin nang kabastusan ngunit sinadya kong hindi siya aluking umupo. Ayoko rin magtagal pa ang pag-uusap namin.
Isang nakababanas na ngisi ang iginanti niya sa akin at naiiling pa. Pagkatapos ay isang nakamamatay na tingin naman. Hindi ako nagpatinag. Kayo ang may kasalanan sa akin hindi ako, sabi ng maliit ngunit mataray na boses sa aking isipan.
"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sa iyo ni Ram na hangga't sa huling sandali'y ikaw pa rin ang kanyang inalala," sabi nito na ngayon ay nagsalubong na ang perpektong guhit ng kanyang mga kilay.
Naguluhan naman ako sa kanyang tinuran, tama ba ang kanyang sinabing huling sandali o nabingi lamang ako? Hindi rin naman ako nabigyang pagkakataong makapagtanong dahil nagpatuloy lang siya.
"Kung hindi niya lang akong pinapangako na ako mismo ang magbigay nito sa iyo nang personal ay nungkang kausapin kita." Ihinagis niya ang isang puting legal size envelope sa aking harapan.
Naramdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan na tila tinakasan ng lakas, nanlalambot ang aking mga tuhod. Mabuti na lamang at nakaupo ako. Gustong-gusto kong magtanong. Alamin ang nangyari ngunit naumid ang aking dila at napatitig lang sa sobre.
"He was my best friend. He's like a brother though we're not blood related. He didn't deserve to die—" Pumiyok ang kanyang boses tanda ng pagpipigil maiyak at agad din siyang tumalikod sa akin, pasimpleng pinunasan ang kanyang mga mata.
"W-when did it happen," naisatinig ko sa wakas. Lalong bumigat ang aking kalooban. Tulad niya ay agad ko rin pinahid ang mga luhang biglang tumakas sa aking mga mata.
Humarap siyang muli sa akin na puno nang hinanakit ang mga mata. "Next month will be his first death anniversary," tugon niya.
Next month? Next month din ang ika-unang taon mula nang matanggap ko ang voice message na nakipagkalas siya sa akin. Iyon ba ang dahilan?
Napatayo ako at itinungkod ang mga kamay sa lamesa. "Bakit ngayon mo lang ipinalam ito?" may kalakasan kong tanong na puno nang panunumbat.
"It's his last wish. He made me promise him not to let you know, until you find another man." Ramdam ko ang hinanakit sa kanyang boses.
"He said that he's a cheater?" patanong kong sambit.
"Sinabi niya iyon para magalit ka sa kanya. Kung ipapaalam niya ang totoong nangyari ay baka hindi ka raw mag-asawa't mabuhay na lang sa kanyang alaala. He didn't want it. He wanted you to find a man who will marry you. A husband who will stay and love you. He wanted you to be happy." Bawat katagang binitiwan niya ay tila mga punyal na sumaksak sa aking puso, lalo na't puno nang pang-uuyam ang kanyang boses.
"And look at you! According to my source, six months pa lang ay napalitan mo na agad siya. So pathetic!" Her right eyebrow arched and her lips pouted in disgrace for me.
"I'm done here. I fulfilled my promise to him." Tumalikod na siya at naiwan akong nakatulala. Nablangko ang aking isipan at hindi ma-process ang lahat ng aking nalaman.
"Clayton?" Napabaling ang aking atensyon sa may pintuan kung saan gulat na gulat si Julia nang mapagbuksan niya ng pintuan ang aking nobyo.
Nasaksihan ko rin ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Clayton na tila nakakita ng multo. Dalawang pares ng mga mata ang sumalubong sa akin. Isang puno nang pangamba at isang puno nang panghuhusga.
"Ano ang sinabi mo sa kanya?" madiin na tanong ni Clayton kay Julia nang makabawi ito sa pagkagulat.
Umarkong muli ang mga kilay ng dalagang doktora at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Oh! I should invite the two of you on my wedding. Your wife and daughter will be there, my dear brother-in-law..." sabi niya kay Clayton, "and his mistress number three!" sabay harap sa akin na lalong nanlisik ang kanyang mata sa galit.
Dumaretso na siyang lumabas at binalabag ang pintuan. Muli akong napaupo sa pagsabog ng panibagong katotohanan. May sasakit pa ba sa araw na ito? Ang malaman mong ang lalaking akala mong nangtaksil sa'yo'y, nagmahal hangga't sa kanyang huling hininga at ang lalaking akala mo'y mas nakahihigit sa kanya'y isang malaking kasinungalingan. Doon na ako hinatak ng kadiliman.
PANGAKO 4/4
"I am not the right man for you. You are beautiful inside and out. You deserve someone better. Don't hold on to a cheater like me. I'm sorry... Goodbye, Yura!"
"Ma, everytime you're watching Papa's video, you're crying," sabi ng anak ko. Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa aking likuran. Dumampi pa ang kanyang malambot na mga labi sa aking kanang pisngi.
"I know how much you love each other but he's not gonna be at peace if you're always crying. Papa wanted you to be happy and so do I," bulong ng labing-limang taong gulang kong binatilyo.
Labing-anim na taon na ang nakalipas mula nang pumanaw si Ram dahil sa ebidemiyang Severe acute respiratory syndrome (SARS) noong Marso 2003 na libu-libong tao ang namatay. Isa siya sa doktor na nag-volunteer para mag-assist sa mga naapektuhan nito, ngunit pati siya ay nahawahan. Mabilis ang epekto ng virus sa immune system ng biktima. Wala pang isang linggo ay namamatay ang biktima.
Nasa loob ng isang de-salamin na silid sa Ram habang dinig ang paghikbi ni Julia habang nagbi-video rito, gamit ang portable video recorder. Pigil na pigil naman ang pag-iyak ni Ram habang nag-iwan ng mensahe sa aking selpon.
Nasa loob ng puting envelope na bigay ni Julia ang last will and testament at ang VCD na aking pinapanood. Iniwan niya sa akin ang lahat ng ipon at ari-arian niya sa last will and testament na pinirmahan na niya nang maramdaman ang sintomas ng kanyang sakit. Ipinanotaryo rin ito ni Julia sa kanyang abogado sa kahilingang ng aking dating nobyo.
Nang malaman ko ang tungkol kay Clayton, nagpasya na akong lumayo. Nag-iwan na lamang ako ng isang liham ng pasasalamat kay Julia. Hindi man kami naging magkaibigan nito, naging tapat naman itong kaibigan ng lalaking una kong minahal. Umuwi ako sa probinsya't ipinagtapat sa aking magulang ang mga kamalian aking nagawa. Kung paanong napuno ng galit ang aking puso nang matanggap ko ang mensahe ni Ram at ninais kong maghiganti sa pamamagitan ni Clayton. Ang padalos-dalos kong pagpapasya noon ang lalong nagpahamak sa akin. Tinanggap at napatawad naman ako ng aking pamilya.
Natutunan ko na may pag-iibigang totoo pero hindi nakatadhana, tulad ng sa amin ni Ram. May mga taong daraan sa ating buhay na mag-iiwan ng masakit na karanasan, tulad ni Clayton. Gayunpaman, dapat tayong matuto sa mga karanasang iyon. May mga kasinungalingang kailangang panindigan para sa taong ating minamahal.
Kung sinabi ni Ram ang tunay na pangyayari, maaring hindi ko na nga pinatulan si Clayton noon. Hindi sana ako naging dalagang ina. Hindi sana ako naghabi ng kuwento kay Ram Yuan Sta. Ana na ang kanyang ama ay si Dr. Ram Villareal. Na nabuo siya nang magbakasyon ang kanyang ama ngunit hindi pa kami kasal kaya hindi niya nagamit ang apelyido nito. Ayokong malaman niya na isa siyang bunga ng pagkakamali ko. Hindi man sang-ayon ang aking mga magulang at mga kapatid noon ay hinayaan na lamang ako. Hindi naman halata dahil mas malaki ang pagkakahawig nito sa akin at hindi kay Clayton. May dimples pa ito sa kanang pisngi na tulad naman ng kay Ram, kahit hindi rin sila magkahawig.
Ibabaon ko na siguro sa aking hukay ang kasinungalingan tungkol sa tunay niyang ama, na hindi niya nararapat pang makilala. Pangatlong babae pala akong naanakan nito maliban sa tunay nitong asawa na kapatid ni Julia. Likas ang pagiging babaero nito. Nakasal lamang ito sa kapatid ni Julia dahil sa pag- iisa ng negosyo ng kani-kanilang pamilya. Ayoko nang makigulo pa doon.
Ngayon ay nasa Australia na kaming mag-ina. Residente na kami rito at napagtapos ko rin ang mga kapatid ko dahil na rin sa mga iniwan na ipon ng lalaking una kong minahal.
"You should accept Luke's proposal of marrying you, Ma. I know that Papa would understand," puno nang pagmamahal na sabi ng aking si RY.
Si Luke ay isang Australian doctor sa ospital kung saan ako nagti-trabaho. Dalawang taon na rin kaming magkasintahan at kamakailan ay niyaya na akong magpakasal. Hindi agad ako makapagpasya dahil hanggang ngayon ay may malaking bahagi pa rin ng aking puso ang pag-aari ng inaakalang ama ng aking si RY.
"And besides, Ma, I still want to have a brother or sister." Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng aking anak at hinalikan pa ako sa aking noo. Mapalad pa rin ako na mabait at mapagmahal ang aking anak.
Kung mali man ang aking pagpapasyang itago sa kanya ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na ama. Hiling ko lamang na nawa'y maunawaan niya ako pagdating ng araw na mabunyag ang aking lihim. Dahil ipinangako ko sa aking sarili noong ipanganak ko siya, na isang ulirang ama ang nararapat niyang kilalanin. Iyon ay ang lalaking tapat sa kanyang pangakong pagmamahal sa akin, hindi man natupad nito ang pangako kasal, dahil inagaw ng kamatayan.
Date written: 23 - 30 Aug 2019
❣🐏
PANGAKO
All Rights Reserved.
Copyright © 2019
HeartTorturer A.K.A.
Eiramana325
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top