Chapter 2: New school

Hinatid ako nina mom and dad sa bago kong school.

"Bye Mom. Bye Dad. Mamimiss ko po kayo. I love you both."

"We will miss you din Alexia. Mag iingat ka dito. May cellphone naman pwede ka pa ding tumawag samin ng daddy mo."

Tumango ako at ngumiti sa kanila bago magpaalam.

Pumasok ako sa loob ng malaking gate. Pagpasok sa loob manghang mangha ako sa nikikita.

"School ba 'to? Para namang palasyo eh. School of elites talaga," bulong ko sa sarili.

Sobrang ganda ng school. Mga apat na building sya tapos may malawak na soccer field. May mga puno sa gilid at may garden sa likod ng unang building. Ang bawat puno ay may bawat bleachers na pwedeng pagtambayan.

"Alexia!"

"Hey! Earth to Alexia."

Dahil sa pagkamangha ay hindi ko namalayan na nandito na din pala sina Ashley at Yumi.

"Ahehehe... nandyan na pala kayo? Tara na sa Office of the Head."

"Wala ka pa yata sa tamang pag iisip Alexia. Hindi ka nagbasa ng school handbook ano?"

"Bakit? Anong meron? Hindi ko kase napansin. Nagandahan ako sa uniform nung ibinigay sakin ni mommy kaya hindi ko na napansin yung ibang kasama. Sorry!" nag peace sign ako.

"Nakalagay na sa handbook kung saan ang dorm natin pati na din ang schedule ng class natin pati na rin ang iba pang details about the school. Magbasa ka mamaya ah," paninermon sakin ni Yumi kaya nag pout naman ako.

"Ganun ba? Hehehe.. Later babasahin ko na po."

"We're in the same dorm. Tapos karamihan sa subjects natin magkakasama din tayo. Kyahh Exciting naman this," masiglang sabi ni Ashley.

Tumunog ang speakers ng school. Sa sobrang dami eh talagang madidinig mo kahit nasaan ka pa sa sulok ng school na ito.

"All the students go to your respective dorms. Tomorrow we will start out first day. And to all the transferees, new students please proceed to the main hall. You will be having a school tour.
Thank you and Good luck students!" anunsyo ng Principal.

Sabay sabay kaming tatlo na magtungo sa dorm para dalhin ang mga gamit namin bago kami tumulak papuntang Main Hall.

"Pagkalaki laki naman ng Main hall nila. Siguro ang sarap ng buhay ng mga students dito noh?" biglaang tanong ni Ashley.

"Sshhh! Quiet ka nga Thalaine may makarinig pa sayo."

"Oo na po."

Alam na yun. Kapag tinawag na sya nitong Thalaine it means kailangan mo na talagang tumahimik.

May babaeng lumapit samin siguro nasa mid 20s pa lang sya. Napatingin ako sa paligid nasa 30 or 50 kami na new students.

"Okay! Attention students. I'm Miss Rika Minato. I'm an English Prof. Pero ako muna ang mag totour sa inyo. Ready na ba kayong lahat?"

"Yes Miss." sagot naman namin.

"This is the Main Hall. Bago kayo pumasok sa classrooms ninyo dito muna kayo dideretso para sa attendance. Dito din minsan ginaganap ang mga parties ng school and meetings. Sa taas ang Office of the Head at ang School Counsil."

Tumango tango naman ako.

Kaya pala maraming chairs sa banda doon dahil sa nagaganap ng meetings.

Lumabas kami at nagtungo sa first building.

"Eto ang First year Department. Lahat ng first year kahit anong course mo dito ang building nyo. May mga name courses naman ang bawat room kaya madali nyo lang malalaman kung saan ang klase nyo."

"Ay ang boring naman. Wala pala tayong makakasalamuhang ibang year?" pabulong na sabat ni Ashley kaya siniko ko sya baka may makarinig pa.

"Ganun din sa dalawang building. The second one is Second year Department. Nadoon ang clinic at ang kasunod ay Third year Department. Pero this year siguro ay may mga pagbabago sa classrooms and department. Minsan kase ay may nagrereklamong students especially girls na bakit daw wala manlang silang nakakahalubilong ibang year? Panu daw nila makikilala ang iba? Kaya minabuti ng Heads na may baguhin sa rules and regulation para wala na din magreklamo."

"Ayun naman pala eh."

"Isa pa Ashley," saway ko. Nagpeace sign lang ito sakin.

"Ang ang last building na'to ay para sa mga graduating students. Ang taas nyan ay offices para sa mga Business students, lahat ng may office course. Nandito din ang Laboratory. May kitchen din para sa mga culinary students. At marami pang iba. Makikita nyo iyon kapag naglaboratory kayo."

Nakakamangha naman ang school na ito. Pero hindi man lang ba kami pwedeng mag mall manlang?

"Come! Sundan nyo ako."

Sumunod naman kami papunta sa likod ng school. May malawak na hallway kaming dinadaanan. Puno ito ng mga magagandang bulaklak sa magkabilang gilid.

"At ito ang Outside West."

Wow! As in wow talaga.

"Oh my gosh. Dito na lang ako forever."

"Makakagala pa din tayo girls."

"Alam kong inaasahan nyo ito. Pero alam kong mas maganda dito kesa sa labas ng school diba?"

Mas maganda nga dito.

Sa likod ng apat ng building ay natatago ang iba't ibang kalse ng mall at kung anu ano pa. May starbucks din. Shakey's, Mcdo, PizzaHut, 7/11, at iba pang pwedeng pagtambayan.

May dalawang malaking mall. May malawak na plaza para sa mga gustong tumambay.

May chapel. May bilihan ng kung anu ano. Basta madami. Kung anong meron sa labas ng school meron din dito.

"Pinatayo ito ng President para daw hindi mangulila ang mga estudyante kung ano ang buhay nila pag wala sa loob ng eskwelahan. Napakabait ng President ng school diba? Kaligayahan ng mga students ang prioridad nya. At ganun din ang pag aaral ng bawat isa. Kapag time ng klase, kalse lang talaga. Every hapo naman pwede kayong pumunta dito o kahit kailan nyo gustuhin basta wag pababayaan ng studies. Okay ba students?"

"Yes, Miss!" sagot namin.

Ang bait ng may ari ng school anu? Ang swerte ng mga anak nya.

Bumalik kami sa First year Dept.

"Sa likod neto ang Sports Hall at ang Gym. Lahat ng sport na gusto nyong salihan ay nandito. Nandito din ang Cafeteria."

"May swimming class kaya? Maraming hot guys doon panigurado," bulong ni Ashley then giggled. Napairap naman si Yumi.

"Nasa second building ang Broadcasting at Studio."

"Gusto ko din doon. Tuwing break pwede kang magsoundtrip at pwede ko ding batiin ang magiging new crush ko. Oh my gosh!"

Napailing na lang ako kay Ashley.

"So students. Sana ay pagbutihin nyo ang iyong pag aaral. Kitakits bukas. Good Luck!"

Nagpaalam na si Miss Minato kay nagsipuntahan na kami sa aming dorm.

Magkahiwalay ang dorm ng girls at boys. Ang girls ay sa may first building at ang boys ay malapit sa third building para iwas takas daw. Maganda naman yun para din naman sa mga students yun eh.

Bawat dorm ay may 4 roommates. Magkakaiba naman ng kwarto. Parang isang maliit na bahay. May mini kitchen, dining area, comfort room at sala. Tapos apat ang kwarto. Kumpleto na din sa gamit. Ang sosyal nga eh.

Pagpasok namin sa loob ay may tao na. Ito siguro ang isa pa naming makakasama.

"Oh hi girls. Tapos na ang tour?" nakangiting tanong nya. Mukha naman syang harmless.

"Oo eh," sagot ni Yumi.

"By the way, I'm Mariko Jewel Acosta. Second year na ako. Medicine."

"Wow! Diba mahirap ang Medicine? Ahehe. Ako nga pala si Ashley Thalaine Mendoza."

"Hi Ashley. Hindi naman mahirap nasa pagsisikap na yan."

"Sabagay. BS Communication ako."

"Babagay ka sa Broadcasting. Nandoon si Lucas eh. Gwapo yun pero playboy."

"Talaga? Sa tingin mo bagay kami?"

"Thalaine tumigil ka nga. Playboy nga diba? Kahit pa gwapo yan lumayo ka sa tukso," suway ni Yumi.

Natawa naman si Mariko.

"Yumi Jeska Salazar is the name. Pagpasensyahan mo na ang babaeng yan ah. Brokenhearted kase."

"Its okay."

"Ako naman si Krystal Alexia Riel. Pareho kami ni Yumi na Business Ad."

"Riel? Are you Tita Andrea at Tito Kio's daughter?"

Nagulat naman ako dahil kilala nya sina mommy at daddy.

"How did you know my parents?"

"Kaya pala familiar ka. Anak ako ng business partner ng parents mo. Nakikita kase kita minsan sa business party na dinadaluhan nina mama eh."

"Ganun ba?" tumango sya at ngumiti.

Nagkwentuhan Lang kami at pagdating ng 7 pm nagtungo kami sa Cafeteria para mag dinner. Bukas ang cafeteria until 11 ganun din ang Outside West.

And tomorrow is the first day of class. Nakakakaba.

****
A/N: kakaiba ang imagination ko ngayon kaya pagpasensyahan nyo na kung anong kinalabasan ng West Blueside Academy. Basta maganda po sya. Depende na din sa imagination ng nagbabasa.

Hope you like it guys. Lovelots.

Don't forget to vote and write your comments. Kamsahamnida!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top