Chapter 16
Valentines Day
Yaayyy! Today is February 14 and that means VALENTINES na!!!!
"Ano bang magandang suotin? Gusto ko magandang maganda ako ngayon dahil kasama ko ang baby ko. Baka mamaya nyan may mga kiti-kiti na agad na umaligid dun ilulunod ko talaga agad sila sa dagat," nanggigigil na sabi nya.
"Alam mo Ashley kung talagang ikaw lang ang mahal ni Lucas hindi na yun titingin sa ibang babae. Umaligid man sila ikaw at ikaw lang ang makikita nun," sagot ko sa kanya.
"Tama ka naman. Pero.... Ahhh basta."
Umiling naman ako at natawa dahil nanggigigil talaga sya.
"Ready na ba kayo girls?" tanong ni Mariko na naka white highwaist shorts at sky blue polo na pambabae.
"Tara na!"
Si Yumi ay naka white off-shoulder dress. Para tuloy syang anghel.
"Hey! Yumi ikaw ba si Kupida? Puting puti ah," pang asar ni Ashley.
"White is pure and innocent. Wala akong jowa kaya nag white ako."
"Anong connect?"
"Its for me to know and for you to find out! Ciao!"
Nauna na syang lumabas ng dorm saka kami sumunod.
Si Ashley ay naka red shirt na hapit sa kanyang katawan tsaka tinernuhan ng black skirt. At ako? Simple lang, red sleeveless shirt na kita ang pusod tapos nagsuot din ako ng maong na blazer then black highwaist pants at naka heels din ako.
Naalala ko kaseng baka pagsabihan na naman ako ni Ash na balutin na lang ng kumot ang katawan ko kapag lumabas.
Pero bakit ba ang laki ng problema nya sa maiikling damit? Hindi naman kitang kita yung nakatago ah..
"Grabe ang daming estudents ngayon ah. Baka magkadaligaw ligaw tayo dito."
Natawa naman kaming tatlo sa sinabing iyon ni Ashley.
"Gawd! Ang daming gwapo. Kkyyaahh!"
"Ashley tumigil ka nga. Landi landi neto lagot ka kay baby mo sige ka," pananakot ni Yumi.
"Eto naman joke lang."
Nagpunta na kami sa aming kanya kanyang booth. Nagpresinta kami ni Yumi at Casey ang mauunang magtinda para pag naka one hour pwede na kaming gumala sa ibang booth.
"Wow! Ang haba ng pila ah karamihan boys pa. Tinda ba namin ang pinunta nyo dito o si Alexia?" tanong ni Maicka isa sa mga classmate namin at susunod ng magshift.
Siniko ko naman sya. "Tumigil ka nga." Natawa naman sya.
"Ikaw na lang kaya magshift buong araw para marami ang benta ng booth natin," natatawang ani naman ni Misha.
"Isa ka pa. Tigilan nyo nga ako," asar na singhal ko na ikintawa nila.
"Strawberry choco nga po. Ayyy... Wow daming boys may free kiss ba bakit ang haba ng pila? Baka maya-maya sold out lahat ng tinda dito. Tirhan nyo naman yung iba," sabi ng kadadating lang na si Ashley kasama si Lucas.
"Mga bro baka naman tumaba kayo at masira ang ipin dahil sa sobrang sweet. Wag nyong pagdumugan maawa kayo sa ibang hindi pa nakakabili," dugtong ni Lucas.
Halatang pinagtutulungan nila ako. Nakaka asar.
"Bibili ba kayo o magkukwentuhan na lang tayo dito?" iritableng sabi ko.
"Alexia Valentines na Valentines ang sungit mo. Siguro wala kang kaheart to heart kaya ka ganyan no?" pang asar ni Maicka.
"Ikaw ba naman first time magkagusto sa isang lalaki eh dun pa sa taken na. Sinong hindi mabibitter nun?" pambubunyag ni Ashley na ikina irap ko.
"Uy share share naman dyan. Sino ang maswerteng nakabihag sa puso ni Alexia?"
"Yyyiieee... Inlababo naman pala."
"Malas mo naman bakit sa taken pa? Agawin mo asawa nga naaagaw pa, jowa pa lang kaya?"
"Sino ba kase? Kami na gagawa ng paraan para kayo ang magkatuluyan. Ichapwera natin yung jowa."
"Hahahahaha."
"Kayo! B.I kayo ah," singhal ko sa kanila.
Kung anu ano ang pinagsasasabi. Lalo tuloy akong nababadtrip. Haaaiiistt!
"Alam mo magpakulong na lang kayo ni Lucas sa Jail Booth ng limang oras para magtigil yang bunganga mo sa kadadakdak. Daldal mo Ashley. Oh chocolates mo sumakit sana ipin mo. Hhmmpp!"
Natatawa naman nitong inabot ang binibigay ko.
"Yun nga balak ko Alexia. Baka kase bigla na lang may magpusas sa baby ko at itakbo palayo sakin nakuuuuuu!!!! Buti na yung nakatali sakin walang makaka agaw diba?" nakangiting sagot ni Lucas.
Naghiyawan ang mga nakarinig sa kalandian nya.
"Yyyyiiieeee! Haba ng hair mo Ashley."
"Idol Lucas! Hooooo!"
"Seryoso na talaga ang ating Mr. Playboy!"
"SANA ALLLL!"
"Bilib na talaga ako sayo. Boto ako sayo para sa kaibigan ko basta wag na wag mo lang sasaktan yan ipapadala talaga kita sa planetang Mars."
Ngumiti sya saka nag salute sakin.
Tinapos naming tatlo ang one hour bago pumalit sina Maicka samin.
"Alexia, Yumi doon muna ako ah. Kitakits na lang ulit bukas," paalam ni Casey.
"Sige!"
"Alexia tara sa Marraige Booth. Tingnan natin kung sino mga nagpapakasal. Dali!" hila sakin ni Yumi.
"Wait lang naman. Manghila wagas? Excited much?"
Nag peace sign lang ito sakin. Akmang aalis na sana kami ng biglang may magpusas sa braso ni Yumi. Nagulat naman kaming dalawa.
"Miss Yumi sorry napag utusan lang!"
Aangal pa sana sya kaso bigla na syang hinila ng dalawang lalaki. Napa anga naman ako dahil sa pagkagulat.
"Wow! May secret admirer ata si Yumi ah."
Mahina akong tumawa saka nagpatuloy ng maglakad papunta sa booth nina Mariko.
Napadaan ako sa Dedication Booth. Nakita kong nakakunot noo pa rin si Ash habang busy sa mag babasa ng mga dedication letter at pagpiplay ng songs.
Bad mood pa rin sya? Ano kaya pwede kong gawin?
"Ahh! Alam ko na!"
Buti na lang may ballpen at notepad sa shoulder bag ko. Kinuha ko iyon at nagsulat ng pwedeng sabihin.
Nang matapos ako ay agad akong napangiti.
Lumapit ako sa pwesto nila at inilapag ang papel na pinagsulatan ko. Pati ang bayad ay inabot ko kay Clythe na busy kaya hindi nya ako napansin. Kahit si Ash ay ganun din. Hindi man lang tumitingin sa mga nag aabot ng dedication sa kanya. Diretso lang sa papel ang ang tingin nito.
Medyo lumayo ako sa pwesto nila pero sakto lang para makita sya sa ginagawa.
Turn na ng dedication ko kaya nakaramdam ako ng konting kaba. Shocks!
Napansin kong kumunot ang noo nya at sandaling nagisip kung babasahin nya ba o hindi. Pero syempre in the end binasa pa rin nya.
"The moon is a loyal companion. It never leaves. Its always there, watching, steadfast, knowing us in our light and dark moments, changing forever just as we do. Every day its different version of itself. Sometimes weak and wan, sometimes strong and full of lights. The moon understands what it means to be human. Uncertain. Alone. Created by inperfections.
May kaibigan akong nakapagsabi na gustong gusto nya ang pagsapit ng gabi dahil muli nang magpapakita ang buwan na syang tanging nakaka alam ng ating mga tinatago sa liwanag. Pero...... hindi natin kailangan na laging bumase sa buwan dahil minsan may taong laging nandyan at handang makinig sa ating mga kalungkutan. Naghihintay lang syang lumapit ka at nakahanda syang pangitiin ka.
I dedicated this message to the one who is reading it.
Smile and be happy. You deserve it!
From: unknown"
Napangiti ako ng nakita ko syang ngumiti matapos basahin ang sulat. Ang mga kababaihan na nakapaligid sa booth nila ay nagbulungan na para bang kinikilig. Ang iba ay napatigil sa ginagawa at nakatingin lang kay Ash. May ibang lumilinga linga para hanapin ang nagdedicate ng mesaage dahil alam nilang hindi sa kanila galing iyon. Kahit si Clythe ay napatigil din sa ginagawa at napatingin sa nakangiti na ngayong Ash.
Masaya ako dahil kahit papaano napangiti kita.
Nagulat ako ng luminga linga si Clythe na para bang may hinahanap.
Nagulat ako ng magpatingin sya sa pwesto ko. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang gagawin. Nang muli akong tumingin sa kanya akala ko tatayo sya at lalapitan ako pero hindi pala. Ngumiti sya sakin at pasimpleng nag thumbs up.
I press my lips to hide my smile.
Masaya akong tumalikod at naglakad papunta sa booth nina Mariko.
Hindi pa ako nakakalapit ng may marinig ako.
"Shocks girl may color coded nga pala at ngayon na ang start nun. Mga naka red ang unang huhulihin."
"Ayyyy... nakared dress ako baka may bigla na lang humawak sakin. Itago mo ako girl."
"Ano ka? Magtago ka bilis. Two hours din walang labasan yun."
Rinig kong bulungan ng dalawang babae sa gilid ko. Napatingin ako sa akin suot.
Ayyy... langya naka red ako.
Dali dali akong lumakad pabalik dahil hindi ko alam kung sino sa mga estudyanteng nagkalat ang mga nanghuhuli.
Delekado ako.
Naalala kong bigla si Ashley. Naka red yun. Natawa ako sa magiging reaction nya kapag nahuli. Pero siguro naman magkasama sila ni Lucas ngayon kaya no worries.
Dahil sa kadalianan ay hindi ko napansin ang nasa unahan ko kaya nabangga ko sya.
"Sorry! Sorry po hindi ko sinasadya nagmamadali kase ako eh. Sorry tal---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may nagpatigil sakin.
"Hey! Hey! Okay lang. Its me Krystal."
Nagulat naman ako sa narinig kaya agad akong napatingin sa kanya.
Saglit kaming nagkatitigan ni Ash. Nakahawak sya sa magkabilang balikat ko habang ang dalawa kong braso ay nakadantay sa dibdib nya.
Walang umiimik samin kahit gumalaw manlang ay hindi ko magawa dahil sa lalim ng titig nya sakin.
Pakiramdam ko sobrang bilis ng mga kilos at galaw ng nasa paligid namin at tangin kaming dalawa lang ang nasa gitna nito.
Pati ang tibok ng dibdib ko ay nagrambulan na. Para bang may nagwawala sa loob ng tiyan ko at gustong kumawala.
"Krystal! Krystal!"
"Huh?"
"Nakatulala ka. May problema ba?" nagtatakang tanong nya na ikina bigla ko.
Agad akong natauhan at lumayo ng kaunti sa kanya.
"Ahehehe... sorry nagmamadali kase ako pero walang problema. Hehehe," pagpapalusot ko.
Tumawa sya ng mahina. "Natatakot ka bang mahuli?"
"Ha? Ah kase ano eh. Ahhmm parang ganun na nga," ngumiti ako ng nahihiya.
Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa braso at hinila.
"S-Saan tayo Ash?" nauutal na tanong ko sa kanya.
"Sa favorite spot mo dito sa school. Sigurado akong hindi ka nila makikita doon."
Magkahawak kamay kaming tumakbo papalayo sa field. Ramdam kong masaya sya dahil nakangiti na sya ngayon.
Ngiting gustong gusto kong makita at maging dahilan nun.
Nakaramdam ako ng pagod nang makarating kami sa bridge. Pagod pero masaya.
"Gusto mo bang pumunta sa kabila?" hinihingal na tanong nya.
Tumango ako saka ngumiti.
Inilahad nya ang kanyang kamay sakin. "Tara!" nakangiting tugon nya.
Nagdadalawang isip na tinanggap ko iyon. Sabay kaming tumawid sa tulay at pumunta sa kakahuyan na napuntahan ko dati. Lihim ako ngumiti ng tumingin ako sa magkahawak naming mga kamay.
Tumigil kami nang makarating kami sa daan na kung saan nakahilera ang mga puno sa magkabilang gilid.
"Ang ganda diba?" tanong nya saka tumingin sakin.
Tumango ako bilang sagot. Nakaka speechless naman.
"Sa dulo ng daan na'to may lawa. Doon pumupunta ang tubig na nangagaling sa talon at dumadaloy sa ilog."
Marahan nya akong hinila at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Wow! May mas igaganda pa pala ang lugar na ito," manghal bulalas ko nang makarating kami sa may lawa.
Umupo kami sa damuhan.
Pagkatapos ng mga punong dinaanan namin kanina ay malawak na parang ang bumugad samin. Nasa baba neto ang lawa na kumikinang dahil sa sikat ng araw.
"Sabi ko na nga ba't magugustuhan mo dito," ngumiti sya sakin.
"Nakakatuwang makita kang masaya at nakangiti na ulit. Smile ka lang lagi kahit may problema. Tumawa ka kahit na malungkot ka. Smile ang laughter is the best medicine to ease the pain," natigilan sya sa sinabi ko at mukhang nagulat. Ngumiti na lang ako sa kanya saka pinat ang kanyang balikat bago muling ibinalik ang tingin sa lawa.
"Haaaayyy! Ang sarap ng hangin dito."
Bulalas ko saka itinukod sa likod ang dalawang braso at pumikit.
Pero ramdam kong nakatingin parin sa akin si Ash na hinayaan ko na lang.
"Alam mo parang ikaw sya. May nagpalakas din kase ng loob ko kanina. Nalimutan ko tuloy na may problema ako. Kahit na hindi sya nagpakilala doon sa message ramdam kong kilala ko na sya."
Hindi ako kumibo.
"Thank you Krystal. Thank you for making me happy. Happy Valentines Day! This is my gift for you. You can go here whenever you want."
Nang marinig ko iyon mula sa kanya sa loob loob ko gusto ko ng magwala at yakapin sya ng sobrang higpit pero, I keep myself calm.
Masaya ako.
Matapos naming tumambay doon ay bumalik na kami sa school. Sakto namang tapos na ang isang araw.
Nang makabalik nga ako sa dorm ay sandamakmak na tanong agad ng nabungaran ko. Kesyo saan ako nagpunta? Kung magkasama daw ba kami ni Ash? O kung nahuli din daw ba ako dahil hindi nila ako mahanap.
Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanilang tatlo.
"Anong meron? Happy ka yata Alexia ah," Yumi said. I just shrugged my shoulder.
"I smell something fishy talaga eh. Ngiti pa lang malansa na."
Natawa naman ako sa sinabi ni Ashley. Hinayaan ko na lang silang mag isip ng kung anu ano dahil gusto ko ng matulog. Masaya ako kaya kailangan kong mag beauty rest.
Happy thoughts come to me. Take me to my dreamland!
****
a/n: hi guys!😊😊
March na pala no? Ang bilis naman ng araw. Hahahaha charrr lang. February pa lang. At HAPPY VALENTINES po sa mga inlove dyan anywhere everywhere... inlove din po ako sa KOREANO hahaha😂😍
Nauna na yung feb. 14 ko advance kase ako.😂😂
sana hindi kayo bitter ngayon. huwag na kayong gumaya kay Ms. Author kase mag iitim talaga ako sa Valentines day hahaha. Joke lang. Happy lang po tayo.
HAPPY READING ebriwan! Hope you like this chapt. Keep safe! And always keep your heart safe from danger.😁
Don' t forget to click ☆ to ★! Kamsahamnida! Saranghae! Mwauaahhh!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top