Nasa cafeteria kami para mag lunch. Katatapos lang ng last subject namin this morning at may one and a half hour pa bago ang next na class.
"Alam nyo ba na nakilala ko na yung Lucas na binanggit ni Mariko. Oh my golly wow talaga. Ang gwapo tapos ang hot pa," pagbabalita agad ni Ashley pagkakuha namin ng food.
May last minute class pa kase si Mariko kaya hindi muna sya makakasabay samin.
"Oh tapos crush mo na agad? Tapos ang sunod tatargetin mo na."
"Ang harsh mo talaga sakin Yumi. Hhmmpp.."
Nagulat kami ng biglang may nag sigawan malapit sa may table namin. May nag aaway na pala and guess who kung sino na naman ang nanguna. No other than Shiela Queny Rescober.
"Ang warfreak talaga ng babaeng yan noh? Ang bitch pa. Newbie talaga ang punterya. Tss!" Iiling iling na sabi ni Yumi.
"Sinabi mo pa. Kung ako ang pinakitaan nyan ng kamalditahan naku baka nasapak ko agad ang babaeng yan."
"Ashley tumigil ka nga baka marinig ka at magkatotoo ang sinasabi mo," suway ko sa kanya.
"Joke lang. Gusto ko ng tahimik na buhay. Baka pag nakaaway ko yan baka siraan ako kay Lucas Jaire."
"Stalker ka na din pala Ashley. Pati name inalam mo talaga. Iba ka talaga noh? Ipagpapalit mo na ba si Luke sa Lucas mo?"
"Hah! Bahala sya sa buhay nya basta ako may Lucas na."
Napailing na lang kami ni Yumi.
"Hey nerd. Look what have you done. My uniform is a mess. Alam mo bang mas mahal pa 'to sa buhay mo?" sigaw ni Shiela doon sa girl na nakatayo sa harap nya.
Puno ng spaghetti ang uniform ni Shiela kaya galit na galit ito.
"Hindi ko po sinasadya. May tumisud po kase sakin kaya natapon ko sa inyo yung spaghetti. Sorry po." paghingi nito ng sorry habang nakayuko.
"Ganun na lang ba yun? You're so stupid nerd. Dapat tumitingin ka sa dinadaanan mo. Anong silbi ng apat mong mata kung pashunga shunga ka." muling sigaw nito at nagawa pa nyang duro durohin yung girl na umiiyak na.
Bakit kailangang magkaroon pa ng katulad nya dito? Iba talaga pag sunod sa luho. Kahit anong magustuhan ginagawa kaya nagiging masama ang ugali.
"Akin na nga yang juice. Dapat may gawin din ako diba? Sayang naman kung ako lang."
Inabot nung alipores nya ang juice na sanay ibubugos nya dun sa girl nang may biglang pumigil dito.
Natahimik ang lahat. Ni walang ingay na maririnig sa loob ng cafeteria. Pati paligid ay nabalot ng matinding atmosphere na nagmula sa bagong dating.
"K-Kaizer."
Nagulat si Shiela ng makita kung sino ang pumigil sa kanya. Para itong nakakita ng multo kaya nabitawan ang hawak na baso sa sahig na nagsanhi ng ingay.
"Ms. Rescober do you think na kukunsintihin ko ang ginawa mong ito? You're a daughter of the Mayor pero natatandaan mo din bang nasa shool ka ngayon at wala sa labas? So, it means na walang pwedeng gawin ang father mo na against sa rules of the school."
Maawtoridad na sabi ng lalaki. Base sa kanyang kilos at pananalita ay mataas ang katungkulan nya dito sa school. At nakikita ko rin na lahat ng students ay takot pagdating sa kanya.
Kaizer? Familiar.
"K-Kaizer k-kase ano eh. Sya kase tinapunan nya ako ng spaghetti. Look oh ang dumi ko na." maarte nitong turan.
"Iba ang sinasabi mo sa nasaksihan ko kanina lang. Iba ang sinadya sa hindi sinasadya."
Sheila look down ni hindi ito nakasagot.
"Bistado ang lola mo. Buti nga sa kanya," natatawang bulong ni Ashley.
"And you Ms. Montes sumama ka kay Ms. Rescober sa Detention Office. And before you two leave mag sorry muna kayo kay Ms. Enriquez."
Pilit namang ginawa ng dalawa ang sinabi nung guy.
"Go!"
Tumingin sya sa paligid.
"Back to your own businesses guys. Tapos na ang palabas."
Walang kaemo emotion na sabi nito. Nagulat naman ako nang mapatingin sya sa gawi namin at magtama ang aming mga paningin.
Wala kang makikitang kahit anong emosyon sa kanyang mga mata. Blangko.
Pero isang bagay lang ang naramdaman ko. Kakaiba. May something sa mga tingin nya na hindi ko maintindihan kung ano. I felt my heartbeat went wild. Para akong hinahabol ng kabayo dahil sa bilis ng tibok neto.
Isang tingin lang nya pero iba na agad ang epekto sakin. Sino ba sya at bakit ko yun naramdaman?
Hanggang matapos ang last subject namin ngayong first day eh ramdam ko pa din yung kakaibang feeling nang magkatinginan kami nung lalaking yun.
Naglalakad kami ngayon sa hallway pabalik sa dorm nang bigla akong may naisip na ikinatigil ko sa paglalakad.
Hindi kaya sya na ang soulmate ko? Hindi ba kapag may spark o connection kang naramdaman sa isang tao it means na he is your half? Yun ang paniniwala ko.
Aarrgghhh! Ewan.
Hindi ko napansin na tumigil din pala yung dalawa sa paglalakad at ngayon ay nagtataka na kung bakit ako tumigil bigla.
"Yah! Alexia problema mo? May pa iling iling ka pang nalalaman jan?" kunot noong tanong ni Yumi na ikinabigla ko.
"H-Huh? A-ahh! W-Wala. Tara na baka nakalog lang brain ko dahil sa sabunot ni Shiela," palusot ko naman.
"Oo baka nga. Ang bruhildang yun talaga. Kapag nalaman ko lang na natanggalan ka ng turnilyo sa utak kakalbuhin ko sya."
Pinalo ko na sa braso si Yumi dahil sa sinabi nya. Tinawanan lang ako ng loka.
Nang makarating kami sa dorm ay agad akong nagpalit ng pambahay para komportable. May assignment pa pala akong gagawin. Tsk! Mamaya na nga yun madali lang naman eh.
"Yung guy kanina sa cafeteria grabe ang presence no? Para bang sya yung masungit at cold na CEO President ng isang company sa mga drama," ani Ashley habang kumakain ng chippy at nanonood sa tv.
Umupo ako sa tabi nya at nakinood na din.
"Look girls. That guy is none other that Ash Kaizer Del Tiero. Mr. SC President."
Sabi ni Yumi na busy sa pagpindot sa cellphone nya.
"Hindi nga? Patingin."
Ibinigay nya samin ang cellphone at totoo nga. It is an underground webpage ng school.
"At saan mo naman nakuha ang page na yan?" pagtatanong ko.
"Nakita ko lang," kibit balikat nyang sagot.
"Grabe sa loob ng 1 year nya bilang SC Pres. eh walang sinuman ang kumalban sa kanya kahit sa posisyon bilang School counsil President. At eto pa ah, magaling daw talaga mamuno si Kaizer Del Tiero. Strikto pagdating sa rules. Kaya lahat napapasunod nya."
"Kaya siguro may mga manners ang mga estudyante dito ay dahil na rin sa magaling talaga sya mamuno bilang President. Maliban na lang kay Sheila."
Biglang nagbukas ang pinto at niluwal nito si Mariko na may dalang tatlong paper bags.
"Hi girls. First day na first day may Lab experiment na agad kami. Kayo kamusta first day nyo?" exhausted na bungad naya sabay upo sa single sofa.
Mukhang pagod talaga sya.
"Ayos lang. Nameet ko na pala si Lucas. Nagpunta kase kami sa Broadcasting room tapos saktong nandoon sya. Grabe Mariko sobrang hot nya pala. My gosh!" kinikilig pang sabi ni Ashley.
Natawa naman si Mariko sa inasal nito.
"Pero ingat ka pa rin. Mapaglaro ang lalaking iyon. Matamis magsalita."
"I know! Makikipaglaro na lang ako. Hihihi," napailing na lang ako sa sinabi ni Ashley.
"Kami ni Alexia may assignment agad. Kaloka si Prof. Castillo ang terror."
"Masasanay din kayo sa ugali nun. Katagalan naman makakasundo nyo din lahat ng Profs dito. Mababait naman silang lahat."
"Sabagay. First day pa lang naman. Kumbaga eh sinusubok muna."
Tumango naman si Mariko tsaka tumingin sakin.
"Kamusta? Nagkita ba ulit kayo ni Shiela?"
"Bago kami pumasok ni Yumi sa first subject namin napadaan sila sa room namin. Hindi ko naman pinatulan ayaw ko din kase ng gulo."
"Tama yun. Kulang kase yun sa atensyon. Atensyon ni Kaizer."
"What do you mean?" tanong ni Ashley.
"Shiela likes Kaizer since second year sya at first year naman si Kaizer. Ang alam ko ay nabangga sya ni Kaizer that time dahil sa bago pa lang noon si Kaizer ay sya agad ang kumausap dito. Pero alam nyo bang dinedma sya ni Kaizer? Ang epic ng face ni Shiela nun. Hindi ko alam kung gumaganti lang ba sya o gusto nya talaga. Basta mahabang kwento. Pero ngayon hindi na sya masyadong nagpapapansin kay Kaizer. Takot ba naman nya kay Nathalie eh."
"Who's Nathalie?" kuryosong tanong ko.
Nagkainterest agad ako na malaman kung sino si Nathalie dahil bakit takot dito si Shiela? Sino ba sya?
"Si Nathalie ay girlfriend ni Kaizer. Pamangkin ng may ari ng school si Nathalie. Nagkakilala silang dalawa nung bumisita dito si Nathalie. Sya lang kase yung unang babaeng nagsungit kay Kaizer at simula nun may naging something na sa dalawa."
"Nasaan yung Nathalie?" tanong ko pa.
"Hindi sya dito nag aaral. Ang alam ko sa America sya nag istay ngayon together with her family. Kaya LDR sila. Wala namang kaso yun dahil loyal naman si Kaizer kay Nathalie eh."
"Sana all loyal," may bahid ng galit sa boses ni Ashley.
"Ganun pala ang kwento. Pero pinag uusapan kase namin si Kaizer bago ka dumating. Nabasa ko kase na magaling mamuno ni Kaizer," Yumi said.
"Ahh. Oo tama ka dyan. First year pa lang sya nun magaling na talaga syang magpasunod ng estudyante. At nakita yon ng Heads kaya nagpasya silang sya na lang ang gawing SC Pres. Kahit yung mga nasa higher year walang pamana sa kanya. Kahit na strict sya nakikisalamuha din sya sa iba lalo na pag may mga activities dito sa school. Mabait yun di lang halata."
Natawa naman ang dalawa sa huling tinuran ni Mariko pero ako tahimik lang.
May girlfriend na pala sya.
Para bang may karayon na tumurok sa dibdib ko sa isiping iyon. Pero bakit?
"Ah nga pala muntik ko ng malimutan."
Kinuha nya yung tatlong paper bags at ibinigay samin.
"Galing yan sa Finance. Pinadala na sakin dahil galing din naman ako dun. Lahat ng transferee binibigyan nila ng pawelcome gift. May allowance din na ibinibigay dito every month kaya wala tayong dapat na ikabahala. Kahit na mahal ang tuition fee may nakukuha din naman tayo galing sa kanila."
"Ang sosyal naman ng WBSA. Dito na talaga ako forever."
Natawa naman sila kaya natawa na din ako. Nagluto si Mariko kaya hindi na kami lumabas pa para kumain sa cafeteria.
Bago ako makatulog dagling nagpakita sa isipan ko ang mukha ni Kaizer Del Tiero. Kaya agad akong napabalikwas ng bangon na animoy nakapanaginip ng masama dahil sa kabang nararamdaman ko.
Why he's bothering me?
***
A/N: ano sa tingin nyo ang sagot sa katanungan ni Alexia? Comment na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top