Chapter Three
“Wendy? Ikaw ba ‘yan? Tama! Kaya pala tumigil ka na sa pag-aaral, kasi mahirap ka na!” tila nang-aasar na bungad ng kanyang kaklase.
"Oo nga, ang bilis talaga magbago ang tadhana. Ngayon wala ka nang ipagyayabang dahil mahirap ka na!" Gatong naman ng isa.
"Pwede ba, kung wala kayong magandang sasabihin wag n'yo na lang akong pansinin? Ako ang naghirap! Hindi naman kayo, ‘di ba? Mas okay pa sigurong umalis na lang kayo," pagtataboy ni Wendy sa dalawang asungot at akmang paalis na siya sa harap ng bookstore. Pinigil naman si Wendy ng mga dating kaklase at iniabot ang payong sa kanya.
“Nakakaawa ka habang naghihintay dito. Para kang guard e, o sige papasok na kami.”
Tuluyan na ngang nasira ang magandang mood ni Wendy. Hindi ganitong atensyon ang gusto niyang makuha. Papasok na sana ang mga dating kaklase niya nang biglang marinig nila na may tumawag kay Wendy.
"Wendy! Nandito ka lang pala, hinahanap kita." Isang lalaki ito na nakapayong. Nagulat sila nang makitang si Rico pala iyon.
“He's here!” ang sabi ng isang dating classmate ni Wendy na obviously, fan ng binata. Halos tumili na ito sa labis na excitement.
"Rico? Bakit ka nandito?" tanong ni Wendy.
Lumapit sa kinaroroonan nila si Rico at hinawakan sa kamay si Wendy para isilong sa payong niya. Talagang na-shock ang dating classmates ni Wendy sa nakita nila lalo na nang hawakan sya ni Rico sa kamay.
"Hi Rico!" bati ng isang kaklase ni Wendy. Tipid lang ang ngiti ni Rico sa mga ito.
"Hello, mauuna na pala kami at saka kung pwede magpakabait na kayo ah?"
Umakbay pa si Rico kay Wendy sabay layo nila sa mga dating kaklase nito at sa bandang huli ay inggit to death sila.
"Paano mo nalamang nando'n ako sa bookstore na ‘yon?" tanong ni Wendy kay Rico. Nasa loob na sila ng van para bumyahe pero di alam ni Wendy kung saan sila pupunta.
"I have an app sa phone ko na mata-track kung nasaan ang tinawagan ko, eh sa bandang lugar na ito na-point kung nasaan ka, kaya nahanap kita. Akala ko talaga palpak ‘yong app, mabuti na lang hindi." Napakatamis pa ng ngiting ipinakita ni Rico kay Wendy nang isagot niya iyon.
"Ibig sabihin ikaw yung tumawag kanina?" nahihiyang tanong ni Wendy. Nakakahiya dahil nabanggit pa niya ang tungkol sa utang ng parents nya.
"Yup! Ako nga, by the way isipin mo na lang nag-japanese ka nung mga time na tinawagan kita kanina kaya di ko naintindihan kung anong sinabi mo," kibit-balikat na sagot naman ni Rico.
"Ah okay, saan pala tayo pupunta?"
"Sa lugar na masaya at tayong dalawa lang."
Natigilan si Wendy, iba na naman ang pumapasok sa isip nya.
"Napakabilis mo naman Rico, hindi ka pa nga nanliligaw dadalhin mo na ko sa lugar na yan,grabe ka," sa isip isip nya habang nanatiling nakatingin kay Rico.
"Okay ka lang? Teka baka iba yang iniisip mo ah, ang ibig kong sabihin pupunta tayo sa mall, masaya doon, ‘diba? At tayong dalawa lang ang pupunta do'n," sambit ni Rico habang natatawa dahil sa pagkatulala ni Wendy.
“Pero bakit?” nagtatakang tanong pa ng dalaga.
“Wala lang. Para magbigay ng peace offering. Napahiya kita kaya ka nag-walk out. Pasensiya na. Pagdating kasi kay Jimjim, sobra ang concern ko, eh,” pagtatapat naman ni Rico.
“Eh, bakit nga ba? Anak mo ba siya?” biglang tanong naman ni Wendy sa pabirong paraan, nagbabakasakaling aamin na si Rico sa motive nito kung bakit nito sinusubaybayan si Jimjim.
“Hindi ah. Gusto ko lang siyang ampunin. Pero hindi ko pa magagawa sa ngayon. Ang dami kasing hadlang,” sagot naman ni Rico at muling huminga nang malalim saka pinaandar ang sasakyan.
Payapa silang pumasok sa mall at hinayaan na nga ni Rico na makapamili ng bagong sapatos si Wendy. Hindi naman sila nakaligtas sa pang-iintriga ng sales staff na naroon.
“Ma'am, kayo na ba?” biglang tanong pa nito kaya naman, nagkatinginan sila ni Wendy at Rico at nagtawanan.
"Ay, ‘di ko po yan boyfriend. Friends lang kami," nakangiting sagot naman ni Wendy.
"Sorry po, akala ko talaga magsyota kayo. May kamukha nga po siyang artista, eh," sagot pa ng sales staff na mas nag-focus sa kakatingin kay Rico.
"Ang totoo niyan, mag-asawa talaga kami," sabad naman ni Wendy pero sa isipan lang.
"Pero siguro kamukha niya lang. Anyway, pumili na po kayo ng gusto ninyo," pakli ng sales staff at saka umiling habang ngumingiti.
Pagkatapos bumili ng sapatos at mga laruan para kay Jimjim pati na rin sa ibang bata sa welfare station ay nagpunta naman sila ng restaurant para kumain.
"Rico. Curious lang ako, bakit masyado kang close kay Jimjim? Tapos magkamukha kayo, ‘di kaya a—"
Natigil sa pagsasalita si Wendy nang idikit ni Rico ang kutsarang gamit nito habang kumakain sa labi niya. Lubhang nnakakagulat ang ginawa nito para sa kanya.
"Hala! Yung kutsarang gamit nya dinikit nya sa bibig ko! Parang nag kiss na rin kami!" sabi ni Wendy sa kanyang isipan habang nakatulala na naman at tameme sa harap ni Rico. Hindi niya maipaliwanag ang biglang kilig na dulot ng presensiya ni Rico, samantalang nitong mga nakaraan lang, pinag-iisipan niya ito nang masama at medyo pinagdududahan din niya ang kabutihan nito.
"Kung ano man ang ugnayan ko kay Jimjim, malalaman mo rin pero hindi pa ngayon ah," wika ni Rico sabay ngiti.
"Saka na kapag masundan pa itong date natin."
"Masundan? Teka, may balak ka pa ring lumabas na kasama ako? Bakit naman?" Nahihiyang tanong ni Wendy.
"Wala naman. Basta feel ko lang, may special sa'yo. Basta," pakli naman ni Rico. Ngunit sa katunayan, ayaw lang ipabatid ng binata na ginagawa niya lang din ito para i-please si Jimjim.
Bigla namang napadako ang mga mata ni Wendy sa iilang paper bag na naglalaman ng mga laruan.
“Rico, talaga bang ako ang gusto mong magpamigay nyan sa mga bata? Hindi ba pwedeng ikaw na lang? Ikaw naman ang bumili nyan, eh,” biglang tanong naman ni Wendy.
“Ikaw na lang magbigay nyan. At saka, hinihintay ka ni Jimjim. Magso-sorry raw siya sa’yo,” kalmadong sagot naman ni Rico.
“Talaga ba? Marunong palang mag-sorry ang batang ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong naman ni Wendy.
“Mabait na bata si Jimjim. Siguro gano’n lang siya na medyo pilyo, naghahanap kasi siya ng atensyon at baguhan ka pa. Halos lahat ng mga dating baguhan sa station, gano’n niya kung pakitunguhan. Pero, alam niya ang tama at mali. 9 years old na kasi siya,” paglilinaw naman ni Rico.
“Alam mo, feeling ko lang kung makapagsalita ka, parang anak mo talaga siya. At pansin ko na mas lagi kang nakatutok kay Jimjim,” pahapyaw naman ni Wendy. Baka sakali kasi na sa puntong ito, i-reveal na sa kanya ng binata totoong ugnayan nito sa batang pinag-uusapan nila.
“Well, I can treat him like my own son. Kung maaari lang,” pakli naman ni Rico. Naging palaisipan iyon kay Wendy at sa halip na mang-usisa pa, minabuti na lang niya na tugunan ng ngiti ang binata. Pagkatapos nilang kumain sa restaurant ay umuwi na rin sila at hinatid si Wendy pauwi sa tinutuluyan niyang bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top