Chapter 9: Welcome Ball

"Anong meron? Bakit parang may nagiba sa atmosphere ng school?"

"Bakit samin mo itatanong kasama mo kami kaya panu namin malalaman? Psh!"

"Psh ka din! Masamang magtanong? Masama?"

"Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong aso't pusa. Magtanong na lang tayo okay?" awat ko sa dalawa. Napailing na lang ako saka magtatanong na sana kung anong meron nang matanaw ko si Mariko na papalapit.

"Nandyan si Mariko. Sa kanya na lang tayo magtanong."

"Hi guys!" bati nya samin pagkalapit.

"Mariko anong meron? Bakit parang aligaga ang mga students? May nangyari ba?" tanong ko.

Ngumiti sya at hinila kami papunta sa OW.

"Anong gagawin natin dito? May klase pa kami."

"Alexia wala nang afternoon class ano ka ba? May meeting ang mga prof tsaka busy ang mga students na magprepare para sa ball mamayang gabi," masayang sagot nya.

"Ball?" sabay sabay na tanong naming tatlo.

Kaming tatlo lang ba ang walang alam?

"Hindi ba kayo nainform? Every last week of the month may pinagdiriwang ang school. Tonight is WBSA's Welcome Ball for new students at para sa ninyo  ang party na 'to kaya we will buy clothes. Kahit ano naman pwedeng suotin. Kahit nga mag gown ka or mag swimsuit lang walang pipigil sayo," natawa sya sa kanyang huling sinabi.

I know na iniimagine nyang naka swimsuit sya mamayang gabi sa party. Tsk!

"Really? Pwedeng mag swimsuit?" masayang tanong ni Ashley. Nakatikim naman sya ng sapak mula kay Yumi.

"Awww! Ang sakit Yumi ah!"

"Magtino ka nga. Swimsuit swimsuit ka dyan. Gusto mong ibalik kita sa tummy ni Tita Loisa?" mommy ni Ashley yun.

"Joke lang naman. Ang seryoso mo. Hhmmpp..."

"Ano? Tara sa mall?" pag aaya ni Mariko.

"Tara!"

Nagpunta kami sa isang boutique. Ilang oras din kaming naghanap ng susuotin dahil sa tagal ng dalawang mamili ng damit. Nag aaway pa silang dalawa kapag hindi gusto yung mapipili ng isa. Haayyy naku!

"Masyadong revealing. Ayoko!" puna ni Yumi sa hawak na dress ni Ashley.

"Arte ah! Bakit ikaw ba magsusuot?" iritang sagot naman ni Ashley.

"Eh eto?" pinakita ni Yumi ang offshoulder dress na hawak.

"Panget! Ano ka bata?" sagot naman ni Ashley.

"Pake mo. Ikaw ba magsusuot? Ha?" panggagaya ni Yumi.

Ganyan sila everytime na may makikitang damit. Pang apat na store na itong napuntahan namin at wala pa silang napipili.

"Ano ba kayong dalawa. Gutom na ako hindi pa ba kayo matatapos dyan?" halatang naiinip na si Mariko.

"Nandyan na. Tapos na kami."

"Mabuti naman! Ang sakit nyo sa tenga eh," sabi ko naman.

Mamaya na lang sa party irereveal ang isusuot namin. Simple lang ang mahalaga maganda. Diba? Haha charrr...

Sa Shakeys kami kumain dahil yun ang pinakamalapit sa store. Gutom na gutom na daw kase si Mariko eh. Sisihin nyo yung dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay hindi na kami bumalik sa school. Wala naman na kaseng gagawin dahil busy ang faculty at school counsil sa pag aayos ng Gym. Doon kase gaganapin ang Welcome party. Isa pa malaki at malawak ang gym kaya kasya lahat ng students.

Ano kayang isusuot ni Kaizer no? Malamang kahit anong suotin nun gwapo pa rin sya. Yiiee!

Napailing naman ako sa aking iniisip. Hay naku Alexia magtigil ka nga. Natulog muna ako dahil mamayang 8pm pa naman ang simula.

Saktong 7pm ako ginising ni Yumi. Naligo muna ako bago mag ayos ng sarili. I blower my hair dahil ayaw ko ng basa kapag may lakad. Ashley apply some light make-up in my face.

Kanina pa pala nakaayos ang tatlo naghihintay na lang ng oras.

"Ayan! Simple but elegant," puri sakin ni Ashley.

"Bakit ba ang ganda mo Alexia? Sayang nga lang at sa taken ka nagkagusto," sabi nya habang nagliligpit ng make up kit nya.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Nang aasar ka ba? Gusto mo gupitin ko buhok mo?"

"Joke lang eto naman. Huwag ang buhok ko okay? Basta maganda ka. Ngayon lang ah."

Natawa naman ako dahil sa sinabi nya. Maganda naman talaga ako eh. Malas nga lang ni Kai dahil hindi nya ako hinintay na makilala.







( ayan na po ang suot ng girls sa Ball!👆👆👆
Sinimplehan ko lang! Sana okay lang sa inyo.😊 )


Pagdating ng 7:30 ay nagpasya na kaming pumunta sa school. Dumiretso kami sa Gym. Hallway pa lang papasok ay halatang pinaghandaan talaga. Puno ng ilaw ang daanan.

"May pared carpet ang WBSA ah!"

Pag pasok namin sa loob ay namangha agad ako. May stage sa harap at may mga table sa paligid.

"Wala akong date sayang naman. Ang romantic pa naman ng ambiance," bulong ni Ashley habang patungo kami sa aming table.

Sa kabila si Mariko dahil second year sya. I even saw Clythe and Lucas there malapit sa table nina Mariko. Pero si Kai ay hindi ko pa nakikita.




( yan po suot ni Clythe at Lucas!👆👆 )


"Nandoon si Lucas oh!" tinuro ko kung saan naka pwesto sina baby nya. Yakk! Baby?

"Ay! Ang baby ko napaka gwapo naman. Marami na namang lalapit na linta sa tatlo. Pero syempre hindi ako magpapatalo sa mga linta no! Huh!"

Napailing na lang kami ni Yumi.

Nagdatingan na ang ibang mga students. Nakita ko din si Shiela at ang kanyang mga alagad. Napaismid naman ako ng irapan nya akong bigla.

"Good evening Westians. Blahhh.. blahhh... blaahhh.. blaaahhh... blaahhhh... Enjoy everyone especially the new comers. Hope you enjoys your stay here in West Blueside Academy."

The MC said. The President also make her speech. Ngayon ang school counsil president na ang nagsasalita.


( at yan naman ang suot ni SC President Kaizer Del Tiero!👆
Handsome in black diba?😊 )

W

ala akong ibang maintindihan at marinig sa mga sinasabi nya dahil tanging pagtibok ng puso ko ang aking naririnig. Ang gwapo at hot nya sa kanyang black outfit. Nakakainis dahil hindi ko kayang alisin ang tingin sa kanya kahit gustuhin ko man.

"Start the party!" sigaw ng emcee tsaka nagsimula na ang loud music. Naglabasan na din ang mga foods at mga drinks. May light at hard drinks sa long table na nasa gitna. May iba't ibang lights din na nagsisilbing liwanag sa loob ng gym. May mga nagsasayaw na din sa gitna.

"Sayaw tayo girls!" aya ni Ashley.

"Mamaya na'ko. Wala pa ako sa mood eh," sagot ko na lang.

"Let's enjoy Alexia wag kang kj. Tara na! Minsan lang 'to," pagpupumilit ni Ashley.

"Susunod ako."

"Sumunod ka ah."

Tumango ako bilang sagot. Pumunta na sa gitna sina Ashley at Yumi para sumayaw. Nagderetso naman ako sa table para kumuha ng drinks tsaka bumalik sa table.

"Magbubutas ka ba ng bangko buong gabi? Bakit dika sumama kina Ashley sa gitna. Mukhang nagsasaya na yung dalawa oh," umupo sa tabi ko si Mariko.

"Boring sumayaw."

"Ahh! Talaga ba?" sarkastikong tanong nya.

"Sige na. May naghihintay sayo dun oh," tinuro ko yung lalaking nakatayo malapit sa table nila.

"Ah sya ba? Pabayaan mo ang mokong na yan."

"Mukhang may hindi ka sinasabi saming tatlo ah. Magkwento ka pagdating sa dorm."

"Sige na nga. Huli na'ko eh."

Sabi ko na nga ba may something sila nung guy. Halata naman kase sa tingin nya sa aking katabi. Infairness gwapo sya. Malakas ang dating at bagay sila ni Mariko.

"Umalis ka na nga. Huwag kang iinom ng marami ah. Ayaw ko ng amoy alak sa dorm," pang aasar ko sa kanya.

"Huwag mo namang aakitin si Kaizer ngayong gabi. Bad yun," sabi nya saka tumawa bago tuluyang umalis. Napailing naman ako.

"Baliw talaga!"

"Sinong baliw?" "Oh my gosh! Bwesit ka talaga Clythe. Hilig mo talagang mang gulat no?" "Sorry!" ngumiti lang ako at tumango. Unupo sya sa tabi ko.

"Bakit nandito ka?" i asked him.

"Nakita kase kitang nag iisa kaya nilapitan na kita. Gusto mong sumayaw?"

Umiling ako. "Hindi ako interesado ikaw na lang. Ayain mo si Yumi. Hindi yun tatanggi."

"Ayaw mo talaga? Sayang naman isang gwapong Clythe Raiven Tanceco ang gustong sumayaw sayo tinanggihan mo lang?"

"Huwag ka ngang magpacute dyan di bagay sayo," natatawang sabi ko sa kanya saka sya tinaboy paalis.

"Sige na nga si Yumi na lang aayain ko. Alis na'ko. See you around."

"Hoy wag mong iuuwi yang kaibigan ko sa dorm nyo ah. Lagot ka sakin."

"As if naman may balak ako. Takot ko na lang sayo and besides goodboy yata 'to," natawa naman ako bago sya tuluyang pumunta kina Yumi sa gitna ng crowd.

Nagpasya akong lumabas ng gym dahil ayaw ko talagang sumayaw. Wala akong hilig. Masyado din maingay at masakit sa mata ang ilaw sa loob. Nakarating ako sa likod kung nasaan ang garden. Maliwanag naman ang paligid kaya hindi nakakatakot mag isa. Umupo ako sa isang bench na nakaharap sa fountain.

Sa kalagitnaan ng pagmumuni muni ko ay nakaramdan ako ng lamig dahil lumalalim na din ang gabi. Malamig na din ang simoy ng hangin dahil sa open space ang lugar.

"Hindi ba sabi ko sa susunod na lumabas ka mag over all dress kana. Tingnan mo nilalamig ka tuloy. Mag off shoulder ba naman sa kalagitnaan ng gabi tapos lumabas kapa," sabi ng baritonong boses mula sa aking likod. May ipinatong syang coat sa akin.

Hindi ko itatangging kinikilig ako kahit na nang iinis pa sya.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ko sa kanya nang makaupo sya sa tabi ko.

"Ako dapat ang magtanong sayo nyan. Anong ginagawa mo dito sa labas? Hindi ba dapat nasa loob ka at nagsasaya?" balik na tanong nya sakin.

"Boring sa loob!" Natawa sya sa naging sagot ko.

"Boring pa pala ang lagay na yun? Ibang klase!" hindi makapaniwalang tanong nya.

"Eh ikaw ano bang ginagawa mo dito?"

"Nakaupo?"

"Harhar! Joke ba yun?"

"May sinabi ba akong joke yun?"

Napapikit naman ako dahil sa pilosopong nasa tabi ko.

"Hinahanap kase kita pero wala ka naman sa loob kaya lumabas ako at nakita nga kita dito."

Nabigla naman ako sa sinabi nya kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Anong sabi mo? Hinahanap mo ako? Why is that?"

"Gusto sana kitang maisayaw."

Agad akong natameme sa kanyang tinuran. Ako? Sayaw? Pero bakit ako?

"Ako? Bakit ako?"

"Bakit nga ba ikaw? Hindi ko din alam. Ang alam ko lang gusto kita!"

"Huh?"

"What i mean is gusto kitang maisayaw? Will you allow me?" tumayo sya at inilahad ang kamay sa aking harapan.

"Ahhmm... K-Kase a-ano ehh!" nauutal na sabi ko. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa pabigla bigla nyang pinapakita.

"Marireject din ba ako katulad ni Tanceco?"

"Hah?"

Bakit nya alam yun? Nakatingin ba sya samin kanina?

Ngumiti sya sakin na parang may nasabing hindi dapat.

"So? Would you like to dance with me?" Tanong nya ulit sakin.

"Dito talaga?"

"Why not? Ayaw mo ba nun tayo lang dalawa ang nandito?"

Nakakahiya naman kung tumanggi ako at isa pa gusto ko din naman kaya tinanggap ko na ang kamay nya. Ipinulupot nya sa kanyang batok ang aking dalawang kamay at nilagay nya sa bewang ko ang kanya.

Dinig na dinig dito ang sweet music na nagmumula sa loob kaya hindi awkward na sumayaw.

Habang sumasayaw kami ay nakatingin lang sya sakin na parang sinasaulo ang bawat parte ng mukha ko. Nang magtama ang aming mga mata ay nakaramdam ako ng kakaiba. Nagdidiwang ang mga paruparu sa tyan ko. Ang titig nya ay nagbigay ng kakaibang kilabot sa katawan ko. Ang dibdib ko ay tinatambol dahil sa sobrang lakas ng kabog.

Rinig nya kaya ang tibok ng puso ko para sa kanya? Did he also feel what i'm feelin' right now? Parehas ba kami ng nararamdaman o ako lang?

Nakakatakot!

Natatakot ako sa ganitong pakiramdam. Feeling ko anytime aamin na lang akong bigla.

Ngumiti sya sakin. Totoong ngiti na ngayon ko lang nasaksihan.

"Ganito pala ang feeling kapag kasayaw ka?"

Nakatingin lang ako sa kanya. Natatakot magsalita dahil baka mautal na naman ako dahil sa kaba.

"Masaya! Masarap sa pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit pero...... Krystal I want to know you more!"

I gasped.

I don't know what to say. Hindi ako makagalaw ng maayos.

"Gusto pa kitang makilala ng lubusan. Hindi ko alam kung bakit ko yun nararamdaman pero.... I want to be your friend Krystal. Maaari ba?"

Kitang kita ang seneridad sa kanyang mga mata. Nakikiusap.

Ngumiti ako at tumango. "Really? Thank you Krystal. Hindi ako magiging pasaway na kaibigan," nakangiting turan nya.

Natawa naman ako. Nandito na'to kaya wala ng atrasan pa. Sabi nga nila sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat.

Napabuntong hininga ako. This will be a long night for me!

*****

A/N: hi guys!
Feeling ko ang lame ng chapter na'to. Si Sunghoon kase eh inoccupied ang pag iisip ko buong araw. Haha charrr!
At tulad ng sinabi ko simple lang talaga ang suot ng mga bida. Sana okay lang sa inyo.😊😊😊
Sana nagustuhan nyo parin! Lovelots everyone. Don't forget to vote and support my story. Kamsa!💕💕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top