Chapter 17
Date
Kinabukasan maganda ang gising ko. Ako pa nga ang kauna unahang nagising sa aming apat.
4:30 am pa lang ay gising na ako kaso mas gusto ko pang magbabad sa kama kaya hindi agad ako bumangon at pagdating ng 5:00 ay doon lamang ako bumangon para magluto ng breakfast namin. Masama ako kaya masaya din ang body parts ko na gumalaw galaw.
Nagluto lang ako ng hotdog at friedrice. Gumawa din ako ng apat na egg sandwich at nagtimpla ng pineapple juice.
Pagkatapos kung uminom ng mainit na chocolate drink ay nagpasya na muna akong maligo para pagkatapos ko ay sabay sabay na kaming kakain.
"Hhhhmmmm! Hhhmmm! La~ la~ la~ Ra~ hhhmmmm."
At dahil good mood ako ay nagawa ko pang kumanta kanta. Nagsuot lang ako ng purple off-shoulder at tinernuhan ng maong na palda above the knee then heels.
Lumabas ako ng kwarto ay saktong kagigising lang din ng tatlo.
"Good morning!" masayang bati ko na ikina nganga nilang tatlo.
Sinuri nila ako ulo hanggang paa at tiningnan na para bang hindi makapaniwala at may may himalang nangyari sakin.
"Hoy! Ano ba kayo tigilan nyo nga ako. Gutom lang yan kaya kumain na lang tayo, okay?"
Sabi ko saka sila hinila papunta sa mesa. Nakita kong ngumiti silang tatlo na ikina iling ko.
"Early bird ka today ah. Anong nakain mo?" tanong ni Yumi.
"Wala yang nakain. May nangyari lang talagang fishy fishy kaya masaya yan. Ano sinagot kana ba ni Kaizer?"
Natawa naman sila sa tanong na iyon ni Ashley.
"Kainin mo na lang yan ingay ingay mo. Hotdog yan at hindi isda," isinubo ko sa bibig nya yung hotdog kaya mas natawa pa sya lalo.
Kagabi pa itong babaitang 'to sa fishy something nya.
Napatingin ako kay Mariko na iba ang ngiti sa akin at may pataas taas pa ng kilay.
Natawa ako. "Masaya lang talaga ako. Kailangan ba may reason para ngumiti o tumawa?"
"Oo! Unless baliw ka."
"Eh baliw naman talaga yan eh. Baliw kay Kaizer Del Tiero."
"Eh ang tanong, mutual ba?"
Saka sila nagtawanan. Pang aasar sakin ang kanilang kasiyahan kaya pabayaan na lang. Atleast napapasaya ko sila diba? Hahaha!
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Hayyy! More good vibes come to me please!
Pagkatapos naming kumain ay saka sila nag ayos ng sarili bago kami pumasok.
Second Day na ng Valentines Day event kaya umagang umaga pa lang ay marami ng mga estudyanteng nagkalat. Karamihan pa couple. Diwow! Kayo na! Sakit nyo lang sa mata. Haha bitter lang?
Pupunta na sana kami ni Yumi sa iba naming classmate ng may humarang sa daraanan namin.
"Hi Alexia! Flowers for you."
Tumaas ang kilay ko ng makilala ko kung sino ang lapastangan na humarang samin.
Gwapo sya at matangkad. Maganda rin ang pangangatawan dahi halata ito sa suot na long sleeve polo. Pero, hindi ko sya type. Mukhang playboy eh.
"Mister allergic ako sa bulaklak kaya sa iba mo na lang yan ibigay, okay? Salamat!" mataray na sabi ko.
Akmang liliko kami ni Yumi ng humarang naman ang iba nyang kasama.
"Huwag ka ng pakipot Alexia. Alam kong type mo rin ako kaya tanggapin mo na. Bulaklak lang naman yan eh. Isa pa," tumingin sya sa paligid na para bang may hinahanap.
"Wala naman sina Tanceco sa paligid kaya wag kang mag alala. Hindi naman nila malalaman eh."
Napairap ako.
"Mister pwede bang paraanin mo na kami dahil marami pa kaming gagawin."
"Bibilhin ko na lamang lahat ng tinda ninyo basta ba makikipagdate ka sakin."
"At sa tingin mo ba papayag akong makipagdate si Krystal sa katulad mo?"
Lahat ay napasinghap at nagulat ng may baritonong boses na nagsalita mula sa likod ng mga lalaking nakaharang sa amin.
Humarap ang lalaki kina Ash na nakangisi at hindi nagpahalatang natatakot.
"Del Tiero! Del Tiero! Anong karapatan mo na pigilan ako?"
Ash smirked.
"Kaibigan nya ako at hindi ako papayag na makipagdate o mahawakan mo man lang kahit dulo ng kanyang daliri. Kilala kita at alam ko kung anong takbo ng utak mo."
"May girlfriend ka diba? Bakit ba nangingielam ka? Para yatang nagiba na ang takbo ng pag iisip mo ngayon Del Tiero?"
"I'm just protecting her from you. Asshole!"
"Aba't ang yabang mo na yata ngayon Del Tiero ah. Away ba gusto mo? Ha?"
"Hindi away ang ipinunta ko dito. Pero kung yan ang gusto mo bakit hindi? Baka kapag naisahan kita eh titigilan mo na si Krystal."
"G*go!"
Akmang susuntukin na nung lalaki si Ash nang mahawakan nya ang braso neto bago pa lumapat sa kanyang mukha.
"Yan lang ba ang kaya mo? Ang weak mo naman pala."
Panghahamon ni Ash na may halong panunuya sinabayan pa ng tawang pang asar nina Clythe kaya mas lalong naasar yung lalaki. The guy close his fist.
Bago pa lumala at magkagulo dito ay pinigilan ko na si Ash na magsalita pa. Baka malaman pa ng Dean eh mapatawag pa kami.
"Ash umalis na lang tayo. Hayaan mo na lang sila," pigil ko sa kanya.
Tumingin sya sakin bago muling ibinalik ang tingin sa lalaki.
"Sa susunod na malamang kong nilapitan mo pa ulit si Krystal sa office na ang bagsak mo."
Hinawakan ako sa braso ni Ash at marahang hinila papalayo.
"Ako na munang bahala kay Krystal," sabi nya kina Yumi tsaka ako hinilang muli.
Napadpad kami sa rooftop. Pumwesto kami kung saan tanaw ang buong field na puno ng mga booth, students at kung anu ano pa.
"Ash!" mahinang tawag ko sa kanya.
"Salamat pala sa kanina ah. Pero hindi mo na dapat ginawa yun paano kung nasuntok ka nya o di kaya magkagulo. Mapatawag pa tayo sa office nang dahil sa akin."
"I will do everything to keep you away from harm. Your special Krystal and your my friend kaya dapat lang kitang tulungan. At isa pa you don't need to worry about me strong kaya 'to."
Ipinakita nya pa ang kanyang muscle at nagkunwaring si super man.
Natawa naman ako. "Thank you!"
"Dapat nga ako ang magpasalamat sayo dahil pinagaan mo ang pakiramdam ko kahapon."
Ito na ba ang right time para magtanong?
"Ahhmmm... Ash?"
"Hhmmm???"
"May... May problema ka ba? May problema ba kayo ni Nathalie? You can tell me naman baka matulungan pa kita pero.... pero kung ayaw mo naman sabihin its okay. I respect your privacy."
Tumingin sya sakin saka ngumiti.
"Siguro nga may point yung nagsulat ng message na yun. Hindi sa lahat ng pagkakataon sa buwan o sa kung saang bagay man na hindi tayo naiintindihan bumase. Minsan mas magandang magkwento sa mga taong nandyan at makakaintindi satin."
Sa akin galing yung message Ash. Para talaga sayo yun. Ayaw kitang makitang malungkot kaya i wrote it. Mabuti naman at napasaya kita dahil doon.
Huminga sya ng malalim bago muling nagsalita. Sa baba pa rin ang tingin nya.
"This past few days where having a little misunderstanding. Hanggang sa lumala dahil sa long distance at busy sa mga sariling ginagawa. Lagi syang pagod at busy sa studies pati na rin sa modeling kaya kapag tumatawag ako hindi nya agad sinasagot. Lagi nyang diandahilan na pagod sya para makipag usap pa. Laging iritable at masungit. Ako rin naman madaming kailangang gawin dito sa school bilang SC President, may mga kailangan tapusing school papers pero naglalaan ako ng oras para sa kanya dahil ayaw kong isipin nyang nawawalan na ako ng time para sa kanya. Ayaw kong magtampo sya sakin."
"Hindi naman sya ganun dati. Sya pa nga ang unang tatawag sakin para mangamusta pero ngayon sobrang daming nagbago sa kanya simula noong nakuha sya ng isang sikat na modeling company sa States."
"Naiisip ko nga minsan baka nagsasawa na sya sakin o baka may iba na sya doon. Na baka ipagpalit nya ako sa mas malapit. Pero dahil sa mahal ko sya at may tiwala ako sa kanya pipilitin kong ayusin ang lahat. Ako na lang yung iintindi sa kanya kahit parang ako na lang yung lumalaban para samin."
"Alam mo hindi ko na alam ang dapat kung gawin dahil sobrang hirap na. Kung ipaglalaban ko pa ba ang relasyon at pagmamahal ko sa kanya? O hahayaan ko na lang sya sa kung saan sya masaya?"
Yumuko sya.
Alam kong nagpipigil lang syang huwag umiyak. Syempre katangian na ng mga boys na huwag umiyak sa harap ng babae. Boys and their pride!
Porke ba lalaki hindi na pwedeng umiyak? Nakakabakla daw kase. Sus! Palusot.com.ph
Hinagod ko ang kanyang likod para kahit papaano mapagaan ko ang kanyang loob. Hindi ko kase alam ang dapat kong sabihin.
"Magiging maayos din ang lahat Ash. Siguro bigyan mo muna sya ng space at kapag gusto ka na nyang kausapin kausapain mo na. Lahat naman naaayos kapag napapagusapan."
Tinagilid ko ang aking ulo para makita ang kanyang mukha.
"Minsan kase kapag sobrang daming gawa o isipin ang mga babae naiirita o naiinis kami. Minsan pa nga hindi na lang makausap o bigla bigla na lang nagiiba ang mood kapag may monthly period. Baka nataonan mong meron nga sya. Huwag ka na lang mag isip ng kung anu ano. Dapat always think positive lang. Okay?"
Tumango sya pero halatang down na down parin.
Ano ba dapat kong sabihin o gawin?
Hhhhmmm?
Ahhhh! Alam ko na.
Tumayo ako at hinawakan ko sya sa kanyang braso. Halatang nagulat sya kaya natawa ako sa aking isipan.
"Para hindi ka malungkot dyan bumalik na lang tayo sa field. Parang hindi ka naman lalaki nyan eh. Siguro...." ngumisi ako saka sya tiningnan ng may pag aalinlangan.
He smirked. "Iniisip mo bang bakla ako?"
"Hindi ako ang nagsabi nyan ah."
"Gusto mo bang patunayan kong lalaki talaga ako? Hhhmmm?"
Tumayo sya at unti onting humakbang papalapit sakin. Dagli naman akong nakaramdam ng kaba ng makita ko syang ngumisi.
"H-Hoy A-Ash K-Kaizer Del Tiero magtigil ka ah. Sinasabi ko sayo ihuhulog talaga kita dito sa rooftop," nauutal na banta ko na mas lalong ikina ngisi nya.
Nagpatuloy lang sya sa paglapit sakin habang ako naman ay atras ng atras.
"Ayyyy!"
Napatili ako ng mapasandal na ako sa pader. Shocks!
Eto na ba yun? Yung icocorner ka ni guy tapos.... tapos... magkikiss kayo? Aaaahhhhhhhhhhhhhh! Oh em gi!
Kinorner nya ako gamit ang dalawang braso na nakaharang sa magkabila ko. Bahagya syang tumungo para magkapantay ang aming mukha.
Ilang inch na lang at malalapat na ang aming mga labi na sobrang ikina kaba ko. Natetense ako at hindi manlang ako makagalaw o makapagreact manlang.
"Krystal!"
He whisper in husky voice. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang hininga. Mint flavor.
Hindi ako kumibo manlang at nakatingin lang sa mga mata nya.
Ilang minuto rin kaming nasa ganung posisyon at tanging tibok lang ng dibdib ko ang aking naririnig. Tanging ang kanyang mga mata lamang ang aking tinitingnan dahil sa sobrang kaba.
Ang paghinga nya na para bang hinihingal at pag taas at baba ng kanyang adams apple ay isang sign na kinakabahan din sya.
Dahil ba sa akin? May nararamdaman din kaya sya kahit onti manlang?
"A-Ash l-lumayo ka nga."
Tinulak ko sya sa dibdib pero mas lalo lang syang dumikit sakin kaya natrap tuloy ang dalawang kamay ko sa gitna naming dalawa. Para tuloy akong nakakulong sa mga bisig at katawan nya.
Lumapit ang kanyang mukha sa akin kaya agad akong napapikit sa hindi malamang kadahilanan.
Kaso ilang minuto pa walang labing lumapat sa labi ko kaya unti onti kong minulat ang mga mata. Naka ngisi sya sakin saka bumulong.
"Krystal be my date! Thats my order, whether you like it or not. And I don't take no for an answer. So, be prepare."
Napanganga ako sa kanyang sinabi at hindi agad nakapagreact. Nakatulala lang ako sa kanya.
Naka ngiti syang lumayo sakin at tulalang iniwan ako.
Loading.....
Loading.....
Loading.....
50%...... 70%..... 90%...... 100%........
"What the?"
Luminga linga ako pero wala na sya.
Nangiwan.
Ni hindi manlang ako hinintay na makapagreact o makapagsalita. Hindi na nga ako tinanong kung papayag ba ako o hindi at may pa i don't take no answer pa syang nalalaman tapos iiwan lang pala ako dito.
Ano yun? Ginaya nya ang scene nila ni Shiela?
Ang salbaheng yun talaga. Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa utak.
Pero......
"Kkkyyyaaahhhhhhh! Totoo ba o nananaginip lang ako? Sya ba talaga ang nagsabing maging date nya ako? Kkkyyyaaaahhhhhh! Oetteokke?"
Kinikilig na tili ko at may patalon talon pa.
Oh my gosh! Is this real?
Dali dali akong tumakbo pababa para maabutan sya.
Krystal Alexia Riel this is it. Be good, okay? Kkkkyyyaaahhhhh!!! Yung kilig ko hindi ko maitago.
Nag inhale exhale muna ako para pakalmahin ang aking nagwawalang mga nerves. Kailangan kalmado lang para hindi ako mahalatang excited at kinikilig ni Ash.
****
a/n: good evening ebriwan!✨🌧
Happy Reading!📖 don't forget to click ☆ to ★..... kamsahamnida!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top