Chapter 15

Loveteam

"Finally makakapagrelax na din."

Masayang bulalas ni Yumi. Katatapos lang kase naming gumawa ng group project tapos nakapamili na din kami ng mga ingredients na gagamitin sa pag bake. Tapos na din ang booth namin kaya makakapag enjoy na kami buong araw.

"Good job guys! So kitakits next week?" nakangiting sabi ni Andrew na class president namin.

"Thanks Pres!"

"Kitakits sa Valentines guys!"

"Oy! Oy! Ilista nyo naman kami ni Mae sa Marriage Booth kunwari hindi namin alam. Babayaran ko yung ipapambayad nyo doble pa," tumatawang sabi ni Yohan sabay akbay sa nakasimangot na si Mae.

Ang Away-Bati Couple ng class namin.

"Bwesit kang lalaki ka. Mag Marraige Booth ka mag isa mo."

"Babe naman."

See? Always silang ganyan pero kahit na ganun they really love each other naman.

Natawa naman kaming lahat.

"Alexia tara sa booth nina Ashley," pag aaya sakin ni Yumi. Tumango naman ako saka ngumiti.

"Pres una na kami ah. See you next week guys," nakangiting paalam ko sa lahat.

They waved goodbye saka kami nagmadaling hinanap ang booth nina Ashley.

"Wow ha! Dating Booth? Paniguradong kauna unahan ang pangalan nila ni Lucas dyan."

Ngumisi naman ako.

Lumapit kami ni Yumi sa pinagpapalistahan ng mga mag didate.

"Hey Caila. Pwede magtanong?"

"Sure! No prob."

"Nakalista na ba dyan name ni Ashley at Lucas?"

"Hhhmmmm??"

Ngumiti sya ng malapad at tumango. Ipinakita nya sa amin ang notebook na pinaglalagyan ng mga names.

"Kauna unahan at limang beses pa."

Napangiwi naman kami ni Yumi at nagkatinginan.

"Actually si Lucas ang naglista neto. Ang laki nga ng ibinayad eh dahil gusto nya 3hours daw dapat silang magkasama ni Ashley sa loob. Mukhang seryoso na talaga sya sa kaibigan nyo. Bibihira yung ganun."

Ngumiti kami ni Yumi at tumango.

"Alam ba ni Ashley?" tanong ko.

"Nope! Ayaw ipasabi ni Lucas eh. May surprise ata na nakaabang."

Ngumiti ako.

Iba talaga pag seryoso na no? We will support them naman. Huwag nya lang talagang sasaktan ni Ashley at tatlo kaming makakalaban nya.

"Hoyyyyy! Mga bruha kayo nandito na pala kayo pinahanap nyo pa ako," matinis na sigaw ni Ashley mula sa likuran namin.

"Sinabi ba naming hanapin mo kami?" sarkastikong tanong ni Yumi.

"Cheee ka!"

Natawa naman si Caila dahil sa kakulitan ng dalawa. Nagpaalam na kami saka naglibot libot din sa ibang booth.

Napuno ng mga nakatayong booth at stall ang buong field. Nagkalat din ang mga estudyanteng nag aayos at mga namamasyal.

"Narinig  ko habang hinahanap ko kayo kanina na Dedication Booth ang napili ng klase nina Kaizer. At silang tatlo nina Lucas ang mismong magbabasa ng mga dedication at request ng mga students," balita samin ni Ashley habang naglalakad. Papunta kase kami kay Mariko.

"Buti napapayag sya?" natatawang tanong ko.

"Kapag daw kase hindi sya pumayag sya ang gagawing pain para sa mga students. Kumbaga may free kiss mula sa kanya. Kaya no choice sya."

Natawa kami.

"Ate Mariko!" sigaw ni Ashley na ikinaharap ng nakabusangot na si Mariko.

"Mas mukhang ate ka pa sakin eh," singhal neto kay Ashley na ikinatawa naman ng huli.

"Ilista mo name namin ni Lucas ah. Kunwari hindi ko alam. Don't worry ako magbabayad."

Nakatikim naman sya ng sapak mula kay Yumi.

"Lahat yata ng booth gusto mong subukan ah. May dat---arshssjsjbvgdjkksoksjgs."

Tinakpan ko ang bibig ni Yumi dahil gusto pa yatang ibuking yung about sa date.

"Ha? Ano yun? May sinasabi ka ba?" kunot noong tanong ni Ashley.

Sinuko ko si Yumi at pinanlakihan ng mata.

"Ahehehehe.. Wala! Sabi ko ako na magsusulat ng name nyo ni Lucas."

Nagpuso naman ang mata neto pagkarinig ng sinabi ni Ashley.

"Really? Whhhaaa... The best ka talaga Yumi baby."

Niyakap nya pa ng mahigpit ang nakangiwing si Yumi. Natawa naman ako ng palihim.

Marraige Booth kase ang sa Med. Department. Marami na ngang gustong magpalista eh.

Napatingin ako sa booth nina Ash. Kumunot ang noo ko ng makitang bad trip ito. Nakaupo sya at nakakunot ang noo habang hawak ang cellphone na para bang may kaaway doon dahil sa sobrang diin nitong magpindot.

Tahimik din sina Clythe na naka upo sa tabi neto na halatang takot magsalita.

Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at muling ibinalik ang tingin sa mga kaibigan na ngayon ay may pinag uusapan na.

"Yah! Anong meron dyan ha? Nalingat lang ako saglit may pinagbubulungan na kayo dyan? Hindi nyo ba ako isasali?"

"Ahehehe... Wala lang 'to Alexia. Ahhmmm.. Tara na lang sa ibang booth."

Aangal pa sana ako ng hilahin na ako ni Yumi papunta sa Dedication Booth. Nakita kong naiwan sina Ashley at Mariko doon na para bang may seryosong pinag uusapan.

"Yow boys!" pasigaw na bati ni Yumi sa tatlo.

Kahit malayo pa lang ramdam ko na ang madilim at nakakatakot na aura ni Ash. Ngayon ko lang nakita yung ganito nyang side maliban doon sa cold at blank expression nya.

"Mukhang may pinagdadaanan yata kayo ah," natatawang sabi ni Yumi ng makalapit kami. Sinuko ko naman sya.

"What?" pabulong nyang tanong.

Nginuso ko ang seryoso at naka kunot noo na si Ash.

Tumingin sya sakin na nagtatanong kung anong meron. Dahil hindi ko din alam kaya nagkibit balikat na lang ako.

Umupo kami sa tabi ng dalawang walang kibo.

"Anong meron?" Pabulong na tanong ni Yumi kay Lucas.

Nagkibit balikat naman ito.

"Pagdating namin dito ni Clythe wala sya tapos pagbalik nya ganyan na yan. Hindi din namin alam kung bakit pero hinala ko talaga dahil kay Nathalie eh. Sya lang naman ang pwedeng maging dahilan kung bakit bad mood si Kaizer. This past few days napapansin ko ng may problema ang dalawa. Ayaw ko lang magtanong dahil baka ako naman ang pagtuonan nya ng inis," paliwanag ni Lucas.

"Okay naman yan kanina pero nang may tumawag sa kanya nagbago na lang bigla yung mood," sabi naman ni Clythe.

Napatingin ako sa nakatulalang si Ash. Ang layo layo ng tingin at malalim ang iniisip. Si Nathalie kaya? May problema ba silang dalawa?

Ayaw ko namang magtanong baka sabihing nangingialam ako. At isa pa problema nilang dalawa yun at wala akong kinalaman. Kahit gustuhin ko man syang icomfort hindi ko kaya, natatakot ako na baka magalit sya sakin.

Nagulat sya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali nya itong sinagot.

"Fck! Ano bang problema mo? Ano bang problema natin? Tell me aayusin ko naman eh hindi yung ganito. Ayaw mo akong kausapin dahil pagod ka at busy. Pagod din naman ako at maraming kailangang gawin pero naglalaan ako ng time para sayo dahil ikaw ang priority ko."

Nanahimik kaming apat dito sa gilid. Pigil ang hiningang nakikinig.

"Bakit kailangan mong makipag br---- Arrrggghhh!"

Sumigaw na sya dahil sa inis at pagpipigil na magalit. Sinabunutan nya ang sariling buhok saka padabog na umalis. Para syang may black aura sa kanyang paligid at lahat ng madidikit sa kanya ay natatakot. Kahit yung mga girls na gustong lumapit ay nagtataka at natatakot.

Nang makalayo sya doon lang kami nakahinga ng maluwag.

"Huwag muna natin syang guguluhin o kahit magtanong manlang. Hayaan muna natin syang magpalamig ng init ng ulo. Kapag nahimasmasan na saka natin kausapin."

Tumango kami sa sinabing iyon ni Clythe.

Magkakasama kaming anim na pumunta sa cafeteria para bumili ng pagkain.

Nagulat kami ng biglang may lumapit na girl sa gilid ni Clythe.

"C-Clythe! P-Para s-sayo."

Nauutal na sabi neto saka inilahad sa harap ni Clythe ang sulat na hawak. Tiningnan iyon ni Clythe ng walang reaction bago tumingin sa mukha nung babae. Nakayuko lang ito. Siguro dahil nahihiya sya.

Inabot iyon ni Clythe na ikina bigla ng babae. Hindi nya yun iniexpect kaya sya nagulat.

"Thank you! Pero, sorry wala akong balak na maging date mo kaya makakaalis kana."

Laglag panga!

Nagpipigil ng iyak yung babae bago ito tumakbo paalis.

Grabe! Nagpasalamat nga pero yun pala ipapahiya nya rin. Kawawa naman yung babae.

Tsk! Tsk! Mga lalaki talaga. Kapag ayaw ipapahiya na lang ng ganun ganun.

"Ang direct to the point mo bro! Malay mo naman gusto lang talaga nyang ibigay ang sulat sayo. Assuming ka din eh," natatawang sabi ni Lucas.

"Alam ko na mga galawan nila. Una, magbibigay ng letter, gift, chocolates or what so ever tapos kasunod nun tatanungin ka na kung may date kana ba? Then yun magpipresenta na yun na sya na lang ang maging date mo."

Natatawang umiling si Lucas.

Bigla ko naman syang hinampas ng mahina sa braso na ikinabigla nya.

"Awww.. Alexia para saan yun?" hinimas himas nya ang brasong pinalo ko.

"Ang bad mo kase. Kawawa naman yung babae. Dapat di mo agad binigla ng ganun. Tinanong mo man lang sana then sabihin mo ng maayos na hindi pwede na, ayaw mo."

Napakamot naman sya sa batok.

"Eh kase naman..... Haaiisst! Hayaan mo na nga yun nagawa ko na eh."

Pinalo ko ulit sya sa braso.

"Kainis 'to. Ang bad boy mo."

"Gwapo naman."

"Ano connect?" sabat ni Clythe kaya nakatikim sya ng sapak mula kay Clythe.

Nang makatapos kumain ay nagpasya kaming bumalik sa field.

Aalis na sana kami ng may tatlong lalaki na humarang sa dadaanan namin.

"Alexia!"

Banggit ng isa sa pangalan ko.

"Bakit? Anong kailangan mo sa kaibigan namin?" mataray na tanong ni Ashley.

"Si Alexia kinakausap ko at hindi ikaw miss," maangas na sagot neto.

"Hoy! Hoy! Hoy! Wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang girlfriend ko ah. Ako ang makakalaban mo," sabat naman ni Lucas na nasa harap na namin ngayon.

Actually sila ni Clythe ay nasa harap na namin.

"Tsk! Si Alexia ang kailangan ko kaya tumabi kayo dyan."

"Aba't ang angas mong gunggong ka ah."

"Ano bang problema nyo? Ha? Aayain ko lang namang maging date si Alexia. Wala syang date at wala din ako."

"At paano mo nasabing wala pa syang date? At isa pa sa tingin mo papatulan ka ni Alexia? Sa panget mong yan?"

Ngumisi yung lalaki.

"Bakit sa tingin mo gwapo ka?"

"Ang yabang," akmang susuntukin ni Lucas yung lalaki ng pigilan ko sya.

"Please lang umalis na kayo. At saka wala akong balak na maghanap ng date o mag sama ng date sa ball," mahinahong sagot ko.

Lumakad si Clythe papunta sa harap nung lalaki.

"Narinig mo yun? Kaya umalis na lang kayo kung ayaw nyong makarating 'to kay Kaizer. At isa pa kahit pumayag si Alexia na maging date mo hindi mo pa rin makukuha ang gusto mo."

Tiningnan ng may panunuya ang lalaki mula paa hanggang ulo.

"Yang mukhang yan? Wala akong tiwala na date lang ang gusto mo."

"May araw din kayo sakin."

Mayabang netong sabi saka padabog na umalis.

"Bro tinandaan mo ba ang mukha ng mayabang na yun?" tanong ni Clythe kay Lucas.

Ngumisi ito. "Naman. Nakakasuka nga dahil nakatatak sa utak ko ang pangit nyang mukha. Acck!"

"Good. Makakarating 'to kay Kaizer."

Bakit? Bakit parang big deal sa kanila yung nangyari? At bakit kailangan iparating pa kay Ash?

Humarap sakin si Clythe.

"Umiwas ka dun sa lalaking yun ah. Hindi sya maganda para sayo."

Ngumiti ako saka tumango.

"Thank you pala sa inyong dalawa. Siguro kung hindi namin kayo kasama pinilit na ako ng lalaking yun."

Ngumiti lang si Clythe.

"No prob Alexia. Anytime!" nakangiting sagot ni Lucas.

"Bakit naman kase ang ganda mong babae ka eh. Lapitin ka tuloy," komento ni Mariko.

"Haba ng hair. Naka rejoice ka ba girl?" sabay na kanta ni Ashley at Yumi na ikinatawa ko.

"Speaking of date? Wala pa'ko eh," nakasimangot na sabi ni Yumi.

Hinila ko si Clythe saka tinulak palapit sa kanya.

"Ayan oh nasa tabi mo na maghahanap ka pa."

"Alexia!"

Nahihiyang sigaw neto sakin sabay hampas sa braso ko.

Sus! Nahiya pa pero deep inside kinikilig na.

"Yyyiiieeeee!"

"Cly-Yu loveteam is now born. Magdiwang ang lahat," sigaw ni Ashley.

"Ano ba kayo. Nakakahiya kay Clythe oh."

"Hayaan mo na lang sila Yumi. Let's just go with the flow. Kay?"

Tumango ito saka ngumiti.

Hhhhmmm?? Mukhang may susunod na namang magiging taken ah.

Ako kaya kelan? Charrr!

Pagkauwi namin sa dorm ay agad akong humiga sa kama at nakipagtitigan sa kisame.

Bigla kong naalala yung nangyari kanina sa Dedication Booth.

Okay lang kaya si Ash? Okay na kaya sila? Haayyyy!

Tama si Clythe. Kailangan munang magpalamig at mapag isa ni Ash ngayon. Saka ko na lang sya kakausapin kapag okay na sya. Hindi ko talaga mapigilang hindi mag alala. Sana naman okay na sya.

Dahil sa pag iisip at pagod ay agad akong kinain ng antok.

****

a/n: alam kong ang lame ng chapter na'to... feel na feel ko.
Pero sana nagustuhan nyo parin.

Happy Reading! Mahal ko kayo😘 Keep safe!
Don't forget to vote and comment ur reactions ( suggestion or any violent reaction ) lablots❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top