Chapter 14
Just Coincidence
At inaasahan ko na nga na tatanghaliin ako ng gising ngayon dahil sa pag iisip. Buti na lamang at 9:00 pa ang klase namin ni Yumi.
"Good morning!" nakasimangot na bati ko kay Yumi pagkakita ko sa kanya na nanonood sa salas.
"Morning din Alexia. Akala ko hindi ka na babangon sa kama mo eh. Oh! Bakit parang biyernes santo ang mukha mo?" natatawang sabi ni Yumi.
"Hindi kase ako pinatulog ni As---- ahhh. Hehe. Wala pala. Hindi lang talaga ako makatulog. Sige ah magaayos na ako paramakapasok na tayo."
Dali dali akong bumalik sa kwarto para maligo at mag ayos ng sarili.
Salbaheng bibig. Muntik na akong madulas dun ah.
"Asus! Sariling bibig mo na ang naglalaglag sayo."
Rinig kong sigaw nya habang tumatawa. Nakakaasar! Hhmmpp..
Pagkadating namin sa room ay busy ang lahat sa kanya kanyang ginagawa.
"Mukhang walang klase ah," bulong ni Yumi.
"Yah! Angel anong meron?" tanong ko sa classmate naming mukhang anghel pati pangalan anghel din.
Angel sa umaga demonyo sa gabi. Ahhh.. hehehe... I mean Angel sa umaga Angelo sa gabi. Oh! Wala ng maraming tanong alam nyo na kung ano ibig sabihin nun. Hahaha.
"Alam nyo gurls wala si Ms. CAstro ngayon dahil may important meeting daw ang mga prof sa labas ng school kaya ligalig ang lahat. Ganern! And once more, busy ang lahat sa paghahanap ng kadate para sa Valentines Ball."
"Eh ikaw? Bakit hindi ka naghahanap?" tanong ni Yumi.
"Hay naku mga gerlalu. Busy ako sa counsil kaya i have no time. Pero, aayain ko si Papa Clythe mamaya kaya no worries."
Umacting naman na nasusuka si Yumi sa sinagot ni Angel-o.
Baklang 'to!
"As if papatulan ka nun. Allergy ata yun sa mga bakla eh."
Siniko ko naman sya.
"Baka ka marinig."
"Okay lang. Totoo naman eh."
Tumawa pa sya saka kami umupo sa aming seat.
Isinaksak ko agad ang earphone sa aking tenga at nagpatugtog ng nakakabingi sa sobrang lakas at yung tipong may sarili kang mundo na ikaw lang ang nakaka alam. Saka ako pumikit sandali.
Ilang oras pa ang lumipas naramdaman kong may yumuyogyog sakin. Idinilat ko ang aking mga mata.
"Bakit?"
"Ang boring dito. Labas tayo. Nasa field daw sina Ashley at Mariko."
Kokonte na ang nasa loob. Siguro nagsilabasan na din ang iba naming classmates. Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Nakakaantok kase yung tugtog.
"Sige!"
Hila hila ako ni Yumi papunta sa field.
"Teka lang. Nagmamadali? Nagmamadali?"
"Ang tamlay mo kase eh. Dalian mo."
"Bakit ba kase? Ha?"
"You will see. Kaya dalian mo na baka mahuli pa tayo sa magandang eksena."
"Eksena? Ano bang meron?"
"Wala ng madaming tanong. Dalian mo na."
Hila hila nya ako habang tumatakbo kami. Agad naming nakita kung saan nakapwesto sina Ashley.
"Anong meron?" naguguluhang tanong ko.
May nginuso si Ashley kaya sinundan ko kung saan yun nakaturo.
"Wow! Sino may pakulo nyan? Ang effort ah!"
"Nag effort nga mababusted din naman."
"Huh?"
Kumunot ang noo ko sa pahayag na yun ni Ashley.
"May nakapagsabi sakin na lahat daw pwede ng gawin mapalalaki man o babae. Bakit daw palalampasin ko pa ang pagkakataon kung kaya ko namang gawin diba? Wala namang batas na nagsasabing bawal mauna ang babae kaya why not. Hanggat may pagkakataon sunggabin mo na. Kaya....."
Huminga sya ng malalim bago tumingin sa lalaking naka kunot noong nasa harap nya ngayon. Nasa likod naman ng lalaki ang dalawang kaibigan neto.
"Kaizer! Can you be my date this coming Valentines Ball? And I don't accept No for an answer."
Shiela? Si Shiela ang gumawa neto? Para ayaing maging date nya si Ash? For real? Oh. My. Gulay!
"Ang lakad ng loob nya!" bulong ni Mariko.
Nakatingin lang si Ash dito at hindi sumasagot.
"Kaizer? Silence means Yes."
Yumuko at bumuntong hininga si Ash bago siniksik sa bulsa ang dalawang kamay.
"Ms. Rescober for me, silence means get lost. Ayaw kong maging harsh at mamahiya dahil may respeto ako sa babae pero itong ginagawa mo? Ang sakit sa mata sa totoo lang."
Nagtawanan ang lahat maliban sakin. Hindi ko pa kase napaprocess ang sinagot ni Ash.
Ayaw nyang mamahiya? Grabe ha. Hindi pa ba pamamahiya yun? Halos lahat ng students pinagtatawanan na si Shiela eh.
"At isa pa, I already have a date. Sorry Ms. Rescober pero ngayon tatanggap ka na ng No. Hindi kase lahat ng gusto mo makukuha mo."
"Awwwwww!"
"Ang sakit nun. Nag effort ka pero hindi mo naman nakuha yung gusto mo."
"Kahit sobrang ganda mo pa o yaman hindi lahat makukuha mo ng ganun ganun na lang. Tama si Pres."
"Sino kaya yung date ni Pres noh?"
"Oo nga eh. Ngayon na lang ulit sya nagkaroon ng kapareha kapag may ball sa school."
"Ang swerte naman nung girl? Curious tuloy ako."
"Sino kaya sya?"
"I want to know para maisulat ko sa List Your Request Couple. Kyyaahhh!"
"Panu si Nathalie?"
"Don't mind her. Huwag mong babanggitin ang name ng taong wala dito."
Rinig kong bulungan ng mga chismosa sa likod namin.
Aalis na sana si Ash ng muling magsalita si Shiela.
"Sino sya?"
"You don't have the right to know."
Masungit na sagot nito saka tuluyan ng umalis. Napa upo naman sa ground si Shiela dahil sa kahihiyang nangyari. Onti onti na ring nagsasaalisan ang ibang students.
"Oh my gas! Sino kaya yung date ni Kaizer?" bulong na tili ni Ashley.
"You don't have the right to know daw nga diba?"
"Asar ka. Si Shiela ba'ko? Ha?"
Mag aaway na naman ang dalawang 'to. Ang sakit sa tenga eh.
"Ang taray ni Papa Kaizer noh? Sakit daw sa mata. Hahaha. Napapaghalataang bitter na bitter."
Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Ashley. Daming alam. Tsk!
Kailangan naming gumawa ng summary about sa last topic namin kaya nagpunta kami ni Yumi sa library. Nauna na sya doon dahil may dinaanan pa ako sa locker ko.
Habang naglalakad ay may sumabay sakin. Hindi ko nakita kung sino dahil busy ako sa pagtingin sa notebook ko.
"Krystal!"
"Ay kabayong napatid ng palaka... ano ba naman. Papatayin mo ba ako sa kab---- Ash?"
Nakatabon ang kamay nya sa bibig at halatang pinipigilan ang tawa.
"Alam mo nakakaasar ka. Huwag mo na ngang pigilan yan baka kung saan pa yan lumabas sige ka."
I said then pout.
"HAHAHAHAHAHA. Nakakatawa. Sakit sa tyan eh. HAHAHAHA."
At iyon na nga tumawa na sya ng pagkalakas lakas nakahawak pa sa tyan nya.
"Asar!"
Bulong ko then rolled my eyes at him.
"Krystal ang cute mong mag pout. Isa pa nga."
Kukurutin pa sana nya ang cheeks ko ng tabigin ko ang kamay nya.
"Galit ka? Sorry na! I just can't help it. Ang cute mo lang kaseng magulat. Ang epic eh."
Tatawa pa sana sya ng irapan ko sya.
"Isa pa tatadyakan na talaga kita dyan."
"Sorry na Krystal. Wag ka na galit," he said then pout.
"Pppffffttttt... Hahaha. Mukha kang bakla."
Mas lalo pa syang sumimangot sa harap ko. Ang cute! Mukhang tuta.
"Ano ba kase yun? Nanggugulat ka na lang kase bigla. Pasulpot sulpot ka pa."
"Ano ba kase yang binabasa mo? Panu kung matisod ka habang naglalakad sa hagdan edi nahulog ka pa nyan. Masaktan kapa. Concern citizen here."
"Okay lang kung masaktan kapag nahulog atleast may sumalong sahig. Kesa naman mahulog sa taong may ibang mahal. Nasaktan kana nga di ka pa sinalo. Awts gege."
"Huh?"
Napatingin naman ako sa kanya na naka kunot noo.
"Hindi mo naintindihan?"
"Hindi. Ang hina ng boses mo panu ko maririnig?"
"Mabuti naman."
"Ano ba kaseng binubulong bulong mo dyan?"
"Sabi ko manhid ka."
"Ha?"
"Ha? Ha? Hakdog!"
"Krystal ewan ko sayo."
Natawa naman ako. Asar talo!
"Papunta ako sa library para gumawa ng summary kaya kung wala ka namang ibang gustong sabihin ay mauuna na ako dahil nandoon na si Yumi naghihintay sakin. See you around, K?"
Taray ng lola nyo no? Huh!
"Sige! Mauuna na po ako Mr. Pres."
Hindi pa ako nakakalayo ng magsalita sya.
"Krystal. About last time, yung sa River. Ano. Kase. Ano naaalala mo ba yung kwinento ko sa inyo about sa myth ng tulay na yun?"
"Bakit?"
Bigla akong kinabahan.
"Kalimutan mo na lang. Its just coincidence at walang ibang meaning yun. Nagkataon lang na nagkita tayo. Doon kase ako nagpapahangin sa tuwing nag aaway kami ni Kiara."
Ngumiti ako. "Ano ka ba hindi mo naman kailangang magpaliwanag sakin. Isa pa nakalimutan ko na nga yun eh."
Liar Alexia!
"Ayaw ko lang kase na mag isip ka."
Napuyat na nga ako sa pag isip dahil doon eh.
"Ash its just a sabi-sabi at paniniwala kaya you don't have to worry. Wala na yun sakin."
A lie!
Ngumiti sya. "Oh panu may gagawin ka pa yata alis na'ko," tumalikod na sya sakin.
"Ash sandali," pigil ko sa kanya. Humarap naman sya ulit sakin.
"Hmmm? May sasabihin kapa?"
"Ahhmm. Y-Yung. Yung sinabi mo kanina na pumupunta ka doon kapag nag aaway kayo. M-May problema ba?"
Umiling sya saka ngumiti.
"Konting tampuhan lang. Hindi naman yun mawawala sa isang relasyon pero okay na. Oh panu kitakits."
"Sige!"
Then he waved goodbye.
Pinagmasdan ko lang sya habang papalayo sakin. Kalimutan? Hindi ko yun makakalimutan. Coincidence? Siguro nga. Pero may impact sakin ang tagpong yun. Walang ibang meaning? Sa kanya oo, pero sakin meron.
Tumawa ako ng mapakla. Ano ba kaseng halaga nun sa kanya its just coincidence nga lang daw diba? Kalimutan ko na lang daw nga diba?
Apakasakit naman nun!
****
A/N: hey mga kaibigan! Hope you have a great day today! Huwag kalimutang ngumiti ah bawal sumimangot ngayon nakakabawas ganda yun. Dapat happy lang!
Hope you enjoy this chapter.
Maraming salamat sa pag babasa at pag suporta. Mahal kayo ni Author.😘😘😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top