Chapter Nine - Finale

"Rico, teka lang naman."

Biglang lumitaw si Jimjim at nahinuha niya agad na nakikipagtalo si Rico kay Wendy.

"Papa, saan po ba tayo pupunta?" curios na tanong ng paslit na nababanaag ang pagkainosente sa mukha nito.

"Mamamasyal. Pupunta tayo sa Enchanted Kingdom," sagot pa ni Rico at itinago ang pagluha sa kanyang anak-anakan.

"Kasama po ba si Mama Wendy?" hirit na tanong naman ni Jimjim.

Mabilis na umiling si Rico at niyakap naman ang bata. "Hindi siya pwedeng sumama sa atin."

"Pero, bakit po?"

"Dahil walang bantay sa bahay na 'to, okay lang ako na mag-isa. Mag-enjoy kayo roon at mag-picture, okay?" Itinago ni Wendy ang paghikbi at pineke niya ang ngiti sa harap ni Jimjim. Nagpatuloy siya sa pagtangis nang tuluyang makaalis ang dalawa at binuksan na nga ni Wendy ang envelope na ibinigay sa kanya ni Rico kanina lamang.

"Ano 'to? Bakit may pictures si Rico sa kulungan? Hindi ko naman hiningi ang mga ito sa kanya," nanginginig na tanong niya sa sarili at mas lalo siyang nagitla nang makita niya ang iilang dokumento ng pagkakakulong nito, ten years ago.

"Dati siyang nagtatrabaho sa Starlight papers," naluluhang dugtong niya. Pakiwari niya ay bumagsak na nga ang tore ng mga pangarap niya para sa kanilang dalawa ng binatang si Rico. Nagmadali siyang umuwi at nagpakita sa kanyang mga magulang na abala na rin sa pag-ayos ng kanilang mga papeles upang ma-revive ang kanilang mga negosyo.

"Bakit n'yo ginawa 'yon, mama, papa?"

Blangko ang expression ng mga magulang ni Wendy nang pakatitigan siya ng mga ito.

"Hindi ko maintindihan, anak," sabi ni Severino, ang ama ni Wendy.

"Kaya ba tayo yumaman nang gano'n kagaya dati, ay dahil sa panggigipit ninyo sa mga empleyado ninyo noon?" luhaang tanong ni Wendy sa kanyang ama.

"Syempre hindi. At kung may nagipit man kami, hindi namin kagustuhan iyon. Naging patas kami sa bandang huli," pagtatapat naman ni Severino.

"Pero anong ibig sabihin nito?" Ipinakita na nga ni Wendy ang mga dokumentong ibinigay sa kanya ni Rico. At sa sandaling iyon, napamaang ang mag-asawa.

"About this, wala kaming alam na hindi pala sila napasahuran ng bisor nila. Tapos, mali-maling balita na rin ang nakarating sa amin. At ang totoo pala, tinakas ng head ng pabrika ang mga sahod nila. Kaya after six months nang makulong itong lalaking ito at ang kaibigan niya, itinigil na rin namin ang demanda," paliwanag naman ni Wilma, ina ni Wendy,

"Pero ikinalungkot din namin na namatay ang kaibigan niya. Nagpaabot kami ng pakikiramay pero hindi na namin siya nahanap pagkatapos niyang makalaya. Nagsisi kami dahil lubos kaming nagtiwala sa mga itinalaga naming tao na tatraydurin pala kami. Matapos no'n, nagtiwala pa rin naman kami hangga't sa tuluyan na ngang nalugi ang negosyo at heto na, naghirap na tayo. Kung hindi ka nga lang nakapagbigay ng pera, siguro nagtatago pa rin kami hanggang ngayon," puno ng pagsisising sagot ni Wilma sa anak.

"Ma, ang taong nagbigay ng limang milyon sa inyo, siya si Rico. Kaibigan siya ni Mateo na isa rin sa mga pinakulong ninyo. Siya rin ang lalaking mimamahal ko pero paano niya ako mamahalin ngayon? Paano niya mamahalin ang isang taong may kaugnayan sa pighati niya at ng matalik niyang kaibigan? Anong mukha ang maihaharap ko sa kanya?" Halos maglupasay na si Wendy sa harap ng kanyang mga magulang.

***

After two months...

"Jimjim, malapit nang lumamig ang pagkain mo. Bakit wala ka na namang gana?" tanong pa ni Rico kay Jimjim.

"Sabi ni Mama Wendy, pupuntahan niya ako ngayon. Saka na lang ako kakain kapag nandito na po siya. Miss na miss ko na po siya at siguro naman, miss na rin niya kayo," mataimtim na sagot ng paslit at pagkuwa'y yumakap kay Rico.

"Sabi ni mama, nag-away daw po kayo. Magso-sorry na po siya, hihingi ng tawad sa inyo. Makakaya n'yo po ba na hindi siya patawarin?" luhaang tanong ni Jimjim.
"Siguro mapapatawad ko naman." Pinigilan nga ni Rico ang pagluha. Makailang saglit ay nagpakita na si Wendy kasama ang kanyang mga magulang.

"Parents ko nga pala. Please, hayaan mo silang magpaliwanag sa'yo," pakiusap ni Wendy na lumuhod pa sa harap ng binata. Ngunit hindi makayanan ni Rico na tingnan sa gano'ng kalagayan ang dalaga. Bigla niya itong niyakap at may binulong na kung ano rito.

"Nakausap ko na ang parents mo. Last week pa, pinaliwanag nila ang side nila. Ibabalik pa nga sana nila ang pera kaso hindi ko na binawi. Dahil may kapalit naman akong hiningi."

"Ano 'yon?" Nabuhayan ng loob si Wendy sa sandaling iyon.

"Ang kamay mo. Para maikasal ka na sa akin at magpakananay at tatay na tayo kay Jimjim," sincere na sagot ni Rico. " Kay tagal kitang tiniis. Sorry,"

"Napatawad na kita. Ako ang dapat na humingi ng paumanhin," sagot naman ni Wendy. Napapalakpak sa tuwa ang lahat at nagtatatalon sa tuwa si Jimjim. Ipinagtapat na nila ang kanilang pag-ibig at sa loob ng anim na buwan, inayos na nila ang kanilang kasal at naisaayos na rin ang birth certificate ni Jimjim. Sina Rico at Wendy na ang nakasaad na mga magulang nito. Tuluyan na ring nagsara ang madilim na pinto ng bahagi ng sigalot ni Rico sa mga magulang ni Wendy.

Tunay na mas mangingibabaw ang pagmamahal kaysa poot, mas mananaig ang pagpapatawad higit sa pag-iimbot.



Wakas.
-Michielokim

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top