OSS 22: Be Mystified

It's better to be mystified.

So, let's stay in our enigmatic way.

🍁💨

"Ba't ganyan ang itsura mo? Broken ka, bes?" bungad na tanong ko sa aking bestfriend na si Jerlie.

May jowa kasi siya sa RP'ier.  Nakigaya kasi siya sa iba naming klasmeyt na puro naghahanap ng kars o ka-relationship daw sa Facebook. Ewan ko ba kung ano na nangyayari sa mundo pati ang pagkakaroon ng jowa sa online na hinahanap.

"It seems like it, bes.  It's because of Julian Blackthorn. He is... hmm..." napalabi siya na tila nahihiya.  Namumula pa ang kanyang mga pisngi. 

Si Julian Blackthorn ang jowa niya.  Dalawang linggo na silang mag-jowa.  Sa unang pa lang nilang pagcha-chat ay nanligaw na ito at sinagot din agad ng kaibigan kong atat magka-jowa dahil walang nanliligaw sa kanya.   Hindi naman sa hindi siya maganda, ha. Ilag  lang ang mga klasmeyt namin sa kanya dahil inglesera at talaga naman matalino.  Si Julian, Amerikano raw kaya't kahit mag-English-an sila sa chat, carry nilang hindi dumudugo ang ilong.  First  jowa niya iyan sa RPW at wala pang naging jowa sa real world ang babaeng iyan. 

Ang 'di ako makapaniwala ay ang sinabi niyang in love na siya sa lalaking 'di pa nga niya nakikita kahit sa picture.  Ang DP o display picture na gamit nito ay hunk na model na may six-pack abs, mga bes.  Tulo laway ng besti ko sa dp niya.

"Ano? Naging ghost na?" tanong ko ulit.  Ghosting ang biglaang hindi pagpaparamdam ng ka-chat o jowa mo sa RPW.

"Nah," naka-pout niyang sagot.  Kainis talaga ito, pabitin.

"Nag-SOC na naman kayo? Magaling naman siya, sabi mo? Baka nag-video call na kayo habang nagso-soc?" 

SOC or sex-on-chat.  Ilang araw pa lang silang mag-jowa nag-soc na sila.  Tinuruan daw siya.  Ako nga curious na rin sa soc na iyan, eh. Subukan ko kaya? Lalong namula ang mukha niya. Sapol.

"So, guwapo ba talaga siya? May six-pack abs talaga?" curious kong tanong.

"Nah." Naluha na siya at iniabot sa akin ang selphon niya.  "That's him!"

Hindi ko malaman kung tatawa ako o makikisimpatiya sa kanya.  The man on the recorded video was a caucasian, wearing a thicker eyeglasses, his face was covered with gray beard and he has a huge belly. 

"He's older than my grandpa!"

"Ayaw mo iyon, bes, may jowa ka na, may grandpa ka pa. May Santa Clause ka pa pag-Pasko."

07.Jan.20

400 words

🍁💨

Be Mystified
Eiramana325
Copyrighted 2020
All Rights Reserved

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top