Chapter 3: First day, First trouble
Kanina pa may katok ng katok sa pinto ng kwarto ko. Agad akong bumangon at binuksan ito. Bumungad sa aking ang kunot noong si Yumi. Nakita ko naman si Mariko na nakabihis na. Tsaka tumingin ulit ako kay Yumi.
"Hindi ka na naman nagbasa ng handbook ano?"
Umiling ako habang nagkukusot ng mata.
"Tsk! Bawal malate sa klase at iyon ang first rule. Sige ka baka mapatawag ka kaagad sa office."
"Totoo ba?" gulat na tanong ko. Nawala tuloy ang antok ko dahil sa narinig.
"Sa kasamaang palad. Mr. Ash Kaizer Del Tiero is very strict pagdating sa school rules."
"Oh my gosh! 7:50 na," sigaw ko tsaka nagmadaling kumuha ng uniform at nagtungo sa cr.
8:30 ang klase pero dahil sa bagal kong kumilos pagdating sa morning routine ay feeling ko napakaikli ng 30 minutes.
Nang matapos ay nag ayos agad ako ng sarili. Hindi na nga ako nakapag blower eh. Hindi tuloy ako makakapagtali ng buhok. Mahaba ang buhok ko na medyo wavy. Pulbos at liptint lang pwede na. Hindi naman kase ako tulad ni Ashley na make-up is life at Yumi na kilay is life. Tama na yung simple lang. Simplicity is Beauty!
"Let's go na. Daan muna tayo sa Cafeteria bago tumuloy sa Main Hall," Mariko said. Ayaw nyang tawagin namin syang ate. Masyadong bata pa daw sya para tawagin naming ganun.
"Anong gusto nyo girls? My treat."
"Ayun! Lahat daw ng pagkain masarap kapag libre. Charr!"
Natawa naman kami dahil sa tinuran ni Ashley. Ang babaeng 'to talaga oh. Ang daming alam.
"Chicken burger at pineapple juice na lang sakin," sabi ko.
"Ayaw mo ng rice, Alexia?" tanong ni Mariko.
"Hindi sya kumakain ng heavy meals sa umaga. Arte noh?" Napairap naman ako sa pagsagot ni Ashley. Ang daldal talaga.
"Oh? Diet?"
"Hindi naman. Di ko lang talaga trip."
Ngumiti lang si Mariko. Sinabi nya sa ale na si Ate Lilite yung order namin. Akmang tatalikod na sana ako ng may mabangga ako.
"Ouch! Magdahan dahan ka naman. May tao sa likod mo," sigaw neto sakin.
"Sorry hindi ko naman sinasadya eh. Tsaka hindi kita nakita," hingi ko ng paumanhin sa babae.
"Aba! Sumasagot ka? Hoy Miss Newbie baka hindi mo kilala ang binabangga mo."
"Hindi nga. Kaya nga humihingi ako ng sorry diba?"
"Wow! What the?" mangha nitong sabi na para bang ngayon lang may gumawa sa kanya nito.
"Hey bitch. Ingat ka sa pagsagot sagot mo ah. Miss Queen ang kinakalaban mo," sabi naman nung isa nitong kasama na sinang ayunan din nung isa.
"Miss Queen?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes the one and only. Shiela Queny Rescober. Ngayon kilala mo na ako. At sa susunod na makita mo ako don't mess up with me Bitch," pagtataray neto sakin.
As if naman matatakot ako sayo. Tiningnan ko sya sa ulo hanggang paa. At mukhang paa sya. As in. Clown pa dahil sa kapal ng make-up.
Tinaasan nya ako ng kilay.
"Alam mo ngayon lang may gumawa sakin ng ganito. At ikaw lang ang tumingin sakin ng ganyan."
"Should I be thankful because I'm the first?" pagtataray ko din.
"Huh! Ang bitch mo talaga. Kebago bago mo pa lang dito ganyan kana."
"Eh kesa naman sayo matagal na kana dito pero bakit ganyang ugali mo sa tulad kong bago pa lang? Hindi ba dapat kayong matatagal na dito ang dapat na maging halimbawa para sa mga newbie?"
Natahimik naman sya sa sinabi ko. Nakita kong lumapit sa amin ang tatlo.
"Hey! What's happening here?" Mariko asked.
Tumalikod na ako para kunin ang inorder ko pero bigla nyang hinila ang buhok ko.
"Ouch!" daing ko dahil masakit talaga sa anit ang pagkakahila nya.
"Ang bastos mo. Sa susunod na kalabanin mo pa ako hindi na sabunot ang aabutin mo. Bitch!" galit na sigaw nito bago binitiwan ang buhok ko.
"Let's go girls."
Pero bago pa sila maka alis ay nagsalita ulit ito na ikinairap ko.
"Hey Mariko. Pagsabihan mo yang kaibigan mo na iba akong magalit," at tuluyan na silang lumabas.
Napansin kong sa amin na pala lahat ng attention ng mga nandito sa cafeteria. First day na first day pero trouble agad ang natanggap ko. Ibang klaseng pa welcome ah.
"Are you okay Alexia?"
"Okay lang. Medyo sumakit lang ang anit ko dahil sa paghila nya."
"Sino ba ang malditang yon? At akala mo eh sa kanya na ang buong school?"
"Shiela Queny Rescober. Third year. Designer. Half maldita half demonyeta. Anak ng mayor sa kabilang bayan. May kapit sa gobyerno kaya ganyan ang ugali. Biglang yaman ng pamilya nila ang bali balita may connection sa drug dealer ang ama."
"Kaya naman pala masama ang ugali. Bagay sa kanya yung demonyeta. Siguro kamag anak ni Lucifer."
"Sa susunod na makikita mo sya ikaw na ang unang umiwas. Mahirap na kapag naabutan kayo ng SC President. Mabuti na lang at busy sya ngayon dahil first day kung hindi unang araw ng pasukan nasa detention ka."
Tumango ako bilang sagot. Ayaw ko naman talaga ng nangyari pero dahil maldita sya ayon ayaw magpatalo. Akala ko tuloy magiging tahimik ang college life ko pero dahil may mga maldita pa ring nakapaligid hindi yata mangyayari yun.
Pero that SC President na yan. Nakakatakot ba talaga syang magparusa?
Pagkatapos naman mag tungo sa Main hall ay nagpunta na kami sa aming room. Classmate ko si Yumi at sa five subjects naman namin kasama si Ashley.
Bago kami makapasok sa room may biglang nagsalita sa gilid namin.
"Look who's here. Sa susunod na magtatapang tapangan ka pa hindi lang yun ang matitikman mo. I can make your life miserable. Lets go girls!" She said and flip her hair.
"Ang arte at ang yabang ng babaeng yun. Akala mo naman maganda. Tara na sa loob baka may masamang hangin na namang dumating," hinila na ako ni Yumi papasok ng room.
Hayyy. First day, First trouble. Ano pa bang ibang mangyayari sakin dito. All I want is to study bakit kailangan ng may kontrabida pa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top