OSS 20: Being Ignored

Sapol at 'di nakailag si Jaimee nang mabasa ang isang mensahe sa Facebook page.

Being ignored.

Two words, 12 letters that could lower your self-esteem.

Better focus on the people who could cherish your worth.

3/365
💙

"Senyales na ba ito?" naisatinig niya ang iniisip habang nakatitig sa kanyang selpon.

"Senyales ng ano?" Biglang inagaw ni Cedric ang kanyang selpon at binasa ang mensahe.

"Oo! Tumigil ka na sa kahibangan mo diyan kay Dale, kung mahalaga ka sa kanya. Hindi ka babaliwalain no'n." Nagsalubong ang makapal na mga kilay ng binata.

"Eh, mahal ko, eh. Busy lang siya," sagot pa ng dalaga at inirapan ang bestfriend niya.

"Mahal ka ba? Kasi kung talagang mahal ka niya. Bibigyan ka niya ng oras. Kahit i-text ka man lang o i-message. Pahahalagahan niya ang damdamin mo, ang pagmamahal at pag-aalala mo. Hindi ka niya paaasahin at pag-iintayin sa tuwina."

Bawat katagang binitiwan ng kaibigan ay tila mga punyal na tumarak sa kanyang puso. Isinigaw nito ang katotohang ayaw niyang marinig.

Hindi palasalitang tao si Cedric. Mas madalas ay nakikinig lang ito sa kanyang mga hinaing sa buhay. Laging karamay kung may problema siya at tagapagtanggol sa umaaway sa kanya. Magkaibiga't magkaklase sila mula elementarya at hayskul. Ngayon nasa kolehiyo na sila at magkaiba ang unibersidad na kanilang pinapasukan ay nagkikita pa rin sila tuwing Linggo o kapag nag-text siya at nagpasama rito. Tulad ngayon na itinext niya ito para samahan siya mall dahil may kailangan siyang bilhin.

Si Dale ang dapat kasama niya. Nobyo niya ito mula noong nasa huling taon sila sa hayskul. Kahit nasa iisang unibersidad ay bihira rin silang magkita dahil magkaiba ang kanilang kurso't gusali. Lagi rin itong may dahilan tuwing Sabado na dapat ay araw ng dalaw nito sa kanya.q Tinawagan niya ito kanina dahil hindi ito sumipot sa oras at lugar na usapan nila. Nalimutan daw nito dahil may tinatapos na group project. Ano pa ba ang magagawa niya kung 'di ang unawain ito. Kasi nga mahal niya.

Ngumiti siya nang pilit sa kaibigan upang ikubli ang kirot na naramdaman, ngunit galit ang nakita niya mukha nito habang ang tingin ay tumagos sa kanyang likuran.  Sinundan niya ang tingin nito at 'di niya napigilan ang pagbukal ng mainit na likido sa kanyang mga mata.

Nagulat na lang siya nang nagtilian ang mga tao dahil nakahandusay na si Dale sa sahig at umiiyak ang babaeng kani-kanina lamang ay may matamis na ngiti habang nakaakbay dito ang nobyo.  Si Cedric ay nagliliyab sa galit habang nakaduro rito.

"Tarantado ka, Dale! Nagparaya ako sa 'yo dahil sabi mo mahal mo siya at 'di mo sasaktan.  Ilang beses na kitang binalaan, pero ngayon 'di na kita hahayaan pang lumapit pa sa kanya!"

Mas lalo niyang ikinamangha ang 'di direktang pagtatapat nito ng damdamin para sa kanya.  Akala niya'y siya lamang ang may lihim na patingin sa kanyang bestfriend.  Kung sanay nanligaw ito noon, 'di na sana nahulog ang loob niya kay Dale.  Hindi na sana siya nasaktan pa nito.

03.01.20

500 words

🍁💨

Being Ignored
Eiramana325
Copyright 2020
All Rights Reserved.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top