Chapter Two

"Bakit kailangang sigawan mo nang gano’n si Jimjim?"

"Kasi matigas ang ulo nya!" katwiran naman ni Wendy.

“Alam mo, nase-sense ko talaga sa’yo na mapagpatol ka sa mga bata. Hindi ka ba naging bata man lang? Bakit kailangang gano’n mo sila kung tratuhin?” naiinis na tanong naman ni Rico.

“Hoy, anong mga bata? Si Jimjim lang ang sinigawan ko dahil napakakulit niya. Bahala ka na kung ire-report mo ako sa mga head dito. Nakakapagod din namang magtrabaho eh!” sigaw ni Wendy saka napa-walk out na lang.

“Pagpasensiyahan mo na Sir Rico, mabait naman ‘yan si Wendy. May pagkamaarte at impatient lang kung minsan dahil sa past niya. Nag-a-adjust pa kasi siya sa mga baga-bagay dahil dati siyang mayaman at nalugi lang ang negosyo ng kanyang mga magulang. Tapos, medyo frustrated pa siya dahil sa itinigil muna niya ang pag-aaral sa acting acedemy. Gusto kasing mag-artista nyan,” paglalahad naman ng isa sa mga kaibigan ni Wendy sa welfare station, si Maita.

“Gano’n ba? Alam mo, medyo nanghinayang nga ako dahil maganda sana siya tapos ganyan naman ang temper niya. Hindi rin siya tatagal sa showbiz industry kung ganyan ang attitude na mayro’n siya,” komento naman ni Rico. Makailang saglit ay lumapit naman sa kanya ang batang si Jimjim.

“Nagalit yata talaga sa akin si Ate Wendy,” naiiyak na sambit ni Jimjim at yumakap kay Rico. “Kuya, hanapin po natin si Ate Wendy, mabait naman po siya. Makulit lang po talaga ako pero kahit kailan, di naman po siya nanakit sa amin.”

“Huwag kang mag-alala, itatanong ko sa HR kung ano ang number niya, okay?” pangako naman ni Rico sa bata.

Samantala…

“Sana naman makipag-usap na ang parents ko sa akin, sana payagan na nila akong manirahan na kasama sila. Hindi ko na talaga kayang magtrabaho at maging yaya tapos tagaligpit ng kalat ng mga batang paslit na ‘yon,” litanya ni Wendy saka huminga nang malalim bago katukin ang pinto ng maliit na bahay na pinagtataguan ng kanyang mga magulang. Kasalukuyan na kasi itong hina-hunting ng mga nautangan at hindi pa nababayarang shares sa nalugi nilang negosyo. At sa ngayon, gusto niyang ihinga lahat ng kanyang sama ng loob dahil sa biglang pagbagsak ng kanilang kabuhayan. Para sa kanya, mas magiging magaan pa rin ang buhay kung kasama naman niya ang kanyang mga magulang.

“Kumusta ka na, anak? Nakapag-ipon ka na ba para pambayad sa utang natin? Kapag hindi tayo nakapag-settle, ikaw na ang hahabulin nila.” Sa halip na kumustahin, tungkol na naman sa pera ang bungad ng kanyang ina.

“Ma, naman. Sa tingin mo makakapagtabi pa ako ng pera eh minimum lang ang sahod ko. At mukhang matatanggal pa ako,” nababahalang sagot naman ni Wendy.

“Ni hindi mo man lang ako tinanong kung nasa maayos ba akong kalagayan. Sa totoo lang, gusto ko nang tumira rito kasama kayo. Hindi rin ako mapanatag na magkawatak-watak tayo,” pagpapatuloy naman ng dalaga.

“Bakit kasi hindi mo bawas-bawasan ang pagiging maldita mo? Tandaan mo, kailangan mong makisama para magtagal ka sa trabaho,” naasiwang tanong ng nanay ni Wendy.

“Kasalanan n'yo naman ito, eh. Bakit kasi hinayaan ninyong malugi ang negosyo natin? Ano bang pagsasakripisyo pa ang gusto ninyong gawin ko? Sa totoo lang, hirap na hirap na akong makisama para lang kumita ng kakarampot na salapi. At tinalikuran na rin ako ng mga kaibigan ko matapos nilang malaman na naghihirap na ako. Hindi rin sila nagpapautang,” hinaing ni Wendy saka Bumuntong-hininga.

“Siguro saka ko na lang kayo kakausapin kapag may pera na ako. Baka ibenta ko na lang ang sarili ko.”

“Hindi sa ine-encourage kita na gawin ‘yon, pero kung ‘yon lang ang paraan para makalikom ng 5 million na settlement, sana nga may bumili sa’yo,” malungkot na tugon ng nanay ni Wendy.

“Talagang gusto n’yo akong magbenta ng katawan? Hindi ako makapaniwala na masasabi n’yo ‘yan. Maiwan ko na nga kayo!” singhal ni Wendy nang may buong hinanakit.

Aburidong iniwan ni Wendy ang kanyang ina kahit medyo hindi na maganda ang panahon sa labas. Walang dalang payong si Wendy at naglalakad pa siya pauwi ng kanyang bahay.

"Kailangan ko nang magmadali, ayokong magmukhang basang sisiw. Ayokong pagtinginan ng kahit sino," sambit niya sa kanyang sarili.

Hangga't sa nag-ring ang kanyang cellphone. May tumatawag sa kanyang unregistered number. Naisip nyang tinotoo agad ng pinagkautangan ng mga magulang nya ang banta sa kanyang hahabulin siya ng mga ito. Sinagot naman niya ang tawag.

"Hello po, pwede po bang bigyan nyo pa po ako ng panahon pa? Pangako po, mababayaran ko po yung utang ng mga magulang ko sa inyo, sana po maintindihan n'yo po, busy pa po ako sa kakahagilap ng pera at hindi biro ang limang milyon na hinihingi ninyo. Ibababa ko na po ah,” mabilis na paliwanag ni Wendy bago patayan ng phone ang unknown caller.

Nagulat naman si Rico sa narinig nya nang tawagan nya si Wendy at naguguluhan siya sa mga tinuran nito.

"Kawawa pala si Wendy, may pinagkakautangan pala siya at ‘di man lang ako pinagsalita," sambit ni Rico sa kanyang sarili. Dapat pala ay nag-text na lang siya dahil nasira lang niya lalo ang araw nito. Sa katunayan, gusto lang naman niyang mag-apologize dahil na-misunderstand niya ito at inakala niyang sinasaktan nito ang mga bata kasama na si Jimjim. Sa kabilang banda, naisip naman niya na muling tawagan ang HR manager para sa mabilis na pagtunton niya ng impormasyon tungkol kay Wendy.

“Aasahan kong maibibigay ninyo ang info tungkol sa kanya. Sapat na sa akin kahit kopya lang ng resume niya,” magalang na sambit ni Rico sa HR manager matapos niyang sabihin sa tawag ang kanyang pakay.

Samantala, inabutan na nga ng malakas na ulan si Wendy. Napahinto sya sa harap ng bookstore at nakakita siya ng magazine sa loob— isang fashion and lifestyle mag na nakaagaw ng kanyang atensyon kaya tiningnan nya ito para masipat nang mabuti ang cover nito.

“Rico Jimenez? Ang gwapo naman pala ng damuhong ito kahit nakakainis siya,” usal niya pa. Isinahod ni Wendy ang kanyang kaliwang palad at sinalo ang ang mga patak ng ulan mula sa kinasisilungan sa bandang gilid ng entrance ng bookstore.

“Kung ang mga patak ng ulan ay pera, ‘di na sana ako sisilong pa, nakaka-miss ang mga panahon na nabibili ko ang mga bagay na gusto ko. At ngayon, kahit ang magazine na ‘yan, hindi ko na afford,” naawang aniya sa kanyang sarili.

“Sana next time, ako naman ang malagay sa cover ng magazine na ‘yan, gusto ko talagang makakuha ng atensyon,” pagpapatuloy naman niya at naantala na nga ang kanyang pagmo-moment nang may mga pamilyar na babae siyang nakita. They were her former classmates in college.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top