Chapter 5: First warning

Dahil sa nangyari kagabi ay nalate ako ng gising. Nagising ako ay wala na yung tatlo. May letter pa silang iniwan na nauna na daw silang pumasok dahil ilang beses nila akong ginising ay hindi ako magising. Akala nga nila ay hindi ako papasok dahil first time naman talagang nangyari ito sakin. Kadalasan ay ako ang unang nagigising. Pero dahil sa pag iisip ko sa lalaking iyon ay madaling araw na ako nakatulog. Sinabi pa nilang mag iingat akong huwag mahuli ng SC officers.

Inis akong lumabas ng dorm. Sumakit pa ang ulo ko dahil sa puyat. Nakakainis.

Bago ako pumunta sa room ay sumilip muna ako baka kase biglang sumulpot ang SC officers. Sabi ni Mariko nag lilibot daw sila at naghahanap ng nagka cutting class na mga estudyante.

Nang masiguradong wala sila ay dahan dahan akong naglakad pero bago ako makalayo ay agad na may tumawag sakin.

"Hey Miss! Don't you dare move your feet or else," sabi ng lalaking nasa likod ko na nakahuli sa akin.

Agad akong nanlamig at hindi agad nakagalaw dahil alam kong isa sya sa mga officers. Base na lang sa boses nyang nakakatakot at may pagbabanta.

Pumunta ito sa harap ko.

Oh my holly wow! Bakit ang gwapo? Ay stop it! Stop!

May hawak syang notebook na alam kung pinaglalagyan ng record ng bawat students. Tiningnan nya ako ng nakakunot ang noo bago tumingin sa notebook. Binuklat nya ito ng binuklat. Siguro hinahanap na ang pangalan ko.

Patay ka Alexia. Wala ka pang isang linggo may record kana agad. Ito pa naman ang iniiwasan ko. Nakakainis kase ang lalaking yon bakit ba sya pumapasok sa isipan ko? Bwesit!

Tiningnan nya ulit ako at medyo itinagilid pa ang mukha.

Wierd ni kuya.

"Pakibilisan nga kuya gusto ko pang umabot sa second subject ko."

Kumunot naman ang noo nya kaya agad kong natakpan ang bibig dahil sa nasabi ko.

Naku naman pahamak na bibig.

Mahina itong tumawa at ibinaling ang tingin sa hawak.

"Krystal Alexia Riel."

Banggit nya sa pangalan ko sabay pikit ng mata. Hinilot din nya ang noo na parang sumasakit ito.

"Bakit ba ang daming magaganda sa West Blueside? Kaso mga pasaway. Tsk!"

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Anong sabi nya? Maganda? Ako? Aba syempre naman.

"This is your first warning Miss Riel. Wala pang punishment sa ngayon kakausapin ka lang ng SC President. Pero sa susunod na mahuli ka pa eto lang ang masasabi ko Miss."

Tumingin muna sya sa paligid bago inilapit ang mukha nya sa tenga ko at bumulong.

"Nakakatakot syang magparusa."

Kinilabutan naman ako sa paraan ng pagbulong nya. Lumayo naman na sya kaagad.

"Sige na. Pumasok kana Miss abot kapa sa second subject mo. Bago maguwian pumunta ka sa Counsil office."

Akmang aalis na ako ng bigla ulit syang magsalita.

"By the way, I'm Clythe Raiven Tanceco Vice President."

Napamaang naman ako sa narinig. Sya ang Vc? Di halata ah. Napailing nalang ako at tuluyan ng pumunta sa room.

Saktong pagpasok ko ay wala pang Prof. Agad akong umupo sa tabi ni Yumi coassmate namin ngayon si Ashley kaya nandito sya.

"Akala namin hindi ka papasok. Anong oras ka ba natulog kagabi?" bulong na tanong ni Yumi sakin.

"2am." Maikling sagot ko.

"Kaya naman pala. Ano bang pinag gagawa mo at madaling araw kana natulog?"

"Hindi lang talaga ako makatulog Yumi," pagpapalusot ko.

"Namamahay ka? Ganern? Pero teka nahuli ka ba?" nag aalalang tanong ni Ashley.

I sigh. Napangiwi naman silang dalawa.

"Vice President pa. First warning pa lang naman kaya walang punishment pero pupunta rin ako sa office dahil kakausapin daw ako," explain ko sa kanila.

"Vice President?" sabay na tanong nila.

"Clythe Raiven Tanceco."

"Oh my gosh!" sabay nilang sigaw. Tinaasan ko naman sila ng kilay.

"Usap usapan kase kaninang wala ka pa ang about sa tatlong magkakaibigan na yon. Si Kaizer na President, si Clythe na VP at si Lucas daw ni Ashley," umirap pa si Yumi sa huli nyang binanggit.

Lucas talaga ni Ashley noh? Inangkin ba naman.

"Magkakabarkada pala silang tatlo," napaismid ako dahil sa nalaman.

"Gwapo ba talaga si Clythe?"

"Hot?"

"Yummy?"

"Pwede ko nang iuwi samin?"

"Landi mo Yumi ah."

"Nagsalita ang hindi. Che!"

"Tsk! Ano ba kayong dalawa tumigil nga kayo dyan. Gwapo? Oo, pero weirdo kaya manahimik na kayo," pagpapatigil ko sa pangungulit nila.

"Sungit. Meron ka ngayon no?" pang aasar pa ni Yumi. Sinimangutan ko na lang sya.

Dumating na din ang prof namin kaya nakinig na lang ako sa tinuturo nya.
Pagdating ng break eh nag aya si Mariko sa Outside West.

"Anong nakain mo Mariko at nag aya ka dito?" Yumi asked her habang naglalakad kami.

Maraming estudyanteng nagkalat dahil break pa ngayon. Pati dito sa OW ay madami rin. Sabagay sa laki ng school hindi na yun nakapagtataka.

"Wala lang. I want to bond with you guys thats all," nakangiting aniya.

Nagtungo kami sa Angel's Caffe masarap daw kase ang dessert dito especially the chocomilk waffle. Naghanap kami ng table for four at napili namin yung katabi ng glass wall.

Ganda ng view sa labas! Couples in HHWW..... sakit sa mata.

Si Mariko at Ashley ang umorder.

"Yumi naniniwala ka ba sa spark? Yung connection? May electrisity?"

Napatingin naman sya sakin na parang nabigla.

"Bakit?"

"Wala lang."

"I know na bata pa lang tayo naniniwala ka na sa ganyan. Alam ko rin na alam mong wala pang 50% na tao sa mundo natagpuan na yung sinasabing mate or other half nila kaya nga marami pa ding nasasaktee an pagdating sa ganyan diba?"

She look at me at ngumiti.

"Alam mo bang minsan ko nang naramdaman yang sinasabi mo? Grade 5 tayo," natawa sya.

"Really? Nangyari na yun sayo? Bakit hindi mo sinabi?" tumango naman sya. "Baka kase pagtawanan nyo ako ni Ashley eh!" nahihiyang sagot nya.

"Nung hinawakan nya yung kamay ko nun paratulungan para bang may kung anong dumaloy sa kamay ko kaya nga agad kong nabitawan yung kamay nya. Nahiya nga ako dahil alam kong nabigla sya. Tapos pag tumingin at ngumiti sya sakin bumibilis na lang bigla ang tibok ng puso ko. Dahil bata pa tayo nun binalewala ko na lang."

"Bakit hindi namin alam yan?"

"Iniwan nyo kase ako nun sa park."

"Ahhh! Yung akala naming nawawala ka?" Tumango naman sya bilang sagot.

Grabe! Totoo pala talaga yun?

"Alam mo ba kung nasaan na sya?" Umiling naman sya saka tumungo.

"Makikita mo ulit sya in the right time." Sabi ko saka ngumiti.

Sakto namang dumating na sila Mariko.

"Mukhang seryoso ang pinag uusapan nyo ah," sabi ni Ashley saka nilapag sa harap ko ang tray na may lamang food.

"About lang sa spark nothing serious Ashley," sagot ko.

"Speaking of spark. Alam nyo bang naniniwala din ako dyan. Sana nga mahanap ko na ang Soulmate ko eh." Mariko said then sip her juice.

"Bakit Alexia nahanap mo na ba?" Ashley asked. I just shrug my shoulder. Ayaw ko pang sabihin dahil i'm not sure pa if its real. Tsaka complicated.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na ulit kami sa school. Two subjects lang ang klase namin ngayong hapon.

At heto na nga 30 minutes na lang dismissal na. Pakiramdam ko sobrang bilis ng oras. At sa tuwing titingin ako sa wall clock sa harapan ay kinakabahan ako.

"Okay class dismiss."

Nagligpit na ako ng gamit. Dadaan muna kami sa locker bago ako pumunta sa SC office.

"Oh panu una na kami ni Ashley sa dorm. Ingat ka ah."

"Relax ka lang girl. Mabait naman daw si Pres diba. Si Mariko nagsabi nun."

Nagpaalam na silang dalawa at ako naman ay nagpunta sa Main hall. Magtatanong na sana ako dun sa girl sa front desk nang may matamaan akong papalapit sa pwesto ko.

"Miss Riel you're here na. Halika sabay na tayong pumunta sa SC office," nakangiting tugon nya.

Nakarinig naman ako ng bulong bulungan mula sa likod namin. Bakit naman kase takaw atensyon ang lalaking nasa harap ko ngayon?

"Miss Riel!" Tawag neto sakin. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Miss ka ng Miss. Alexia na lang. Tara na nga sa loob ang dami ng nagkakagulong girls dahil sayo," sabi ko saka hinila na sya papunta sa SC office.

"Kasalanan ko bang pogi ako?" Inirapan ko naman sya at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

"Ahhmm.. Alexia yung kamay ko."

Napatingin naman ako sa kamay nya at hawak ka pa pala iyon. Binitawan ko naman agad at umiwas ng tingin. Nakita ko pang ngumisi sya.

"Lead the way Mister."

"Yes Misis."

Natigilan naman ako sa sinagot nya. At bago pa ako nakapag react ay nauna na syang maglakad.

"Hoy lalaki hintayin mo nga ako," sigaw ko habang tumatakbo.

Bakit ba ang hahaba ng binti ng mga lalaki. Ang tatangkad pa.

Nang makarating kami sa tapat ng pinto na may nakalagay na 'School Counsil Office'. Kumatok muna sya bago buksan ang pinto. Nauna syang pumasok at sumunod ako.

Papasok pa lang ay ramdam ko na agad ang kakaibang pakiramdam tulad nang una kaming magkatinginan sa cafeteria.

"Pres nandito na si Miss Riel." Clythe said.

"What are you doing here Tanceco?" malamig na tanong ni Kaizer kay Clythe.

"Bakit sayo ba ang office na'to? Binili mo? Asan titulo? Vice ako kaya may rights din akong pumasok dito," seryosong sagot ni Clythe.

Galit ba sya? Nag aaway ba sila? Huwag naman sanang idamay ako no?

"Psh! Baliw. Umalis ka na nga."

"Parang hindi ka naman kaibigan nyan bro eh. Huwag mo nga akong itaboy."

Pareho silang baliw. Hayyy!

"Aalis ka dito o aalisin kita bilang Vice? You choose!"

"Eto na nga aalis na. Hinatid ko lang talaga si Alexia," sagot ni Clythe na ikinatingin ni Kaizer sakin.

Ayan na naman po yung kakaibang pakiramdam. Para akong hihikain dahil sa lalim ng titig nya sakin.

"Bye Alexia! Una na ako may dalaw si Pres kay nagsusungit. See you around."

"Thank you sa paghatid."

Ngumiti naman sya bago nag salute kay Kaizer tsaka tuluyan ng umalis.

Ngayon kaming dalawa na lang ang naiwan dito. Sabihin nyo nga sakin ano bang nagawa kong mali at napunta ako sa sitwasyong ito?

Nakatayo lang ako at hindi makatingin sa kanya. Naiilang ako. Baka kase pag tumingin na naman ako sa kanya malagutan na ako ng hininga. Charrr

Nakarinig ako ng mahinang tawa kaya agad akong napatingin sa lalaking nakaupo sa harap ko.

"Mukha ba akong multo at hindi ka makatingin sa akin? Sa pagkakaalam ko kase gwapo ako."

Wow! Mayabang pala ang lalaking ito noh? Hindi ako nainform.

"At isa pa maupo ka kaya. Tatangkad ka nyan masyado eh."

Agad naman akong umupo pero nakayuko pa rin.

"Ang tahimik mo naman Miss Riel."

Hindi pa rin ako kumikibo. Kinakabahan kase ako. Narinig kong tumawa na naman sya. Mukha ba akong clown? Napapikit ako dahil hindi ko makayanan ang aking nararamdaman. Pagtawa pa lang nya nakakapanlumo na buti na lang nakaupo na ako.

Nagulat ako nang bigla syang dumukhang paharap sakin at hinawakan ang chin ko para mapatingin sa kanya. Saglit kaming nagkatitigan.

Dug.dug... Dug.dug... Dug.dug...

Nakaramdam ako ng kakaibang kuryeteng dumaloy sa buo kong katawan ng hawakan nya ako at titigan. Agad akong napalayo at umiwas ng tingin. Sinasabi ko na nga ba eh. Sht naman na malagkit. Ano yun?

"Ahemm.. Sorry!"

"O-Okay lang."

"By the way, I'm Kaizer Del Tiero the SC President. This is your first warning Ms. Alexia Riel sa susunod na mahuli ka pa may punishment na. Bago ka lang dito hindi ba?"

Tumango naman ako.

"Hindi mo binasa ang school handbook, am i right?"

Hindi naman ako nakasagot dahil tama iyon. I bite my lower lip to compress my guilt. Sabi ko nga dapat binasa ko.

He chuckled. "Alam mo nakakatuwa ka. Tahimik ka ba talaga o natatakot ka sakin? Sorry pala nung last time dahil yata dun natakot ka sakin."

"Anong last time pinagsasabi mo jan Pres?"

"Sa cafeteria. I-I just felt something I don't und-. Never mind. Basta sorry. Mabait naman ako hindi lang halata."

This time ako naman ang natawa sa kanya. Tawa na pwedeng itago ang kabang nararamdaman ko.

"Tumatawa ka naman pala eh," he even smile at me.

Jusko naman. Hindi alam ng lalaking ito kung anong epekto sakin ng ginagawa nya. Baka sya pa ang maging dahilan ng pagkamatay ko.

Cause of death: Kaizer killer smile. Tsk!

"Sige na Miss Riel pwede ka nang umalis. Basta first warning mo na'to wala ka pang record."

Tumayo na ako at nagbow bago lumabas pero bago ako tuluyang makaalis ay muli syang nagsalita na ikinatigil at ikinalamig ng katawan ko.

"Nice to meet you Krystal. Welcome to West Blueside Academy. Hope you enjoy your stay here."

Sht ka Del Tiero.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top