OSS 19: Her Writer

Nagsalubong ang makurbang mga kilay ni Jenna nang buksan ang kanyang Messenger at ang tanging mensaheng natanggap niya ay hindi nagmula sa taong inaasahan niya. Napasimanggot siya sa pagkadismaya.

Tanging ang pangalan ni Peping Manunulat ang naka-highlight, maliban sa mga group chat na kinabibilangan niya. Hinanap niya ang pangalan ng kanyang hinahangaan na natabunan nang iba't ibang mensahe.

Ilang araw na niyang ini-ignore ang mensahe ni Peping. May kakulitan kasi itong taglay. Sa totoo lang ay magaling itong manunulat pero sa RPW or Role Player World. Mas mabuting hindi mo ipaalam ang tunay mong pagkatao. Sa mundong ito, lahat ng mga tao ay kabataan, magaganda't guwapo.

People judged based on person's physical appearance, gender and age. It's the sad truth that anyone should endure.

Dahil isang manunulat si Peping kaya't naka-post ang tunay nitong larawan. Hindi ito kaguwapuhan na tulad ng ibang lalaking manunulat kaya't hindi ito kasing sikat ng iba.

Napilitan siyang buksan ang mensahe nito.

Let him shower you with messages until his pen could no longer write any words.

2/365
💙

Hindi siya nag-reply o kahit nag-like sa message nito. She really didn't care about him at all. Kung siguro'y galing pa iyon sa kanyang hinahangaan, marahil ay tila isang bulate na siyang binuhusan ng tubig na may sabon sa pangingisay.

"Sana nga'y magsawa ka na lang. You're so pathetic!" inis niyang sambit para rito.

Nag-browse na lang siya sa kanyang timeline at ini-stalk niya ang kanyang hinahangaan. Kumirot ang kanyang dibdib nang makita ang relationship status nito.

"Saklap naman. May jowa na si Krass," himutok niya sa sarili.

Mula noon ay bihira na siyang mag-login sa kanyang RPW account. Kung mag-login man siya'y si Peping lang naman ang may mensahe sa kanya.

Kung sana'y puwede niyang sabihin sa kanyang puso na ito na lang ang i-crush back niya. Kung hindi nga lamang niya siguro nakita ang tunay nitong anyo tulad ng kanyang hinahangan ay baka magka-crush rin siya rito.

Tulad ng ibang kabataan ay umaasa rin siyang natagpuan dito ang magiging jowa at maging sila hanggang sa tunay na mundong, walang pagkukunwari.

Dalawang linggo na ang nakalipas nang muli niyang buksan ang kanyang Messenger. Nagtaka siya nang walang mensahe mula kay Peping. Ang huling mensahe nito'y may isang linggo na ang nakalipas.

Muli ay dinalaw ng kalungkutan ang kanyang puso.

"Dapat ay masaya na ako dahil nagsawa na siya sa pangungulit sa akin," nasabi niya. Hindi niya maitatangi sa sarili ang pagka-miss niya mga mensahe nito.

Mula noon ay araw-araw niyang muling binubuksan ang kanyang account, umaasang muling makatanggap ng mensahe mula kay Peping. Ini-stalk niya rin ang account nito. Ang huli nitong posted message ay kasing tagal nang huling mensahe nito sa kanya.

Nasapo niya ang naninikip na dibdib at tila isang bukal na umagos ang kanyang mga luha nang mabasa niya ang posted message ng isang manunulat na kasamahan ni Peping.

Nagdadamhati ang aming puso sa tuluyang paglisan ng isang magaling na manunulat. Dalawang linggo rin siyang nakipaglaban kay Kamatayan mula nang naaksidente siya. Sa pamilya't kaibigan ni Peping Manunulat, ihinahatid namin ang aming taos-pusong pakikiramay.

02.01.20

530 words

🍁💨

Her Writer
Eiramana325
Copyright 2020
All Rights Reserved.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top