Chapter 7: Scared
I dedicated this chapter to AshenikeLove 😊
Thank you for supporting my story! Natutuwa ang puso ko bii! Charr! Mwuaaphs!
*****
Kinabukasan nagpasya kaming mamasyal dahil saturday naman at walang masyadong gagawing projects or assignment sa school.
"Ang tagal ah. Two hours na kayong nakaharap sa salamin. Mabasag naman yan oy," inip na sabi ko sa tatlo.
"Saan ba kayo pupunta? Runway fashion show? Photoshoot? Party? Sa labas lang kaya tayo," dugtong ko pa. Pero hindi nila ako pinansin. Aba naman!
"Sobrang ganda ko na ba girls? Sa tingin nyo maiinlove na talaga sakin si Jaire?" biglang tanong ni Ashley na hindi parin umaalis sa harap ng salamin nya.
"Oo sobrang ganda mo na Ashley Thalaine. Hindi naman halatang masyado mong pinaghandaan ang lakad na 'to," sarkastikong sagot ni Yumi.
"Baka naman mamaya bigla na lang kayong mawala ni Lucas ah. Huwag mo masyadong solohin baka maubos," natatawang sabi ni Mariko.
Hindi ako makarelate guys!
"May hindi ba ako alam?" tanong ko na ikinatigil nila.
Nagkatinginan ang tatlo pa ani mo'y may pinaguusapan gamit ang mga mata nila.
"Hindi ko ba nasabi?" tanong ni Ashley sa dalawa na ikinataas ng kilay ko. Nagkibit balikat naman ang dalawa.
"Anong hindi nyo sinasabi sakin?"
Tumingin sakin si Ashley at ngumiti na parang may nagawa syang hindi ko magugustuhan.
"Alexia hindi ba kita nainform na ininvite ko sina Pres. na mamasyal ngayon?" inosenteng tanong nya na ikina nganga ko.
"W-What? Ulitin mo nga sinabi mo?"
"Kasama natin sina Pres. na mamasyal today. Hehehehe. Nalimutan ko yatang sabihin sayo dahil sa excitement. Sorry!"
"Kaya pala hindi ka mapakali sa harap ng salamin dahil kasama si Lucas MO. Tsk! Tsk! Ano pa nga bang magagawa ko?"
"Sorry na Alexia. Ayaw mo nun makikilala at makakasama mo si Kaizer."
Napapikit ako.
"Yun na nga eh! Makakasama ko sya. At ayaw ko nun. Ayaw kong mahulog sa malamin na bangin dahil ako lang yung masusugatan at masasaktan bandang huli," pag amin ko.
Huli na ng malaman ko kung anu ano ang pinagsasabi ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanila.
"Tara na nga lang tapos naman na kayo dyan eh," yakag ko sa kanila.
Lumapit sakin si Yumi at inakbayan ako.
"Kung sakaling mahulog ka man sasama kami sa pagkahulog mo para may dumamay sa sakit na mararamdaman mo. Di ka namin iiwan sa ere Alexia. Kaibigan mo kami hanggang sa huli. Hindi ka magiging mag-isa kung sakali man," she said sincerely.
"Tama si Yumi, Alexia. Kung magiging masaya ka naman sa kinakatakutan mo go lang at kung hindi mo na kaya bumitaw kana. Nandito lang naman kami eh. Atleast nakasama mo sya at naging masaya ka," ganun din si Mariko.
"Tama na drama niiyak nako oh. Sayang eyeliner ko," naiiyak na sabi ni Ashley saka lumapit samin at bigla akong niyakap kaya yumakap na rin sina Yumi. Grouphug tuloy kami.
"Salamat sa inyo. Tama kayo I will enjoy this moment. I will enjoy every moment na nandyan sya. Hanggang hindi pa bumabalik yung babaeng tunay na para sa kanya. At kung sakali man na mas lumalala pa 'tong nararamdaman ko may paraan naman diba?"
Tumango silang tatlo na ikinangiti ko.
Sana lang maging madali ito para sa akin.
Lumabas na kami ng dorm. Marami ng students na ang nagkalat sa labas. Grupo man o nag iisa.
"Ang ganda ng panahon. Tamang tama para mamasyal," masayang sabi ni Ashley.
Tama sya. Ang ganda ng panahon ngayon. Hindi masakit sa balat ang init dahil mahangin. Speaking of mahangin.
"Guys may extra ponytail ba kayo dyan nalimutan ko kase yung akin eh. Tinatamad na'kong bumalik sa taas," iritang tanong habang hawak ang buhok.
Naiirita ako dahil tinatangay ng hangin ang mahaba at wavy kong buhok. Ayaw kong may sagabal na buhok habang naglalakad ako. Bakit ba kase nalimutan kong mag ponytail na lang.
"Gamit ko Alexia wala na kong extra," sagot ni Yumi.
"Hayaan mo na lang na nakalugay Alexia," sagot naman ni Mariko.
"Ayaw nya kaseng may nakaharang na buhok sa mukha nya pag lumalabas," sagot naman ni Ashley.
"Ang lakas naman kase ng hangin eh."
"Hayaan nyo na doon na lang ako bibili," sabi ko habang hawak pa rin ang buhok ko. Akmang lalakad na sana ako ng may biglang humawak sa magkabilang balikat ko.
"Oh my gosh!" tili ko na ikinatingin ng tatlo na nauuna ng maglakad. Nanlaki ang mga mata nila na para bang may nakitang hindi inaasahan.
"Ano ba. Bitaw nga," nagpupumiglas ako sa hawak nya pero hindi ko magawang humarap sa damuhong humawak sakin.
"Stay still Krystal," a baritone voice said behind me.
That voice! That name!
Isa lang ang alam kong tumatawag sakin ng Krystal. Ask Kaizer Del Tiero.
Agad na nagrambulan ang kung anong meron sa loob ng tyan ko. Even my heartbeat goes wild.
Nagulat pa ako ng hawakan nya ang kamay ko at tinanggal sa pagkakahawak sa aking buhok. Para bang may kuryenteng dumaloy mula dito kaya agad ko iyong nahawakan ang aking kamay. Mas lalo pa akong kinabahan.
Hindi naman nya siguro napansin noh?
Sya na ngayon ang may hawak sa buhok ko. Kinuha nya din ang ibang mga takas na buhok.
"Keganda gandang babae kulang sa gamit? Tsk! Alam mo namang mahangin ngayon sa labas hindi ka na lang nagtali ng buhok," mahinang sabi nya tama lang para ako lang ang makarinig.
"Nagshorts ka pa. Hindi ka na lang nagpantalon," dugtong nya pa.
Sa tono pa lang ng boses nya alam kong nakakunot na agad ang kanyang noo.
Is he coplementing me or insulting me? At anong problema ng lalaking ito sa suot ko?
"There! Tapos na," sabi nya saka ako iniwan bigla.
"Huh!"
Kung anu ano ang pinagsasabi sakin tapos bigla na lang akong iiwan. Nakakaasar!
"Salamat ah!" sarkastikong sigaw ko. Ni hindi ako nilingon ng mokong. Napapadyak naman ako sa inis na sumunod sa kanila.
Habang naglalakad ay napahawak ako sa aking buhok. In fairness maayos ang pagkakatali ng buhok ko.
Ginagawa din nya kaya ito sa girlfriend nya? Siguro ang sweet nyang boyfriend.
Parang may karayom na tumurok sa dibdib ko sa isiping iyon. Arrgghh!! Nevermind.
"Hindi sya sweet. Salbahe sya. Bad sya. Iwan ba naman ako," bulong ko sa sarili.
"Hooyy!" "Ay kabayong bakla!" "Grabe naman. Ang gwapo ko kaya tapos sasabihin mong kabayo na bakla pa." Natawa naman ako.
"Ikaw lang pala. Eh panu nanggugulat ka na lang bigla."
"Kanina pa kaya kita kinakausap. Sobrang lalim ng iniisip mo kaya hindi mo ako napapansin. Sa sobrang lalim eh hindi ko mareach."
Napangiwi naman ako. Ganun ba talaga kalalim ang iniisip ko at hindi ko napapansin na nasa tabi ko na pala si Clythe?
"Sorry!"
Ngumiti lang sya saka ako hinila palapit sa iba. First destination namin ay Amusement park. Yes! Tama kayo ng basa may amusement park dito sa Outside West at complete sila ng rides.
"Sa haunted house muna tayo guys!" pagsasuggest ni Clythe.
"Sus! Bro alam ko na galawang yan gusto mo lang chumansing. Ay chansing kana pala," natatawang sabi ni Lucas na ikina kunot ng noo ko.
Nakangisi kase ito sa akin. Tsaka ko lang narealize kung ano yung sinabi nya. Napabitaw agad ako sa kamay ni Clythe na kanina pa pala nakahawak sa kamay ko.
"Pasensya na."
"O-Okay lang," ngumiti ako tsaka lumapit kina Ashley na nauuna nang pumunta sa haunted house.
"Ano yun bro ah. Humuhokage moves ka na naman. Wag si Alexia magagalit sakin si Ashley. Playboy kapa naman."
"Wow! Nagsalita ang goodboy."
"Seryoso na 'to bro. Si Ashley na yata ang karma ko eh."
Kahit malayo sila rinig na rinig ko ang pinag uusapan ng dalawa. Tahimik lang si Kaizer sa gilid namin na para bang may kung anong iniisip. Muntik pa nga syang makabunggo. Patago pa nga akong tumawa dahil baka mahuli ako.
Wala pa kami sa loob ang creepy na. Ramdam na ramdam na agad yung scary vides. Kinilabutan ako. Binuksan ni Mariko yung pinto saka kami sabay sabay na pumasok sa loob. Agad naman akong napakapit kay Yumi.
"Pwede bang magback out? Baka mahimatay ako sa loob," sabi ko na ikinatawa nya. Why? Hindi ba sya natatakot?
"Guys wag nyo ako iiwan ah. Ayokong matrap sa mga multo," nanginginig na sambit ni Ashley.
"Hindi naman sila totoong ghost eh. Tao rin sila may make-up at custome nga lang," Mariko said.
"Kahit na. Nakakatakot pa rin itsura nila."
"Don't be scared baby nandito naman ako sa tabi mo eh," hinawakan ni Lucas ang kamay ni Ashley.
"Ikaw yata bro ang gustong chumansing kay Ashley eh," natatawang sabi ni Clythe na ikinapula ng mukha ni Ashley.
Kilig sya. Sana all! Hahaha....
Nagpatuloy kami habang ako ay nakakapit pa rin sa braso ni Yumi. Lahat ng nadadaanan naming nakakakilabot at nakakapanindig balahibo ay hindi ko tinitingnan focus lang ako sa harap. Pumipikit ako kapag may nakikitang hindi maganda sa mata.
"Ahhhhhhh! Ayoko na labas na tayooooo!" tili ni Mariko sa gilid ko kaya bigla akong nagulat. May white lady kase sa tabi nya. Sobrang nakakatakot. Parang totoo. Nagpapapadyak pa ito na parang bata.
Habang ang iba naman ay tahimik lang kaya boses lang ni Mariko ang maririnig.
"Baby may zombie. Itago mo ako. Whaaaa!" sigaw ni Lucas sa likod kaya napakingon kami ni Yumi sa kanila. Nakayakap na ito kay Ashley ngayon na parang takot na takot talaga.
Chansing! Dumadamoves ang kolokoy.
"Wala namang zombie eh."
"Anong wala ayan oh!" tinuro nya yung likod ni Ashley kaya napatingin kami doon.
"Whhhaaaaa! Zombieeeee!" sigaw naming mga girls.
"Ahhhhhh! Ang papangit nyo. Mukha kayong mga..... Ahhhh zombieee!" tili ni Ashley tska kami tumakbo papalayo.
Tili sya ng tili habang kung anu anong pinagsisisigaw.
"Ang Clythe na yun patay talaga sakin pag nakalabas tayo dito."
"Ahhhh! Mummy! Walang mukha!"
"Whaaa! Bakit may pugot na ulo jan? Nasan katawan mo? Ahhh!"
"Wag kayong lalapit sakin. Papatayin ko kayooo! Ay patay na pala kayo."
"Mommy yung schoolmate ko dinala kami sa haunted house na puno ng multo. Huhuhuhu."
"Sabi nyo tao din sila bakit ang papanget naman. Huhuhu."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil nakakatawa ang itsura nya o maaawa dahil naiiyak na sya.
"Guys sina Kaizer naiwan natin doon," sabi ni Mariko kaya tumigil kami.
"Hala! Oo nga! Pabayaan mo na malalaki naman na sila kaya na nila ang kanilang mga sarili," sagot ni Yumi habang hinihingal.
"Pero natatakot na ako. Panu kung? Panu kung may multo na naman na biglang lumabas sa kung saan?"
"Oo nga! Wala tayong ibang kasama dito," sabi ko naman.
"Malapit na tayo kaya tara na. Lalaki ang mga yun malalakas ang loob."
"Tara!"
Tahimik kaming naglalakad ng biglang may humawak sa paa ni Yumi.
"G-Guys! M-May malamig sa paa ko," natatakot na sambit ni Yumi.
Pagtingin ko sa paa nya may nakahawak na baby. Nakahinga ako ng maluwag pero nang tingnan ko ulit yung baby nakangiti na ito sakin.
"Ahhhh! Tyanakkkk!" Sigaw ko at dahil sa takot at pagkataranta agad akong tumakbo papalayo. Sa pagtigil ko hindi ko na alam kung nasan ako.
Umupo ako sa gilid. Takot na takot. Naiiyak na din ako dahil gusto ko ng lumabas pero natatakot akong baka meron na naman magpakita.
Sinubsob ko ang aking mukha sa tuhod at yumakat dito.
"Mommy! Daddy! Help me please! Huhuhuhu!" nanginginig na ako sa takot. Nanlalamig na din ako.
Ilang minuto pang nasa ganun akong kalagayan nang may humawak sa balikat ko.
"Whhaaa! Ayoko! Ayoko sayo! Wag mo akong sasaktan," umiiyak na sambit ko.
Naramdaman kong niyakap ako ng kung sinong humawak sakin.
"Shhh! Its me! Don't be scared. Nandito na ako. Hindi kita sasaktan. Shhh! Tahan na Krytal," pag aalo nya sakin habang hinahagod ng dahan dahan ang buhok ko.
That voice! Its him again.
Kahit hindi ko kita alam kung sya yun. Sa paglapit nya, sa paghawak nya sakin, sa tuwing nagsasalita sya, kapag tinatawag nya ako, sa tuwing nandyan sya iba ang pakiramdam ko.
Patuloy pa rin sya sa paghagod sa buhok ko para patahanin ako sa pagiyak.
"Don't be scared Krystal. Hanggat nandito ako kasama mo wala kang dapat na ikatakot," mahinang sambit nya na ikinatuwa ng puso ko.
Sana nga Kaizer! Sana nga!
*****
A/N: yiieeee! Sana oil!😹😭 keep supporting this story. Really appreciate it! Kamsahamnida! Love lots! And keep safe ebriwan!😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top