Chapter 8: Thank you!
Paglabas namin ni Kaizer ay agad akong dinaluhan nina Ashley. Kitang kita sa mga mata nila ang pag aalala.
"Alexia naman eh. Bakit ka ba biglang tumakbo? Hinanap ka namin pero takot din kami," nag aalalang sabi ni Ashley.
"Paglabas namin akala namin nandoon kana buti na lang kasunod lang namin sina Pres. kaya sinabi naming nasa loob kapa. Kaya dali daling bumalik si Pres para hanapin ka," paliwanag ni Yumi.
"Okay nako guys! Nagulat lang talaga ako dun sa ngiti nung bata kanina kaya napatakbo ako."
Natawa naman sila. Nakakatakot naman kase talaga. Ikaw ba ngitian ng ganun ng baby tapos tyanak pala yun. Cute pa naman nung baby.
"Sayang nga eh cute pa naman ng baby kaso creepy," sabi ko ulit kaya mas natawa sila.
Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Clythe.
"Alam mo bang pinag alala mo ako Alexia. Wag mo na ulit gagawin yun ah," mahinang sabi nya. I just nod because I don't know what to say.
"Oh kalma bro! Ayos na si Alexia chansing ka na naman eh," hinila ni Lucas si Clythe mula sa pagkakayakap at inilayo sakin.
"Kain muna tayo bago sumakay sa mga rides nagutom ako bigla eh."
"Mabuti pa nga. Tara!"
Habang naglalakad ay bigla akong nagsalita. Nasa tabi ko lang kase si Kaizer na naka kunot na naman ang noo.
"Ahhmm! Kai thank you nga pala kanina," panimula ko. Mahinang sabi ko tama lang para marinig nya.
"Anytime. Tsaka kahit naman sino pwedeng gawin yung ginawa ko kahit si Tanceco pa," sagot nya na parang may sama ng loob kay Clythe.
Problema ng lalaking ito?
"Kahit na. Thank you pa rin!" masayang sabi ko tsaka sya nginitian.
Pumunta kami sa pinakamalapit na kainan na nadoon sa loob ng amusement park. Yung tatlong boys ang umorder ng foods namin.
"Ang sweet ni Kaizer noh? Napakaswerte ni Nathalie sa kanya," Mariko said in the middle of silence.
Hindi ko alam kung nagpaparinig ba sya or ako lang yun. Aaiissttt. Napaparanoid na'ko.
Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay nagpasya na kaming sumakay sa mga rides. Nakakatawa si Lucas at Clythe dahil sigaw ng sigaw. Muntik pa ngang masuka si Lucas dahil sa hilo. I never imagine that this day will happen. Yung kaming apat na girls together with those three na makakapagsaya ng ganito. If this was a dream I don't want to wake up. Pero alam ko naman na hindi puro saya ang buhay minsan talaga dadating yung point na masasaktan ka. At sana huwag naman agad agad.
Pagkatapos naming sumakay sa rides ay nagpunta kami sa Winter Fall River.
"Wow! Ang ganda naman dito," masayang bulalas ni Ashley.
"May ganitong lugar pala sa loob ng WBSA? Parang nasa ibang mundo nakakamangha," nagniningning pa ang mga mata kong tinuran iyon.
Napakaganda naman tagala. Hindi ko iniexpect na may nakatagong ganito sa school na ito. Starting today, this will be my favorite spot here in WBSA!
Ang tubig na nagmumula sa falls ay dumadaloy patungo sa parang ilog. May bridge din na pinagtatawiran papunta sa kabila. Puno ng baging na may iba't ibang bulaklak ang magkabilang dulo ng bridge kaya nagmukha itong enchanted. Ang gilid ng ilog ay puno din ng mga halamang may iba't ibang kulay ng bulaklak na mas nagpaganda sa lugar. Marami ding paru-parung nagliliparan sa paligid. Sa tayo namin ang mga puno ay nagtataasan kaya hindi ka masyadong masisikatan ng araw. Ang tubig ay kulay asul na kumikunang dahil sa sikat ng araw.
"Pinaka iingatan ito ng may ari ng school. Ang alam ko dito nya nakilala ang nagpatayo sa West Blueside na kanyang naging asawa. Nang mamatay ito ang huling habilin sa kanya ng yumaong kabiyak ay ingatan at pagandahin ang lugar na ito. Dahil tangin ito na lang ang magiging alaala nilang dalawa," seryosong sabi ni Kaizer habang pinagmamasdan ang paligid.
"Ang pinaniniwalaan ng ibang estudyante kapag ang dalawang tao ay nakatayo sa magkabilang dulo at nagkita ng hindi inaasahan ay sila ang magkakatuluyan, dahil ganun ang tagpong nangyari sa dalawa. Pero napaka rare dahil wala pang nangyayaring ganun. Sadyang tadhana lang ang makapagsasabi kung sino ang nakatakda para sa isang tao."
"How romantic this place is! Sana ganun din tayo baby," panlalambing ni Ashley sa nakangiting Lucas.
"Gusto mo ng ganun baby? Sige, schedule mo ang pagpunta natin dito kunwari hindi natin alam," seryoso at desididong sagot ni Lucas kaya nahampas sya ni Ashley.
Natawa naman kami sa kalokohan ng dalawa. Masayang malaman na masaya ang kaibigan ko kay Lucas. At alam kong seryoso ito sa kanya. Kitang kita iyon sa mga mata nilang dalawa. Inlove!
"Ang sakit naman sa mata. Alis nga kayong dalawa sa harap ko nangiinggit lang kayo eh," pagtataboy ni Mariko sa dalawa.
Sumimoy ang malamig na hangin at naglaglagan ang mga petals ng bulaklak sa bawat puno. Napatingala ako dahal ang gandang tingnan ng mga bulaklak na naglalaglagan mula sa itaas.
Napangiti ako dahil parang nasa isang kdrama kami or anime movie. So cute!
Agad akong napayakap sa sarili ng muling sumimoy ang hangin. Brrrrr!
"Tingnan mo nilalamig ka. Bakit ba ganyan ang suot mo?" may bahid ng pagkairitang sabi ni Kaizer sa likod ko ko.
"Ano bang prob--" hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ko nang may ipatong syang jacket sakin. Hanggang tuhod ko ito kaya hindi masyadong nilamig ang aking hita.
"Sa susunod na lalabas ka mag over all dress kana lang!" singhal nya sakin. Napasimangot naman ako at sinamaan sya ng tingin.
Asar ang lalaking ito.
"Thank you! Thank you ulit. Sa susunod babalutin ko na ang sarili ko ng damit. Hhmmpp!"
He chuckled tsaka nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa.
He look at the petals falling from the tree. "Hindi ko inaasahang mangyayari 'to. Ilang beses na kaming pumunta dito ni Kiara pero hindi ko pa nakitang maglaglagan ang mga bulaklak ng mga puno. Ang ganda pala," manghang tugon ni Kaizer na nakangiti.
"Baka siguro hindi mahangin kaya hindi naglaglagan ang mga bulaklak?"
Tumawa lang sya ng mahina saka tumingin sakin.
Ngumiti sya. "Siguro nga!" sinabi nya yun ng nakatingin sa mga mata ko.
I felt butterflies in my stomach. Nagkakagulo sila na para bang gustong makawala. I felt my cheeks burning because of his stare. Nakakapanlumo.
"Namumula ka. May problema ba?" tanong nya saka lumapit sakin. Agad naman akong umiwas ng tingin.
"Ahh.. ehhh.. a-ayos lang. Ayos lang ako. A-Ano. S-Siguro pagod lang 'to mabuti pa umuwi na tayo. Magtatakip silim na din eh," uutal na sagot ko.
"Mabuti pa nga para makapagpahinga na din tayong lahat. Guys! Let's go back to the dorm."
Pinakalma ko muna ang sarili bago sumunod na maglakad sa iba. Habang naglalakad kami pabalik ay hindi ko mapigilang hindi ngumiti.
Sht! Kinikilig ako. Alam kong mali pero I can't help it. Masaya kase ako.
Hinatid kami ng boys sa tapat ng dorm building ng girls.
"Kai thank you ulit! Nag enjoy talaga ako... I mean kami," nakangiting sabi ko bago inabot sa kanya ang jacket nya.
He smiled. "Thank you din dahil ininvite nyo kami. Sana may sumunod pa."
"Huh?"
Ngumiti sya saka umiling. "Nothing! Sige na pasok ka na. Goodnight Krystal!"
"Goodnight din Kai!"
Then he waved goodbye. Masyang pumasik ako sa dorm. Umupo ako sa tabi ni Ashley na halatang kilig na kilig pa rin hanggang ngayon.
"Bakit ang tagal mo? Ang pinag usapan nyo ni Kaizer?" curious na tanong ni Yumi.
"Wala. Binalik ko lang yung jacket nya. Yun lang!"
"Yun lang ba talaga?"
"Ang kulit mo Yumi. Yun lang talaga. Period!"
"Sabi mo eh!"
"Ang sweet ni Pres no? Kitang kita namin ang paglagay ng jacket nya sayo kanina. Nahuhulog kana ba Alexia?" tanong nya habang nakatingin sa Tv. Napatingin din sakin si Ashley at Mariko. Naghihintay ng isasagot ko.
"Masamang magsinungalaing pero idedeny ko pa rin. Hindi nya dapat malaman dahil ayaw kong may magbago pagdating sa pakikitungo nya sakin. Ayaw ko rin mapag usapan ng iba," malungkot na sagot ko.
"Pero alam nating hindi mo yan maitatago."
"Alam ko!"
Alam ko yun. Dahil anytime hindi ko kakayaning hindi maipakita at maiparamdam sa kanya kung anong tunay kong nararamdaman.
Kaya nga thankful pa rin ako dahil kaya ko pang itago.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top